ENTRY #3
Nakaupo ako sa bench habang si Mr. I don't know who ay ilang metro ang layo sakin at may kausap sa phone.
After ko syang mapapayag kanina sa coffee shop hindi pa kami lumabas agad may kailangan daw kasi siyang unahin kaya halos 2 oras syang may ginagawa sa tablet nya at ako naman naka-upo lang sa harap nya.
Ang alam ko dapat naglalabas na ako ng sama ng loob pero pinabayaan ko nalang sya.
Nakakahiya rin kasi mag demand. sa dami ng kaibigan ko ay hindi ko akalain na kakailanganin ko pang lumayo para makapag labas lang ng sama ng loob. kung sa bagay atleast siya hindi ako iju-judge o kung ano pa, at isa pa hindi naman na kami magkikita pagkatapos nito.
Nag scroll nalang ako sa facebook habang hinihintay sya.
'Ano girl? Kamusta?'
Nag pop up ang icon ng chat group naming magkaka dorm.
'Found someone'
'Sure ka ba djan?' -angela
''Well, mukha naman siyang matino?'
"So? Where are we going?" Pinatay ko ang cellphone ko ng mangibabaw ang boses nya. Nasa harapan ko na pala sya.
"Hmmm" tinignan ko ang relo kong pambisig "mag 11 na pala kumain muna tayo ng lunch"
"Okay"
Gusto sana nya sa isang may pangalan restuarant kami kumain pero mukhang di ko kaya ang mga pagkain dun kaya hinili ko sya sa fast food.
Jusko! Estudjante lang ako.
"You know, pwede naman ako mag bayad if doon tayo kumain"
"Ayuko nga , hinila kita kaya sagot kita." Pero yung saktuhan lang syempre
"Salamat sa pag payag ahh" binasag ko ang katahimik namin habang kumakain
"Naalala ko kasi ang kapatid ko sayo, kaedaran mo din sya. Noong nakipag break ang boyfriend nya sa kanya halos hindi sya lumabas ng kwarto. Di ako nakatiis kaya sapilitan ko buksan yung pinto nya, yun pala wala sya sa kwarto di naman alam saan pumunta ng 3 araw."
Napatigil sa era ang hawak ko na fried chicken.
Hindi lang naman pala ako ang gaga kapag broken hearted.
"So? What's your story?" Kung kumain sya para parin kaming nasa mamahalin restaurant. Gamit nya pareho ang spoon and pork nya.
Bilib talaga ako sa mga taong kayang himayin ang fried chicken ng hindi hinahawakan.
"Nag break din kami ng boyfriend ko." Panimula ko.
Tumango-tangi sya na para bang alam na nya agad na yun ang problema ko.
"Almost 5 years kami sa relasyon, classmate ko sya noon high school. Isa lang kami ng circle of friends kaya when he told me that he likes me, at first hindi ko sya pinaniwalaan."
‐------------
"Hindi mo ba napapansin na laging nakatingin sayo si aldrin?" Bulong sakin ni aira habang ako tuloy lang sa pag kopya ng mga sulat sa board. "Bagay kaya kayo girl!"
Nasa harapan lang ang tingin namin tatlo dahil nagdidiscuss rin ang teacher namin sa math.
"Bigyan mo na kasi sya ng chance, hindi ka ba naawa sa tao. Nililibre ka lagi ng lunch tsaka meryenda kung papayag ka nga lang siguro ihahatid sundo ka pa nyan" bulong naman ni karen na nakaupo sa kanan ko.
"Una, yung libreng pagkain kayo ang kumakain pangalawa hindi ko pa trip magka jowa ngayon "
Pero kinain ko lang ang mga sinabi ko.
Napaka tyaga nya sakin.
Magalang sya, gentlemen at higit sa lahat mapag pasensya.
Pumunta rin sya sa bahay para ipagpaalam sa mga magulang ko na liligawan nya ako .
Kaya binigyan ko sya ng chance.
10 months after that sinagot ko sya.
-----------
"Mahal mo ba talaga? O nasulsulan ka lang ng mga kaibigan mo? Minsan kasi kaibigan talaga ang dahilan eh" putol nya sa kwento ko.
"Masaya ako pag nakikita ko sya, excited ako makasama sya, mabilis ang tibok ng puso ko pag hinahalikan nya ako. Hindi mo ba mahal ang isang tao pag nararamdaman mo yun?"
"Hindi djan nasusukat ang pagmamahal. Bata ka pa talaga noon" tatawa-tawa syang napailing "tuloy mo na yung kwento"
------
Masaya naman kami, lagi kaming nag date. Pinakilala din nya ako sa parents at kapatid nya. Hanggang sa dumating ang graduation at nag hiwalay kami ng school.
Pinili nyang mag-aral sa state university samin samantalang ako pinapunta ako ng nga magulang ko sa maynila para mag exam sa iba't ibang university.
Sa pananaw kasi nila
'Iba ang may pangalan ang school'
Noon nalaman ko na sa taguig mag aaral si kezia doon narin ako nag enrol isa kasi s'ya sa pinaka close ko kaya mas mabuti ng may kasama ma - home sick.
Sa unang taon na ldr kami. Nakakayanan naman namin, minsan napunta sya university na pinapasukan ko o kaya magkikita kami sa moa o sa sm bacoor
Meet half way.
Pero dumating yung time na nawawalan na kami ng communication sa isa't-isa. Lalo na noong naging 3rd year na kami pareho busy na sa maraming school work.
6 months ago, nagtataka ako bakit hindi na nya pinapahawak ang cellphone nya sakin.
Di ko lang yun pinansin.
One time may nag post na outing sa timeline nya pero di naman sya nag paalam sakin. Noong tinanong ko sya sabi nya nagpaalam daw sya baka nalimutan ko lang kasi busy ako.
Kaya pinalampas ko yun.
Hindi na nya ako ini-invite sa mga family gatherings nila, nalalaman ko nalang kapag may nag post o kaya nagtatanong sakin ang kapatid nya bakit hindi ako sumama.
Last week, nagkaroon ng gathering kaming magbabarkada.
Excited ako kasi ang tagal ko nang hindi sila nakikita at syempre makikita ko ang boyfriend ko.
Pero hindi ko sinabi kay aldrin na pupunta ako. Noon tinanong nya ako ang sabi ko titignan ko kasi ang dami ko pang kailangan gawin.
Nag rent sila ng private pool. Sinend sakin ni aira yung location at sinabihan ko s'ya na sosorpresahin ko si aldrin dahil sakto tumapat sa monthsary namin ang outing namin.
Pagdating ko sa venue nakita ko kaagad yun kotse nya naka park, na excite ako kasi alam ko dumating na s'ya. papasok na sana ako sa loob pero parang may tao sa kotse nya.
Lumapit ako sa kotse nya.
At nakita ko sya..
Sa driver seat...
May nakakandong sa kanyang babae at pareho silang walang saplot.
Magkadugtong ang mga katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top