ENTRY #9
“ginoo..” wika ko na sapat lang para marinig namin dalawa.
May pagaalinlangan sakin. Hindi ko akalain na makikita ko s’ya, ngayon.. o kahit kalian pa.
Nakatingin lang s’ya sakin. Hindi ako sigurado kung dapat pa ba ako tumayo doon o tatalikod nalang ako. para kasing ipapahiya ko ang sarili ko.
“girl tara na” narandaman ko ang paghawak sakin ni regine.
“naghugas ka ba ng kamay?” hindi ko padin maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. ganoon din s’ya, nakatingin sakin na hindi ko mawari ang iniisip.
“grabi ka naman, hindi naman tayo kagaya ng mga lalaki na kailangan pa hawakan ang membro nila para makaihi.” Pinunas nya ang kamay nya sa pantaloon n’ya bago kumuha ng panyo at pinusan sa braso ko.
Nanlalaki ang mata ko na patatingin sa kanya. Bunganga talaga ng babaeng ‘to. Di ba n’ya nakikita na may tao sa harapan namin.
Binigyan ko s’ya ng ‘manahimik ka’ look.
“hmm?” inosente n’ya akong tinignan bago siya tumingin sa lalaking kaharap ko. “kakilala mo?”
Binigay ko sa kanya lahat ng supot na hawak ko. “mauna ka ng umakyat”
“bakit? tara na para sabay sabay na tayo kumain.” Ang inosente parin ng tingin niya sakin mukhang di niya nagets ang ibig kong sabihin.
“wag ka nang magtanong.” Bulong pero may diin kong sabi. Please regine makaramdam ka.
Nagpalitan ang tingin niya sakin at kay ginoo.. bago kami naglaban ng titigan.
Naputol ang laban natin noong narinig ko ang hinang tawa ni ginoo. Tumingin ako sa kanya. Hindi sigurado kung ano ang ibig sabihin ng tawa niya.
“pati ba s’ya hindi ko pwedeng malaman ang pangalan?”
doon na tila nabuhayan ang loob ko. Naaalala niya ako.
Ngayon ko lang napansin ang ibang detale sa kanya. Nakasuot siya ng white coat. May nakasabit na id lace sa leeg nya pero nakatalikod ang ID kaya di ko nakikita ang picture niya, nakikita ko lang ang logo at pangalan ng ospital.
“doctor ka?” curious kong bigkas.
Tumango siya at ngumiti. Lumitaw nanaman yung puti at pantay na pantay niyang ipin.
“wow” iyon nalang ang nasabi ko dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Noon hindi pa kami nagkikita ulit curious na curious ako sa kanya. Ang dami kong gusto itanong kasama na doon ang pangalan n’ya. madalas sumagi sa isip ko ang mga sasabihin ko kapag nagkita kami ulit.
pero hindi ko na naisip na possible nga na magkita kami ulit. Ngayon nasa harapan ko na s’ya hindi ko na maalala ang mga sentences na nabuo sa isip ko.
“kanina ka pa nakatingin sakin, may gusto ka bang sabihin?”
Nalilito akong napailing sa kanya. “a-ano naman ang dapat kong sabihin?”
Humakbang pa s’ya upang mas magkalapit kami tsaka siya yumuko. Naramdaman ko ang hininga na nagmumula sa bibig nya sa tenga ko. “pangalan mo?” wika niya tsaka bumalik ng ayos na pakakatayo.
“girl?” tawag sakin ni regine.
“bakit nandjan ka pa?” ayuko mag sound na naiinis o desperadang umalis siya pero parang hindi ko napigilan dahil napangiti sakin si regine.
“sorry pero I have to go” sumulyap s’ya sa wrist watch nya bago ako tinignan. “may meeting ako in few minutes”
Tumango ako at umusod sa tabi at sinenyasan siya na ‘daan na’ ganoon din ang ginawa ni regine pero nakatitig s’ya sa lalaki.
Nakangiti parin siya sakin. Tatango-tangong napakamot siya sa kilay n’ya at akmang hahakbang na pero tumingin ulit sakin. “hindi mo ba sasabihin sakin ang pangalan mo?”
“hindi mo rin naman sinabi sakin ang pangalan mo.” nakangiti kong sagot may kung ano sa ikinikilos niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
“binibini..” lalo akong napangiti sa salitang binigkas siya para akong kinikiliti.
“CIA ang pangalan n’ya doc!” natatawang sabi ni regine halos pasigaw pa ‘yon na parang ang layo ng kausap namin.
Binulungan ko siya ng ‘para kang tanga’
“sia? Like the singer?” ang pagkakabigkas niya ay sia. Magkatunog lang naman kasi ang c at s pag biniksa ang cia.
“no doc C.I.A as in the agency” binigay nya ang initials ng pangalan ko. doon niya pala nakuha ang CIA akala ko nagimbnto siya ng pangalan.
Nakaramdam ako ng hiya kaya naman mabilis kong tinulak si regine para umalis pero sumisigaw parin s’ya.
“C.I.A doc! Ikaw po? Anong pangalan mo?” patuloy padin ang pag sigaw n’ya habang natawa
Alam kong ginagawa n’ya iyon para asarin ako. Kulang nalang buhatin ko siya para mabilis na makaalis.
“wait!” tumigil ako sa pagtulak sa kaibigan kong lukaluka at lumingon kay ginoo. Kahit papano ay medyo malayo pala ang narrating ng pagtulak k okay regine. “how long will you stay here?”
“hanggang bukas lang”
“okay” nagsimula na siyang maglakad sa kabilang direksyon. May pagmamadali ang bawat hakbang niya, siguro ay late na siya sa sinasabi niyang meeting.
parang nakaramdam ako ng lungkot, sayang iyong moment na ang tagal kong hinintay , nasira dahil sa kaibigan ko na hanggang ngayon dama ko ang mapangasar na tingin at alam ko ganon din nakakaasar ang ngiti niya.
Parang gusto ko siya habulin, gusto humakbang ang mga paa ko .pero bakit ko naman gagawin ‘yon.
Tatalikod narin sana ako pero bigla siya humarap samin. “don’t go anywhere! Hahanapin kita. Don’t go home until then.”
Ilang beses ako nag exhale-inhale dahil hindi ko mapaliwanag ang mabilis na pagpump ng dugo ng puso ko.
“namumula ka.” Tinignan ko si regine. “pwede ko bang malamn sino siya?”
“sa taas na” para kaming tanga sa daan pabalik ng kwarto ni angela. Panay ang tukso sakin na namumula ako at puro ngiti lang at mahinang pagtawa ang naigaganti ko.
Pagpasok namin sa loob ang nakasimangot na mukha ni kezia ang sumalubong samin.
“ang tagal niyo naman gaano ba kalayo ang pinagbilhan n’yo eh halos andjan lang naman sa tapat ang 7/11 at lahat ng mabibilhan ng pagkain” kahit gaano kataray ang boses nya hindi parin mapatid ang ngiti ko.
“ano meron?” ngayon ko lang napansin na gising na pala si angela.
Binigay ko sa kanya ‘yong energy drink at mga pagkain na mabilis ma-digest. Sabay sabay kaming kumain habang nagkukwento si regine sa mga nangyari kung bakit kami natagalan.
“nasan ang mama mo?” pagiiba ko sa usapan. “umuwi na agad si tita?”
“hoy hoy hoy! Walang ibahan ng usapan sabi mo pag-akyat natin sa taas” mabilis na sagot ni regine
“alam mo naman maraming ginagawa si mama kaya umuwi na.”
“ayan nasagot na ang tanong mo, yung naunang tanong naman ang sagutin mo”
Uminom muna ako ng coke at kunyari nag vo-vocalized “siya ‘yon”
Dalawang salita lang ang sinabi ko pero napatayo si kezia at regine siguro kung malakas na si angela ay napatayo din s’ya “siya? As in siya?” halos sabay nilang sabi.
Nakangiti ako at parang asong tango ng tango “oo” Masaya kong sabi
“Masaya ka? Gaano kasaya? Anong level?” umupo na sila at tinuloy ang pagkain.
“what do you mean anong level?”
“rate it from 1 to 10” naguguluhan kong tinignan si kezia “kasi kung 1-3 poor, if 4-6 friendly, if 7-8 warning.. and if 9-10 lintik na kupido yan namana nanaman!”
“ahh..” napaisip din ako “hindi ako sigurado.”
“saan ka sigurado?”
“sigurado ako na hahanapin n’ya ako at mag uusap kami bago ako umuwi” nakangiti kong sagot.
‘hahanapin kita, don’t go home until then’
naririnig ko sa isip ko ang boses n’ya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top