ENTRY #29
Pasada alas cinco na nang nakauwi ako. Nagkagulatan pa kami ni ate minda pagbukas ko ng pinto dahil mukha daw akong akyat bahay sa ayos ko.
"ate!" bakas ang gulat sa mukha ng kapatid ko. "uuwi ka pala dito ngayon?"
"dito parin naman ako nakatira diba?"
"hindi ka kasi nagsabi eh" awkward siyang tumawa. "ma! Nakauwi na si ate"
"nandito si mama?" sinilip ko ang garahe. "bakit wala ang kotse niya sa labas?"
"oh? Bakit di ka nagsabi na uuwi ka ngayon? Wala ba masyado ginagawa sa school?" bungad ng nanay ko pagbaba niya sa hagdan.
"pinapalayas niyo na ba ako?" biro ko.
"bakit naka mask ka?" tatangalin dapat ni butchoy ang mask ko pero tinabig ko ang kamay niya.
"style yan bakit ba." Pagdadahilan ko at lumapit kay nanay para mag mano. "nasa bahay pala kayo bakit wala ang kotse niyo sa garahe?"
"ahh.. may sira, pinaayos ko"
Tumango ako at nag paalam na. nakahinga ako ng maluwag pagkasarado ng pinto ng kwarto ko. tinangal ko ang mask ko at humingi ng malalim.nagpahinga lang ako saglit at naligo na, ang lagkit ng buong katawan ko. Kailangan ko mag-isip ng magandang dahilan para sa mga ito kahit pa halatang mga kalmot sila.
Nagpapatuyo na ako ng buhok ko ng kumatok si butchoy sa pintuan ko.
"baba na ate kakain na tayo"
Hindi nga ako nagkamali. Nagpanic ang nanay ko pagdating ko sa hapag kainan.
"anong nangyari diyan!?" sinusuri ng nanay ko ang mukha ko pati braso. "sinong may gawa nito sa'yo?"
"ate napaaway ka?"
"hindi po nay.. hinarot ko po kasi 'yong pusa nainis ata sa akin kaya ayan kinalmot ako"
"nako baka may rabies 'yong pusa lika punta tayo sa hospital" alam kong hospital dito ang sinasabi ni nanay pero nagpantig ang tenga ko sa word na hospital.
"nay baka dapat sa veterinarian kasi pusa"
"wala lang po ito." Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko. hoping na sumunod narin sila.
"grabe naman kasi 'yang mga sugat mo anak oh"
"lonely ka ba ate kaya pati pusa nilalandi mo?" tumawa si butchoy sa jokes niya pero tinignan ko siya ng masama.
"ano ka ba butchoy. Wag mo asarin ang ate mo" banta ni nanay pero tumatawa parin ang kapatid ko.
"oy ate wag kang pikon"
"hindi ako pikon kumain ka nalang" sinubo ko sa kanya ang isang fried chicken para manahimik na siya.
Gusto ko sana sabihing may boyfriend akong bago pero naisip ko hindi ito ang sitwasyon para ianunsyo iyon. Sasabihin ko nalang muna kay zander na dapat ipakilala ko siya sa pamilya ko.
"si tatay?" natigilan si mama sa pagsubo ng pagkain niya dahil sa tanong ko.
"may tinatapos sa opisina, hindi iyon uuwi ngayon." Sagot ni mama.
Nagtatrabaho sa isang car company si papa as an engineer , si mama naman accountant sa bangko. May mga minanang ari-arian ang parents ko pero sabi ni mama wala sa kanila ni papa ang marunong sa negosyo kaya may pinagma-manage nalang sila noon.
Napag-usapan na isa sa amin ni butchoy ang kukuha ng business course at obvious naman na hindi ako iyon. Gusto rin naman daw ng kapatid kaya hindi na siya nakipagtalo. Graduate na siya ng senior high ngayon taon pero wala pa siyang napupusuang school.
Hindi naman na nila ako kinulit tungkol sa mga sugat kaya pinabayaan na nila akong umakyat sa kwarto pagkatapos ng hapunan.
Kinuha ko ang ointment at naglagay sa sugat ko. tinanggal ko ang pagkaka-airplain mode ng phone ko at pinabayaan ang pagdagsa ng message. I scan it but no message from zander and no calls.
Binalik ko sa airplain mode at tinulog ko nalang ang sama ng loob ko. nakatulong ang sakit ng katawan ko at pagod narin siguro kaya hindi ako nahirapan matulog.
--
"hindi ko alam saan ako naiinis sa hindi pagsipot ni doc o sa nabugbug ka o sa hindi mo pagsabi sa amin na nabugbug ka" sabi ni regine.
Nakahiga ako sa kama ang cell phone ko ay nasa tabi ko habang naka conference call kami.
"ako sa lahat. ungas ka angela talagang sinabi mo noong pauwi na ah" halata sa boses ni kezia na may nginunguya siya pero maririnig mo parin ang inis.
"eh sabi niya eh"
"hindi lang 'yon ang chismis" nagdadalawang isip ko kung sasabihin ko ba pero sige na nga "kaya galit na galit si cindy dahil akala niya may gusto ako kay poseidon? O pinapaasa ko si Poseidon? O dahil hindi siya pinapansin ni Poseidon dahil sa akin? Ah basta naiinis siya kasi feeling niya nilalandi natin ang lalaking gusto niya."
"natin?" si regine.
"yeah, ako at si... kezia" halos bulong ang pagkakasabi ko ng dulo.
Gusto ko i-mute ang speaker dahil lampas ata sa alam kong mura ang nasabi ni kezia. "bakit pati ako? Tangina." Pahabol niya pa.
"feeling niya "
"feelingera talaga 'yan si cindy" – angela
"pero may point naman siya, hindi siya pinapansin ni Poseidon dahil sa'yo carmela."-regine
"ano? Bakit ako?"
"may gusto siya sa'yo"-regine
"hoy! Issue kayo! Magkaibigan lang kami noong tao! Baka si kezia"
"ungas talaga! Wag niyo ako idamay diyan ah wala akong pakialam sa ganyan"-kezia
Napabuntong hininga ako. "tingin niyo ano ba ang dapat kong gawin?"
"investigate" simula ni kezia. "c'mon natural talent ng babae ang magaling mag inbestiga gamitin mo ang C.I.A na pangalan mo."
"oo nga girl wag ka muna magalit kay doc dahil sa phone call na iyon alamin mo muna ano nangyri pag napatunayan mo na may something tawagan mo kami agad" dagdag ni regine na humahagikgik. Chismis talaga buhay nito.
"pero magalit ka sa kanya dahil hindi siya dumating, offense iyon." Ani ni angela
"paano kung hindi ko gusto ang malaman ko? paano kung alam ni zander na hindi ko magugustuhan kaya ayaw niyang sabihin?"
"kasalanan mo iyan sa pagjo-jowa ng hindi mo pa lubusang kilala, ungas."
Nakatulala parin ako sa kisame pagkatapos ng tawag na iyon. Naghahalo ang inis, lungkot at pagaalala sa akin dahil hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na kahit ano mula kay zander. napabangon lang ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa baba. Parang ang daming tao.
"nay? Saan dadalhin iyong piano?" tanong ko kay nanay noong nasa ilang baitang nalang ako pababa ng hagdan.
"ahh..hihiramin, gagamitin ng isang kaibigan" sinenyasan ni nanay ang mga lalaki na may buhat ng piano na tumuloy na sa labas.
"grand piano talaga?" I asked. Full of curiosity. Alam kong tambak lang ang piano na iyon sa isang kwarto dahil lipas na ang panahon na nagaaral kaming magkapatid ng instrument pero may keyboard naman bakit hindi nalang iyon?
Nginitian lang ako ni nanay. Sinilip ko nalang sa labas ang piano habang maingat na pinapasok sa truck. Oh well, hiram lang naman makikita ko pa iyon ulit.
Bumalik nalang ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Lamapas 200 ang notification ko pagbukas ko ng facebook. Nanalo kami sa sayaw at nakatag ako sa mga photo pero wala naman ako doon. Nag pop up ang message icon sa screen. Galing kay Poseidon nangangamusta at nagtatanong anong nangyari at wala ako sa awarding.
I just drag down the icon, wala ako sa mood replayan siya. Instead I go to the search bar and type zander's name. sa dami ng lumabas na profile wala doon ang zander ko. he doesn't have a social media account?
Pumunta nalang ako sa google at nag search 'how do I investigate my boyfriend?'
Answer:
The easiest way to investigate your boyfriend is to do a background check. It soothe any concerns or it could confirm some of your suspicions.
I typed again 'How to keep a man in a relationship?'
Men want a relationship where they can be themselves. Men appreciate respect and trust and having a girlfriend who work together with them.
Trust and respect? Bigla akong nagdalawang isip sa gagawin kong paiimbestiga. Pero hindi ko naman ang mag pa-background check masyado iyong mahal.
Hindi carmela, para ito sa peace of mind mo. kumuha ako ng notebook at naglista ng mga gagawin ko para makakuha ng impormasyon. Hindi saw ala akong tiwala sa kanya sadyang gusto ko lang malaman ang mga bagay – bagay.
Monday hindi na ako dumaan sa dorm dahil wala naman akong inuwing gamit. Dumeretso na ako sa school medyo maaga nga ako kaya nag muni-muni muna ako sa gazebo. Naka-hoodie ako ngayon, 'yong manipis lang ang tela para hindi masyado mainit.
"hey" napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Poseidon. Malas wala pa naman akong balak na kausapin siya anytime sooner.
"hi" sabi ko ng nakayuko.
"anong nangyari sa iyo noong sabado? Bigla kang nawala?" pilit niyang sinisipat ang mukha ko.
"masama kasi ang pakiramdam ko kaya nauna na akong umuwi."
"dahil ba hindi dumating ang boyfriend mo?" may pang-aasar sa tono ng pananalita niya. "mas malala ata iyang bago mo kesa sa ex mo eh"
"hindi ko pa siya nakakausap kaya hindi ko pa alam ang nangyari, ayuko mang-judge"
"kita mo na! hindi parin nagpaparamdam hanggang ngayon? Anung petsa na oh"
"malapit na mag time punta na tayo sa room" pagiiba ko sa usapan, pero malapit naman na talaga.
"sandali" sa isang paghila ng braso ko ay napaharap ako sa kanya. "anong nangyari sa mukha mo? bakit parang may mga kalmot ka?"
Kinalmot ako ng babaeng may gusto sa'yo "hinarot ko kasi 'yong pusa sa amin"
"pusa? Hindi ka naman mahilig sa pusa ah? Bakit mo hinarot? Tsaka bakit ganyan ang suot mo ang init-init"
"wala trip ko lang, tara na" hindi ko na siya hinintay sumagot at isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko at nagtuloy sa paglakad.
Pagpasok ko sa room masama ang tingin sa akin ni cindy. Gosh! Monday na Monday makikita ko nga pala ang mukha ng baliw na 'to. Lumipat ang mata niya sa lalaking nakasunod sa akin kaya naman mas lalong sumama ang mukha niya.
Halos lahat ng nasa room napalingon sa akin dahil sa mga kalmot ko sa mukha. Hindi ko nalang sila pinansin at tumabi ako sa mga kaibigan ko na may kanya-kanyang hawak na note.
"ano meron?" I looked around, lahat sila may hawak na kundi note book , libro o kaya naman scientific calculator.
"unit test" sabi ni regine
"ha?"
"may unit test tayo ngayon" ulit ni angela.
I open my phone and scanned my calendar. Lagi akong naglalagay ng schedule. I bit my lips ng Makita ang isang naghuhumiyaw na red line at nakasulat na "UNIT TEST". Shit! 20 percent ng grade ang unit test at dalawa lang ang meron. Sa school namin walang nag ma-matter kundi exam pwede mo ibagsak ang quiz pero isang malaking no ang unit test.
Nakagat ko ang kuko sa hinlalaki dahil sa kaba. Kabang lalo pang nadagdagan ng pumasok ang prof namin at nagpuntahan na ang lahat sa mga upuan nila. One sit apart.
Buong exam ang nasa isip ko ay bakit hindi ko napansin kung nag notif ba ang schedule ko o baka nag notif nga pero ini-slide ko. shit! Hindi ko maalala. Wala akong maalala.
Hindi ko pinasang blangko ang papel ko, nagtry padin ako magsagot kahit hindi ako sigurado sa iba lalo na sa part na may identification na right minus wrong pa.
"kamusta bakit nakatulala ka?" tanong ni kezia paglabas ko.
Ako ang huling lumabas at siguro hindi sila sanay. Hindi ko pinahalata ang nangyari at ngumiti ako.
"ayos lang kayo?" nagsitanguan sila sa akin.
"sa dorm nalang tayo mag lunch, nagtitipid ako ngayon eh may maluluto pa naman tayo doon." Si kezia at nauna na siyang lumakad.
Nagkukweuntuhan sila tungkol sa mga sagot sa exam. Hindi ako nakikisali, wala naman kasi akong nasagot. Nasa likod lang nila ako habang naglalakad kami palayo sa room.
"saan kayo kakain?" sigaw ni Poseidon at humabol sila ni Erick sa amin. Tumabi siya sa akin samantalang si Erick nakisali sa kwentuhan nila tungkol sa exam.
"okay ka lang ba? Parang kanina ka pa balisa ah? Pansin ko hindi ka maka-concentrate kanina sa exam" sabi ni poeseidon na sapat lang para marinig ko.
Tinignan ko sa likod si cindy at tama nga ako, masama ang tingin niya sa akin. Dati gusto kong dukutin ang mga mata niya sa tuwing tinitignan niya ako ng ganoon pero ngayon naiintindihan ko.
"carmela" tawag sa akin ni angela.
Nag-angat ako ng tingin mula sa sahig. May pagaalala sa mukha nilang tatlo, sinundan ko ang tingin nila at nakita ko ang isang puting sasakyan nakapark malapit sa path way na kinaruruonan namin.
Nakasandal si zander sa sasakyan niya at tila may hinihintay. Palinga-linga siya sa mga dumadaan, nang magtagpo ang mata namin dumiretso siya ng tayo hindi alam kung lalapit ba sa akin o hindi. Ihahakbang niya ang mga paa pero babalik din agad sa dating pwesto.
Iniintay ba niya na ako ang lumapit? Bago pa ako makapagpaalam sa mga kasama ko o makapag-isip, kusa nang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top