ENTRY #41

hinang-hina ako sa mga oras na ito. pagod na pagod ang utak ko, hindi maganda ang takbo ng lahat sa pagkakataong ito.

"hindi ka pwedeng pumasok ulit sa isang relasyon kapag hindi ka pa okay." magsasalita sana siya pero iniangat ko ang kamay ko para pigilan siya. "normal ang magkaroon ng worries alam ko na mapagkukumpara mo ang bawat tao pero ang hindi normal ay kapag nakikita mo na gagawin sa'yo ng taong iyon ang mga ginawa sa'yo dati. that means hindi ka pa ready."

hindi siya nagsalita, para akong matanda na nagbibigay ng sermon sa isang teenager. i know magiging depende ang lahat sa kung ano man ang susunod kong sasabihin o gagawin. naka depende sa akin ang kahihinatnan ang relasyon na ito.

"let's just say that we're both broken. it's just that i am being vocal and you're not. it is easy to fix things na nasa harapan natin pero hindi ang mga bagay na tinatago sa atin."

"im sorry" aniya na para itong isang dasal na hindi niya pagsasawaan sabihin but this kind of demage hindi maiibsan ng sorry.

"let just wait for our heart to finally heal zander."

hindi ko inaasahan ang pagtayo niya. mabilis siyang pumuntsa sa tabi ko at umupo sa mga hita hita niya. kinuha niya ang kamay ko at puno ng pagsusumamo ang mga mata.

"i'm sorry please sabihin mong okay lang tayo."

isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanya kasabay ng marahang pagiling. "kailangan muna nating maging okay individually bago tayo maging okay together."

"anong ibig sabihin noon?"nalilitong aniya.

"halika" tumayo ako at ganoon din ang ginawa niya. "saan naka-park ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng mall. itinuro naman niya sa akin iyon.

hindi ko nalang nilingon ang mga taong nanunuod sa amin sa coffee shop, alam ko na hindi magandang ipagpatuloy ang pag-uusap doon lalo pa at nakaka-agaw na kami ng atensyon.

hawak ko ang kamay niya kaya naman alam ko na kinakabahan siya. nanlalamig iyon at pinagpapawisan, kung ibang tao siguro ito inasar ko na dahil sa pagpapawis. binitiwan ko lang siya ng nasa tabi na kami ng sasakyan niya.

nakatingin lang siya sa akin at ako naman ay nakatingin sa baba.

"what are you doing?" 

"i'm going to end this."

"what do you mean?"

binawi ko ang kamay ko. "zander--"

"you can't do that! break up should be a mutual decision! hindi pwedeng kapag mahirap ang sitwasyon mang-iiwan ka nalang. hindi ako pumapayag sa end-end na iyan no!"

pinagpapasalamat ko na kaming dalawa lang ngayon sa parking lot dahil hindi gaya kanina, malaya kaming makakapag-usap ng walang iniisip.

"i'm not doing this for me"

"no! hindi dapat ganito mag handle ng relasyon hindi mo pwedeng tapusin 'to dahil lang sa isang problema carmela." inaabot niya ako pero umiwas ako na kinabigla niya.

"zander hindi ito isang problema at mas lalong hindi ito simpleng problema!" normal ang lakas ng boses ko pero hindi ko naitago ang gigil sa bawat salita. "malaking bagay sa akin ito!"

"so ganoon nalang? tumatakbo ka? ayaw mong ayusin ito?" bumabakat ang ugat niya sa leeg dahil sa pagkakaigting ng panga. "i said i'm sorry! hindi ko lang talaga kayang buksan ang ala-alang iyon sa ngayon kaya ayuko sabihin sa'yo but i swear naging totoo ako sa iyo lahat ng pinakita ko totoo 'yon!"

"that's the point hindi mo pa kaya, kailangan natin dalawang huminga bago natin masaktan ang isa't isa hangang sa mawalan na tayo ng respeto kapag pinilit natin ito ngayon! pinagbibigyan kita palagi, tinatanggap ang mga dahilan mo kahit minsan pakiramdam ko ang daya! ang daya kasi bakit lagi nalang ako ang nagpapasensya sa atin."

napahilamos siya bago nagkusot ng mata. namumula ang mata niya pero ako, hindi na ako umiiyak, mukhang wala na akong maiiyak pa. "hindi ako pumapayag."

"don't be selfish"

"i'm not! ikaw 'tong hindi iniintindi ang sitwasyon" 

pareho kaming tumigil sa sagutan ng tumunog ang phone ko, kinuha ko iyon at si poseidon ang tumatawa. hindi ko sinagot, mabilis kong pinindot ang red botton. isang sarkastikong tawa ang nagpalingon sa akin.

"o baka naman mas gusto mo na siya dahil magka-edad kayo at mas maiintindihan ka niya. ayaw mong ayusin 'to dahil sawa ka na sa akin." ikinumpas niya pa ang daliri para makalikha ng quotation sysmbol. "wala kang pinagkaiba sa kanya, akala ko iba ka"

mabilis ang pagkumpas ng kamay ko para sampalin siya. "wag.na.wag mo akong ipagkukumpara sa kanya!"

nanlaki ang mata niya at parang narealized ang sinabi, now it's my time to laugh sarcasticly.

"isa pa 'yan! ganyan ka mag-isip? hindi ko inaasahan sa'yo iyan at mas pinatunayan mo na hindi ka pa okay! hindi mo ako pwedeng ipagkumpara sa kanya ng dahil lang sa mga mabababaw na dahilan katulad ng nakita mo akong kausap ang bestfriend mo na dahilan kung bakit nakipaghiwalan sa'yo ang babae na iyon!"

"i just--"

tumunog ulit ang cell phone ko pero ang kapatid ko na ang tumatawa, sinisilip iyon ni zander pero mabilis kong binalik sa bag para hindi niya makita ang caller i.d

"i don't think may patutunguhan ito kung nagsisigawan tayo"

"ayukong tapusin ito kung ganoon lang ang dahilan."

"i--" hindi ko na alam ang sasabihin, parang sasabog na ang puso ko sa bigat at ang utak ko sa sobrang kakaisip. "may kailangan akong unahin kesa ipagsiksikan ang sarili ko sa mundo mo." pag-amin ko.

it's true, ito ang matagal ko nang pinagiisipan simula ng malaman ko na may problema sa bahay. bago mangyari iyon ay nasa akin pa ang kagustuhang ayusin ito, na pakingan siya at alamin ang side niya o kaya ay patunayan sa mommy niya na hindi ako makakasama sa anak niya sa kung ano man ang dapat gampanan ni zander sa pamilya niya.

sumasakit ang ulo ko kakaisip, sa lahat ng nangyari ngayon sa pag-aaral ko simula ng dumating siya, pero hindi ko iyon isisisi sa kanya kundi sa sarili ko. dahil responsibilidad ko iyon at ako ang nag decide na hindi iyon gampanan ng ayos at kasalanan ko ang mga nangyari.

kailangan kong ayusin muna ang buhay ko, ang sarili ko at higit sa lahat kailangan ng pamilya ko ang lahat ng effort na kaya kong ibigay.

ano't ano pa man. gusto ko paring mapakinggan ang side niya dahil karapatan ko iyon at para narin sa ikatatahimik ng utak ko. na tama ang hinala ko, pero sadyang hindi ko inaasahan ang mga nalaman.

"may problema rin ako pero mas gusto ko ayusin ang lahat ng kasama ka."

now it's my turn. "i'm sorry"

telepono naman niya ang tumunog at sa lahat talaga ng pagkakataon, si jenica ang tumatawag.

isang sulyap sa akin bago niya sinagot ang telepono, napataas ang kilay ko. 

"hello" binuksan niya ang passenger seat ng kotse at kinuha ang isang rectangular na bagay. "yeah sorry nadala  ko ng hindi namamalayan.. no.. may inaasikaso lang ako pakisabi sa nurse nadala ko ng hindi sinasadya ang chart ni mrs. gonzales.. yes okay.. bye."

hinagis niya pabalik ang chart sa loob at humarap sa akin. "i.. need to go back"

"go ahead" tumalikod na ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"we're not breaking up." 

"it's the end"

"sir , ma'am. may problema po ba?" hindi namin namalayan ang paglapit ng isang security guard. sa akin ito nakatingin at hinihintay ang sasabihin ko.

"wala po kuya, may pinag-uusapan lang kami." sabi ni zander "she's my girlfriend"

tinunguhan ko ang si kuyang guard bilang pagsang-ayon kay zander, baka akala nila may sexual harassment na nangyayari dito. umalis na rin siya pagkatapos.

"carmela.."

malungkot akong ngumiti, lumapit ako at tumingkayad. isang matagal na halik sa pisngi ang iniwan ko bago ako tuluyang tumalikod at umalis.

"hindi ito ang gusto kong ending!" sigaw niya pero hindi na ako lumingon.

umalis na ako bago pa magbago ang isip ko, alam ko na sasabihin ng iba na mahina ako at pwede ko naman ayusin pero hindi ko kaya sa totoo lang. hindi ko kayang pagsabayan ang lahat, hindi ko na alam ang iisipin ko, nagre-reply sa utak ko ang mga sinabi ng mommy ni zander at lahat ng nangyari sa amin.

samantalang lumalaban sa cancer ang tatay ko.. nakabuntis ang kapatid ko.. nanghihina ngayon ang nanay ko.. hindi ko kayang unahin ang sarili ko, hindi ko kayang unahin ang kaligayahan ko. kailangan kong unahin ang pamilya ko. lalo na at unti-unti nang nawawala ang mga pinaghirapang ipundar ng mga lolo at lola ko.

"hello poseidon" sinagot ko na ang tawag niya pagkasakay ko ng taxi.

"nasaan ka?"

"hmm bakit?" walang gana kong sagot,  nakatingin lang ako sa bawat dinadaanan.

"bakit parang ang lungkot ng boses mo may nangyari ba?"

"kinakausap mo na ako, anong ibig sabihin nito?"

tumahimik siya. "narinig ko na pinag-uusapan ka ng mga prof pag pasok ko sa faculty kanina kaya naman.."

"ahh 'yon ba, ayos lang mababawi ko pa naman."

"carmela pasensya ka na sa mga kinilos ko pero totoong nag-aalala ako sa'yo"

kahit kailan talaga ay hindi siya nagkamali sa pagbasa sa kilos ko. 

"pero pasensya ka na kung hindi tayo okay ngayon. anyway gusto ko lang alamin kung ayos ka lang ba iyon lang naman.. i hope makabawi ka.. sige bye."

hindi ko pa nasasabi ang salitang bye ay tinapos na niya ang tawag. saktong binaba ko ang telepono ng mag text si zander

'it's not our end'

pinagmasdan ko nalang ang bawat puno habang sumasayaw sa hangin. hind ako makaiyak, ito 'yong sitwasyon na sinasadya ng isang tao makinig sa mga nakakaiyak na tugtugin para mailabas ang damdamin na hind kaya. siguro ay napagod na ang mata ko sa kakalabas ng tubig.

baka tama si kezia. selfish ako, pero ngayon hind para sa sarili ko. mas may kailangan akong gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top