18
After every happy moment comes a sad and shocking one.
----
~Pauline Batumbakal~
I opened my eyes only to be welcomed by a blinding light. As soon as I adjusted with the surroundings, I figured I was in a beautiful place.
It's very beautiful that I can call it a paradise.
I looked around as I walked. Suddenly, a hand clasped my shoulders which made me yelp in shock. I turned around and my eyes widened.
"L-lola?" I called, clearly shocked, "L-lolo?"
"Apo..." They said in unison. I held their hands and tried to envelope them in my arms but they started to fade away. They're starting to be erased in my sight.
"D-don't leave yet!" I shouted, trying to bring back their color. They're starting to be invisible.
"Police station..." They whispered and that's when their images totally faded away.
"LOLO! LOLA!" Sigaw ko kasabay ng pagbangon sa kama.
"Kendi/Best?" Naalimpungatan na sabi ng dalawa kong kasama sa kwarto. Kinusot-kusot nila yung mata nila at antok na naglakad papunta sa'kin. Tumabi sila sa kama ko. "Anong nangyari?"
"D-Dalie... F-francine..." Bulong ko, "Napanaginipan ko sila lolo at lola."
"Anong nangyari?"
"Walang nangyari." Sabi ko, "Pero kailangan kong pumunta sa police station sa lugar namin nila lolo at lola."
"Ha? Bakit?"
"Sinasabi nila yun habang nawawala sila sa panaginip ko." Medyo takot na saad ko, "There's nothing wrong in trying, right?"
Nagkatinginan silang dalawa sabay binalik ang tingin sa'kin, "We'll go with you."
***
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa station. Kasama ko si Francine, Dalie at Seth. Hindi nakasama si Drany at Dane dahil nasa mama nila sila.
Tiningnan kami ng mga pulis. Siguro nagtataka sila kung bakit nandito kami. Kahit sino naman siguro, kapag nakakita ka ng high school student na papasok sa police station, magtataka. Pero, wala akong pake. Basta, alam ko, para 'to kina lolo at lola.
Sana may matulong ang mga pulis. Gusto kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nina lolo. Bakit ba kasi ang tanga ko? Hindi ko man lang napansing pinapatay na pala sina lolo at lola!
"Ano 'yon?" Takang tanong ng pulis na naka-upo sa desk na nilapitan namin. Siya yata 'yong chief.
Umupo ako sa harap niya, "May itatanong lang po sana ako."
"Ano 'yon, hija?"
"May... Pumunta po ba ditong matandang lalaki at matandang babae?"
"Anong pangalan ba?"
"Leogarda at Robin batumbakal po."
"Ay, meron. Last last last week pa 'yon, ah. Bakit?"
Nagkatinginan kami nila Seth. So, nagpunta nga sila? Ibig sabihin... tinutulungan ako nila lolo at lola na hanapin kung sino 'yong pumatay sa kanila? Bakit? Bakit hindi na lang nila sabihin ng diretsyuhan para agad ko nang mapahuli 'yon?
"A-ano pong ginawa nila dito?" Nanginginig na tanong ko.
"Saglit lang, hija, ah. Di ba... patay na 'yong mga 'yon? Bakit mo hinahanap?"
Natahimik ako saglit, pero nagsalita din kalaunan. "Lolo at lola ko po 'yon, chief. Gusto ko lang pong bigyan ng katarungan 'yong pagkamatay nila."
"Nako, ineng. Dapat hindi ikaw 'yong gumagawa nito. Dapat ipaubaya mo na lang sa amin."
Gusto ko sanang sabihin na, 'Ah, eh, ipaubaya sa inyo? Ano bang ginagawa niyo? Nag-ca-clash of clan lang naman kayo nung pumasok ako, eh.' Kaso, wag na. Baka sumama loob.
"Basta po. Sige na po, ano po bang ginawa nila dito?"
Bumuntong-hininga siya, "Pinapahanap nila 'yong records ng mga insidente na nangyari noong September 18, 1998."
Nanlaki 'yong mata ko. Napatingin ako kay kendi.
"B-birthday natin 'yon, di ba?" Tanong niya. Tumango ako.
"'Yon din 'yong araw kung kailan namatay 'yong mom at dad ko." Bulong ko. Nanlalaking mata kong tiningnan ulit 'yong pulis, "Hinahanap ba nila 'yong... records niyo?" Tumango siya, "Tinanong ba nila kung... may nasagap na kayong impormasyon kung bakit... sumabog 'yong ship?"
"Ah, 'yong ship na sumabog 'yong tinutukoy din nila. May alam ka pala do'n?" Tanong niya.
"Ako po 'yong nag-birthday sa ship na 'yon."
Tumango-tango siya, "Ahhh." Nag-seryoso siya ulit, "Hija, wala kaming nahanap na bakas doon. Hindi namin alam pero kung totoong may nagpasabog man no'n, matalino siya. Matalino 'yong killer."
Kumabog ng malakas 'yong dibdib ko. Hindi ko in-expect na aabot ako sa ganito. Hindi ko in-expect na mamamatay sina lolo at lola sa mismong birthday ko, hindi ko in-expect na may malalaman ako tungkol sa nangyari no'ng birthday ko. Wala akong in-expect sa mga ito. Ang alam ko lang no'n, mabubuhay ako bilang isang normal na tao. Hindi pala.
Sobrang kumplikado ng lahat. Sobra.
Tumango ako, "S-sige po. Babalik po kami ulit dito, ha? Salamat po." Tumayo na ako.
"Mag-iingat kayo, hija, ha? Madaming nakabantay sa paligid." Sabi niya na nakapagpakilabot sa'kin. Tumango na lang ako at niyaya nang lumabas sina Seth.
Nang makalabas na kami, naisipan naming maglakad na lang papunta sa bahay nila lolo at lola. Tahimik kaming lahat, pinipilit isipin kung bakit ba nangyari 'yon.
Bakit ba biglang hinanap nila lolo at lola 'yong may sala sa pagsabog ng ship? Bakit ngayon lang?
Huminto kami sa harap ng gate ng bahay nila lolo at lola. Bubuksan ko na sana 'yong gate kaso napansin kong may sticky note na nakadikit do'n. Kinuha ko 'yon at binasa.
Once in the past, it's in the past. Hindi na kailangang hukayin o halungkatin pa. Kaso... nagawa na, eh. Kaya, pinatay ko na. Haha. At dahil nakikialam kayo... Boom.
Saktong pagkatapos kong basahin 'yon ay parang may bakal na bumagsak sa tabi ni kendi. Nasa tabi ko lang siya kaya narinig ko. Napatingin ako do'n. Nanlaki 'yong mata ko.
"Guys, tabi na! Dali! May maliit granada!" Sigaw ko. Agad naman kaming tumakbo paalis do'n at sumabog 'yong granada. Medyo nabutas no'n 'yong gate.
Pinakita ko sakanila 'yong sulat.
"Wag na kayong sumama sa'kin." Desidido na sabi ko, "Mapapahamak lang kayo."
"Kaibigan mo kami, kaya sasama kami sa'yo." Sabi ni Seth.
"Ayaw ko kayong madamay."
"Walang iwanan, di ba?" Sabi naman ni Dalie.
"Hindi ka namin iiwan, Pauline. Sama-sama tayo dito." Sabi naman ni Francine.
Ang swerte ko at naging kaibigan ko sila.
Tumingin-tingin ako sa paligid.
Pero...
Killer, ano ba talagang kailangan mo? Nasaan ka ba?
----
A/N: Guys! :( Sorry kung hindi ako nakapag-update last week! Believe me, I tried. Pero... sobrang dami kasing ginagawa eh! Now, I'll try to update 10 chapters. KUNG KAYA KO, AH! Sige. :) Annyeong~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top