ENTRY #35
"alam niyo noong pinasok ko ang course na ito sobrang taas ng tingin why? Because ece board exam is one of the hardest board exam sa pilipinas my gosh!" pinahid ko ang luha ko. "pero wow!? They don't want me kasi hindi ako medical student? Or in medical field alam ba nila gaano kahirap ang engineering!"
"mahirap din naman mag Doctor" sabi ni regine. Tinignan ko siya ng masama. "oh right! tama moment mo ito sige go emote. Sa'yo ang spot light."
Nasa roof top kami ng bahay namin. I called them and said 'I need friend ang hindi pumunta mababaog' hindi ko alam kung natakot sila sa banta ko pero dumating naman silang tatlo.
"wag kang gagawa ng kahit anong desisyon galit ka pa" sabi ni kezia bago ininom ang beer niya.
Inaya ko narin sila mag-inuman. Kapwa kami may hawak na beer maliban kay angela dahil sasamain daw ang sikmura niya kaya ginagawa nalang niyang kanin ang kornik naming pulutan. Ganito lang ang inuman sa amin, kaming apat sa bahay never nag try sa ibang lugar.
"kung ayaw nila sa'yo edi wag. Let go" sabi ni angela
"ganoon? Let go agad, hindi manlang ilalaban? Mag-usap muna kayo ni Doc" sagot ni regine.
"take your own advise kaya angela" sabi ko. "let him go and move on."
Napaisip siya. "paano ba magmo-move on kung wala kayong label?"
"hmm.. wag mo na replayan" sabi ni kezia sabay tawa. "gago kasi alam nangan masasaktan siya ine- entertain parin, pag alam mong walang pag-asang maging kayo moved on na."
"ang dali kasing sabihin ang hirap gawin." Malungkot na sabi ni angela.
"hampas ko kaya sa'yo tong bote na hawak ko" sabi ko. "advice ng advice hindi muna I-apply sa sarili."
"so meaning? Ex girlfriend ni Doc 'yong jenica?" si kezia.
"baka hindi naman girlfriend baka friends lang talaga" sabi ni regine bago inumin ang beer niya. "tapos na curious sila diba may ganoon naman."
"ano't ano pa man wala tayong alam maliban sa sinabi ni ate mo gurl jenica na they had sex. Wag naman natin husgahan si Doc." Sabi ni angela.
Tinapik ko ang kamay ni angela dahil mauubos na niya ang kornik. Kumuha ako ng bagong beer sa cooler at binuksan. "c'mon cheers"
"what are we cheering for?" tanong ni regine.
"hmm.. for finals" sabi ni kezia bago itinaas ang bote niya.
"for moved on" tinaas din ni angela ang ice tea niya.
"for future engineers!" sabi ni regine
"for happy ending"
Mabuti nalang at walang ulan ng gabing iyon at Malaya kaming nakulitan sa ilalim ng mga bituin.
Mag-isa akong nakaupo sa pang animan na mesa sa library. Hindi ko maredraw ang circuit na inaaral ko. panay ang butong hininga ko, gusto ko mag concentrate. Kailangan ko mag concentrate. Dapat akong mag concentrate. Malapit na ang finals namin at iyon ang dapat kong unahin pero hindi parin nawawala sa akin ang nangyari.
Naka-silent mode ang phone ko at sinadya ko talaga iyong ilagay sa bag para hindi ako maistorbo pero hindi naman ako tantanan ng isip ko. kinuha ko ang notebook sa data communication, nagbabakasakaling may pumasok sa utak ko pero wala kaya bumalik nalang ako sa circuit.
Nag-angat ako ng tingin sa taong humili sa silya sa harap ko. nilapag niya ang mga gamit niya sa tapat ko.
"cindy wag ngayon wala ako sa mood." Walang gana kong sabi.
"wala nang ibang space maliban dito kaya makiki-upo ako" mataray niyang sagot.
Napailing nalang ako at pinipilit intindihin ang circuit sa harap. Magaling naman ako sa reconstruction ng mga complicated na circuit pero hindi ko talaga maintindihan ang isang ito. Napabuntong hininga nalang ako uli. Sumusulpot talaga si zander sa utak ko.
"I'm sorry"
Dahan-dahan akong nagangat ng tingin sa harap ko. "ha?"
"nasabi sa akin ni kezia na nagusap kayo ni Poseidon." tumuwa siya pero pilit. "nasabi niyang hindi mo talaga gusto si Poseidon at may boyfriend ka. Nasampal pa nga niya ako eh, sorry hindi ko alam na may boyfriend ka. di ba kasi break na kayo noong high school sweet heart mo."
"hindi ako mag so-sorry para sa ginawa ng kaibigan ko."
"alam ko, mas malala kasi ang nagawa ko sa'yo kaya heto" nilapag niya ang isang balot ng polboron sa mesa, assorted. "peace offering ko."
Tumaas ang pareho kong kilay. " muntik na akong mawalan ng grades tapos binugbog mo ako and then your peace offering is that? Anong tingin mo sa akin limang taong gulang na bata?"
"I know pero iyan kasi ang sinabi ni Poseidon na gusto mo." nahihiyang aniya.
Napatuwid ako ng upo. "nag-uusap kayo?"
"I confessed to him" malungkot siyang ngumiti. "he said no."
Kinuha ko ang polboron. "sige na nga atleast hindi mo na ako guguluhin."
"tingin mo si kezia gusto niya si poseidon?"
Napa-awang ang labi ko. "gusto mong masampal ulit ni kezia?"
"sorry. Ayuko lang sumuko agad, gusto ko talaga siya." Nagsimula na niyang bukalatin ang mga notes niya. "wala akong balak sukuan ang taong gusto ko."
"kahit masaktan ka?"
"hmm? Oo! Normal naman iyon. actually doon mo nga malalaman na talagang mahal ko kasi nasasaktan ka."
"kahit may malaman ka?"
"hindi naman mababaw ang pagtingin ko sa kanya."
Malungkot akong ngumiti. Tama siya. "paano kung, ayaw niya sabihin sa iyo ang mga bagay-bagay tapos.. nalaman mo nalang siya sa ibang tao pa, paano na?"
"kakausapin ko siya syempre. Gusto kong maintindihan, kailangan kong maintindihan para narin sa ikatatahimik ng isip ko. kailangan kong marinig ang side niya dahil iyon ang pinaka-importante. siya ang gusto kong karelasyon kaya aayusin dapat kung may problema."
"hindi ko inaasahang maririnig ko iyan sa'yo."
"kaya ikaw carmela kapag nagkaprolema kayo ng boyfriend mo ayusin niya para hindi kayo mag break tsaka wag magbabago isip mo ah wag mo papatulan si Poseidon. Aawayin kita ulit."
"gago ka talaga." 'yon nalang ang nasabi ko.
Kinuha ko ang phone sa bag. Tambak ang messages at may 5 missed call galing kay zander. dapat pala lagi akong galit sa kanya para maisip niya akong kontakin.kung sabagay, bakit naman niya ako tatadtarin ng message kung okay kami eh busy siyang tao.
Nag text ako ng 'talk later I'm busy'
Pero mukhang nawala ang kakayahan niyang umintindi ng words dahil bigla nalang siyang tumawag.
"bantayan mo gamit ko, pag may nawala diyan lagot ka kay kezia." Sabi ko kay cindy bago lumabas ng library.
Huminga ako ng malalim. "hello"
"thank God sinagot mo din!" medyo masakit sa tenga ang pagkakabuntong hininga niya. "can we talk please?"
"I'm busy" parang bigla nagbago ang isip ko, hindi pa ako ready na makausap siya.
"oh, okay. When can I see you?"
"wow ah? Hindi lang maganda 'yong huli nating pagkikita clingy kana ngayon?" hindi ko mapigilan magtaray.
"carmela please."
"so it's carmela now? What happened that sweet voice saying binibini?"
"binibini"
"waah? So ganyan naglalambing ka kasi may kasalanan ka"
"what? no!"
"bakit ganyan kayong mga lalaki, ang babait niyo kapag nagso-sorry tapos after namin magsabing bati na tayo parang walang nangyari."
"ano bang gusto mong itawag ko sa'yo." Hindi ko alam kung bakit pero maiimagine ko ang pagkakakunot ng noo niya. "you don't want your name or binibini ano?"
"ikaw ang may kasalanan sa akin nagagawa mo pang maging sarcastic?"
"I studied medicine for so long but I can't really handle girls."
"then don't!" napapadyak ako sa inis.
"do you have your menstruation?"
"what no!"
"'cause I feel like you have your mood swings."
"hindi ka ba busy? Kasi ako marami akong gagawin."
"hindi ako mapakali. Alam kong hindi ka okay, please atleast give me a chance to clear my name."
Lumambot ang puso ko dahil sa lungkot sa boses niya.
"sabay nalang tayong mag lunch bukas, sa hapon lang ang klase ko pwede kitang hatiran sa hospital kagaya noong una pero hindi mo kinain dahil kaldereta"
"thank you. I miss you"
Nakuyom ko ang palad ng marinig ko ang pagtawag ni jenica kay zander.
"oh hanap ka na" I said. In cold voice.
"please say you missed me too."
"go na baka importante, tinatawag ka na"
"kausap pa kita. "
Para akong tanga na nagpipigil ng ngiti kahit hindi naman niya kita.
"see you tomorrow. I also miss you."
Ngiting aso ako pagbalik ng library. Nakita ko na kausap ni cindy ang president ng department namin pagbalik ko sa mesa.
"carmela pinapapunta ka sa sa faculty"
"bakit daw?" nawala ang ngiti ko, napalitan iyon ng pagkalito.
"sabi ni ms. Marikit kakausapin ka daw niya." Aniya at iniwan na kami.
Kinuha ko ang bag ko at umakyat sa faculty ng ece department. Maliban sa proof ko si ms. Marikit siya rin ang adviser ng course, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi pa niya ako pinapatawag ni minsan. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Sinenyasan ako ni ms. Marikit sa mini library kaya doon ako pumunta.
Kinakabahan ako habang nakaupo doon. Nakatingin lang ako sa professor ko noong pumasok siya at umupo sa harap ko. kaming dalawa lang ang taoo doon.
"pinapatawag niyo daw po ako ma'am?"
May nilapag siyang papel sa harapan ko. "tignan mo and tell me anong mali." Mataray niyang sabi.
Hinila ko ang papel papunta sa akin. Class record iyon.
"bagsak ka ng dalawang quiz at isang unit test nakikita mo ba?"
Tumango ako.
"isang exam nalang ang natitira ngayon term at 'yon ay finals niyo. That's 30% of your grade. We have two unit test that is 20% each. Bagsak ka sa isa and sakto lang ang una mong test. Bagsak ang dalawa mong quiz pero na perfect mo ang isa. Ten plus ten and sabihin na natin may five percent na nadagdag kahit papaano dahil hindi ka naman zero sa ibang exam kaya mo bang makakuha ng eighty points sa finals?"
Nakayuko lang ako habang tinitignan ang raw grades namin.
"carmela may problema ka ba?" huminahon ang boses ni ma'am "hindi naman ganyan ang performance mo ah? Anong meron ngayon semester?"
binasa ko ang labi ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa puntong naiiyak ako. "ma'am wala na po bang ibang paraan?"
"you know the answer ms. Abades"
Humapdi ang mata ko. alam ko na hind ako ganoon kagaling para makakuha ng eithy points sa exam. Alam ko paano magpa exam si ms. Marikit. Kalahati oo pero twenty lang dapat ang mali? Parang hindi ko kaya.
"may masasabayan ka sa electrical next term, hindi ko alam anong nangyayari sa personal mong buhay pero ang nagawa ko ng maayos ang trabaho ko. i hope you know your priories carmela."
Kinuha niya sa akin ang records at iniwan na niya akong umiiyak sa mini library.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top