13

~Pauline Batumbakal~

"Our upcoming intrams is cancelled due to this school's personal reasons. Maghintay nalang tayo for the announcement of our principal kung kailan sya imomove. Basta I'm sure na hindi sya this month or next month. I'm sorry. Class dismissed."

Pagkatapos sabihin ng sir namin yun ay napanganga kaming lahat. Naayos nya na yung gamit nya't nakaalis na sa classroom, tulala pa'rin kami.

Bakit naman ganun? Excited na excited na kami para sa one week na puro laro and excitement lang ang ginagawa tapos biglang na-call-off. Ano bang nangyari?

Pero, life must go on. Kaya naman tumayo na kami at nag-ayos na din ng gamit.

Birthday ko ngayon pero hindi ko feel.

Oo, birthday ko ngayon. Which means birthday din ni kendi.

Hindi kami nagpapansinan. Wala kaming problema or naging away. Hindi ko lang talaga sya pinapansin kasi gusto ko may thrill. Saka may surprise ako sakanya. Isasama ko sya sa bahay mamaya. As in sa bahay ni lolo at lola. Pupunta ako dun.

Debut ko pero walang celebration. Okay lang naman eh. Basta makasama ko yung mga kaibigan ko at sina lolo't lola.

Naglakad na ako paalis ng room. Hindi ko tinapunan ng tingin si kendi. Baka ma-tempt pa ako at makausap ko pa sya.

Hindi nya din naman ako pinapansin, eh. Pati nga sina Dalie, Drany at Dane, hindi din namamansin. May pinaplano din ba sila? Ano naman yun?

Kung sakali man, isasama ko din naman sila sa bahay eh. Kaibigan ko sila, bakit ko sila hindi isasama?

"Pauline!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita si Seth na naglalakad papunta sa direksyon ko. Huminto ako at naghintay na makarating sya sa tabi ko. Nang magawa nya yun, naglakad na kami ng sabay.

"Bakit?" Tanong ko.

Bigla nya akong pinigilan sa paglalakad. May hinalungkat sya sa bag nya at matapos ang ilang segundo ay may inabot sya sa'kin na isang maliit na paperbag. Maliit lang sya. Kumunot yung noo ko at kinuha ko 'yon.

"Happy birthday." Sabi nya nang makita ko na 'yong gift nya. Bigla akong napangiti ng malaki. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Isang maliit na keychain. Baby pink na teddy bear. Ang cute.

"Salamat." Sabi ko, "Pa'no mo nalamang birthday ko?"

"Facebook." Maikling sagot nya.

"Tsh. Stalker." I rolled my eyes, "Oh, ano na? Ano nang gagawin mo para kay kendi?"

Nanlaki yung mata nya, "A-anong?"

"Masyado ka naman kasing halata, Seth. Wag ka nang mag-deny. Gusto mo si kendi, di ba? At alam kong alam mo na birthday din nya ngayon. Ano na? May gift ka ba?"

Natahimik sya. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga nya. Napatawa ako ng mahina.

"A-ah, eh..." Pagsisimula nya, "Oo, meron."

"Ano?" Excited na tanong ko.

"Makikita mo din. Wag ka nga." Sabi nya, "Bakit pala hindi kayo nagpapansinan? Hindi pa kayo sabay kumain kaninang lunch."

Lumapit ako para bumulong, "May surprise ako sakanya mamaya sa dorm." Sabi ko at bumalik na sa dati kong posisyon nang nakangiti, "You know."

"Ah." Sabi nya habang tatango-tango, "Ilang taon ka na ba?"

"18."

"DEBUT MO?!" Napalakas yung sabi nya kaya napatingin yung mga tao sa'min. Hindi nya yun pinansin, "BAKIT...?!"

"Tumahimik ka nga." Sabi ko habang tatawa-tawa, "Ayaw ko naman ng magarbong parties. Okay na yung makasama ko sina lolo at lola at yung mga kaibigan ko."

"So... uuwi ka?" Tanong nya. Alam nya na na umuuwi ako sa lolo at lola ko tuwing Saturdays. Naging close na din kami these past few days, eh. Hindi nga lang nya alam kung sa'n ako nakatira. Di naman sya nagtatanong so ba't ko sasagutin, di ba?

"Oo."

"Isasama mo si Francine?"

"Oo."

"Pa'no na yung gift ko sakanya?" Sabi nya sabay pout.

"Yak. Hindi bagay sa'yo."

"Ang sama mo. Tss."

"Sorna." Sabi ko, "Pwede ka bang sumama? Isasama ko kasi lahat ng kaibigan ko eh. Si Dane, Drany at Dalie, kasama din."

"Oh?" Gulat na sabi nya, "Sige ba."

"Magpaalam ka muna sa mama at papa mo."

"They don't need to know." Cold na sabi nya. Bigla naman akong kinilabutan kaya napatango nalang ako.

Pinaalis ko na sya. Sabi ko puntahan nya si Francine para masaya. Ayaw nya pa nung una kasi nahihiya daw sya kaso sabi ko sobra nang katorpehan yun. Pumayag naman na sya sa hulihan.

Agad akong dumiretso ng dorm.

Magkasama naming binili ni Dalie 'tong gift namin kay kendi. Bestfriends crop top and galaxy shorts. Ito yung tinitingnan ni kendi no'n sa internet. Sabi nya, gusto nya daw nun kaso parang sa America lang makakabili kaya wag na.

E dahil mahal namin ni Dalie si Francine, nag-order kami sa internet. Galing syang America. Three bestfriends crop tops and shorts.

Matutuwa si Kendi nito.

Nang makapasok ako sa kwarto namin ay agad kong binuksan ang aircon.

Ang init kaya. Magpapaka-prinsesa muna ako ngayon.

Kinuha ko na yung gift ko sakanya. Nakabalot na ito sa gift box at ganu'n din yung gift ni Dalie. Napangiti ako. Hihintayin ko nalang silang bumalik.

Sinabit ko 'yong bear chain sa cellphone ko at napangiti. Ang cute lang.

Sana si Seth na ang forever ni Francine.

By the way. It's been a week since I met Charles.

Nag-sorry sa'kin nun si Dane. At the end, magkakasama kaming nagpunta sa turo-turo at kumain. Lagi silang nagbabangayan. Napapa-irap nalang ako.

Para silang nag e-LQ. Ahihi.

Hindi ko na nakita si Charles after no'n.

Naghintay na ako para kay Dalie at Kendi. Biglang bumukas ang pinto, only to reveal Dalie. Dineadma nya ako at umupo sa kama nya. I fought the urge to roll my eyes. Tahimik lang kaming nagce-cellphone nang dumating na si Francine. Hindi nya din kami pinansin. Umupo sya sa kama nya at nilabas din ang cellphone nya.

A minute later and Dalie stood up. May kinuha sya sa cabinet sa tabi ng kama nya. Dalawang gift box yun. Napatayo na din kami ni Kendi.

Nilabas ko na yung gift ko na kanina ko pa tinatago. Pagkalingon ko, andun na sila sa harapan ko. Bigla kaming nagyakapan.

"Happy birthday sainyo, mga bakla!" Sabi ni Dalie. "Alam nyo, para tayong tanga. Parang nagintayan lang tayo eh. Putspa."

Napatawa ako, "Oo nga." Tapos humiwalay ako sa yakap, "Happy birthday sa'tin, Kendi."

"Happy birthday sa'tin, Kendi." Pag-uulit ni Francine. Niyakap nya akong muli bago sila bumalik sa kama nila.

Lumapit sila sa'kin pagtapos nu'n at may inabot na dalawang box. Nakangiti ko itong kinuha sa kanila.

"Salamat ng marami." Sabi ko. Inabot ko kay Kendi yung gift ko at ganun din ang ginawa ni Dalie. Mas malaki yung gift box, syempre.

"Salamat." Sabi ni Kendi.

"1, 2, 3..." Pag-count ni Dalie, "Go."

Pagkasabi nya ng 'Go' ay agad naming binuksan ni kendi ang mga regalo.

Kung ga'no nagningning ang mata ni Kendi dun sa regalo ay ganun din ako.

Yung friendship hoodie na tinitingnan ko din nun sa internet. Yung hoodie na mahaba at may ears yung hood nya.

"WAAAH! THANK YOU!" Sabay na sigaw namin ni Kendi. Nagyakapan kaming tatlo.

Nilabas ni Dalie yung hoodie at crop top and shorts nya. Ganun din ginawa namin ni Kendi.

"Grabe. Salamat talaga~" Sabi ulit namin ni Kendi. Nagtawanan kaming tatlo.

Nang maka-get over na kami ay nagsalita na si Kendi.

"Hindi ako makakauwi kina mama at papa. Nasa business meeting sila sa Australia." Sabi nya sabay buntong-hininga, "Ipapadala nalang daw nila yung gift nila sa'kin. Ayaw ko naman ng gift eh. Gusto ko makasama sila."

Niyakap namin ni Dalie si Kendi, "Okay lang yan. Para naman sa kinabukasan mo yung business na yun eh. Intindihin mo nalang."

Tumango naman sya, "I know. Thank you."

"Pwede ba kayong sumama sa'kin sa bahay nila lolo at lola mamaya?" Sabi ko.

"Pupunta ka?"

"Oo."

"SURE!" Sumaya na ulit si Kendi, "Tara na tara naaaa. Gusto ko nang makita bahay nyo eh. Hindi pa ako nakakapunta dun. WAAAAH."

Napatawa ako ako, "Isasama din natin si Dane, Drany..." Tumigil ako at tumingin kay Kendi, "At Seth."

Nakita kong namula si Kendi.

"Bihis na bihis na!" Sabi ni Dalie, "Lumalablayp kasi eh."

Nag-'tss' nalang si Kendi. Nagbihis na sila. Tinawagan ko si Dane, Drany at Seth at sinabing pumunta na sila dito sa dorm para sabay-sabay na kaming bumyahe.

Pumayag sila.

This is going to be fun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top