ENTRY #34
Katulad nga ng inaasahan ko, nakatunganga ulit ako habang nakikinig sa mga Doctor sa paligid ko. nilalaro ko lang ang kamay ko habang nag-uusap silang lahat at nakikingiti kapag nagtatawanan sila.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng magpaalam na ang bisita nila, hinatid ng parents niya ang foreigner kaya naiwan kaming apat .
"I'm going home" sabi ni Doc steven kay zander sabay tapik ng balikat nito.
"I think you're drunk" sabi ko.
Natawa si Doc "no I'm not kaya ko pa nga mag swimming eh, sama ka?"
"steven" zander tone is like a warning.
"sorry, sorry. Bye everyone!" aniya at lumakad na paalis.
Feeling ko talaga lasing na siya.
"let's dance" bulong ni zander sa akin.
Napasulyap ako kay jenica dahil hindi padin siya umaalis pero hindi rin naman sa amin nakatingin. Umiinom lang siya ng wine.
"okay."
Kinuha ni zander ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa gitna kung saan nandoon din ang grandparents niya at mabagal na sumasayaw. Napangiti ako, sana kapag nag asawa ako ganyan din kami pagtanda.
Now playing: put your head on my shoulder (joseph Vincent version)
Ang parehong kamay niya ay nasa bewang ako. Nakalapat naman ang akin sa dibdib niya.nakatingin lang ako samukha niya habang sumasayaw kami, ganoon din siya.
Put your head on my shoulder ~ hold me in your arms, baby
Squeeze me oh-so-tight show me ~ that you love me too
"ginoo?"
"hmm?"
"it's not like I'm complaining pero.. I don't know so many things about you. Maybe.. " tinigna ko siya ng may pagsusumamo. Pumikit siya at sinandal ang noo sa akin. "don't you trust me?"
Umiling siya bilang di pagsang-ayon.
"why can't you tell me something?"
Mas pinalibot niya ang braso sa akin. Ngayon ay talagang yakap na niya ako. "I'll ask you the same question. Don't you trust me?" aniya na nagsusumamo.
People say that love's a game ~ you just can't win
If there's a way, I'll find it someday ~ and then this fool will rush in
"can I really trust you?"
"you can" aniya at hinalikan ang noo ko. "one day binibini, when you reliazed how boring I am please tell me at wag mo hanapin sa iba ang hindi mo mahanap sa akin. I'll try my best to fixed everything."
"psychology says 'if you're inlove with someone you won't be interested in someone else' don't ask me sinong psychologist nakita ko lang iyon sa facebook." Matunog siyang ngumiti. "but the point is, I'm inlove with you and I'm sure of it, so I'm not looking in the other way."
"psychology says 'most women take longer to make decision than med do, but once they make a decision they are more likely to stick with it" aniya.
"hmm.. sinong psychologist naman?"
"nakita ko lang rin sa facebook"
Pinabayaan namin matapos ang kanta habang tahimik kaming dalawa. After noon nagpaalam ako na pupunta sa powder room, gusto niya akong samahan pero sabi ko wag na at this time totoo na talagang gusto ko mag cr at ang pangit tignan kung buntot siya ng buntot sa akin.
Nakasalubong ko ang mommy ni zander pagkatapos ko sa cr. "good evening po" bati ko.
hindi siya nag react sa sinabi ko, aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. "ilang taon ka na nga ulit hija?"
"22 po."
"pitong taon pala ang tanda ni zander sa iyo. Bakit hindi ka nalang muna mag-aral?"
"po?" naguguluhan ako sa gusto niyang ipahiwatig.
"I mean, nag-aaral ka pa. pinapayagan ka na ba ng magulang mo na pumasok sa isang relasyon?" sarcastic ang dating sa akin ng tawa niya. " alam ba nila na may boyfriend ka? Na pitong taon ang tanda niya sa'yo? Hija.. bakit hindi ka nalang muna mag focus sa pag-aaral mo, sa engineering. Kailangan mo pa pumasa ng board exam hindi ba?"
"ano po bang gusto niyong sabihin?" nanlalamig ang balikat ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Kasama nadin na nakakaintimidate siya, na parang pinamumukha niya sa akin na hindi ko dapat patulan ang anak niya.
"ayuko lang magbago ang mga plano namin ng dahil sa babae. And also, tatapatin na kita. I want someone na naiintindihan ang field ng anak ko much better if she's also working in medical field. Hindi sa minamaliit kita o ang gusto mong maging pero ito ang opinion ko bilang mommy ni zander. hindi mo dapat inuuna ang mga ganitong bagay tsaka ka na maghanap ng partner kapag may carrier ka na."
"kilala ko po ba 'yong someone na iyon?" napalunok ako. Parang nanunuyo ang lalamunan ko kahit siya naman ang mahaba ang sinasabi. Parang naiiyak ako.
Hindi nagsalita ang ginang. Nakatingin lang siya sa akin at aaminin ko, nanliliit ako sa sinabi niya.
"gusto niyo na?-"
Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I'm doing you a favor. Bata ka pa for sure marami ka pang hindi naexplore sa buhay. I don't think magtatagal kayo ng anak ko." aniya.
Nakakabastos man pero tinabig ko ang kamay niya. Agad na tumaray ang mukha niya at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko. "excuse me po" iyon lang at tinalikuran ko na siya. Ayuko na maabot ang susunod na pagbuka ng labi niya.
"hey" bati sa akin ni zander. "are you okay? Bakit parang namumula ang mata mo?"
Pumikit ako and I control ng breathing. Siniguro kong kalmado na ako pagdilat. "I'm okay ano lang.. nakuskus ko sa mata ko yung kamay ko paglagay ko ng alcohol."
"zander, you're mom is looking for you" nandiyan nanaman si jenica sa tabi namin.
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang paghikbi. Makita ko palang ang mukha niya naiiyak at naiinis na ako. Calm down carmela. Please. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
"ikaw nalang" sabi ko kay zander ng niyaya niya ako.
Hindi nakalampas sa akin ang ngisi ni jenica. Napapikit ulit ako ng matagal. 'carmela, wala kang laban dito'
"gusto ko nang umuwi." Pinigilan kong pumiyok. "pwede bang ikaw nalang ang magpaalam sa parents mo. ayuko kasing kumilos biglang sumama ang pakiramdam ko."
Bakas sa mukha ni zander na nagdududa siya sa kinikilosko pero nagpoker face lang ako at panay ang lunok dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
"wait me here, okay?" isang halik sa nook o ang ginawad ni zander bago siya umalis.
"nakausap mo ang mommy niya ano? I hope you finally know your place" nakalantad parin ang mapang-asar na ngiti sa mga labi niya. "hindi ka matatanggap ng pamilyang ito. To tell you honestly carmela kahit gaano karami pa ang inuwing girlfriend ni zander ako padin ang gusto ng mommy niya."
"bakit? mommy niya ba ang pakakasalan mo?"
"you don't know a single thing about him ano?" she clapped as if she remembered something. "I'll give a very crucial information about him. He lost his virginity when he's about your age. Tingin mo kanino?"
Naninikip ang dibdib ko. pakiramdam ko namamanhid ang ulo ko.
"sa akin. Now ask him kung ano bang relasyon naming dalawa."
"he said you are just a friend"
"a friend? Ginagawa ba iyon ng magkaibigan."
"then malandi ka kasi binigay mo iyon sa kaibigan"
Umiling siya "we are not just friends 'cause I will marry him someday at ikaw? Hihiwalayan ka niya kasi.. masunurin si zander sa pamilya niya. Itatapon ka niya na parang used medical gloves"
"liar."
naiinis ako sa paraan ng pag-ngiti niya. "baby girl, if you are convinced that i am a liar, then ano ka? you're lying to yourself. you have an idea and you know it's real, but you choose not to believe it."
"beacuse i trust him." hindi ako makahinga sa pagpipigil ko sa sarili kong luha, at sa mga emosyon na gusto kong pakawalan.
"oh do you? pero siya? meron ba siyang tiwala sayo kasi.. it seems that he doesn't want you to know anything, maliban nalang kung ikakagwapo ng pangalan niya."
Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal ko siya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin. Kasama na doon ang boses ng mommy ni zander.
Mabilis na dinaluhan ng mommy niya si jenica. Si zander naman tinitimbang gamit ang kanyang tingin ang mga nangyayari.
I feel like kahit anong sabihin ko walang magbabago sa tingin nila sa akin ngayon. Isa pa, pagod na akong mag explain sa mga tao na jina-judge ako. Kaya tumalikod nalang ako at ang lakad palayo. Hinabol ako agad ni zander.
"ano nangyari?" pilit niya hinihila ang braso ko. "carmela talked to me anong nangyari."
"zander" narinig ko ang pagtawag ng mommy niya. Nalilito ang mga mata niya sa gagawin. Napailing nalang ako.
Hinawakan ko ang braso niya at bumulong. "you're not just friends. You fucked her"
Nanlaki ang mata niya at kung hindi ako nagkakamali may pagpapanic doon. "no please listen.. it's a ano.." napapikit siya tila hindi alam ang sasabihin o gagawin. " before! Okay that was before walang namamagitan sa amin matagal na."
"zander" ulit ng mommy niya.
"see? Hindi mahirap sabihin diba? Dapat noon mo pa sinabi."
Tinabig ko ang kamay niya at mabilis na umalis sa lugar na iyon. hindi ko alam gaano kalayo ang lalakarin o tatakbuhin ko para makahanap ng masasakyan pero gustong-gutso ko nang makaalis kaya bahala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top