ENTRY #27
Mabilis na tumayo si zander at sinirado ang bintana bago binababa ang kurtina.
"bakit anong nangyari?" rinig kong boses ni kezia ang mga yabag nila paglabas ng kwarto.
Lalabas sana si zander pero pinigilan ko siya.
"sino 'yon?" galit ang kanyang tono maging ang kanyang itsura.
"hindi namin kilala, lagi nalang 'yan nasulpot sa kung saan saan eh" aniya ni angela.
"ibig sabihin hindi ito ang unang beses?"
Nagkatinginan kaming magkakaibigan bago tumango.
"akala ko naman anong nangyari, sige maiwan na namin kayo" bumalik na silang tatlo sa kwarto at kaming dalawa nalang ulit ni zander ang nasa sala.
"what the fuck? How long have been seeing his manhood?"
Napanganga ako sa sinabi ni zander. "oy! Ito ang unang beses na nakita ko siya! Narinig ko lang siya sa mga kwento nila kezia kapag naglalaba sila sa likod" tsaka hindi ko naman natitigan. Gusto ko sana idugtong pero mukhang badtrip na siya.
"so lahat kayong nakita na iyon?"
"ata?"
"what the fuck. Gago 'yon ah"
Nagugulat ko siyang tinitigan ." oy parang ngayon lang kita narinig magmura"
"sino matutuwa sa ganoon? May ibang nakita ang girlfriend ko" napakamot siya sa ulo "maliban sa akin" mahina niyang dugtong pero narinig ko naman.
Nakagat ko ang labi ko.
"safe ba dito?" lumakad siya at in-inspection ang bahay. "safe ba ang mga lock niyo? Hindi ba kayo mapapasok dito? Puro pa naman kayo babae tsk."
Sinundan ko siya sa likod bahay "oo naman matagal na kaming nakatira dito at wala pa naming nangyayari maliban sa likod bahay kasi doon naglalaba sila kezia at medyo open doon kasi screen lang ang harang."
Nakikita ko ang pagaalala sa mukha niya. "we're safe here" hinawakan ko ang braso niya dahil hindi niya ako pinapansin. "promise"
Tinitigan niya ako na para bang tinitimbang niya gaano katotoo ang sinabi ko. matapos ang ilang sandali ay bumuntong hininga siya bilang resulta ng pagkatalo bago ako marahang hinila palapit sa kanya upang yakapin.
"I will get you a better place." Bulong niya dahil ang bibig niya ay malapit sa aking tenga.
Inilingan ko siya. "kung saan sila doon ako"
Inilayo niya ako nang konti bago hinawakan ang magkabila kong pisngi at dinampian ng halik sa labi.
"hindi ka na pwede umuwi ng late at wag ka na rin lumabas ng late kahit pa diyan lang sa 7/11 at kahit pa may mga naiikot na tanod, are we clear?" aniya bago ako dampian muli ng isang halik.
Napasimangot nalang ako para kasing hindi naman tanong ang huli niyang sinabi, more like a command.
Sumilip muna ako sa labas bago ko siya hinatid sa gate.
"I'm sorry if hindi ako nakakareply sa'yo lately may inaasikaso lang ako sa hospital."
"okay lang, baka mataggal ka pa kapag nagpabaya ka sa trabaho."
"hindi ako nagpapabaya and hindi ako matatangal, my uncle own the hospital" he chuckled.
Kinunutan ko siya ng noo. "no shit!"
Tinawanan niya lang ako kaya baka joke niya lang iyon.
Pinapasok na niya ako bago umalis, gusto ko pa sana pagmasdan siya habang palayo kagaya ng lagi kong ginagawa pero he insist na pumasok na ako at pinaalalahanan pa ako na i-check ang bawat lock ng pinto maging ang bintana.
--
Malakas ang hiyawan ng bawat estidjante dahil sa competition na nagaganap ngayon sa stage. Sumusuporta sa bawat kalahok nila. Kagabi pa ako nagtatanong kay zander kung pupunta siya ang sabi naman niya ay oo.
"carmela tara countings tayo" nilingon ko ang isang kasamahan ko sa sayaw.
"sige susunod ako" muli kong tinignan ang cell phone ko. pasada alas diez na ng umaga at kanina ko pa tine-text si zander kung nasaan na siya.
Dapat ay alas diez ang dance machine completion pero dahil medyo late nag start ang program ay sinabihan kami na after lunch nalang. Alas otso palang ay tinatadtad ko na ng text si zander dahil alam ko na day off niya ngayon at nangako siya na pupunta siya.
"carmela tara" this time si Poseidon naman ang tumawag sa akin.
Nanghihina kong binaba ang phone para lapita sila. Sinabi ko sa kanya anong school at saang parte kami naroon. Sana ay Makita ko siya o dumating siya bago mag start ang competition. Kailangan ko ng good luck niya.
Pagkatapos ng tanghalian ay nagcheck ako ng phone pero wala pading text. Panay ang lingon ko sa paligid dahil baka andoon na si zander pero wala talaga akong Makita.
"okay ka lang?"dinig kong sabi ni Poseidon ng mapansin niya na hindi ako mapakali.
Hindi sinasadya na may luhang tumulo sa mga mata ko kaya naman naalarma siya. Inilingan ko lang siya at yumuko para itago ang mukha ko dahil ang hapdi ng mata ko dahil sa pag-iyak.
Hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsama ng loob ko dahil sa importanteng araw na ito na inaasahan ko na dadating siya pero hindi ko maramdaman ang presensya niya.
Lumabas ako at tinawagan si zander pero walang nasagot ring lang ng ring.
"hoy ungas! Kailangan na daw kayo sa backstage." Hindi ko nilingon si kezia at nakapikit lang ako habang inaantay na sumagot si zander sa tawag.
"bakit?" nagaalala ang tono niya.
"sabi ni zander pupunta siya eh" my voice started to crack because of frustration.
Saglit pa kaming nag-antay pero hindi talaga sumasagot si zander.
"sige na pasok na, baka tawagin na kayo eh" hatak sa akin ni kezia kaya wala nalang akong nagawa.
Nag stretching kami habang nasa backstage pang anim kami na group kaya naman after ay nagdasal muna kami para sa isang maayos at enjoyable na performance. Ang tema ng competition ngayon taon ay pagka Pilipino kaya naman confident kami sa remix namin.
Saglit akong umalis ng backstage para silipin kung nandoon ba si zander. nagsalubong ang mata namin ni kezia at nagets niya agad ang gusto ko. nilibot din ng tatlo kong kaibigan ang buong lugar pero sabay-sabay nila akong inilingan.
Inangat ni angela ang cell phone na hawak niya at umiling. Senyales na wala manlang text o kahit ano para sa akin.
"please welcome! Dynamic Empire Dancers!"
Mabilis kong dinaluhan ang grupo ko papuntang stage.
'make it count' paulit-ulit kong sabi sa sarili ko gamit ang isip. Manalo o matalo count the moment, it's experience. Palagi kong pinaaalahahanan ang sarili ko niyan sa tuwing may competition.
"Dynamic Empire reset" sigaw ng leader namin at nag formation kami.
Saglit ko pang pinasadahan ng tingin ang audience kahit pa sobrang masakit sa mata ang ilaw at halos walang Makita sa malayo. Baka sakali lang naman.
Nagsimula na ang performance at alam kong binigay naming lahat ang makakaya namin, matagal namin itong pinaghandaan kaya naman hataw lang. binuhos ko sa sayaw na iyon ang inis at sama ng loob na meron ako ng mga oras na iyon.
Wala akong pinansin after ng sayaw, lumabas nalang ako para makalanghap ng hangin at lumayo sa ingay nila. Hindi ko na kinuha ang phone ko sa mga kaibigan ko alam ko naman na wala akong mapapala doon.
Naiinis ako sobra pero pumapasok sa isip ko bakit kaya hindi siya nakadating? May nangyari kaya? Okay lang kaya siya? Naghahalo ang inis at pag-aalala sa akin.
"ayos ka lang?" umupo si Poseidon sa tabi ko sa bench "bigay ko daw sa'yo sabi ni kezia" tinignan ko ng ilang sandali ang cell phone na hawak niya.
Palihim akong umirap, hindi ko alam nangiinis ba sila o ano. Hindi ko na nga kinuha eh. Tsk.
"kanina ko pa napapansin na bad trip ka" may pagiingat ang boses niya. Nananatiya sa kilos ko. "may problema ba? Share ka sa akin."
Bumuntong hininga nalang ako at nag dial uli ng number ni zander. hinihintay ko na may sumagot. Sana may sumagot. Nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko.
Dumiretso ako sa pagkakaupo ng tumigil ang pagri-ring
"hell---"
"hello"
Tinignan ko saglit ang phone, si zander ang tinawagan ko bakit boses babae?
"this is Dra. Jenica Flores I noticed you called Doctor Mendez many times. He's busy at the moment. May I know what's the agenda of this call?" aniya sa pormal na tono.
Hindi ako nakapagsalita. Bakit nasa kanya ang cell phone ni zander? tinignan ako ni Poseidon and he mouthed 'bakit?'
" and also who's calling, hindi po kasi nakaregister ang number n'yo."
Marahas akong napasinghap sa huli niyang sinabi. No. no. of course nakaregister ako. No that's imposible.
"hello? Hello? " ulit niya. "I need to know who's this para mapaalam ko sa kanya"
Tinapos ko na ang tawag. Pabagsak kong ibinaba ang kamay kong may hawak ng phone sa hita ko.
"carmela!"
Pinihit ako ni Poseidon paharap sa kanya at hinaplos ang mukha ko. hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top