ENTRY #48
exactly 1 pm nasa sm dasma na ako, sabi ko kay zander magkita kami ng 1:30pm kaya naman naglibot muna ako sa book store. alam ko maglalaway lang ako sa mga makikita ko pero kahit manlang mata ko mabusog.
i ask zander kung nasaan na ba siya dahil mag 2pm na at wala parin akong balita sa kanya. sabi niya malapit na pero kanina niya pa kasi sinasabi iyon. sabi ko maghihintay ako sa milk tea shop katabi ng movie house.
mauubos ko na ang iniinum ko ng umupo siya sa harap ko. hindi siya naka semi-formal ngayon katulad ng nakasanayan. he looked so young in a t-shirt and maong pants, hindi rin naka black shoes kundi rubber.
ngumiti ako, nangaasar. "tagal ng on the way ah?"
"traffic"
"hmm.. okay" hindi naman big deal sa akin, sanay naman kasi ako sa mga kaibigan ko na halos oras ang pagiging late kapag nalabas kami.
nakalabas ang mapuputi niyang ipin sa pagkakangiti. "hi! i'm not expecting this"
"tumingin ako ng movie kaya lang wala akong nagustuhan. kumain ka na ba?"
sinenyas ko sa kanya ang milk tea ko dahil baka gusto niya o uhaw siya, pero sumagot ito sa pag-iling.
"gusto mo bang kumain?" tanong niya.
umiling ako. "diet ako"
kumunot ang noo niya. "kahit diet ka kailangan mo parin kumain."
"libot tayo." nauna ako tumayo at hinihintay siya.
hindi naman ganoon kalaki ang mall na ito at paikot-ikot lang. i took his hand, naramdaman ko ang gulat niya sa paghawak ko pero tinanggap niya iyon at bahagyang pinisil. we're just walking while holding hands.
"ano nga palang sabi ng mommy mo?"
"jenica said mabilis na naging tayo kaya hindi na naayos ang tungkol sa amin."
"kailan ba kayo nag break" napatigil ako sa paglalakad. "don't tell me kaka-break niyo lang noon nagkita tayo sa baguio?"
"no. taon na ng naghiwalay kami." hinila niya ako ng mas malapit sa kanya. "don't mind her."
"so iniisip ng mommy mo na easy to get ako?" medyo may hinanakit sa aspetong iyon.
"yes"
pero mabilis na naging kami at ang ibang bagay.. "easy to get ba ako?" bigla kong naisip ang mga pinaggagagawa ko.
"no. but if you are it's okay basta sa akin lang."
"ayan ka nanaman eh" akma kong bibitiwan ang kamay niya pero mas hinigpitan niya lang ang hawak doon.
"bakit nga pala nakipagkita ka ngayon?"
"kailan ang birthday mo?" nilabas ko ang phone ko at pumunta sa notes.
"noong araw na nagkita tayo sa baguio"
inisip kong mabuti kung anong araw ba iyon. kakasimula lang ng klase noon so.. "august 14?"
"kaya ba tayo nagkita para sa interview?" natatawang aniya. "hindi mo ba tatanungin kung busy ako katulad ng lagi mong ginagawa?"
"gusto ko lang malaman 'yong mga basic sa buhay mo and no hindi ko iniisip kung busy ka ngayon actually gusto kitang ayain umalis"
sinulat ko sa slam book na binigay niya sa akin ang birthday niya. naka bold letters pa.
"kung hindi ka nag doctor ano ka?"
"i want to be a Doctor, genuinely."
"hindi dahil pinilit ka ng mommy mo?"
"yes, unlike my sisters gusto ko talaga ito. kaya nga ako ang gustong papuntahin ni daddy ng chicago" natigilan siya saglit. "pero matagal pa naman iyon"
hindi ko nalang pinahalata na may alam ko at alam ko na nagsisinungaling lang siya.
hindi sinasadyang napaling ang paningin ko sa banner kung saan nakasulat na may sale sa end of the month. malungkot akong napangiti, end of this month.
"let's go somewhere."
"saan naman tayo pupunta?"
"sa baguio" pinilit kong ipakita sa kanya ang isang masayang ngiti. "balik tayo ng baguio."
"bakit mo biglang gustong bumalik ng baguio?"
"gusto kitang masolo."
bahagyang bumaba ang panga niya. natawa ako sa reaksyon niya, gulat na gulat siya at higit sa lahat ang pamumula ng pisngi niya ang mas nagpalakas ng tawa ko.
"anong iniisip mo? manyak ka" nahampas ko ang balikat niya.
tumikhim siya. "wala akong ibang iniisip sadyang nagulat lang ako na gusto mong umalis kasama ako. you said ayaw mo na tapos aayain mo ako ng tayong dalawa lang. nagulat lang ako." kahit anong simangot niya ay hindi niya maitago ang ngiti at bahagyang pagpahiya sa mga mata.
"bakit ka namumula?" ang sarap niya asarin. "namiss kita."
lumamlam ang mga mata niya. isang halik sa noo ko ang ginawad niya bago bahagyang hinaplos ang pisngi ko.
"mas namiss kita."
tinitigan ko siya, bawat parte ng mukha niya. ayuko kong may malimutan. hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nakatayo sa gitna ng daan dahil busy ako sa pagtitig sa mukha niya sa mga ngiti niya sa mata niya sa labi niya at sa bawat--
"ineng wag kayo dito maglandian" sabay kaming lumingon sa isang matanda na ang sama ng tingin sa amin. "iba na talaga ang henerasyon ngayon" naiiling itong umalis pero muli kaming nilingon para senyasan na umalis na habang masama ang tingin.
"sorry po" bulong ko sa hangin.
pinanlakihan ko ng mata si zander na pigil ang pagtawa. lokong ito palibhasa hindi siya taga dito at malamang hindi na siya babalik sa lugar na ito.
"so.. baguio" masama parin ang tingin ko sa kanya dahil tumatawa parin siya "saan kita susunduin?" aniya
i rolled my eyes na mas kinatawa niya.
"magkita nalang tayo sa dorm may kukunin din kasi ako doon."
"okay, you're still there? bakasyon niyo na di ba?"
"yes but still nagbabayad parin naman kami sa dorm dahil baka mawalan kami ng space."
tumingin kami ng mga damit sa iba't ibang store. now it's feels like a normal date. nang mapagod kumain kami sa isang past food. i order many as he expected natatakam ako sa burger e pero dulo-dulo takaw tingin lang pala ako kaya hindi ko naubos at siya nalang ang kumain.
"sigurado ka ba na hindi mo gustong magpahatid?" sinamahan niya ako tumawid sa kalsada para pumunta sa sakayan.
"nope!" ayukong malaman mo kung saan ang bahay ko at syempre hindi siya pwedeng makita nila nanay lalo pa at hindi naman na ito magtatagal pa.
siguro okay lang naman enjoyin ko ang mga ganitong bagay sa ngayon. lalo na at may katapusan ito.
kinabukasan umaga ako umalis ng cavite. nagpaalam ako kay nanay na may kailangan lang akong gawin kaya sa dorm muna ako uuwi. hapon pa naman ang usapan namin ni zander kaya nag-ayos muna ako ng mga gamit pagdating ko sa dorm.
"nasa 7/11 ako naka-park" sabi niya sa kabilang linya.
hindi ko na siya inobliga na sunduin ako sa mismong gate ng dorm. sinabihan ko siya na wag na patayin ang makina dahil palabas na ako. nakangiti ako sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"sigurado ka ba na ayos lang ito? " sabi niya habang nag da-drive.
"oo naman, bakit?"
"ano ba ang ibig sabihin nito? nagbago na ba ang isip mo?"
"di ba sabi mo enjoyin lang natin ang isa't isa? bakit parang in a rush ka ata ngayon?" sinundan ko iyon ng pangasar na tawa. "buksan ko radyo ah"
ang mga ngiti ko ay unti-unting nawala dahil sa pagtugtug ng one more time ni ariana grande.
So one last time
I need to be the one who takes you home
One more time
I promise after that, I'll let you go
feeling ko iniinis ako ni universe dahil nagsunod-sunod na puro pang sawi ang tumugtug. napansin ata ni zander na nabanas ako dahil padabog kong pinatay ang radyo. badtrip.
"are you okay?"
"yeah, hindi lang maganda ang playlist"
"connect ka nalang sa bluetooth and then ikaw na ang magpatugtug."
"wag na, ayuko na makinig ng music baka antukin ako."
"go ahead, sleep."
"mas maganda may kausap ka habang nagda-drive para hindi ka antukin o mabored."
nagsisimula nang lumubog ang araw at alam ko na malayo pa ang tatahakin namin.
"saan nga pala tayo pagdating? i mean gabi na"
"may bahay sila steven doon ako tumuloy last time, doon nalang rin tayo ngayon if that is okay woth you."
"yeah" simple kong sagot.
"really? isa lang ang kwarto doon. sa sala nalang ako."
"no, okay lang baka hindi komportable doon share nalang tayo."
saktong nag stop ang mga sasakyan kaya naman nilingon niya ako na nakakunot ang noo.
"hindi ka magre-request na hiwalay tayo?"
"no" mabilis kong sagot.
nagsukatan kami ng tingin parang may pag-aalinlangan siya pero hindi na nagsalita pa. ako naman ay baliwala lang na binalik sa kalsada ang tingin nang magsimula na ulit kaming umandar.
"hindi kita gagapangin Doc"
"that's not my concern i mean.."
"do whatever you want, wala kang maririnig sa akin." sinadya kong lambingan ang boses ko.
"Carmela Inessa Abades!" napatakip ako sa tenga sa lakas ng boses niya. "hindi iyan gawain ng dalagang pilipina!"
"pilipina ako, tignan mo pa nationality ko sa birth certificate."
"bakit ganyan ka? bumabalik ka na sa dati. ang hilig mo nanaman.."
"mang-asar?" ako na ang tumapos ng malaman niyang sentence.
"kung tratuhin mo ako ngayon parang okay na tayo, parang hindi ka nag walk out sa akin noong nakaraan. parang hindi ka nakipaghiwalay."
huminto ulit ang sasakyan. kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tanggalin ang seat belt ko at lapitan siya. mabilis na hinalikan ko ang pisngi niya, napaatras siya sa gulat.
"you're creeping me out."
"gusto mo sa kandungan mo ako umupo habang nabyahe ka?"
"Carmela! kapag tayo naaksidente!"
tumatawa akong bumalik sa kinauupuan. joke lang iyon syempre mahal ko buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top