ENTRY #4
“that time parang nablangko ang isip ko. Seeing my boyfriend fucking another girl na para silang mga aso na sa kalsada nagkakangkangan.” Puno ng pait kong sabi.
Pagkatapos namin kumain kanina bumalik kami sa may park, dito ko na itinuloy ang kwento ko kasama sya at isang can ng coke.
“He’s an asshole” maging s’ya ay may hawak na inumin pero bottled water lang.
“yeah, he is”
“so? What happened after that? What did he do?”
-------
Malakas na kinalampag ko ang kotse nya..
Nang makuha ko ang atensyon nila ay nagmamadali silang naghiwalay at kinuha ang mga damit nila habang ako tuloy lang sa pagkalampag ng kotse nya at sinasabayan ko pa ng mga mura.
“baba! Tangina aldrin bumaba ka djan hayop ka!” ramdam ko ang pag agos ng luha ko pero hindi ko na pinagkaabalahan pa na pahidin ‘yon.
“carmela!” narinig ko ang pagtawag sakin ng mga kaibigan namin siguro ay ganoon kalakas ang boses ko at narinig nila ako mula sa loob. “carmela , what’s happening”
“tignan mo! tignan mo yan!” duro ko sa sasakyan ni aldrin.”putang ina!”
Parehas na sila nakabihis noon babae pero hindi padin s’ya bumababa para bang kinakausap nya pa yung babae na kung ano.
Maya-maya ay binuksan nya ang pinto ng kotse nya, hindi pa sya tuluyang nakakababa ay sinugod ko na agad sya pilit inaabot yung babae sa passenger seat nya.
“carmela! Wait mag usap tayo! ANO BA!” hindi ko inaasahan na itutulak nya ako buti nalang at nahawakan ako ni aira.
Iyong mga kaibigan namin ay nakamasid lang samin nagtatalo kung dapat ba sila manghimasok sa away namin.
“wow! Ikaw ba may ganang manigaw!? Sino yan ha!? Ilabas mo iyang malanding yan!?” malakas ang pag-iyak ko at wala akong ibang magawa kundi ang paghahampasin s’ya.
Para akong sinasaksak ng ilang libong kutsilyo nanlalamig ang buong katawan ko, hindi ko maipaliwag pero mukhang ito yung sinasabi nila na nagdidilim ang paningin mo.
“Let’s talk like a decent people” hinuli nya ang dalawang braso ko para pigilan sa paghampas sa kanya.
“Decent people?” hindi makapaniwala kong sabi. “and you think what you did inside of car is an act of decency?” pumalag uli ako.
“SHE’S MY GIRLFRIEND” dahil sa pagsigaw n’ya ay napatigil ako sa pagsugod at paghampas sa kanya.
Girlfriend?
“so ano ako?” bulong ko. “what the hell aldrin! Anong kagaguhan ba naman to!” napasabunot ako sa sarili ko.
“ hindi mo ba nakikita carmela? Hindi na tayo Masaya! Hindi na ako Masaya! Hindi na natin nabibigyan ng oras ang isa’t-isa, hindi mo ba napapansin matagal na tayong hindi okay.”
“pananaw mo lang yan, ikaw lang ang tumigil mag effort satin dalawa! Kahit may exam ako kinabukasan nakikipagkita ako sayo kahit minsan bigla ka nalang nag cancel ng lakad natin iniintindi ko yun! Kapag nagagalit ka kahit sa simpleng bagay lang pinapalampas ko yun!”
“ayuko na carmela! Ayuko na!”
“matapos ang lahat ayaw mo na? itatapon mo ang ilang taon relasyon natin para sa babaeng yan!” duro ko sa loob ng kotse nya.
“oo! Dahil pinaramdam nya sakin yung mga bagay na hindi mo nabigay!”
“what!? Sex? Kasi kaya nyang bumukaka ganon ba!?”
"Pinaramdam nya sakin na lalaki ako! At may pangangailangan ako! Naparamdam nya sakin na buo ako! Bilang lalaki"
"Hindi ko kasalanan na you are not man enough! 'Cause if you are hindi mo gagawin sakin to! Hindi ka makikipag kangkangan sa puta na yan habang tayo pa!"
“wag mo s’ya pagsalitaan ng ganyan!”
“na ano!? Na para syang pokpok? Bakit hindi ba!? Sino ba ang matinong babae na papatol sa lalaking may karelasyon ha!?” mabilis kong sagot.
Nilingon ko ang mga kaibigan namin, lahat sila nakatingin sakin.
I realized something.
“bakit..” natigilan ako. “you don’t look surprise.. you knew?”
“carmela” halos bulong lang na tawag sakin ni aira habang nasa likod ko sya.
“lahat kayo alam n’yo? Pero ni-isa sa inyo walang nagsabi sakin?” lalo akong napahagulhol dahil doon. “kaibigan ko ba talaga kayo? Ginagago ako ng hindi ko alam but none of you care to tell me!?”
Anong klaseng mga kaibigan sila? Pano nila nagawa sakin ito?
Para akong baliw na umiiyak pero tumatawa.
“so ako nalang pala ang hindi nakaka-alam? Putangina.” Napaluhod ako dahil sobrang nanghihina ang mga tuhod ko.
“carmela, let me explain” akma akong lalapitan ni aira pero tumayo ako at lumayo ng mabilis.
“fine.” Pinahid ko ang mga luha ko na kanina pa tulo ng tulo. “magsama-sama kayong lahat mag enjoy kayo sa outing nyo at magsama-sama rin kayo sa impyerno mga putangina kayo!” di ko mapigilang sabihin dahil sobrang sama ng loob ko.
Pano nila nagawa sakin to?
Tinalikuran ko na sila at umalis. Narinig ko ang pagtawag nila sakin pero itinaas ko nalang ang kamay ko at nag middle finger sa kanila.
Dalawang kamay para mas dama.
-----
Gusto kong matawa sa gulat na rumihistro sa mukha nya.
Nakangiti ako habang tumatango sa kanya na para bang sinasabi ko na ‘ganun kagrabi ang ginawa nila sakin’ in a sarcastic way. “shock?”
“pano ka nakakangiti?” gulat na sabi nya. Kinatawa ko naman ng malakas
“I’ve been crying all week, wala na ako maiiyak. Papasok ako sa school tutulala.. hindi ako makakain pag break time.. uuwi ako iiyak nanaman ako. Ubos na ubos na ako.. narealized ko, umiyak ako o tumawa ako wala naman magbabago sinaktan parin nila ako. Kaya tama na yung iniyak ko”
“you’re a strong girl.” May ngiti ang mga labi nyang sabi saakin "wait? So you are still a student?”
“hmm? Ahh oo, graduating na si aldrin ako next year pa, 5 years course kasi ang kinukuha ko”
Sa dami ng nabuo namin pangarap after graduation, lahat ng iyon naglaho na.
“what course?”
“ECE”
“electrical?”
“NO” bakit ba halos lahat yun ang sinasabi “EE ang Electrical, Electronics ang ECE electronics and communication engineering”
“okay” tinaas nya pa sa ere ang dalawang kamay nya as sign of defeat “young people these days.. tsk tsk”
“kanina ka pa ah, maka young people ka naman bakit ilan taon kana ba?” naiinis kong sabi. Para kasing nakakainsulto yung tono nya na wala kaming matino ginagawa.
“I’m 29” pinitik nya ang noo ko. “kaya wag mo akong pagtaas ng boses mas matanda ako sayo”
“aray ano ba.” Napahawak ako sa nook o dahil sa hapdi “wag ka nga mamitik ang haba haba ng daliri mo eh! Masakit kaya”
“para ka talagang kapatid ko” natatawang sabi nya.
“infairness hindi halatng 29 kana”
“why? How old do I look?”
“hmm? 25?” napabungisngis ako nakita ko kasing na flatter yung mukha nya “pinabata ko lang ng konti no?”
“let me give you an advice”
Natahimik ako bigla dahil seryoso ang mukha nya.
“may mga tao na dumadaan sa buhay natin para bigyan lang tayo ng idea kung paano talaga umiikot ang mundo. Sabi nila ang hindi lumingon sa pinanggalingan di daw makakarating sa paroroonan. Hindi lang yun apply sa mga nakagawa satin ng mabuti pati sa mga nakagawa din ng masama, kasi kailangan natin matutunan yakapin yung sakit at isang paraan para matanggap yun ay maalala yun. “
Nakatitig lang ako sa kanya dahil tagos sa puso ang mga sinabi nya.
“tama yung ginagawa mo, ikwento mo lang ng ikwento pag usapan lang hanaggan sa dadating yung araw na tatawanan mo nalang kasi wala na sa’yo” nakatitig sya sa mga mata ko habang sinasabi yun.
“ngayon ko lang napansin, gwapo ka pala?”
Kapwa kami natigilan dahil sa sinabi ko.
Napapikit ako. Dapat sa isip ko lang yun eh!
“I’m seriously giving an advice here and your just staring at my face”
“hoy! Masyado to! Napansin ko lang kanina kasi di ka gwapo sa paningin ko pero noong nag advice kana gwapo ka na syempre gwapo ang mga lalaki na nagbibigay ng encouraging words ganun!” hindi ata ako humihinga habang sinasabi ko ang palusot ko.
Narinig ko ang pagtawa nya. Hindi ko s’ya matignan dahil nahihiya ako.
“ako na ang bahala sa dinner”
“bakit?” this time hindi ko natiis na hindi tumingin sa kanya.
“pampagaan ng loob.” Hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. “para ka talagang kapatid ko.”
“so dapat ba kuya ang itawag ko sa’yo?”
“hmmm? Good question.. sabi mo no names dahil ayaw mo malaman ang pagkakakilanlan mo, so? Ano itatawag ko sayo? Parang code name”
Bahagya akong napaisip..
Kanina noon nauna s’ya sakin maglakad pinilit ko hindi sya sigawan ng ‘hoy’ para makuha ang atensyon nya hindi naman kailangan ang pangalan pero iba parin pag may pagkakakilanlan.
Kahit onti..
“binibini..” nahihiya kong sabi “ginoo ang itatawag ko sayo.. at binibini naman ang sakin, ayan para kunyari magkakilala na tao.”
“binibini..”lumitaw ang mapuputi at pantay n'yang ipin sa pag ngiti nya. “nice to meet you.. binibini”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top