10
Meanwhile on the same day when FranSeth had their 'friendly date'...
~Pauline Batumbakal~
Pumasok na ako ng bahay kasama sina Dane at Drany. Nagulat talaga ako kanina no'ng makita ko sila. Ang laking co-incidence naman kasi. Ang saya lang, may mga kaibigan akong makakasama this weekend. Bukas ng hapon ako uuwi, eh. Siguro sasabay na lang ako sa kanila. Pero, na-weirdohan talaga ako kay Dane kanina. Para kasing may tinatago siya sa likod niya pero dahil sabi niya wala, edi wala. 'Wag ipilit ang ayaw at hindi sigurado.
Sinara ko 'yong pinto. Wala dito sa sala si lolo at lola.
"Upo muna kayo diyan," Sabi ko kina Drany at Dane. "Hanapin ko lang sina lolo at lola."
"Salamat," Sabi ni Dane at naupo sila ni Drany do'n sa sofa. Napansin kong nababa na pala ni Dane 'yong bag ko sa tabi ng sofa. Ngumiti naman ako at naglakad papunta sa kusina. Andito kasi 'yong pintuan papunta sa garden. Alam kong nandito sina lolo at lola.
At tama nga ako. Pagsilip ko sa labas, nakita kong nakatalikod sa pinto si lola, nagdidilig ng halaman. Si lolo naman, nagpupulot ng kung anong kalat na makita niya. Katabi niya si lola. Mas lumawak 'yong ngiti ko at dahan-dahang binuksan 'yong pinto para hindi nila marinig. Lumabas ako nang tahimik at tahimik din na naglakad papunta sa kanila. Nang marating ko ang likod nila ay agad ko silang niyakap.
Napatawa ako nang maramdamang mapatalon si lolo at mapahawak sa dibdib niya si lola. Humarap sila sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko sila pabalik.
"Itong Pauline na 'to! Nanggugulat!" Sabi ni lola, "Apo! Na-miss ka namin!"
"Na-miss ko din ho kayo, lola." Sabi ko nang nakangiti. Humiwalay sila sa'kin at saka ako tinitigan. "Lolo naman. Alam kong maganda ako."
Tumawa si lolo at ginulo 'yong buhok ko, "Hay nako. Hindi ka pa'rin nagbabago."
"Itong mga 'to! Makapagsalita parang isang taon tayong hindi nagkita! Last Saturday nagkita pa lang tayo, ah!" Natatawang sabi ko.
"Hay nako, apo. Alam mo namang sobrang nakaka-miss 'yang kagandahan mo." Sabi ni lola. Nakipag-apir ako sa kaniya at tumawa kaming tatlo.
"Ay, lolo, lola, may mga kaibigan ho ako na nasa sala. Kaibigan ko ho sila sa school pero nagulat ako kasi nandito din pala sa lugar na 'to 'yong mga magulang nila. Ang laking co-incidence lang."
"Wow naman." Sabi ni lolo, "Ilan ba 'yan, apo?"
"Dalawa ho sila, fraternal twins. Lalaki at babae."
"Ay. Tara nga sa loob. Gusto ko silang makita." Sabi ni lolo at inakbayan ako. Tumango naman ako at sabay kaming pumasok sa loob habang nakasunod sa likod namin si lola.
"May mga binake akong cupcakes. Dadalhan ko na lang kayo. Hintayin niyo, ihahanda ko lang." Sabi ni lola.
"Salamat ho," Sabi ko. Tinanguan niya naman ako at nginitian. Pumunta na nga kami ni lolo sa sala. Nang makita kami nila Dane at Drany ay tumayo sila at lumapit sa'min.
Inalis na ni lolo ang pagkaka-akbay sa'kin. Nagmano naman si Dane at Drany sa kaniya.
Pero may kung ano sa tingin ni Dane at Drany kay lolo eh. Ay. Yae na. Baka guni-guni ko na naman.
"Ang gagalang naman nito," Sabi ni lolo, "At ang gwapo at ganda."
"Syempre, mana sa'kin 'yong maganda." Sabi ko at nag-wink kay Drany. Natawa naman siya pati na rin si Dane at lolo.
Umupo kami at nagsimula na silang magkuwentuhan about random stuffs.
"Alam mo, hijo," Pagtawag ni lolo kay Dane, "Kasing-gwapo mo lang ako no'ng kabataan ko. Hanggang ngayon naman pala, di ba?" Sabay pogi sign.
"Syempre naman ho, lo. Mana yata ako sa inyo." Sabi naman ni Dane. Pinigilan namin ni Drany 'yong mga tawa namin. Biglang dumating si lola dala 'yong tray na puno ng cupcakes. Pinatong niya 'yon sa center table. Tumayo naman ulit 'yong kambal para magmano sa kaniya at kalaunan ay umupo din ulit.
"Ito pala 'yong mga kaibigan mo, Pauline," Sabi ni lola, "Ang gwapo at ganda."
"Kanina pa 'yan, ah." Sabi ko at tumawa ng mahina.
"Totoo naman kasi. Osya, kainin niyo na 'tong cupcakes niyo. Masarap 'yan."
Inakbayan naman ni lolo si lola, "Oo, masarap 'yan. Gawa niya, eh."
"AYIEEEE~" Tukso namin sa kanila. Binatukan naman ni lola si lolo. Sussss. Namumula naman. Pakipot si lola. HUEHUE.
So ayun, kinain na nga namin.
"Ang sarap ho," Sabi ni Drany.
"Sabi sa'yo, eh." Pagsabat ni lolo kaya napatawa kami.
Biglang tumayo si Dane, "Saglit lang ho. May tatawagan lang ho ako."
"Sige lang, hijo," Sabi naman ni lola at lumabas si Dane. Natatanaw ko siya mula dito sa loob na may kausap sa cellphone. Nang mapatingin siya sa'kin ay nginitian niya ako at kinindatan na naging dahilan para agad akong mag-iwas ng tingin.
Ano baaaa.
Medyo natagalan si Dane makipag-usap sa labas kaya no'ng pagbalik niya sa loob, nagkukwentuhan na si lolo, lola at Drany. Hindi ako kasama. Ayaw ko lang. Tinatamad akong magsalita.
Umupo ulit si Dane sa tabi ko at nakikuwento na kina Drany. Napangiti ako. Ang bilis nilang maging magkakaibigan. Yaaay.
May nag-text kay Dane at napatingin siya sa'min.
"Uhm..." Simula niya kaya napatingin kaming lahat sa kaniya, "Pinapauwi na ho kami ni Drany do'n sa bahay."
"Ay, gano'n ba? Osya sige. Sa susunod na lang. Mag-ingat kayo sa paglalakad."
Tumango naman si Drany at tumayo kasama si Dane, "Salamat ho sa oras at sa cupcakes. Ang sarap po, promise."
Ngumiti naman si lola, "Salamat."
Matapos ang ilan pang pagpapaalam ay nakaalis na sina Dane at Drany.
"Ang babait naman pala ng mga kaibigan mo, apo, eh."
Tumango naman ako at ngumiti. Tinulungan ko na silang magligpit ng pinagkainan at tumulong na din sa pagdidilig pagkatapos.
***
Gabi na ngayon at magdidinner na. Tutulong na sana ako sa paghahanda nang biglang may nag-text sa'kin.
From: 0969*******
pauline, c dane 2. pwd bng smama ka skin mg-dinner? pls? labas ka ng bahay nyo. and2 ako.
Kumunot 'yong noo ko at sumilip sa labas mula sa bintana ng room ko. Ando'n nga si Dane, mag-isa. Agad naman akong napatingin sa salamin. Wala namang mali sa'kin. Hindi din naman pambahay 'yong suot ko. Dali-dali akong tumakbo pababa ng kusina at nakita ko sina lolo at lola.
"Lolo, lola," Tawag ko sa kanila, "Pwede po bang hindi ako sumabay mag-dinner ngayon?"
"Ha? Bakit naman, apo? Hindi ka ba nagugutom?"
Nahihiyang tumingin ako sa kanila, "Magpapaalam ho sana akong lumabas. Nagyayaya po kasi si Dane..."
"OKAY LANG!" Sabi agad ni lola nang nakangiti, "Jusmiyo. Dalaga na ang apo ko." Tapos hinawakan niya 'yong balikat ko at tinulak ako papunta sa pinto, "Nandito na ba siya sa labas? Basta bumalik ka pagkatapos niyong kumain ha! Hoy, Pauline. Magpakipot ka muna, ha?"
"Lola naman! Andami mo pong alam!" Sabi ko at napakamot sa batok ko.
"Hayaan mo na 'yang lola mo," Sabi ni lolo, "Basta sige, papayagan ka na namin. Agad kang bumalik, ha? O kaya mag-text ka kung gagabihin ka ng uwi! Basta umuwi ka! Mag-iingat ka!"
At feeling ko may isang bagay na straightforward na sasabihin si lola in 5... 4... 3... 2...
"Huwag kang magpapabuntis. Madami pa akong pangarap para sa'yo."
Sabi sainyo eh.
"Lola naman. Hindi po, 'no. Mabait po akong apo! Sige na ho! Mahal ko po kayo!" Tapos kiniss ko sila sa cheeks at lumabas na. Binuksan ko 'yong gate at nakita si Dane do'n. Binalikan ko ng tingin si lolo at lola at kumakaway sila sa'kin. Kinawayan ko sila pabalik at gano'n din ang ginawa ni Dane. Saka kami umalis.
Naglalakad lang kami.
"Saan tayo?" Tanong ko habang naglalakad. Buti na lang naka-jacket ako. Ang lamig kasi. Tumingin ako sa taas at napansing walang stars. Nakooo. Makulimlim na ba dis?
Hindi ako sinagot ni Dane. Sa halip, ngumiti lang siya. Bigla kong napansin na iba na 'yong pinapasok namin. Gubat na. Bigla akong napatigil.
"Hoy, anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Basta, sundan mo lang ako." Tapos hinawakan niya bigla 'yong kamay ko, "Trust me."
Dahil sobrang napaka-assuring ng boses niya, sumunod ako sa kaniya. At nang mag-stop kami sa isang point ay napanganga ako.
We're going to have a picnic dinner, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top