ENTRY #46

nakatayo ako sa tapat ng isang napakalaking bahay. mula dito ay tanaw mo ang taal lake, sa itsura palang at nakakamanghang tanawin ay alam mo agad na mahal ang pinagtitirikan nito. bigla ko tuloy naisip iyong property na binenta namin. i think malapit lang iyon sa lugar na 'to.

huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell.

lumabas ang isang may katandaan nang babae. 

"magandang araw po" bati ko.

"ikaw ba si carmela?" tumango ako bilang sagot, mukha ako lang ang inaasahan nilang bisita ngayon. "pasok ka"

nasa likod lang niya ako habang umaakyat sa hagdanan papunta sa main door.

"pakihintay nalang si zam sa sala, may gusto ka ba?"

"wala po" nginitian ko siya at tinunguan sa pagbubukas niya ng pinto.

tahimik akong nakaupo sa isang lether na sofa. naiilang ako dahil bawat galaw ko ay natunog ang kinauupuan ko. hindi ko alam kung sasandal ako o tutuwid ng upo.

"carmela hi! o bakit parang tuod ka naman diyan?"

tumayo ako para bumati sana pero sinenyasan niya ako na umupo ulit.

"buti napagbigyan mo ako, halika doon tayo sa may pool area para maganda ang view."

"Ano po bang pag-uusapan natin?"

Mas maganda ang view sa pool area. Berdeng berde ang tanawin.

"Mom! Where is my ball?" Ani ng maliit na tinig sa loob.

"Hanapin mo riko wag kang puro salita, gamitin ang mata hindi ang bibig"

"The fuck"

"Riko! Bunganga mo ah!"

"Kasalanan mo iyan, narinig ka niya kagabi na puro fuck ang salita. Ayan tuloy" ngumiti sa akin ang isang babae na naglapag ng meryenda sa tavle namin. "Pasensya ka na sa kaibigan ko. Walang preno ang bibig niyan." Nginitian ko lang siya.

Ang ganda ng kutis niya para siyang model.

"Pa'no ba naman kasi" umirap siya sa kaibigan niya.

"Alam mo naman na kapag bata, ginagaya ang ginagawa ng matatanda. Kaya ayusin mo 'yan bunganga mo"

"May nangyari ba sa inyo ng kapatid ko?" Diretsong nakatingin si ate zusy sa mata ko. "Isang linggo siyang hindi nagpakita sa hospital so i assumed magkasama kayo?"

"Nagkita po kami sa quezon province?" Halos bulong ang huli konh salita. Hindi ko maipaliwanag ang biglang pagkaseryoso ng sitwasyon. "alam po ba ni zander na nandito ako?"

"nope. do you want me to tell him?"

marahan akong umiling.

"kung hindi pa ako nagdrama hindi siya babalik ng manila. isang tawag lang ang natanggap namin sa kanya na mawawala siya saglit. pasalamat siya ospital iyon ni tito marton kundi tanggal talaga siya! hindi gawain ng matinong trabahador iyon ano."

nakayuko lang ako at nilalaro ang maliit na kutsarita sa tabi ng cake na inihain sa amin. 

"22 ka na pero graduating ka palang?" I know she just want to start a nice conversation.

"Senior high school po. 18 na po ako nag start mag college." I timidly smile.

"Ay oo nga pala noon panahon kasi namin walang ganyan. After high school pwede ka na mag asawa" aniya sabay tawa.

"Baliw ka talaga zam" sita ng kaibigan niya.

"alam mo.. never kong nagustuhan si jenica for my brother. i know may alam ka na sa history nila" biglang sumeryoso ang boses niya.

"pero mukhang tanggap naman po siya sa pamilya niyo." samantalang ako hindi.

"hindi na nag serve ngayon si mommy sa hospital. may naging issue siya noon na naging dahilan kung bakit hindi na siya pwedeng maging doctor, we don't know if it's true or not pero i think nakadagdag iyon sa isipin ni mommy na kailangan namin maging doctor lahat para mapatunayan na magagaling ang mga mendez sa larangan ng medisina. And her whole family is a doctor."

tumanaw siya sa malayo, sa berdeng tanawin.

"bata palang kami nakaplano na kung ano ang daan na tatahakin namin. ikaw magiging surgeon ka. ikaw naman magiging dentist ka o kung ano man ang trip  nila basta doctor. Naka-plano talaga na kaming dalawa ni zander, si zerina bunga ng isang gabi na walang proteksyon HAHAHA" bigla nanaman naging joke ang eksena.

"hindi po ba kayo nag isip kumuha ng iba? wala po ba kayong gusto?"

"hmmm.. late ko kasi narealized kung ano ang gusto ko medyo noong mag intern na ako" sabay tawa niya pero mabilis nagbago ang ekspresyon niya. Lumambing iyon. "si zander ang protector ko noon pa. nabuntis ako kay riko noon graduating palang ako sa med school. ang alam ng tatay niyang gago pinalaglag ko ang bata gaya ng gusto niya, kaya naman nagtago ako noon kasi natakot ako baka kung ano ang gawin niya kapag nalaman niyang hindi ko ginawa. makakasira kasi ako sa career niya eh."

"sad 'no? mas pinipili ng ibang tao ang career kesa sa buhay ng anak nila" sabi ng kaibigan ni ate zusy. "i'm adison."

"dahil pinaghihirapan ang career, ilang taon bago mo makuha ang tiwala at tayog ng tagumpay."

"hanggang ngayon po ba hindi niya alam?" bigla akong nagkaroon ng interes sa istorya niya.

"oo hanggang ngayon. lumayas ako noon kasi nag-away kami ni mommy. you know carmela maraming kayang gawin ang mommy ko para mangyari ang gusto niya. marami siyang ginawa para maghiwalay kami ni rei dahil ayaw niya kay rei for the same reason na ayaw niya sa'yo. pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kami naghiwalay oh no hindi si mommy!" nabalutan ng hinanakit ang tono ng boses niya. "to make the story short it's a third party."

"gago talaga ang ex niya." sabi ni ate adison.

unti-unti nagiging komportable na ako sa kwentuhan naming tatlo.

"zander used to have fun. nasa banda siya dati, hilig niya ang musika pero tinanggal ni mommy lahat ng bagay na sa tingin niya hindi makakatulong at mawawala ang focus ni zander sa med school kaya naman naging boring siya pagtagal at seryoso sa buhay."

"parang hindi ko naman po siya nakikitang seryoso. wala siyang oras sa akin dahil busy siya, pero hindi naman po iyon ang dahilan kung bakit kami nag break."

"that's exactly my point my dear. para siyang bumabalik sa pagiging teenager kapag kasama ka niya. he's alive like first time niya naranasan ang kilig? like finally alam niya iyong salitang saya." hinawakan ni ate zusy ang kamay ko na nasa mesa. "kaya alam ko na mahal ka ng kapatid ko."

pakiramdam ko iiyak ako sa mga narinig ko. ngayon nalaman ko nanaman ang kwneto tungkol sa kanya mula sa ibang tao pero masaya ako dahil may bago akong nalaman tungkol sa pagkatao niya.

"bakit nga pala kayo nag break?" tanong ni ate adison?

"may.. kailangan lang po akong unahin. "nagkatinginan ang mag kaibigan. "and i think hindi pa talaga ready si zander sa relationship kasi.. never siyang nag open up sa akin."

kinakabahan ako sa uri ng tinginan nila, hindi ko alam kung mali ba ang sinabi ko dahil sobrang seryoso ng hangin ngayon.

"but don't get me wrong mahal ko po si zander but i think hindi po healthy sa ngayon at hindi rin po ako maayos."

"actually carmela.." dalawang kamay ko na ngayon ang hawak ni ate zusy. "alam mo na may hospital kami sa chicago diba?"

tumango ako bilang sagot.

"to tell you honestly, hindi maganda ang sitwasyon ng daddy ngayon and the hospital is in crisis so my dad is really stress kaya naman he's actually expecting... zander to be there before the end of this month."

nagpalitan ang tingin ko sa kanila. I'm not sure kung bakit kailangan ko pang malaman ang mga bagay na ito.

"'yon sana ang gusto namin ipakiusap sa'yo?" sabi ni ate adison.

"ang alin po?"

"since you two broke up, ayaw gumalaw ni zander i think it's like a protest sa mommy namin dahil sa nangyari sa party. i'm sorry kung hihilingin ko sa'yo ito pero kailangan ni zander pumunta ng chicago and matagal na iyong resposibility na iyon sa kanya" katulad kanina nasa mga mata ko ang nagsusumamong tingin ni ate zusy. "can you convice him to go?"

nag echo sa akin nag mga huling sinabi niya.

"i like you for my brother but you said it yourself nakipag break ka kasi may kailangan kang unahin and ganoon din siya. maybe hindi niyo pa panahon."

nakakatawa. noong nakaraan lang nag doubt ako kung tama ba ang ginawa kong desisyon at nakokonsensya dahil mahal ko pa siya, muntik pa akong bumigay tapos hihilingin sa'yo ni tadhana na paalisin siya.

"hindi ko hihilingin sa'yo ito kung hindi importante but my dad really need him there."

nagtubig ang mata ko. "susubukan ko po." kasama po ba si jenica? gusto ko sanang idugtong pero nahihiya ako.

"Salamat" ngumiti siya. "Matanda na tayo pareho para isipin lang ang kilig sa relasyon. I think you know that. Love means war may mga laban ka na dapat isuko pero hindi ibig sabihin noon na hahayaan mo iyon na tuluyang mawala sa'yo"

Naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig. Na hindi ibig sabihin aalis si zander hindi na kami pwede, gusto ko rin naman isipin na ganoon nga.

"zam ang mommy mo nandjan." anunsyo ng kasambahay nila at pumasok ulit sa loob.

"bakit nandjan si tita?" bumalatay ang kaba sa mukha ni ate adison. 

"lola!" narinig namin sa loob ang masiglang tinig ni riko.

kinakabahan ako sa muli namin pagkikita, hindi ako ready at mas lalong ayuko siyang makita.

"zam? may bisita ka daw sabi ni manang sino.." she stop midway nang makita ako. "what are you doing here?"

"magandang araw po." bati ko.

"carmela?" isang nakataas kilay na jenica ang sumulpot sa likod ng mommy ni zander.

tignan mo nga naman mukhang may ahas na nagtravel sa malamig na lugar para mag hibernate.

"bisita ko siya wag kang bastos." tila natinag naman si jenica dahil kay ate zusy.

"aalis narin po ako, ayuko pong gabihin." sinabit ko ang sling bag ko at nagsimula nang maglakad.

"ingat ka carmela. i'm sorry sa favor pero alam ko ikaw lang ang makakakumbinsi sa kanya." humalik si ate zusy sa pisngi maging ang kaibigan niya.

nagpaalam din ako sa mommy ni zander. ayuko maging bastos. tinunguhan niya lang ako at hindi tinignan.

"nagpapalakas ka sa ate niya?" nangiinsulto ang tawa ni jenica. binulong niya iyon sa akin eksaktong pagtapat ko sa kanya.

kanina ay medyo nararamdaman ko ang lamig ng tagaytay pero ngayon parang nagiinit ako. nag flash sa utak ko ang lahat ng sinabi ni zander tungkol sa kanila at kung paano naging gentelman siya sa babae na hindi ito ipahiya kahit pa ang sakit ng ginawa nito.

magkapantay ang mga balikat namin, naramdaman ko na nagulat siya na pagtigil ko,

"atleast ako ngayon palang nakilala malakas na. ikaw ang tagal mo nang sumisipsip di ka manlang magustuhan."

"ako ang gusto ng mommy niya." matapang niyang sagot.

"yeah! sure! kasi hindi alam ng mommy niya kung ano ang ginawa mo sa anak niya."

namutla siya. "what?"

"tatlong beses siyang nag propose pero ayaw mo kasi may natitipuhan ka nang iba, malas mo lang hindi umobra ang kamandag mo. sa itsura palang ni doctor steven alam mo na dapat agad na hindi niya gusto ng mga babaeng gaya mo."

"gaya ng ano?" nainsulto ata siya sa sinabi ko.

"basura ng kaibigan niya. halata naman sa itsura niya na ayaw niya ng second hand. hindi siya mahilig sa sale at mas lalong hindi niya gusto ang may sira ang utak."

isang malakas na sampal ang nagpasinghap sa lahat ng nandoon. lumapit ang mommy ni zander kay jenica na tila inalo ito dahil naluluha na ang gaga.

"you don't know anything!"

hawak ko ang pisngi na ngayon ay mahapdi. bakit ako ang laging unang nasasampal? masama na bang magsabi ng totoo?

"are you okay jen? excuse me young lady pero wala ka ata sa posisyon para magkalat dito. hindi mo pamamahay ito, anong ginawa mo kay jenica" sabi ng mommy ni zander.

"kung gusto mong lumandi sige lumandi ka pero wag ka mandamay ng friendship ng iba!" hindi ko pinansin ang matalim na tingin ng mommy ni zander.

mabait si zander kaya hindi niya pinatulan ang kagagahan ni jenica o baka mahal niya lang talaga ito noon kaya nirespeto niya ang mga salita nito at hindi binigay ang side niya.

i don't care. bibigyan ko ng hustisya ang lahat. bibigyan ko ng hustisya ang ginawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top