ENTRY #36
Laylay ang balikat ko sa pag-uwi. Wala akong naintindihan sa klase. Nag-aya sila na mag-over night sa bahay ng classmate pero sabi ko ayuko kaya hindi rin sumama 'yong tatlo.
"manok o baboy? Ano gusto niyo ihalo ko sa patatas?" tanong ni kezia pag pasok namin sa dorm.
"hindi ako kakain. Wala akong gana." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto. Nagbihis ako agad ng pambahay at pagod na humiga sa kama.
Hinihimas ko ang tandayan ko ng tumunog ang notification sounds ng cell phone ko may naka-tag sa akin na video. 'yong sayaw namin na nakapost sa page ng school. nag scroll ako sa facebook baka sakaling maaliw ako. Napatigil ako sa isang litrato na nakatag si zander.
Matagal na ang picture na iyon at may caption na #throwback. Napabangon ako. Hindi ko kilala ang nag post pero naka tag si zander at si jenica dahil picture nilang dalawa iyon. batang bata pa sila sa picture siguro college year?
Pinuntahan ko ang profile ni zander. ayos ah . kailan ko lang siya ginawan ng facebook pero ang dami ng friends? Hindi naman siya mukhang friendly.
Nabasa ko ang labi gamit ang dila sa pagiisip na puntahan at magkalkal sa facebook ni jenica. Alam ko na pagsisisihan ko ito. Because once you started it, it's addicting. It's hard to stop. pero mas lumamang sa akin ang isipin na makakakuha ako ng impormasyon kahit pa alam ko na hindi magandang hobby ito.
I click her name and scan her profile. Hmm honor student, nice. Nag scroll ako ng nag scroll sa mga pictures. Marami doon na kasama si zander pero walang tag, siguro kasi wala naman siyang account until recently.
Napatitig ako sa picture na nakahalik siya kay zander and they looked happy together. It was dated 4 years ago. I scan farther. Alam ko na wala pa naman ako sa buhay niya sa mga panahon na ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
I massage my neck kasi para siyang nangangalay. One picture has a caption of 'my power my life' masakit sa damdamin ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magkalkal. girl instinct, bakit ka ba gumagana ngayon.
"corny" sabi ko sa phone ko. napailing nalang ako sa ginagawa ko.
It's the past carmela, you shouldn't care. The important part is the present and the future. though i don't know their past and it's really bothering me.
Kailangan ko magpagpag.
Lumabas ako ng kwarto. Sinaksak ko ang charger sa Bluetooth speaker before I open my Bluetooth and then I connect it in my phone. Nilakasan ko ang volume sa 50% pero nahihinaan pa ako. Ginawa kong 80% pero kulang padin kaya naman tinodo ko na.
Nangingiti si angela na pumunta sa sala at umupo sa sofa. Sinabayan ko ng head bang ang bawat bagsak ng intro ng tunog ng tugtuging 'eye of the tiger'
"punyeta! Sinong nagpapatugtog" nakapamewang si kezia na lumabas ng kusina. May hawak siyang kutsilyo sa isang kamay.
Tumatawang tinuro ako ni angela, maging si regine nasa tabi na kezia at magkahalong gulat at pagkamangha ang itsura. Tumatawa siyang inagaw ang kutsilyo na hawak ni kezia. sumenyas siya sa amin na ilalayo niya ang kutsilyo.
"carmela hinaan mo nga 'yan papalayasin tayo ng land lady natin." Aniya paglapit sa akin at agawin ang phone ko. hinawakan ko ang noo niya at iniangat ang phone, mas matangkad naman ako sa kanya kaya hindi niya iyon maabot. nang hindi maagaw lalapit dapat siya sa speaker pero hinarangan ko siya. "ang lakas! Gago magrereklamo ang mga kapit bahay!"
Sinagot ko siya ng lip sync sa first verse ng kanta. Hindi ako natinag kahit sinamaan niya ako ng tingin. Tumabi sa amin si regine, wala ng kutsilyo sa kamay. Maging si angela nakatayo nadin napalilibutan namin si kezia na ang sama ng hitsura. Ikinukumpas sa hangin ang kamao habang umiidak sa tugtog.
"mga baliw amputek!" sabi niya ng iniwan kami sa gitna ng sala. "bahala kayo diyan!"
"kezia dito ka!" sigaw ko.
"may niluluto ako ungas!"
Sinunod ko ang stayin' alive ng bee gees. After ng kanta tsaka lang namin narinig ang isang malakas na katok sa pintuan namin. Pinatay ko kaagad ang Bluetooth speaker bago hinila si kezia mula sa kusina. Siya ang nagbukas ng pinto, kaming tatlo naman nasa likod niya. parang mga kuting sa likod ng nanay nila.
"ano ba! kita niyong madilim na nagpapatugtug pa kayo at ang lakas lakas pa! ano ba mga bingi ba kayo?"
"pasensya na po talaga." Siya lang ang kumausap sa land lady namin. Kaming tatlo tahimik lang sa likod niya. "sorry po." Huling sabi niya bago isarado ang pinto.
Isa-isa niya kaming binatukan bago siya bumalik sa kusina. Tahimik kaming tumawang tatlo pag-alis niya. It was fun.
Pagkatapos mag hanapunan kanya-kanya na kaming pwesto sa kama pero hindi para matulog kundi para mag-aral. Nakakalat sa kama ko ang sandamakmak na notes. Si angela nasa sahig at may ginagawa sa bread board. Si kezia as usual may ginagawa sa laptop si regine din nakaharap sa laptop.
Sino ba sa engineering ang natutulog ng maaga? Madalas pa nga walang tulog eh.
Umilaw ang cell phone ko. zander's calling. Lumabas ako ng kwarto para sagutin ang tawag.
"hello"
"matutulog ka na?"
"hindi naman, bakit napatawag ka?"
"huwag ka muna pumunta dito. i'll be busy tomorrow. I'm sorry. Sa next day?"
"oh! May gagawin ako noon eh."
"doon lang sana ako libre." Kahit hindi ko siya nakikita alam ko na nakasimangot siya. Nakaramdam ako ng lungkot, ang hirap naman.
"actually hindi pala ako sure. Titigna ko pa kung pwede ako." Pinagsigla ko ang boses ko parang natuwa naman siya sa sinabi ko dahil narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"alam ko hindi pa talaga tayo okay pero mas maganda na sa personal natin pag-usapan ang lahat. okay?"
"yes Doc"
"wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano please, hear me first"
"yes Doc"
Ilang sandali pa kaming nag-usap bago niya sinabing may kailangan na siyang gawin kaya tinapos na namin ang tawag at bumalik na ako sa kwarto.
"sino tumawag?" salubong sa akin ni kezia.
"si Doc" wala naman nang sumunod na tanong kaya bumalik na ako sa kama para ituloy ang ginagawa ko.
Gusto ko sanang absenan ang isang subject para puntahan si zander pero natakot akong magtanong ang mga kaibigan ko at baka katayin ako kaya hindi rin natuloy. 'yong tatlong araw lang dapat na delay namin ay naging linggo.
Mabuti nalang nagka-free day kami dahil absent ang prof namin. Nag attendance lang kami at umuwi na. kanina pa ako nagtext sa kanya na may oras ako ngayon at tinatanong kung nasaan siya pero wala pading reply.
Nag-iisip ako kung aalis ba ako ngayon o hindi? Saan ba siya dapat puntahan? Mamaya pumunta ako ng hospital tapos may ginagawa pala siya edi istorbo ako.
Napasulyap ako ulit sa phone ko. wala talagang reply. Napagdesisyunan ko nang mag-ayos at aalis ako. Pupuntahan ko nalang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top