ENTRY #45
mabilis akong tumakbo paalis pagkatapos kong sabihin iyon. kakaiba ang ngiti niya sa buong panahon na naliligo kami at hindi niya ako tinantanan kahit minsan. naiilang ako but mostly nahihiya.
"here" inabutan niya ako ng inumin pagka-ahon ko. walang salita ko iyon tinanggap.
lumakad ako papunta sa isang puno at umupo sa lilim noon. hinid ko naman pinagtaka ang pagsunod niya at pagtabi sa akin.
"sorry" aniya matapos ang mahabang katahimikan mula ng umupo kami.
"what for?" sabi ko after inumin ang binigay niya.
"naging kampante ako na palagi kong makikita ang mga ngiti mo kahit gaano katagal tayong hindi nagkita."
hinawi ko ang buhok ko sa isang side habang umiihip ang hangin. tila nananadya pa ag ulap dahil biglang kumulimlim. kinagat ko ang loob ng pisngi ko dahil feeling ko maiiyak ako.
"sorry kung hindi pa okay sa akin na mag open up sa nakaraan ko."
hindi parin ako nagsasalita at nakatingin lang sa dagat.
"sorry kung hanggang ngayon may connection parin ako kay jenica, we work at the same place, i don't want any misunderstanding so i thought it's better to fixed it by being friends"
pasimple kong pinahid ang mga luha ko. naninikip ang dibdib ko at hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. naguumapaw ang lungkot sa pakiramdam ko.
oo namimiss ko siya pero nangingibabaw ang takot sa akin. mukhang masyadong malalim ang trust issue ko sa relasyon. Idagdag pa na ang daming sumabay na problema, hindi ko na talaga alam ano ba ang dapat kong isipin.
"sorry kung hindi kita kayang sukuan at hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na ayaw mo na."
kumawala na ang kanina ko pang pinipigilan na hikbi. naramdaman ko ang pagyakap at pagbaba ng ulo niya sa balikat ko.
"sorry kung big deal sa akin ang nangyari." ngaralgal ang boses ko. "sorry kung hindi kita kayang unahin ngayon." alam ko na hindi niya alam ang nangyayari sa buhay ko pero gusto ko parin sabihing sorry.
"it's a big deal. maybe others won't understand the feeling pero para sa mga taong naranasan ang mga naranasan mo alam kong big deal iyon."
we stay like that hanggan sa tuluyan nang umulan. nasa ilalim parin kami ng puno habang ang mga kaibigan ko ay enjoy na enjoy sa dagat at ulan.
masayang nagkwe-kwentuhan ang lahat sa daan pauwi pero kami ni zander tahimik lang. nasa likod parin kami at mabagal na naglalakad.
"Doc walang street light sa daan papuntang bayan baka kung mapano ka." sabi ni angela pag balik namin sa bahay.
"may ilaw naman sa head light ng kotse niya ah" sabi ni poseidon na para bang sarili ang kausap pero alam ko na sinadya niyang iparinig.
"may space pa naman sa bahay, kung magpalipas ka nalang ng gabi dito?" dugtong ni angela.
"nako! kanina pa kayo puro dahilan! paalisin niyo na saling ketket lang 'yan dito"
"poseidon!" hindi ko mapigilang saway.
"it's okay. aalis na ako, for real."
napalunok ako, may gumapang na lungkot sa sistema ko. napansin ko na nakatingin sa akin si kezia. bahagya siyang ngumiti at tumungo, nagtubig ang mata ko. alam ko na hindi naman siya kay zander inis kundi sa akin. dahil palagi akong nawawala sa tamang pag-iisip kapag si zander ang usapan na minsan ay hindi na tama.
"magpalipas ka na ng gabi, tama si angela baka mapano ka sa daan." nginitian ko siya.
"are you sure?"
"hmm" tumungo ako bilang pagsang-ayon.
nag-aalala rin ako dahil malayo ang bayan mula dito at baka kung anong mangyari habang nasa daan. hindi kaya ng konsensya ko kapag may nangyari.
"i will treat everyone pag balik ng metro manila"
"wag na" magkakasunod na sabi ng mga kaibigan ko.
"konsensya ka namin Doc. kaya namin ginagawa ito" sabi ni regine at nauna nang pumasok.
"saan siya matutulog? hindi ko iyan tatabihan sa kwarto." sinuklay ni poseidon ang buhok niya at tinignan kami ng masama.
"gusto mo pre tabi nalang tayong lima nila kezia tapos si Doc tsaka si carmela ang magkatabi sa baba"
"gago!" binatukan ni poseidon ang kaibigan bago humakbang para pumasok sa bahay, tinawanan lang siya ni erick.
"mag banlaw ka na rin" sabi ko kay zander.
"hindi ba pwede iyong ideya ng kaibigan mo?"
"gusto mong hindi makauwi ng buhay Doc?" banta ni kezia pero nakangiti.
"just kidding, where's the bathroom?"
"pagpasok mo Doc sa may dulo" sabi ni angela.
nakatingin lang kami kay zander hanggang makapasok siya sa loob. magkakasabay naming sinugod si erick. binatukan siya ni kezia, bahagya ko naman siyang sipina habang kinurot naman siya ni angela.
"baliw ka talaga erick! kita mong badtrip na si poseidon gatong ka pa!" si angela.
"wala ka bang pakiradam" dugtong ko agad.
"masakit ah!" angal niya sa amin. "ano ba naman kayo! kailangan ipamukha sa isang iyon na wala siyang pag-asa kay carmela, sino ba naman ang gagawa noon kundi ako na kaibigan niya."
natigilan kaming tatlo.
"best friend ako di ba? isa sa mga responsibilidad ko ang isampal sa kanya ang katotohanan."
naunang makareact si kezia, mabagal siyang pumapalakpak. si erick naman pumosing pa at proud na proud sa ginawa niya.
"o paano mga magagandang dilag, papasok na ako upang makabanlaw dahil nangangati na ako."
"akala ko nang aasar lang siya" sabi ni angela pag-alis ni erick.
"oo nga eh. akala ko walang pakiramdam." si kezia.
"Dapat kasi hindi mo na sila sinama" sabi ko kay angela.
"Okay lang 'yan. Masaktan na at masaktan, para matauhan" sabi kezia pero sa akin nakatingin.
"Para ba kay poseidon 'yan o para sa akin?"
"Para sa lahat" aniya at tumuro kay angela. "Isama mo na 'yong tropa mo na hindi maka move on sa lalaking hindi naman niya naging jowa." Inirapan niya kami bago pumasok sa loob.
"Mas mahirap daw mag move on pag walang label" sabi ko kahit di naman dinig ni kezia.
Pareho kaming nag sad face ni angela at sumunod kay kezia na magka akbay. Inaalo ang isa't isa.
Sa mga sumunod na araw ay iba't ibang lugar ang pinuntahan namin. Mga tourists spot at syempre dagat para mag swimming. sadya atang nasabik kami sa dagat ng mahabang panahon kahit kasi maraming pwedeng puntahan sa cavite hindi naman namin magawa dahil busy.
Hindi na nagyari ang pag-alis ni zander. Umalis lang siya isang umaga para tumawag dahil wala talagang signal sa tinutuluyan namin. Napagod narin ako kakasabi na 'umuwi ka na' at 'umalis ka na' dahil laging nagkakaroon ng dahilan para mag stay siya.
O baka hindi ko rin siya kayang paalis? Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng ginhawa kapag gumigising ako na nandoon parin siya. madalas akong binibigyan ng kakaibang ngiti ng mga kaibigan ko pero pinagkikibit balikat ko nalang.
Tahimik akong nakaupo sa nipa hut. Ilang metro lang ito mula sa bahay na tinutuluyan namin. Naglalaro sila ng kung ano sa loob at tumakas ako dahil hindi ko gustong makisali at isa pa, gusto ko magbasa ng libro.
Nag baon ako ng ilang libro dahil on going ang lahat ng binabasa ko sa app.
"Love story?" Hindi ko na kailangan lingunin ang nag salita.
"Horror" tinaas ko ang libro at pinakita ang cover. "Sabi based on true events daw, medyo demonic ang tema."
"Bakit hindi ka sumali sa loob?" Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa trabaho mo?"
"Hindi ka ba napapagod itanong 'yan?" Medyo natatawa siya.
"Nakakapagtaka lang kasi. Noong tayo lagi lang busy ngayon naman na hindi na may time ka na"
Nawala ang pagkakangiti niya. It's time for me to laugh
"Truth hurts?"
"i wanna kiss your neck"
Bigla kong nahampas sa kanya ang libro.
"Akala ko ba let's keep it pg!"
"What? Hindi pa napapasok"
"Ano!?"
" 'yong mga sinampay! Ayon oh! Hapon na hindi mo pa ba iyon ipapasok?"
"Hindi ko naman damit 'yan mga iyan! Sadyang sinipag lang sila maglaba kaya may ganyan."
Umusog ako ng konti. Pinilit kong intindihin ang binabasa ko pero ilang minuto na ang lumipas at ilang beses ko nang inulit pero hindi ko parin maintindihan.
Nilingon ko si zander na nakatingin rin sa akin.
napatitig din ako sa mukha niya, noong una ay gusto ko lang ibalik ang pagkakatitig niya para asarin siya pero nawala na ako sa sarili. ang gwapo niya, ang tangos ng ilong at bahagyang mahaba ang pilik mata. May pagkapula rin ang mga labi niya at hindi dry. Ang mataray kong ekspresyon ay unti-unting lumambot habang nakatitig sa mga labi na iyon.
"I will wait"
Hindi maalis ang tingin ko doon habang binibigkas niya iyon.
"Until you're ready to be in a commitment again"
Parang nahihipnotismo ako sa ganda ng ngiti na pinapakita niya at pagbasa niya sa labi gamit ang dila. Mula sa taas , paikot hanggang sa baba.
Tangina.
Mabilis akong bumaling sa harap na nanlalaki ang mga mata. Narinig ko ang pagtawa niya. Nag-init ang pisngi ko.
"Do you... want to.." hindi niya natapos ang sentence dahil sa pagtawa.
Nangatngat ko ang kuko sa hinlalaki. Shit bakit ako nagngangatngat ng kuko.
"Tumigil ka nga!" Sita ko.
"Iba ka, alam ko iba ka therefore hindi ka mapupunta sa iba."
Kay tamis ng ngiti nito kahit ang mga mata ay parang nakangiti.
Nananalangin nalang ako na hindi dapat bumigay kahit pa konti nalang ay malamang mawawalan nanaman ako ng control. Hindi pa pwede ngayon, ayuko muna ulit mabaliw sa relasyon.
"C'mon kiss me"
Tumayo ako at pumuwesto sa harap niya. Tinukod ko ang magkabilang kamay sa gilid niya. Nakatingala siya sa akin habang hinihintay ang tuluyan kong pagyuko. Ilang pulgada mula sa mukha niya ay tumigil ako.
"Manigas ka"
Ngumiti siya sa akin parang inaasahan na niya na hindi ko iyon gagawin.
Magkakasabay parin kaming anim sa van noong pag-uwi. Humiwalay na si zander sa bayan palang. Ayuko rin naman malaman niya kung saan ang bahay ko sa cavite.
"Ingat kayo ah!" Sabi ko sa kanila paghatid nila sa akin sa tapat ng bahay namin.
"Nay! Nandito na ako" bungad ko pagbukas ng pinto.
Napatakbo ako sa cr dahil narinig ko doon ang boses ni nanay at tipong parang may sumusuka.
Hindi nga ako nagkamali. Nandoon si nanay akay si tatay at hinahagod ang likod nito. Hinang hina ito na sumusuka sa bowl.
"Nay! Okay lang ba si tatay?"
"Hindi ko nga alam e. Kagabi pa siya nagsusuka, mukhang hindi tinatanggal ng tiyan niya ang pagkain. Babalik kami sa doctor bukas."
Tinulungan ko siya akayin si tatay papunta sa kwarto. Si ate minda na ang naglinis.
"Pasensya na anak, nanghihina si tatay." Namumungay na ang mata niya. "Matutulog muna ako, nahihilo ako e"
"Sige po tay, pahinga ka lang"
Sabay kami ni nanay lumabas ng kwarto.
"Ang hirap kapag nagteteraphy sabi nila normal daw na nanghihina ang pangangatawan."
"Kawawa naman si tatay nay"
"Kaya ni tatay iyan. O kamusta nga pala bakasyon mo? Nag enjoy ka ba?"
Ngumiti ako. "Opo nay"
"Pahinga ka na. Pagod ka malamang sa byahe."
"May nasabi po ba si butchoy sa inyo?"
"Anong sasabihin?"
So hindi parin niya sinasabi hanggang ngayon. Halos buwan na at malamang halata na ang tiyan ni carla.
"Wala po nay. Sige po, akyat na ako."
Kinuha ko ang telepono ko para tawagan si butchoy pero walang nasagot. Nag text nalang ako na nasa bahay na ako.
Inaayos ko ang mga gamit ko ng mag ring ang telepono pero unknown number. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba dahil ayukong sumasagot ng number na hindi nakaregister.
Pero baka importante.
"Hello?" Boses babae ang nasa kabilang linya.
"Is this carmela?"
"Opo? Sino po sila?"
"Si zusy 'to ate ni zander, remember me?"
Napakamot ako sa ulo. Tanda ko siya pero hindi ko naaalala na binigyan ko siya ng number ko.
"Can we talk?"
"Para po saan?"
"About zander. Sa bahay ko sa tagaytay. Kailan ka pwede? i heard taga cavite ka naman. malayo ka ba? pwede kitang sunduin."
Bigla akong kinabahan. sa haba ng sinabi niya ay isa lang ata ang narinig ko.
"May nangyari po ba kay zander?"
Please say no.
"No. He's fine."
Nakahinga ako ng maluwag.
"So?"
"Sige po. Let's talk"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top