ENTRY #44

"Ang galing mo naman Doc. Alam mo kung saan pupuntahan ai carmela"

Parang bigla akong nagkaroon ng stiff neck at hindi ko malingon si kezia. Sinulyapan ko lang ang katabi ko na nagda-drive.

"I hope i'm not interrupting something."

"Ehe" lalo akong naiilang sa sagot ng kaibigan ko.

"We're here!" Sa wakas ay sabi ko.

ang plano ko ay mabilis kong tatanggalin ang seat belt para makuha ko agad ang mga bitbitan pero hindi nangyari iyon. sadya atang mas mabilis kumilis ang lalaki kesa sa akin dahil siya parin ang nagbitbit ng gamit papasok sa bahay.

natigilan ang lahat ng pumasok kami, bumalik daw sila sa bahay at hindi natuloy sa dagat dahil baka magtampo kami. nagkakatinginan silang lahat habang si kezia ay dumiretso na sa kusina. nginitian ko lang sila bago pumasok narin sa kusina, iniwan ni zander ang mga pinamili namin sa lamesa bago lumabas.

"styrofoam" sabi ni kezia na sadya atang sinira ang isang bahagi ng styrofoam na lalagyanan ng karne. "ang rupok, parang 'yong tropa ko."

napasimangot naman ako.

"anyare? bakit nandito si Doc?" natatawang sabi ni angela pagpasok nila ng kusina.

"tanong mo sa tropa mo." sagot ni kezia.

"okay! for starter hindi ko sinabi kung saan tayo pupunta at mas lalong hindi ko siya inimbitahan. ikaw angela nag post ka sa insta tapos may location!"

"and so!? dahil doon nalaman niya agad saan ka hahagilapin? hindi naman complete address ang nilagay ko ah?"

"skills!" sabi ni regine. "angela, parang kailangan niyo nang palitan 'yong kubo-kubo niyo sa labas. tignan mo 'yong materyales, marupok na" kunyari ay nasilip sa bintana pero binalingan kami na may mapang-asar na ngiti.

"parang nga... ang rupok"

"ewan ko sa inyo." inuwan ko sila sa kusina. 

nasalubong ko si poseidon bago lumabas ng pinto, hindi ko nalang pinansin ang pagkakatitig niya sa akin. lumabas ako ng bahay at nakita ko si zander na naka sandal sa kotse niya. hindi niya ata napansin ang pagdating ko dahil sa cell phone siya nakatingin.

"walang signal dito."

"yeah, i know that now. kaya pala hindi kita matawagan kahapon."

tumikhim ako. "salamat sa paghatid."

nahagya siyang ngumiti sa akin. naiilang ako sa mga tingin niya pero hindi ko naman alam ang dapat sabihin sa katahimikan namin ngayon. bumaba ang mata niya at doon na mas lumawak ang ngiti niya.

"suot mo parin" sabay turo sa palapulsuhan ko.

inangat ko ang kanang kamay kung saan nandoon ang bracelet na binigay niya. "gusto mo ba na ibalik ko?"

umiling siya. " hindi 'yan ang gusto kong ibalik mo."

"ha?" naisip ako saglit. "mayroon ka pa bang binigay sa akin na iba?"

kurap nalang ang nagawa ko nang bigla niya hapitin ang bewang ko palapit sa kanya. ang isang kamay niya ay lumapat sa pisngi ko at naramdaman ko ang init ng labi niyang bumalot sa mga labi ko. hindi iyon matagal na halik pero natulala ako at hindi makapagsalita pagbitaw niya.

"'yon ang gusto kong ibalik mo sa akin." nakapulupot parin ang isang braso niya sa akin. "ibalik mo please."

akmang bababa muli ang ulo niya ay tinulak ko na siya.

"that's not fair!" hindi ko alam kung ano ang pinapatukuyan ko. "hindi mo ako pwedeng biglang halikan ng ganoon!" baka mabaliw ako.

lumingon agad ako sa bahay pero hindi ko kita ang loob. kinakabahan ako, may nakatingin kaya.

"hindi mo ba naintindihan ang mga sinabi ko sa'yo?"

"i do" napasimangot siya. "you said, you don't know me well so you can't trust me again"

"not that" may sinabi ba akong ganoon?

"that is why.." binitin niya ang sasabihin dahil may kinuha siya sa loob ng sasakyan. "here"

hindi makapaniwalang kinuha ko ang isang note book mula sa kanya, hindi ko napansin ang pag-awang ng labi ko. naramdaman ko nalang na sa bibig na pala ako humihingi at hindi sa ilong.

"seryoso ito? slam book?"

excited niyang binuklat ang note book. "look there is my favorite food, tv series, movie and there is also trivia about me."

"i know what a slam book is, what i'm asking is why are you giving me this?"

nagkibit balikat siya. "basahin mo i guess?"

"Doc" para akong nanghina bigla sa mga nangyayari. "mag thi-thirty ka na this year and this?" i said pertaining to the slam book. "gawain 'to ng elementary"

"i.. i don't know, i thought i could start a understanding of getting to know each other. by this" isang malungkot na ngiti ang tumapos sa usapan na iyon.

nasasaktan parin ako sa lungkot na mayroon ang mga mata niya. mapayuko ako dahil hindi ko kayang makita ang mga lungkot sa ngiti niya.

"dito ka na mag lunch" nakokonsensya kong sabi. " tapos umalis ka na"

doon nga siya kumain ng tanghalian. halos walang nagsasalita sa amin, ang awkward sa lamesa.

"swimming tayo after ah?" lahat nag lingunan ky erick. "sama ka pa ahh.. hmmm.. Doc?"

binagsak ni poseidon ang kubyertos kaya naman sinaway siya ni kezia pero hindi nagpatinag ang isa at nagdadabog parin.

"wala ka bang alam sa mga nangyayari sa mundo?" si angela.

"para kayong tanga! nandito tayo para magtanggal ng stress. sa ginagawa niyo lalo niyo lang ini-stress ang sarili niyo."

"tayo nga di ba? bakit nag iimbita ka pa ng iba?" iritadong-iritado si poseidon.

"sige Doc wag ka na sumama, ayaw nila. hindi ka welcome uwi ka na"

napabuntong hiningi ako. gusto kong sabunutan si erick.

"yeah, i guess you're right" sabi ni zander sabay sulyap sa akin.

what? ano gagawin ko? ano ibig sabihin noon?

"hala hindi sa ganoon ano.. gusto mo ba?" hindi sigurado ang tono ng boses ni angela pero pinilit niyang ngumiti.

"hindi okay sa akin." mabilis na sagot ni poseidon.

"wag kayong mag away sa harap ng grasya" sabi ni kezia sa normal mother tone niya.

"are you going to wear a swimsuit?" bulong ni zander sa akin.

gusto ko sanang sabihin oo pero parang may bumara sa lalamunan ko at nakakaramdam ako ng hindi maganda kapag sinabi ko iyon.

"what if i am?"

magkakasunod siyang tumango at nagpatuloy sa pagkain. nagprisinta akong maghugas para makatakas. nasa kalagitanaan ako ng pagbabanlaw ng lumapit si angela na may dalang baso ng tubig.

"hindi ka pa nainom ng water."

pinunasan ko muna ang kamay ko bago tinanggap ang binigay niya.

"tingin mo ba mali iyong ginawa ko?" bigla nalang akong tumulala. "kasi parang nakokonsensya ako. naiisip ko parang ang o.a ko na mali ang ginawa ko."

"ang alin?" tumitig siya sa akin. alam ko mage-gets din niya ang ibig kong sabihin. sadyang processing pa ang utak niya. "ah! iyon ba? para sa akin hindi naman. kanya-kanya tayo ng story, walang masama na unahin ang ibang bagay kesa sa love life. it's a matter of choice. your choice, basta kung saan ka masaya. support ka namin."

"support pero nasampal ako ni kezia." sinilip ko sa kwarto dahil baka biglang sumulpot si kezia at mas mayari ako.

"napansin niya kasi na nawawala ka na sa linya. kapag ganoon hindi na okay, again it's a matter of choice."

after ko maghugas umakyat na ako sa taas para mag ready sa pagpunta namin sa dagat. hindi ko napansin si zander sa baba, baka umalis na siya. may parte sa akin na nalulungkot, hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa pag-alis niya o dahil hindi manlang siya nag paalam.

hindi ko dapat maramdaman 'to. ito ang ginusto ko. 

sinuot ko ang one piece swimsuit ko pero sinapawan ko iyong ng dress, ready na ang lahat pagbaba ko. may dala pa nga silang cooler para sa drinks at mga kutkutin. ang dala ko lang ay isang maliit na sling bag para sa phone at sun block.

"let's go!" excited na anunsyo ni angela pagkakita niya sa akin sa hagdan.

saktong pagbukas namin ng pinto ay nakatayo doon si zander na nakaangat ang isang kamay na tipong kakatok. nakapagpalit na siya ng damit. sando at short ang suot niya ngayon.

"sasama ka Doc?" si erick ang nagsalita. pumunta pa siya sa unahan para nasa harapan talaga siya ni zander.

"saan ka nakakuha ng damit?" sabi ko.

"i have extra clothes in my car."

"ganoon ka ka-ready?"

"of course." masayang aniya. "i have everything i need in my car."

"tara na Doc!" sabi ni erick

"magpalit ka na ng bestfriend gago ka" binangga ako ni poseidon at nauna na siyang maglakad pero bumalik din siya agad. "angela mauna ka hindi ko alam ang daan."

"matampuhin amputek!" nilapitan ni erick ang kaibigan at nagpatulong sa cooler. masama ang mukha ni poseidon pero tinulungan naman niya.

"di ba dapat aalis ka na?" 

naglalakad na kami papunta sa dagat at nasa likod lang kaming dalawa ni zander. walang imik ang mga kaibigan ko sa pagsama niya.

"yeah, until you told me that you are going to wear that suit."

"i didn't!" wala naman talaga akong sinabi ah? "hindi ka ba busy?"

"steven is filling my schedule."

may mga ilang naliligo din sa dagat pagdating namin. naghanap muna kami ng malilim na pwesto bago sila nagsitakbuhan sa dagat.

nakatayo parin ako sa buhangin. nagdadalawang isip akong tanggalin ang dress na suot. nasa tabi ko si zander at magkasalubong ang dalawang braso. nakatitig siya sa akin sa hindi ko masukat na intensidad at parang kasalanan kapag itinuloy ko ang nasa isip ko.

hinawakan ko ang laylayan ng dress ko pero hindi ko iyon naiangat dahil sa pagtikhim niya. tinignan ko siya pero binaling niya ang tingin sa dagat. 

isang mabilis na kilos at tinanggal ko ang dress at hinagis sa kung nasaan ang mga gamit namin pagkatapos ay tumakbo ako pero mabilis din niyang nahawakan ang kamay ko.

"no wait!"

para akong bata na nagmamaktol at napapadyak pa sa inis. tinaasan niya ako ng kilay at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko matapos niyang pasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

"zander naman! hinid ko alam kung bakit kailangan ko pang intindihan ang opinyon mo dito kahit malinaw naman sa sinabi ko sa'yo na ayuko na."

"that's because you love me."

"i do" wala sa sarili kong sagot.

 i automatically shut my eyes. damn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top