ENTRY #32

"ano pang sinabi niya?" tanong ni zander habang nasa kalsada ang tingin at nagda-drive.

"iyon lang. after noon hindi na niya ako kinausap kahit pag may meeting kami sa grupo hindi na niya ako pinapansin" I told him what really happened between me and Poseidon.

he seems mad noong nagsimula ang usapan namin doon. i asked him kung ano ba ang sinabi kay poseidon sa phone pero inilingan niya lang ako.

I'm wearing a power blue, sleeveless lace chiffon cocktail gown and a three inch heels while zander look very handsome in his tuxedo. Nagulat nalang ako ng may package na dumating sa dorm galing kay zander, ito daw ang suotin ko para sa party ng grandparents niya. He's driving now papunta sa bahay nila at simula ng sinundo niya ako ay hindi na mapakali ang puso ko sa kaba.

"I knew it from the moment I met him."

Napanguso ako. "pakiramdam ko tuloy kasalanan ko dahil hindi ko nabasa ang mga kilos niya."

"no, my lovely binibibi it's not your fault na hindi mo binigyan ng malisya ang mga ginagawa niya."

Napabuntong hininga nalang ako. " psychology says once you fall in love, there's no going back to being just friends. So hindi na pwedeng mabalik ang friendship namin?"

"sinong psychologist?"

"ha?"

"well, you need to know if that personal is really a psychologist or have a license so you'll know if it's legit statement." Aniya.

Nginitian ko lang siya at umiling. Nakita ko lang kasi sa facebook 'yon.

"we're here"

Pinagmasdan ko ang pinasukan niyang gate. Napanganga ako sa laki ng bahay, mansion ito actually at hindi bahay lang.

"wow, ang laki ng bahay niyo."

"it's my grandparents house." Aniya at nauna siyang bumaba habang ako ay hindi parin makapaniwala sa aking nakikita. "let's go" hindi ko napansin na nasa tabi ko na siya at nakabukas na ang pinto ng sasakyan.

Hindi sa first time makakita ng ganitong bahay pero  hindi ko lang siguro inaasahan. Malaki ang bahay namin sa cavite at halos magagara ang lahat ng bahay sa subdivision namin pero iba ito. May ganitong bahay sa metro manila? Ang laki.

"ready?" tanong ni zander bago kami pumasok sa loob

Binigyan ko siya ng isang kinakabahan tawa. Hindi ko ata alam ang definition ng salitang iyon ngayon.

Isang malawak na hardin ang venue ng party. Medyo madaming bisita. I breathe deeply ng matanaw ang isang pares na lumalakad palapit sa amin.

"hijo! Finally you're here" sabi ng babae at humalik sa pisngi niya.

"hindi pwedeng hindi ako pumunta. Oh by the way, this is carmela." Sabi niya kasabay ng pagturo sa direksyon ko. "carmela, this is my gradpaprents"

"happy anniversary po." Nahihiya at kinakabahan kong bati.

"thank you hija, how are you related to zander?" tanong ng lolo niya.

"she's my girlfriend lo. "

"oh! She looks so young" lola niya ang sumagot. "what do you do for a living hija?" nakangiti niyang sabi.

"uhhh.. I'm still studying po.."

magkasabay na tumungo ang mag-asawa "medicine?" tanong sa akin ng lolo niya.

"no po, uhh.. I'm studying Electronics and communication engineering" lalo akong kinabahan ng magtitigan ang dalawang matanda.

"oh! Does you're mommy knows about this zander?"

"no lola, that's actually the reason kaya dinala ko siya dito. para ipakilala sa inyong lahat."

"sorry to ask pero you're not underage 'no hija?"

"la!" nangingiting saway ni zander.

"ah no po, I'm 22 actually, graduating na po ako next year" maagap kong sagot.

Nakangiti lang sa akin ang lolo niya habang nakangiti, at minsan ay may hindi ko maintindihan sulyap kay zander. nagtawanan ang mag lolo, hinampas naman ng lola niya ang balikat ng lolo niya.

nakisabay ako ng ngiti kahit pa hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga kilos nila.

"enjoy the party hija." Sabi ng lolo niya at iginaya na niya paalis ang asawa nito.

Lumakad kami palapit sa mga magulang niya, tanaw ko ang masayang pag-uusap nila kasama ang isang babae na.. kapareho ko ng damit? Napasulyap ako sa damit ko at hindi ako nagkamali, pareho ng design ang mga damit namin magkaiba lang kami sa heels.

"mom" bati ni zander at humalik sa pisngi nito. "dad" tumango naman siya.

Nawala ang ngiti sa mukha ng babaeng kausap ng mga magulang ni zander pagharap niya sa amin. May hawak siyang wine na kakulay ng mga kuko niya.

"anak ang tagal mo dumating." Sabi ng mommy ni zander pero nasa akin ang paningin. "hi darling, you are?"

"hi carmela" bati sa akin ni jenica. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko at ganoon din ako sa kanya. Parehong-pareho talaga.

"this is carmela, my girlfriend" sabi ni zander.

Nakita ko ang gulat na itsura ng mommy niya bago tumingin sa daddy nito. "g-girlfriend?"

"good evening po" bati ko.

"but son I thought you and jenica?" mukhang hindi rin mapaliwanag ang gulat sa daddy niya.

"no. no tito, tita, zander and I are really good friends na" sinabayan niya iyon ng mahinang tawa.

"g-ganoon ba" ngumiti sa akin ang mommy ni zander. "kumain ka na ba hija? Kumain muna kayo"

Ang awkward ng pagkakangiti niya sa akin. Pero sinuklian ko padin iyon ng ngiti. Nag-excuse kami ni zander para makakain muna ng hapunan.

"my mom is a psychiatrist and my dad is a neurologist" si zander ang kumukuha ng pagkain ko sa buffet habang ako ay may hawak na drinks sa magkabilang kamay.

"zander!" isang babae ang bumatok kay zander kaya naman muntik na niyang mabitawan ang plato. Sa tabi ng babae ang isang cute na batang lalaki na sa tingin ko ay nasa six or seven years old.

"ate ano ba!" singhal niya na kinagulat ko dahil para siyang bata na nagrereklamo, naalala ko ang kapatid ko.

"hindi ka nagpaparamdam sa ate mo, puro trabaho ka siguro ano! Hindi ka magkakalove life ulit niyan ang boring mong ni..la..lang" medyo bumagal ang pagsabi niya sa huling salita ng mapansin niya akong nakatayo sa gilid ni zander. "hi!" masigla niyang bati.

"she's nothing" sabi ni zander sa akin.

"I'm Zusy Antonette his sister." Aniya bago ako hinalik sa magkabilang pisngi. "and this is my son riko, hahaha no father nasa impyerno na"

"she's a pediatrician" walang gana na sabi ni zander.

"hi, I'm carmela."

"girlfriend?"

"yes" medyo nahihiya kong sagot.

"oh shit! buti pinatulan mo ang kapatid ko? boring  na nilalang iyan puro aral nga alam niyan eh. Hindi pa nga nararanasan niyan pumuntsa sa theme park. Oh! Oh! Gusto mo Makita mga baby picture niya? Meron ako sa bahay, mga nakahubad pa nga siya doon tapos mayroon din ako video noong sumemplang siya sa bike tapos grabe ang iyak niya may uho—"

"hoy! Ate ano ba!"

Nangingiti nalang ako sa asaran nila. Naaalala ko si butchoy noong tinakot ko siya na ipapakita ko sagirlfriend niya ang picture na kumain siya ng sariling tae. Ganoon ata kaming mga panganay.

"bakit? ayaw mo ba Makita niya mga nudes pic mo?" sinundan niya iyon ng mapang-asar na tawa. "zerina halika dito!"

Mula sa pakikipag-usap sa isang grupo ay lumingon sa amin ang isang babae na naka gold dress. Mukha siyang koreana lalo na sa full bangs niya. Nag-exuse siya sa mga kasama at lumapit sa amin.

"this is zerina anabelle, bunso namin. She's going to be a dentist" pagpapakilala ng ate ni zander sa akin. Si zander naka poker face lang habang may hawak na plato. "girlfriend ni zander. urgg! Sa wakas may taste na siya ngayon! Si carmela"

"siya iyong sinabi ko noon na ka-edad mo" bulong ni zander sa akin.

"hi" halos magkasabay naming sabi.

"thank you at pinatulan mo ang kuya ko."

"so you're a family of doctors, do you have a dog? Anong specialty niya, veterinarian medicine?" natatawa kong sabi.

"can a dog study to be a doctor?" walang kangiti-ngiting sagot ni zander. seryoso siya, mukhang di niya na gets.

Tumawa ang dalawa niyang kapatid. "you really can't take joke kuya"

Korny ba ng joke ko?

"doon tayo sa table nila mommy" tinanaw ng ate niya ang sinabing table. Nagtinginan ang magkapatid na babae at nagtunguan.

"yaya bonel kunin mo muna riko" lumapit ang isang middle age woman at kinuha ni ang bata.

Kinuha ni zerina ang hawak kong baso, hinila naman ako ni ate zusy papunta sa table ng mga magulang. Nakikipagtawanan parin sila kay jenica. Nilingon ko si zander at umiiling lang siya.

"mom! Have you met carmela? She's so pretty, isn't she."

Umupo siya sa right side ni jenica at tinabi ako sa kanya si zander naman ay tumabi sa libreng upuan sa pagitan namin ni zerina.

"girlfriend ni kuya" nakangiting sabi ni zerina.

"we met her zerina" sabi ng daddy nila. "ano ang field mo hija?"

"no dad, she's still a student. Engineering." sagot ni zander.

Napasinghap ang dalawang babae sa gilid ko. bakit ba parang big deal?

"electronics and communication engineering po." Pagkukumpleto ko. "graduating na po ako next year" para akong sirang plaka ngayon gabi.

"zerina ka-edad mo siya" dagdag ni zander.

Lumapad ang ngiti ni zerina. "oh! Siya 'yong baguio!"

"anong baguio?" tanong ng ate nito.

Pinigilan kong matawa ng Makita ko ang mahinang pagsipa ni zander sa paa ng kapatid.

"bagong kotse ate iku-kwento ko sa'yo"

"sige usap tayo mamaya" nagtawanan ang magkapatid samantalang si zander hindi mapinta ang mukha.

Nagsimula na akong kumain habang nag-uusap sila. Hindi naman ako makarelate kasi puro medical term ang sinasabi nila at mas lalong wala naman akong maambag sa usapan.  Maya't maya ay sumusulyap sa akin si zander. siguro napapansin niya na nao-op ako. Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng inggit kay jenica dahil Malaya niyang nakakausap ang lahat sa table na iyon at alam niya kung ano ang sinasabi nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top