17

~Narration~

Matapos ang eksena na yun ay naisipan nilang dumiretso sa mall para mag-relax. Mabuti nga at pumayag si Pauline. Hindi na kasi sya masyadong gumagala ngayon. It's a relief for them na makakasama ulit nila ang kaibigan sa mall.

Nasa foodcourt sila ngayon, namimili ng kakainin.

"Pauline, di ba sabi mo gustong gusto mo ng dak galbi? Meron dito, oh." Sabi ni Dane. Napatingin sakanya si Pauline. Lumapit ito dito at tiningnan ang mga nakahain na pagkain. Buffet style. "Ano? Gusto mo? Libre ko."

"Pauline, di ba gusto mo din ng samgyupsal? Meron din dito." Sabi ni Charles. Nasa tabi sya ni Pauline. Nakapagitna na naman si Pauline sa kanilang dalawa ni Dane.

"Pre, di ba nauna akong magyaya?" Inis na tanong ni Dane.

"Nauna ka, ako naman yung huli." Makahulugan na sagot ni Charles.

"Yun na nga, eh. Huli kana. Hayaan mo na sya sa nauna."

"Hindi naman lahat ng nauna, yun na yung tama, eh. Madalas, kung sino pa yung nahuli, sya pa yung mas karapat-dapat."

"Pero-"

"Tss." Pagputol ni Pauline sa pagbabangayan ng dalawa. Iniwan nya ang mga ito at dumiretso sa stall na nagtitinda ng beef steak. Pinanuod na lamang sya ng dalawa na bumili ng sarili nyang pagkain.

"Kasalanan mo 'to, eh." Sabi ni Dane, "Kung hindi ka sumabat, nalibre ko na sana sya. Hindi na sana syang nainis pa."

Charles glared at Dane, "You started the argument first. You could've just let her choose what she wanted than throw a line like that." Tapos iniwan nya na ang isa para kumuha ng sarili nyang pagkain.

Nang makakuha na sila ng mga pagkain nila ay nagsama-sama sila sa iisang table, natural. Once again, nakapagitna na naman si Pauline sa dalawang abno na nagngangalang Charles at Dane.

"Saan mo nabili yan?" Tanong ni Francine kay Seth, referring to the vegetable salad. "Bakit hindi ko nakita yan?"

"Dun oh." Sabi ni Seth sabay turo sa isang stall.

"Bibili nga ako." Sabi ni Francine at akmang tatayo na ng pigilan sya ni Seth.

"Share na lang tayo. Malaki naman 'to, eh. Hindi ko din mauubos."

"Ah eh, sure ka?"

"Oo naman." Sabi ni Seth sabay ngiti. Ngumiti din si Francine at kumuha sa vegetable salad. Kinain nya ito kasama ang mayonnaise at FORTUNATELY, oo, fortunately talaga na nalagyan sya ng mayonnaise sa gilid ng labi nya kasi dahil dun, nagawa pang maka-chansing ni Seth. Pinunasan nya yung mayonnaise na yun.

Napangiti naman ng malawak si Pauline. Nagkaka-lovelife na ang kendi nya.

Ganun din si Dalie. Napaisip sya, 'Luma-lovelife na yung dalawa kong kaibigan. Haay. Kailan kaya ako magkaka-ganyan?'.

Tinapat ni Charles yung kutsara nyang may lamang samgyupsal sa tapat ng bibig ni Pauline, "Alam ko namang gusto mo 'to, eh. Nairita ka lang sa'min kanina. Oh."

Tiningnan ni Pauline si Charles at nang makita nya itong nakangiti sakanya, napangiti din sya. Ngumanga sya at sinubo yun.

"Ancharap." Sabi ni Pauline habang puno pa yung bibig nya. Napa-tawa naman ng mahina si Charles sa ka-cute-an nito.

Dane was throwing a glare to Charles. Hinintay nyang maubos ni Pauline yung samgyupsal na nginunguya nya bago nya itapat yung tinidor nya na may lamang dak galbi sa tapat ng bunganga ni Pauline.

"Masarap sya." Sabi ni Dane, "Kasing-sarap siguro ng pagmamahal ko sa'yo."

Nanlaki yung mata ni Pauline. What the hell did he just f*cking say?

"Ay, wag mong kainin yan kung ganun, Pauline." Pambabara ni Charles kay Dane, "Kasing-sarap daw ng pagmamahal nya, eh."

Pinigilan ni Seth, Dalie at Francine matawa. Si Drany, napatingin kay Charles. Syempre, kampi pa'rin sya sa kapatid nya kahit anong mangyari.

"Bakit, natikman mo na ba pagmamahal ko para masabi mo yan?" Inis na tanong ni Dane.

"Yun na nga eh. Hindi ko pa natitikman, pangit na yung lasa. Pa'no pa kaya pag natikman na?"

"Pfft..." Pagpipigil ni Dalie ng tawa. Hindi nya na din napigilan kalaunan, "HAHAHAHAHA!"

Tinitigan ni Dane ng masama si Dalie. Nang mapansin ito ni Dalie ay tumigil na sya. Si Pauline naman, medyo natatawa na din sa pambabara ni Charles.

"It's not always what you feel. You have to try it." Nanggagalaiting sabi ni Dane.

"And it's not always what you'll feel after trying it." Nakangising sabi ni Charles.

Dahil sobrang lalim nun, nagpigil na talaga ng tawa si Seth.

Nagbarahan pa yung dalawa. Dahil sa nag-eenjoy naman yung magkakaibigan sa nangyayaring sagutan, hindi na nila ito pinigilan at pinanuod nalang ang mga itong magbangayan habang kumakain.

"Francine," Tawag ni Seth. Napatingin sakanya si Francine. Tinuro nya yung cupcake na fully-decorated. Manghihinayang kang kainin ito. "Nakakapanghinayang kainin. Para kang itong cupcake."

"Ha? Bakit naman?"

"Because you're too beautiful and I will never want to destroy a beautiful creature like you."

----

A/N: So far, this is the shortest chapter I updated. Haha. Mianhae.

Anyways, kamsahamnida for reading! Saranghae, yeorobun. :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top