12
~Narration~
Napabangon si Pauline sa higaan nang tumama ang nakakasilaw na sinag ng araw sa mukha nya. Napasapo pa sya sa ulo nya nang makaramdam ng kaunting pagsakit nito. Pinakiramdaman nya ang sarili nya at nakumpirmang maayos na sya, hindi na nilalagnat. Nahihilo nga lang ng kaunti.
Inalala nya ang mga nangyari kagabi at agad nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing wala sya sa bahay ng lolo at lola nya. Naalala nyang nasa treehouse pala sya ni Charles. Nilibot nya ang paningin nya para hanapin si Charles at nakita nya itong papalapit sakanya habang may dalang tray na kawayan. Umupo ito sa harap nya at pinatong sa pata nito ang tray na may lamang breakfast.
"Gising ka na pala. Kain ka muna." Sabi ni Charles habang nakafocus sa paghihiwa ng hotdog at pagbabalat ng itlog.
(A/N: Teka ba't ba may naiisip akong kababalaghan HAHAHA okay uhm don't mind me)
Tinitigan ni Pauline si Charles ng tahimik. Pinanuod nya ito habang prine-prepare nito ang breakfast nya. Gusto nya sanang tumulong kaso nalunod na sya sa panunuod sa gwapong mukha ng nasa harap nya. There, a hint of recognition suddenly registered in her mind. Do'n nya nakilala si Charles. Do'n nya naalala na nakita nya na ito noon sa bus.
Pinasadahan nya ng tingin ang medyo magulo pang buhok nito... Ang perfectly-shaped na kilay... Ang magagandang mata nito... Ang kanyang matangos na ilong... At ang kanyang pale but pinkish lips.
Binalik ni Pauline ang tingin nya sa mata ni Charles ngunit saktong pagtingin nya dito, nalaman nyang nakatingin na din pala ito sakanya. Nagtama ang tingin nila.
Ngumiti si Charles, "Okay na. Kain na."
Nabalik naman sa katotohanan si Pauline kaya tumango sya at tumusok ng hotdog. Inubos nya yung isang hotdog at dalawang nilagang itlog. May natira pang isang hotdog na nakahiwa-hiwa into pieces kaya tiningnan nya si Charles.
"Gusto mo?" Tanong nya.
Hindi nakasagot si Charles. Kinakausap sya ni Pauline ngayon. Hindi nya alam ang gagawin. Binuka nya ang bibig nya para magsalita ngunit walang lumalabas na salita kaya tinikom nya na lamang ulit ito.
Napangiti si Pauline at pinigilan nya ang sarili nyang matawa. Dahil nga lingid sa kaalaman nyang may gusto pala itong kasama nyang lalaki sakanya, naisip nya na parang nawawalang aso ito. Yung itsura kasi. Parang gulat na sobrang inosente na ewan.
Tumusok si Pauline ng dalawang maliit na slice ng hotdog at tinapat yun sa bibig ni Charles. Hindi nya alam kung anong ginagawa nya at nung marealize nya yung ginagawa nya, nanlaki yung mata nya. Kaso nagawa nya na kaya wala nang urungan yun.
Hindi nya talaga in-expect na nga-nganga si Charles at kakainin yung hotdog na yun. Pero ginawa ni Charles na mas nakapagpa-gulat sakanya.
Tinapos na nila ang pagkain at tumulong si Pauline sa paghuhugas ng plato. Matapos iyon ay sinuot nya na ang mga damit nya na natuyo na habang wala si Charles. Hinanap nya yung cellphone nya kaso hindi nya makita.
"Nakita mo ba yung cellphone ko?" Tanong nya nang pumasok si Charles sa treehouse mula sa labas.
"Ha?" Takang tanong nito, "Hindi."
"Aish. Nawala pa yata." Bumagsak ang balikat ni Pauline at bumuntong-hininga, "Haaay. Sige. Uuwi na nga ako. Salamat-"
"Ihahatid na kita. Hindi mo pa alam yung palabas dito, diba? Baka mawala kana naman." Prisinta ni Charles.
At dahil totoo naman ang sinabi nito, tumango nalang si Pauline. Bumaba na sila ni Charles sa treehouse. Malamig pa ang paligid dahil hindi pa naman tanghaling-tapat. May araw na pero malamig pa'rin.
Sunod lang ng sunod si Pauline kay Charles.
"Wag ka nga diyan sa likod ko. Mukha kang buntot." Pagbasag ni Charles sa katahimikan. Huminto sya para masabayan si Pauline at nang magkasabay na sila sa paglalakad, tumuloy na sya.
Nakangiti si Charles habang naglalakad sila samantalang naiilang naman si Pauline. Parang nagi-guilty kasi sya na ewan.
"Uh... Charles?" Tawag ni Pauline, "Salamat ng sobra, ha? Hindi mo ako kilala pero tinulungan mo ako. Hindi ka din... you know, nanamantala. Salamat dahil pinakain mo pa ako tapos inalagaan mo ako kagabi."
Mas lumawak yung ngiti ni Charles. Tumango sya, "Wala yun."
"Anong wala? Sobra-sobra na kaya yun! Pinahiram mo pa ako ng damit tapos hinahatid mo pa ako ngayon palabas ng- oh, look. Andito na tayo sa labas. YEEEEEHEEEEY!"
Napatawa ng mahina si Charles. He fought the urge to pinch Pauline's cheeks and murmur 'cute'. Baka masyado syang mahalata kung ganun.
"Ano bang pwede kong gawin para mabayaran ka?" Tanong ni Pauline, "Ay. Ililibre nalang kita."
"Wag na. Okay lang yun."
"Ay. Basta. Magi-guilty lang ako. Libre kita mamayang hapon, ah? Saan mo ba gusto?"
"Okay lang talaga-"
"Isang tanggi pa."
Dahil alam nyang wala naman na syang magagawa, pumayag nalang sya. "Sige na nga. Dun sa turo-turo dun."
"AHHH. Sige, sige. AHIHI."
Ngumiti ulit si Charles, "Saan ba bahay mo?"
Huminto si Pauline, "Ito na."
"Malapit lang naman pala eh."
Tumango si Pauline, "Pasok ka."
"Hindi na."
"Pasok ka na. Pleaseeee?"
Napa-iwas ng tingin na lamang si Charles. Masyadong cute si Pauline para ma-hindi-an. Sa huli, pumayag na sya. Tuwang-tuwa si Pauline habang pinapapasok si Charles. Saktong pagpasok nila sa loob, isang mahigpit na yakap ang natanggap ni Pauline.
"Pauline! Jusko! Apo! Akala namin kung ano nang nangyari sa'yo. Jusko. Salamat sa Diyos." Maiyak-iyak na sabi ng lola ni Pauline.
"Salamat naman at nakauwi kana. Hindi namin alam kung saan ka namin hahanapin at kung paano ka matatawagan kagabi." Alalang-alalang sabi naman ng lola nya.
Humiwalay si Pauline. Nagmano sya sa lolo at lola nya at pinunasan ang luha sa mata ng lola nya.
"Pasensya na po, lola, lolo. Wag na po kayong umiyak. Nandito na po ako. Sorry po." Pagpapasensiya ni Pauline, "Ganito po kasi yun..."
Kinwento lahat ni Pauline. Mula sa pag-picnic dinner nila ni Dane, sa pagkawala nya, sa pagkaro'n ng lagnat dahil sa malakas na ulan, sa pagpapatuloy ni Charles sakanya sa treehouse nito at sa pag-aalaga nito sakanya hanggang mag-umaga. At ang pagkawala ng cellphone nya.
"Hay, Diyos ko." Sabi ng lola ni Pauline, "Apo, nagpunta dito si Dane kanina. Tinatanong kung nandito ka ba. Nawala din daw sya. Mas nag-alala na kami dun. Salamat at ligtas ka!"
Ngumiti si Pauline. Tumingin sya kay Charles, hudyat para lumapit na ito. Lumapit naman ito at nang mapansin sya ng lolo at lola ni Pauline ay agad syang nagmano dito. Umupo sya sa tabi ni Pauline.
"Ito po si Charles. Yung tumulong at nag-alaga sa'kin."
"Maraming salamat sa'yo, hijo." Sabi ng lolo ni Pauline, "Salamat at pinatuloy at inalagaan mo ang apo namin. Maraming salamat."
"Wala po yun." Nakangiting saad ni Charles.
Magsasalita pa sana ang lola ni Pauline nang may kumatok sa pinto. Lumapit ang lolo ni Pauline dito at nang buksan nya ito ay bumungad si Dane.
Napatayo si Pauline. Gano'n na din si Charles.
Ngumiti si Dane sa lolo at lola ni Pauline bago pumasok. Lumapit sya sa mga ito.
Nakapagitna si Pauline kay Dane at Charles habang ang dalawang lalaki naman ay nagtititigan.
Pinalipat-lipat ni Pauline ang titig nya sa dalawang lalaking nagtititigan na nakakabuo ng isang malaking tensyon.
Nalagot na po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top