ENTRY #8

Ilang buwan na ang lumipas. Sobrang naging busy sa school dahil malapit na mag Christmas break.

Halos lahat ng prof. nagbigay ng mga gagawin habang may 2 weeks break kami.

Napapakamot nalang kaming lahat, kaya nga break eh diba kasi magpapahinga ka. Mag eenjoy ka. Kahit nga sa relasyon pag nag break hindi na kalimitan nagkikita.

Ang prof. hindi mo nga makikita pero tinambakan ka naman ng trabaho habang break sa school, nasaan ang break doon?

“kalian tayo uuwi?” pare-pareho kami nasa gazebo sa likod na bahagi ng school nakaharap sa laptop at nagtatype ng report.

“next week na ang daming ipapasa “ sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa laptop ko.

“oo tama para wala ng balikan. See you next year nalang” sang-ayon sakin ni kezia. “wala na bang idadagdag si ms. Marikit sa activity nya?”

“ang alam ko mag po-post nalang daw s’ya sa facebook page kapag may naisip pa s’ya idagdag” sagot ni regine.

Napamura nalang ako. Sa engineering talaga ako natuti mag mura. Noong high school naman kahit tanga hindi ko masabi.

Bakit kaya hindi nalang sila mag pa school break? Parang wala naman pinagkaiba.

Narinig kong mahinang umuungol si angela sa tabi ko.

“okay ka lang?” bulong ko sa kanya.

“okay lang, medyo masama lang ang pakiramdam ko” niligpit n’ya bigla ang mga gamit n’ya. “guys, punta muna ako sa dorm medyo masama ang pakiramdam ko.”

Sinabihan lang namin s’ya ng ingat at mag text nalang kami if kailangan n’ya bumalik ng school.

Tinitignan ko ‘sya habang naglalakad palayo. Hawak n’ya ang tiyan ang parang hindi tama ang paglalakad.

After namin matapos ang mga report namin nag pa-print kami sa business center at pinasa na sa proof ‘yon. Hanggang next week pa naman ang pasahan noon sadyang ayuko lang matambakan ng trabaho kaya pinilit ko narin silang gawin ang kanila para sabay sabay kami mag pasa.

Sasamahan nalang namin si angela pag nagpasa na s’ya..

Bandang 3pm nagpasya na kaming umuwi ng dorm.

Kanina ko pa’ko nag text kay angela pero wala s’yang reply ni-isa.

Ako ang nag bukas ng pinto ng dorm.

“ANGELA!”

nagulat ako nang mabungaran ko s’ya na nakahiga sa sahig hawak n’ya ang kanyang tiyan. Nakita ko din ang ilang suka sa gilid.

Lumuhod ako sa tabi n’ya ang hinawakan ang balikat n’ya. Inalog alog ko s’ya dahil wala s’yang malay.

“kezia! Tumawag ka ng ambulansya!” nagpapanic akong sumigaw,  kahit anong tawag ko sa pangalan n’ya ay hindi s’ya nag rerespond. Kahit anong alog ko sa kanya hindi s’ya nagigising

Pare-pareho kaming hindi alam ang gagawin para bang  kahit isang minute palang ang dumaan sobrang tagal na.

Nang dumating ang ambulansya ako ang sumama kay angela sinabihan ko ‘yong dalawa na sumunod. Si kezia lilinisan daw muna ang kalat at suka sa dorm, sabi ni regine sasabayan nalang n’ya si kezia.

“miss, natawagan mo na ba ang guardian n’ya?”

tumango ako sa nurse. “kamusta po s’ya?”

“may mga test lang na gagawin sa kanya pero ayos naman s’ya” tumango lang ako ulit tapos umalis na ‘yong nurse.

After ng hindi ko alam gaano katagal dumating na ‘yong dalawa.

“ano daw?” bungad sakin ni kezia.

“may test lang daw na gagawin, antay nalang tayo.”

“natawagan mo na ba sila tita?” tango lang uli ang nasagot ko sa kanila. “ano ba naman ‘yong babae na iyon hindi manlang nagsabi na may nararamdaman s’ya”

Gabi na noon kasama na namin si angela, tulog padin ang babae.

“ano nangyari?” sabay-sabay kami napalingon sa babaeng pumasok sa pinto. “okay na ba daw s’ya?”

“hindi namin alam tita eh, ang sabi po samin pupunta nalang daw po ‘yon doctor tsaka kailangan po guardian ang kausapin.” Saib ko at tumayo sa pagkaka-upo sa gilid ni angela, dumiretso naman doon si tita clara.

“si tito po?” sinamaan ko ng tingin si regine sa tanong n’ya. Alam naman kasi namin na hindi na magkasama sa iisang bahay ang mga magulang ni angela.

“sinubukan kong tawagan pero hindi s’ya nasagot. Hayaan n’yo na ‘yong taong ‘yon wala naman pakialam ‘yon”

Maya-maya dumating na ‘yong doctor ang kinausap n’ya si tita clara.

“po? Food poisoning ?” kaya daw s’ya nagsusuka at nakakaramdam ng hilo ay dahil na food poision s’ya tinanong din kami kung nagtatae ba s’ya pero malay naman namin.

“ano ba naman kayong mga bata kayo! Ano ba ang kinakain n’yo sa dorm ha?” normal ang boses ni tita pero dama ang inis sa mga salita n’ya. “diba sabi ko wag kayo masyado mag didelata at noodles!”

“eh tita hindi naman po ganoon ang ‘cause ng food poisoning, tsaka kung iyon man bakit s’ya lang? bakit kami okay naman” pagdadahilan ni kezia.

Gusto ko sana sabihin na ‘TAMA’ pero baka lalo kami pagalitan ni tita. Shut up nalang.

“bukas pwede na s’ya lumabas sa bahay na muna s’ya at hindi sa dorm. sabi kailangan daw hydrated sya. Pwede n’yo ba s’ya bilhan ng sports drink tsaka bumili nadin kayo ng pagkain. Pupunta ako sa pharmacy para bilhin itong mga gamot”

Si kezia ang naiwan sa tabi ni angela. Kaming dalawa ni regine ang bumaba at pumunta sa 7/11 para bumili ng mga drinks na mataas sa electrolytes bumili nadin kami ng dinner.

“girl girl ! daan muna tayo sa cr bago tayo umakyat”

Kinuha ko iyong mga bitbit ni regine bago s’ya pumasok sa cr. hindi naman kasi ako naiihi kaya nag antay nalang ako sa hallway.

May dumaang babae sa harap ko at sa lakas ng tugtug sa earphone n’ya dinig na dinig ko angi like me better by lauv.

Sinundan ko lang s’ya ng tingin dahil parang ako ang nabibingi kapag naiisip ko na ganoon kalakas ang sounds sa tenga ko.

Nawala ang tingin ko sa kanya dahil sa isang tao na ilang metro mula sakin. May kausap s’ya kaya di s’ya nakaharap sakin.

Parang naging slow motion ang lahat nang nasa paligid ko, nanlalamig ang buong katawan ko pero hindi dahil sa aircon kundi sa kaba na unti-unting bumabalot sa pagkatao ko.

Nakita kong natigilan din s’ya pag harap n’ya sa direksyon ko.

Hindi ko namamalayan na pigil na pala ang aking paghinga.

Naglakad ako ng marahan papunta sa direkyon n’ya.

Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha n’ya.

Nakikilala pa kaya ako ng taong ito?

Naka-focus lang ako sa kanyang mukha hindi lumilingon kung saan.

Parang gusto kong huminto sa paglalakad at tumalikod nang nagsimula rin s’yang maglakad papunta sakin. Kinakabahan ako. Paano kung hindi na n’ya ako natatandaan? Kakausapin ko ba s’ya? Baka mapahiya lang ako.

Huminto ako sa sa paglalakad at ganoon din s’ya, magkaharap kaming dalawa nakatingin s’ya sakin walang sinasabi at wala rin reaksyon. Nakatingala ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na hanggang balikat lang pala n’ya ako.

Huminga ako ng malalim.

“ginoo..”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top