ENTRY #33

"pupunta lang akong cr" bulong ko kay zander at nag excuse din ako sa mga kasama namin sa table.

I need some air. Naninikip ang dibdib ko sa eksenang parang bato lang ako kanina nandoon lang bilang palamuti o kaya naman bato kasi walang maintindihan ay basta! Naglakad-lakad ako, hoping na may Makita akong place na walang msyadong tao. Bilang nasa garden naman ang venue habang lumalayo ako doon ay kumokonti narin ang tao, hanggang sa makarating ako sa pool area.

Tahimik na doon. Wala nang tao sa paligid maliban sa  isang lalaki na nakaupo sa gilid ng pool. Nakatupi ang long-sleeved niya hanggang braso at ang slacks naman niya hanggang tuhod. May hawak na beer ang kanan kamay niya at sa gilid niya ay may ilan-ilan din.

Bahagya gumalaw ang balikat ko sa gulat ng lumingon siya sa direksyon ko.

"carmela?" tawag niya.

Tinitigan ko siya mabuti. Dahil dim ang light sa area ay hindi ko maaninag ang mukha niya  kaya naman lumapit ako. "Doctor steven?" kung hindi ako nagkakamali siya 'yong kaibigan ni zander. mabilis siyang matandaan dahil siya lang naman ang Moreno sa kanilang apat.

"you're here." Aniya tapos ay tumitig mula sa tubig sa pool. "hindi ka ba nag e-enjoy sa party?"

Nahimas ko ang braso dahil sa malamig na ihip ng hangin. Sabi nga ng nanay ko, January, February and march talagang malamig ang hangin. Tag-tunaw daw kasi ng yelo sa ibang bansa. Di ko alam kung totoo pero malamig naman talaga ang hangin.

Hinabad ko ang heels ko at dinawdaw ang paa ko sa tubig ng pool. Umupo ako may kalahating metro mula sa kanya. Parang ang sarap kasi ng ginagawa niya.

"bakit ka nandito? Si zander?"

"may kausap, hindi ako makarelate eh kaya umalis ako" pag-amin ko. "kasama ang family niya at si.. Doctora jenica" mapait ang pagkakasabi ko sa dulo.

"old habit die hard huh." Aniya

"ikaw bakit ka nandito?" lumingon ako sa paligid. "nasaan ang mga kaibigan mo?"

"nambabae nanaman siguro ang dalawang iyon." at lumagok siya ng beer. "bumalik ka na doon, hahanapin ka ni zander."

"hindi kasi ako makarelate.. nao-op ako kanina."

"hindi mo kasi field, kung ang usapan siguro ay circuit o kaya coding makaka-relate ka"

bahagya akong napangiti. "alam mo ?"

"'yong ex ko halos kapareho mo ng field.Computer engineer siya, diba magkaka-patid lang naman kayo ng course."

"hmm yeah may pinagkapare-pareho maliban sa majors"

natapos ang usapan namin doon. hindi na siya nag-salita pa at uminom nalang ng beer.  kinumpas ko ang paa ko sa tubig, nakangiti kong tinitigan ang pag-alon noon. hindi ko akalaing ang pagiging feeling isda ang magtatawid sa boredom ko.

"mabuti pa si jenica" bulong ko sa sarili ko.

"don't envy her" lumingon ako sa kanya. "hindi niya napapangiti si zander kung paano mo siya napapangiti." Nakangiti at makahulugan niyang sabi na parang nababasa niya ang isip ko.

"hindi ko kasi maintindihan 'yong awkwardness noong sinabi ko na engineering nag course ko parang lahat sila nagugulat." Pag-amin ko ulit.

"dahil lahat sa pamilya nila doctor, mula doon sa ninuno ata walang lumihis ng landas." Sinundan niya iyon ng pagtawa. "so they are expecting na doctor ang iuuwi ni zander as girlfriend."

"they like jenica, don't they?"

Nagkibit balikat siya.

Lumapit ako ng konti. "magkaibigan lang ba talaga sila ni zander?"

"ask him. kung hindi niya pa sinasabi sa'yo irespeto mo nalang muna just trust him. do not rush things." 

"kung may alam ka bakit di mo nalang sabihin? magkaibigan talaga ka'yo" hindi sinasadyang naisip ko ang mga kaibigan ko dati. Mga kaibigan kong pinagmukha akong tanga.  "gusto ko lang naman malaman eh"

"dahil siya dapat ang nagsasabi noon sa'yo, hindi ko siya pwede pangunahan sa maraming bagay, mamaya kung ano pa isipin mo sa mga iku-kwento ko edi lagot ako. May part na kaibigan minsan ang nagpapalala ng gulo kaya ayuko manghimasok. Pero para sa ikakapanatag mo ikaw lang ang girlfriend niya." binuksan niya ang isang bote ng beer at iniabot sa akin.

Napangiwi ako. "tama ba na tumanggap ng beer mula sa isang doctor?"

"off duty ako."

"Doctor ka parin " Nagtawanan nalang kami. "anong specialization mo?"

"I'm at my last year of residency in gynecology"

"gynecology!? You mean? Doctor ng mga pekpek? As in kipay?" medyo tumaas ang boses ko dahil sa gulat.

"maka-pekpek ka naman. Pagandahin mo naman ng konti"

"why pekpek? Lalaki ka ah! Ang dami naming pwede bakit 'yon pa?" hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.

"my mother died because of ovarian cancer, so.. it's a personal thing."

Napatigil ako sa pagtawa at nakagat ang labi ko dahil sa sinabi niya. "sorry"

"parang tanga 'to. Wala ka namang kasalanan sa akin" para siyang hindi Doctor kung magsalita, I guess kasi off duty siya.

"tinawanan kita"

"lahat naman sila natatawa, bakit daw 'yon, gusto ko ba daw tumingin ng pekpek all day." Kahit siya ay natawa sa sinabi niya.

"hindi ka ba.. nailang na inaasar ka nila?"

"kapag gusto mo ang isang bagay kahit ano pa ang sabihin nila sa'yo mananatili ang focus mo. e sa doon nabubuhay ang curiousity ko. 'yon ag gusto ko pag-aralan pa ng husto, atleast hindi ako isa sa mga mabababaw na lalaki na tinatawanan ang mga babae dahil sa mga bagay na hindi maintindihan ni adan. kasi ako nage-gets ko, napag-aaralan ko katulad ng bakit moody ka'yo kapag malapit na magkaroon. hindi niyo kasalanan na tupakin kayo."

pinalakpakan ko ang speech niya habang tumatawa kami pareho.

"binibini" sabay kaming lumingon ni Doctor steven sa likod kung saan nanggaling ang boses.

Nakakunot ang noo ni zander habang nagsasalitan ng tingin sa amin. Nang makalapit ay kinuha niya ang kamay ko upang alalayan tumayo. Hindi ko na sinuot ang heels ko, binitbit ko nalang.

"nice talking to you Doc" baling ko kay steven.

"where's dino and jace?" tanong ni zander sa kaibigan.

"ewan? Nandiyan lang iyon sa tabi-tabi" sabi ni Doc steven ng hindi lumilingon.

"nasa garden ang party bakit nandito ka?"

"nandito lang naman ako para batiin ang lolo at lola mo eh ayaw naman ako paalis agad kaya kinuha ko nalang ang beer sa ref niyo."

Nagtunguhan lang nag magkaibigan at hinila na ako ni zander paalis doon. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang paa ko bago siya mismo ang nag lagay ulit ng sandals ko.

"anong pinag-uusapan niyo?" hindi padin naalis ang pagkakakunot ng noo niya habang naglalakad kami pabalik sa party.

"wala, random things."

"sabi mo pupunta ka lang sa cr, inaasahan ko na saglit ka lang. kanina pa kita hinahanap tapos makikita kita na kausap ang kaibigan ko."

Nabigla ako sa sinabi niya. Sa tono ng pagsasalita niya ay parang nahuli niya akong nanlalalaki. "kaibigan mo naman iyon ah? Tsaka, ang gaan niya kasi kausap kaya hindi ko namalayan ang oras."

"magaan kausap? Tsk. Habang ako nag-aalala na kakahanap sa'yo nakikipag-usap ka lang pala sa kaibigan ko at kayong dalawa lang sa pool area." Medyo malakas ang boses niya.

"galit ka ba?" hindi makapaniwala kong sabi. "bakit galit ka?"

Tila natauhan naman siya sa sinabi ko at mukhang nabigla rin sa actions niya. "hindi ako galit. Sana sinabihan mo manlang ako saan ka pupunta nang alam ko saan ka hahanapin."

"sorry" iyon nalang nag sinabi ko.

Nakatayo lang kami, walang umiimik. Pinagalaruan lang niya ang mga daliri ko sa kamay. aaminin ko nagulat ako na ganoon ang reaction niya pero may point siya, sana nag sabi ko para hindi siya nag-alala.

"sorry" ulit ko.

dinig ako ang paghugot niya ng hininga. "sorry sa tono ng boses ko. hindi ko naman sinasadya."

"zander?" jenica is standing few meters away from us. "hinahanap ka ng daddy mo may ipapakilala daw siyang Doctor mula chicago." Hindi niya na hinintay sumagot si zander at lumapit siya sa amin. Hinawakan niya sa braso ang boyfriend ko. "sorry carmela pero hihiramin ko muna si zander"

Napataas ang kilay ko sa word na 'hihiramin' alam ko na hindi naman sa parang iniisip ko ang ibig niyang sabihin pero may kung ano sa tono niya ang nagpapainis sa akin. kay zander ako tumingin. "is it urgent?" tanong  ko.

"may hospital sila sa Chicago and his father actually expecting him to be there with him pero kailangan niya muna tumulong sa hospital ng uncle niya dito sa manila dahil kulang sa Doctor. did he not mentioned that to you?"

"see that is the perfect example" nangibabaw ang boses ni Doctor steven. Lumalakad siya papalapit sa amin. "sabi sa'yo eh, may mga sitwasyon na kaibigan ang nagpapalala" tinakpan niya ang mukha gamit ang palad para hindi makita ni zander ang pagkindat niya. "dapat talaga hindi sa kaibigan nangga-galing ang mga impormasyon na personal."

"nautusan lang ako ng daddy niya na hanapin siya." sumimangot si jenica.

"sasama ako. Total kasama naman akong pupunta ng Chicago eh" aniya at nauna na siyang maglakad. Nakatupi parin ang damit niya, nakapaa lang siya at bitbit niya ang sapatos. Nilampasan niy lang kami pero hinila niya ang kamay ni jenica  Pasunod sa kaniya.

"let's go" sabi ni zander.

"wait! Kasama ako?"

"oo"

"bakit kasama ako, wala naman akong alam diyan" totoo naman, wala akong alam. Wala.

"syempre , mamaya mawala ka nanaman." Hindi ako nakapalag dahil hawak niya ang kamay ko.

oh my Handsome ginoo marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa iyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top