ENTRY #38
Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. Ramdam ko ang tingin nila sa akin pero pinababayaan lang nila akong sumubo ng sumubo. Hanggang sa matapos ay hindi nila ako kinakausap. Nakaupo parin kaming tatlo sa kusina habang naghuhugas si regine.
pinapakiramdaman ko lang silang tatlo, nahihiya ako at hindi ko alam kung saan ba dapat magsimula pero kailangan may isang mag-salita.
"galit ba kayo sa akin?" hindi ko mapigilang itanong dahil hindi ko na kaya ang silent treatment na ito.
"tumawag nga pala si Doc kanina" inabot sa akin ni angela ang phone ko na nakasilent mode. "hindi namin sinagot."
"okay lang" ngumiti ako sa kanya.
"anong plano mo?" sabi ni kezia pero hindi sa akin nakatingin sa phone niya.
"uuwi ng cavite.. sabado ngayon diba?" hinihintay kong lumingon siya sa akin pero hindi nangyari. "ayuko muna harapin si zander, tsaka na pag ready na ako."
"Pagisipan mo ang gusto mong gawin sa buhay mo carmela." Humapdi ang mata ko nang lumingon sa akin si kezia. hindi parin maalis sa isip ko ang nangyaring away sa aming dalawa kaya naman malaking bagay sa akin na kinakausap niya ako ngayon. "nandito lang kami, handing sumapak sa'yo."
Halos takip silim na ng makauwi ako sa bahay. Unang hakbang ko palang sa bakuran namin napahinto na ako. It feels weird.
"ate minda?"
Ilang saglit pa at lumabas ang matandang babae . "nakauwi ka na pala, bakit hindi ka pa napasok?"
"bakit po parang nakalbo 'yong bakuran natin? Nasaan 'yong mga halaman?" wala na ang mga malalaking vase ni nanay pati mga orchids , mga bonsai at mga kung ano-ano pang pinagbibili ng nanay ko pag bored siya.
Parang binagyo ang malawak naming bakuran, wash out halos lahat. nakaka-awang tignan ang mga figurines sa landscape ng bahay.
"binenta na ng nanay mo." sabi niya bago inaya akong pumasok na sa loob.
"binenta? bakit po?"
"ay nako! hindi ako maalam sa mga bagay-bagay kayo nalang ang mag-usap." aniya.
sobrang nakakapagtaka ang ayos ng bahay. parang may something na hindi ko maipaliwanag. "sinong nandito ate kayo lang po?"
"oo, hindi uuwi ang nanay mo si butchoy naman hay nako! Ewan ko ba diyan sa kapatid mo bakit laging wala. Kapag naman nandito sa bahay akala mo ang laki ng problema kausapin mo nga."
"sige po" sabi ko bago umakyat at pumasok sa kwarto.
Nagsend ako ng message kay butchoy na nasa bahay ako. Hindi siya nagreply pero wala pang isang oras may kumatok sa kwarto ko.
"pasok" hinihintay ko pumasok siya. nakaupo ako sa study table, nakatigil ang kamay ko mula sa pagta-type sa laptop ko.
nakatayo siya at nakayuko pagkasarado niya ng pinto. "ate" nakayuko siya sa akin. "may problema ako"
"lahat naman tayo may problema eh. Kung malalamon mo ang sa akin panigurado walang-wala iyang iyon" sinundan ko iyon ng pagtawa, nagbabakasakaling pagaanin ang namumuong tensyon sa kwarto ko.
Tahimik siyang umupo sa kama ko. unti-unting nawala ang pagkakangiti ko. mukhang seryoso.
"hoy bakit?" tumabi ako sa kanya.
"anong problema mo ate? May matutulong ba ako?" he genuinely said. Mabilis akong umiling. mabilis na nawala sa isip ko ang lahat ng mga dapat kong isipin, Umiiral ang ate instinct ko. "wala nagbibiro lang ako. May nangyari ba?"
"promise mo sa akin wag mo sasabihin kay nanay" namumula ang mga mata niya at halos paiyak na siya.
"okay" tumango ako.
"ayuko ko na sanang dumagdag sa problema nila ate eh." Panimula niya. "hindi ko na alam ang gagawin." Aniya na sinabunutan ang sarili.
"anong problema ni nanay? Ano ka ba" tinapik ko ang balikat niya. "tigilan mo nga iyan." saway ko.
"ate.." hindi maituloy ang sasabihin kahit anong buka ng bibig niya ay walang nalabas.
"don't tell me buntis si Carla" biro ko. sinamahan ko pa iyon ng pagtawa. "masasakal kita kapag nagkataon mag-aaral ka pa nako naman."
Unti-unting nawala ang pagangat ng labi ko nang nakatitig lang siya sa akin. Maluha-luha ang mata. Nanlaki ang mga mata ko.
"tangina buntis nga!?" hindi makapaniwala kong sabi, kung may natutulog siguro dito ay paniguradong makakabangon at magigising ng wala sa oras.
"ate buntis si Carla. Ate naka buntis ako. Nabuntis ko girlfriend ko ate!" Nakayuko siya salon g palad ang mukha. "ate hindi ko alam ang gagawin. ate hindi ko sinasadya! Aksidente ang nangyari."
"hoy gago! Anong hindi mo sinasadya!? Naka-drugs ka ba! Niyari mo tapos aksidente? So anong nangyari kay Carla? Nasagasaan ng bumubulusok na titi? Di lang isang beses umatras tapos sumugod ulit gago!" hindi ko napansin na nakatayo nap ala ako at hinahampas siya. Parang may sariling isip ang kamay ko at sinabunutan siya.
"ate ang laking gulo nito"
"mabuti alam mo!" umigting ang panga sa pagpipigil ng galit. Wow! Such a nice timing!
"ayuko nang dumagdag sa problema ni nanay kaya iniisip ko..." nakatingin ako sa kanya habang sinusuntok niya ang hita niya. "..iniisip ko ipalaglag ang bata."
"tangina naman Crisanto Isidro Abades! Hindi mo ba alam gaano kalaking kasalanan ang gagawin mo!"
"ate wag mo ako murahin ng ganyan. Pareho lang tayo ng nanay"
"sorry"
Sabay kaming napabuntong hininga at tumulala sa kawalan. Mas mabigat ang problema niya sa akin.
"teka, Ano bang problema ni nanay?" sabi ko maya-maya nang marealized ko ang mga sinabi niya kanina.
Hindi siya nakapagsalita. Sahalip parang nagulat pa siya sa tanong ko. "oh shit! Hindi ko dapat sinabi iyon."
Piningot ko siya. "ano nga!"
"sama ka sa akin." Aniya
Sumakay kaming dalawa sa motor niya. Hindi ako sigurado pero may naglalarong ideya sa isip ko kung saan kami pupunta dahil narin sa dinadaanan namin. I'm thinking the worst case scenario. Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng tama ang nasa isip ko. huminto kami sa ospital.
"may sakit ba si nanay." Tanong ko habang naglalakad kami sa hallway ng ospital. Namamalat ang boses ko.
Hindi niya ako sinagot. Sumakay kami ng elevator at pinabayaan ko lang siyang pumindot anong floor, nalilito parin ako sa mga nangyayari. Matagal na tinitigan ko ang pintuan kung saan kami huminto. Isang semi-private room.
Tanaw ko si nanay na nakaupo sa gilid ng kama ni tatay. Nalaglag ang panga ko sa eksenang iyon.
"anong..."
"sabi niya blessing in disguise dawn a minsan ka lang umuwi sa bahay kasi hindi mo na kailangan malaman ito baka daw hindi ka makapag concentrate sa pag-aaral."
Siguro naramdaman ni nanay na may nakatingin at napagawi siya sa direksyon ko. inintay ko na lumabas siya at kahit nasa harapan ko na siya parang hindi parin ako makapaniwala na nangyayari. Binabangungut ba ako?
"nay.."
Sinipat ni nanay si butchoy bago sa akin. "kumain na ba kayo?"
Walang nagsalita sa aming magkapatid.
"si tatay...?" nalimutan ko ata ang lahat ng salitang alam ko.
Ngumiti lang sa amin si nanay. Isang pagod na ngiti, dinala niya kaming magkapatid sa canteen. Hindi ko makain ang pagkain na nasa harapan ko at nakatitig lang ako sa nanay ko.
"si tatay?"
"hayaan mo na ang tatay mo at pagod pa siya, kailangan niya mag pahinga kakatapos lang ng operation niya." Sabi ni nanay bago uminom ng tubig.
Uminom din ako ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko. "bakit hindi niyo sinabi sa akin ito?"
"ayuko kasi na maistorbo ka sa pag-aaral anak eh. Malapit ka na grumaduate. Mag board exam ka pa. ayuko na masira ang focus mo dahil alam ko naman na mahirap ang course mo." halos hindi niya masabi ng ayos ang mga salita dahil sa pag-iyak.
"nay!" hindi makapaniwalang sambit ko. "karapatan kong malaman ito. Parte naman ako ng pamilyang ito nanay naman!" mahina ang boses ko pero may diin ang mga salita ko.
"ayaw namin dagdagan ang mga iniisip mo ate. Kasi baka maka-apekto sa pag-aaral mo."
"at kailan niyo balak sabihin sa akin? Ano bang sakit ni tatay! Ano ba naman kayo!"
"colon cancer. "
Lumaylay ang balikat ko. parang tumigil ang inog ng mundo.
namumula ang mga mata ni nanay at nangingibabaw ang tamlay sa boses niya. "ang sabi ng Doctor naapektuhan daw pati ang liver niya. Binaliwala namin 'yong hindi niya pagdumi ng tama, akala kasi namin hindi lang siya natunaw madalas. kung hindi pa siguro dumumi ng dugo ang tatay mo ay hindi ko malalaman, ayaw din kasi niya pasabi. Pasensya na anak."
Marahas na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. nag-usap pa kami saglit tungkol kay tatay at sa kundisyon niya bago bumalik na si nanay kay tatay. Nag-usap kami ni butchoy na hahanap ng tyempo para sabihin kay nana yang tungkol kay Carla. Nagsabi ako na hindi ako uuwi muna, kaya pinauna ko na siya. May fast food malapit sa ospital at doon ako tumambay habang hinihintay si kezia. I texted her and she said sige magkikita kami.
"gaano na katagal, diba mahal ang magpa-theraphy? kailangan ba talaga iyon kung naoperahan na?" hinihimas niya ang balikat ko.
Nag-order kami ng pagkain para hindi nakakahiya na nadoon kami, sa may bandang dulo kami umupo para hindi masyado kita. Nakayuko ako at umiiyak, kahit anong subok ko na wag mag ingay may ilang hikbi na umaalpas sa aking.
"nabenta na iyong iba namin property, nag resign si nanay kasi kailangan daw matutukan si tatay. Ayaw na daw kasi ni tatay gumastos dahil mag co-college na si butchoy next year at mahal ang magiging thesis natin tapos budget sa board exam."
Wala akong dalang panyo kaya nanghingi kami ng isang damukal na tissue para singahan ko.
"nagu-guilty ako sa mga nangyayari. Wala akong alam! Tapos hindi maganda ang standing ko ngayon sa school tapos si butchoy.. tangina naman"
Panay ang vibrate ng cell phone ko at mukha ni zander ang lumalabas. Hindi ko sinagot. Nag flash sa screen ang message niya. 'please answer me'
Sinubsob ko ang mukha sa lamesa at umiyak.
"hindi ko na alam ang iisipin ko, parang mabibiyak ang ulo ko sa dami ng problema"
Hindi nagsalita ang kaibigan ko, patuloy lang siya sa pagalo sa akin. Hindi pinapahalata sa paligid ang nangyayari.
"bakit ba kapag may problema sunod-sunod ang dating tapos ang saya saglit lang, tapos problema na ulit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top