11
~Narration~
Inalalayan ni Dane paupo si Pauline sa picnic blanket na nakalatag sa gubat na pinasukan nila. Sa kalagitnaan na yata ng gubat 'yon, eh. Madilim sa paligid. Sasabihin pa lang sana ni Pauline na madilim nang biglang may pinindot si Dane na switch at nag-ilaw 'yong paligid. Ngayon lang napansin ni Pauline na nakapaikot pala sa kanila 'yong mga puno at 'yong paikot na puno ay ang sinabitan ng hanging lanterns.
Nailawan na din 'yong rose petals na nakakalat sa picnic blanket na inuupuan nila. Ngumiti si Dane at sinimulang ilabas ang mga pagkain mula sa picnic basket na hindi alam ni Pauline kung saan nanggaling. Hindi na lang siya nangulit.
Nagdasal muna si Pauline bago sumandok ng kanin at ulam. Si Dane naman, agad nang kumain. Nang magsimulang kumain si Pauline ay katahimikan lang ang namamahagi sa kanila.
"Hinanda mo 'to?" Pagbasag ni Pauline sa katahimikan.
Ngumiti si Dane at tumango.
"Ang bilis naman." Sabi ni Pauline at sumubo sa roasted chicken na sobrang nagustuhan niya 'yong lasa. Ang juicy daw kasi.
"May mga kaibigan ako dito. Kaya ayun. Napadali."
"Ah." Tumango-tango siya, "Tanong ko lang, ha."
"Hmm?"
"Bakit mo 'to ginawa? Like, pwede naman tayong mag-dinner na lang sa fastfood or something. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan. Kaso, nagtataka lang ako." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Dane, "Anong meron, Dane?"
Huminga ng malalim si Dane, "Halata naman na sigurong nag-effort ako para dito. Well, that's because I want to show you how much I could do just to make everything presentable when you look at it."
"And then?"
Itutuloy na sana ni Dane 'yong pagpapaliwanag niya nang bigla niyang naramdamang sobrang naiihi na siya. Nag-frown siya at napansin naman 'yon ni Pauline.
"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Pauline.
"K-kasi..." Nahihiyang simula ni Dane, "Pwede bang.. ano... u-umihi muna doon?"
Tumawa ng mahina si Pauline, "Sige lang. Gora."
Agad na tumayo si Dane at tumakbo paalis sa picnic set na hinanda niya. Napalayo yung takbo niya dahil ayaw niyang matanaw siya ni Pauline. Nang hindi niya na maaninag 'yong ilaw at purong kadiliman na lang ang nakikita niya ay umihi na nga siya.
Naglakad na siya pabalik ngunit napansin niyang hindi na niya nakikita 'yong ilaw. Tumigil siya at lumingon-lingon. Nakita niya ang isang bangin malapit. Nanlaki 'yong mata niya.
Nawawala siya.
On the other hand, si Pauline, nagpatuloy lang sa pagkain. Limang minuto na ang nakalilipas ay wala pa'rin si Dane. Nagsimula na siyang magtaka ngunit napagdesisyunan niyang maghintay pa. Kaso umabot na yata ng tatlumpung minuto ay wala pa'rin ang isa. Tumayo siya at kinuha ang phone niya para sana tawagan si Dane.
Kaso nakita niyang walang signal.
Napailing siya at napagdesisyunang sundan 'yong way na tinahak ni Dane. Ang layo na ng narating niya pero wala pa'rin siyang nakikitang Dane. Bigla niyang naramdaman ang mumunting patak na tumutulo mula sa taas. Napatingin siya sa langit at nang matuluan siyang muli ng tubig ay nakumpirma niyang umaambon.
Sumigaw na siya, "Dane? Dane?!" Tawag niya sa isa ngunit walang sumasagot. Nagpatuloy siya sa pagtawag kay Dane kaso palakas ng palakas 'yong ambon hanggang sa maging ulan na ito.
Tinaas ni Pauline 'yong hood ng hoodie niya para maprotektahan siya kahit papa'no. Naglakad pa siya ng naglakad habang sinisigaw 'yong pangalan ni Dane kaso wala talagang sumasagot.
Kung bakit ba naman kasi sa gitna ng gubat naisipan ni Dane na mag-date, eh. Medyo tanga lang.
Lumakas na nga ng tuluyan 'yong ulan at wala nang silbi 'yong hood ng jacket ni Pauline. Napangiwi siya. Madali siyang magkasakit kapag nababasa ng ulan.
Tumatakbo na siya. Tinatawag niya pa'rin 'yong pangalan ni Dane. Baka sakaling ando'n lang malapit sa kaniya. Kaso, hindi eh.
Biglang napatigil si Pauline nang makakita siya ng isang malaking treehouse. Tinitigan niya 'yon sa taas habang nababasa siya ng ulan. Malamang, mayroong may-ari nito ngunit kailangan niya ng masisilungan ngayon. Saka, isa pa, natatakot na din siya.
Humawak siya sa kapitan ng ladder at aakyat na sana nang may magsalita mula sa likod niya.
"Sino ka?"
Agad na napabitaw si Pauline do'n sa hinahawakan niya at napatingin sa likod niya. Nakita niya ang pigura ng isang lalaking nakapayong ngunit hindi niya makita ang mukha nito dahil madilim.
"Anong ginagawa mo dito sa baba ng treehouse ko?" Tanong ulit ng lalaki.
"Ay, sa'yo ba 'tong treehouse?" Tanong ni Pauline. Her voice was hoarse from the rain. "Sorry."
Tapos ay naglakad na siya palayo. Mabagal siyang naglakad dahil medyo nahihilo na siya. Napahawak siya sa ulo niya pero umiling din pagkatapos at nagpatuloy sa paglalakad. Suddenly, naramdaman niyang tumigil 'yong pagtulo ng ulan sa kaniya. Tumingin siya sa taas at nakitang may payong na pumuprotekta sa kaniya.
"Where do you think you're going?" Tanong no'ng lalaking may-ari ng treehouse. Siya din 'yong nagpapayong kay Pauline.
"Hahanapin 'yong kaibigan ko at hahanap ng masisilungan." Sabi ni Pauline ng mahina.
"Dito ka na lang muna." Sabi no'ng lalaki. "Hindi naman ako masamang tao. Saka, konsensya ko pa kung mahimatay ka diyan."
Hihindi pa sana si Pauline nang hilahin na siya no'ng lalaki papunta sa akyatan ng treehouse niya. Wala na siyang nagawa kundi ang umakyat sa treehouse.
Nang makapasok silang dalawa sa loob ay nakita ni Pauline ang isang napakagandang treehouse. Fully-furnished ito. May bookshelf na maliit, isang malaking kutson na nakalatag sa sahig na may kasamang madaming unan at lahat na yata. Wala nga lang TV.
Binubuksan no'ng lalaki 'yong ilaw pero walang sumisindi.
"Aish. Brown-out pa." Sabi no'ng lalaki. Naglakad siya papunta sa cabinet niya at kumuha ng isang white shirt do'n at boxer short. Nahiya pa siya nung una dahil boxer short lang ang meron siya pero naisip niya na kailangan din naman ng babae na magpalit ng damit kaya gumora na siya.
Inabot niya kay Pauline 'yong mga damit kahit madilim.
"Magpalit ka ng damit. Tatalikod ako. Hindi naman ako bastos, eh."
Tumalikod 'yong lalaki at lumayo kay Pauline. Dali-daling inalis ni Pauline 'yong hood niya at pinunasan ang sarili. Sinuot niya 'yong shirt na binigay no'ng lalaki. Malaki ito sa kaniya at amoy pabango ng lalaki. Malamang ay sa kaniya ito. Sunod niyang inalis ang leggings niya at pinunasan din 'yong sarili niya at sinuot 'yong boxer shorts. Ngayon lang niya napansing boxer shorts iyon. Medyo namula siya.
"O-okay na." Sabi ni Pauline at tumayo. Kinuha niya 'yong damit niya at lumapit sa bintana ng treehouse. Piniga niya 'yong mga 'yon at nilagay sa isang tabi.
Biglang tumindi 'yong sakit ng ulo niya.
"Ang sakit ng ulo ko," Bigla niyang sabi. "Paupo muna sa kutson. Okay lang ba?"
"Sige lang. Teka, may gamot ako dito. Kumain ka na ba?"
Tumango si Pauline. Umupo siya sa kutson at hinintay 'yong gamot. Hindi siya makakilos ng maayos dahil nanghihina siya. Eto na 'yong sinasabi ko kaninang mabilis siyang magkasakit kapag naulanan.
Mabilis na umupo si Charles-oo, siya si Charles, 'yong na-love-at-first-sight kay Pauline sa bus at 'yong may-ari nitong treehouse-sa tabi ni Pauline at inabot ang gamot dito kasama ang tubig. Ininom naman agad ni Pauline 'yon.
"Salamat." Mahinang sabi ni Pauline. Tumayo naman si Charles para ibalik 'yong baso at binalikan si Pauline.
"Mahiga ka na. Wag kang mag-alala-"
"Wag mo na akong i-assure na mabait kang tao. Halata naman na mabait ka, eh. Pero, mababasa 'tong kutson."
"Okay lang yan. Basta magpahinga ka."
"Salamat talaga." Sabi ni Pauline at unti-unting humiga. Walang kumot si Charles dito. "Ako nga pala si Pauline."
"Charles." Pagpapakilala ni Charles.
Pumikit si Pauline. Pinilit niyang matulog ngunit bigla siyang nilamig ng sobra. Napansin ni Charles ang panginginig niya. Niyakap ni Pauline ng sobrang higpit 'yong unan.
Body warmth.
Lumapit si Charles kay Pauline.
"Alam kong nakaka-putangina 'tong gagawin ko pero kailangan mo kasi ng body warmth, eh." Sabi ni Charles. Tumabi siya kay Pauline at hinila si Pauline papalapit sa kaniya. Nasubsob 'yong mukha ni Pauline sa dibdib niya.
Ang bango. Isip ni Pauline. Aba. May lagnat na, nakuha pang lumandi.
Nanginginig pa'rin si Pauline at hindi siya makapagsalita. Mas sumuksok pa siya kay Charles dahil kahit papaano ay nababawasan ang lamig na nararamdaman niya.
Naramdaman ni Charles ang panginginig ni Pauline. Naka-akbay 'yong isa niyang kamay kay Pauline so bale nakayakap siya half-way. Naramdaman niyang hindi makatulog si Pauline dahil do'n.
Unti-unting pinaglaruan ni Charles 'yong buhok ni Pauline. Nagsimula siyang kumanta.
"Can't reach out to touch you~ Or to hold you in my arms~ Even if I close my eyes I could never dream of you~ 'Cause you're not here with me~ You're not in my story~ The more it hurts the more I try to get to you~"
Napangiti si Pauline sa ganda ng boses ng kasama niya at unti-unting nakaramdam ng antok. Soon enough, she drifted to sleep.
Nang marinig ni Charles ang maliliit na hilik ni Pauline ay napangiti siya. Humiwalay siya ng kaunti para makita ang mukha nito. Naaaninag niya ito ng kaunti. Nakangiti niyang hinalikan ang noo ng isa.
"Dati, hindi ako naniniwala sa love-at-first sight. Kaya nga no'ng nagkahiwalay tayo mula sa bus, inisip kong guni-guni lang 'yong naramdaman ko. Pero ngayong nagkita ulit tayo... bigla akong napaisip. Siguro nga, totoo 'yong pwede kang magmahal ng isang taong kakakilala mo pa lang. Na siguro nga, totoo 'yong love-at-first-sight."
Pumikit si Charles at sinamahan si Pauline sa pagtulog.
Hindi mabait si Charles. Suplado siya sa lahat ng tao, lalo na sa mga babae. Ang tanging kinakausap lang niya ay ang mga kapatid niya, mga magulang niya at mga kaibigan niya. Pero ni isa sa mga kinakausap niya ay hindi niya pinagpakitaan ng kabaitan niya.
Si Pauline lang. Siya lang.
----
A/N: So, guys... I'll be updating this story every Saturdays, 4-6 chapters. Isang bagsakan na lang para madali. I can't update every weekdays din kasi, eh. Okay. Thank you for reading. Have a nice day, everybody! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top