ENTRY #24

^_^ ; last part ng date

------

Bumalik si aldrin pero di niya kasama si kiara. Nakakuyom ang mga palad niya habang tinitignan ako ng masama.

“anong ginawa mo” galit na tanong niya.

“wala”

“hindi ko na nahabol si kiara, umiiyak siya after niyo mag-usap. ano sinabi mo?” kinumpas pa niya ang kamao sa hangin. “carmela hanggang kailan mo ba mamaliitin ‘yong tao dahil lang sa eksena na nakita mo sa kotse ko? she is more than that!”

“carmela parang sumobra ka naman ata ngayon” aniya ni Karen.

“I don’t care kung ano ang issue ng babae na ‘yon pero alam kong hindi nagsasabi si carmela ng hindi naman totoo” bahagya akong hinila ni zander at tinago sa likod niya.

Kung gaano kasama ang tingin ni aldrin sa akin ay sa ganoong paraan din siya tinitignan ni zander. Hindi ko ugaling magtago sa likod ng kahit sino pero nakakagaan sa pakiramdam ang paghila niya. Tipong sa unang pagkakataon may pumo-protection sa akin at pwede akong maging mahina.

“matagal na namin kilala si carmela Doc alam namin na mataray siya, kalian mo lang siya nakilala doc” sagot ni aira.

“exactly, matagal niyo na siyang kaibigan. Yet you betrayed her.”

Nanahimik ang paligid. Sinilip ko sila at mukhang natauhan sila sa sinabi ni zander.

“mabait naman si kiara eh” sagot pa ni Karen.

So ako hindi?

"Hindi sa ganoon Doc, pero umiiyak si kiara tapos umalis pa siya mag isa baka kasi anong mangyari sa kanya" dagdag ni james.

"Sigurado ka bang mga kaibigan mo ito?" Sabi ni zander sa nakakainsultong tono. Pero alam kong hindi para sa akin, kundi para sa kanila.

“zander tama na, ganyan talaga sila hindi nila papakinggan ang side ko” pumantay ako ng tayo kay zander at nginitian ang mga kasama namin. “ ayuko lang na mag so-sorry kayo ulit dahil hindi niyo pinakinggan ang side ko.” sinayang nila ang chance na binigay ko sa kanila.

Si aron lang ang tila walang pakialam sa nangyayari na parang inaasahan na niya ito dahil may mumunting ngiti sa labi niya.

Napailing nalang ako habang lumakalad kami paalis ni zander. Hindi sila magbabago, paano ko ba naging kaibigan ang mga iyon? Na mas madalas ko pa silang kasama sa school kesa kay kezia na close ko din naman.

“carmela” hinabol kami ni aron. Hindi pa naman kami masyado nakakalayo tanaw ko padin sila at parang may pinagtatalunan sila.

Nanigas ang katawan ko nang bigla niya akong niyakap.

“hey bitaw” parang bagyo naman si zander na pinaghiwalay kami at tinulak si aron.

Natawa ito. “sorry doc Masaya lang ako.

“bakit naman?” nalilito ko siyang tinignan.

“sa wakas, nakita mo na ang totoo nilang kulay. Ikaw eh, kung anong tinalino mo sa subject ang hina mo magbasa ng tao” akma niya akong lalapitan pero nakaharang na si kuya zander. “alagaan mo siya doc malaki na contribute niya sa pagpasa ko at pag pasa nila noong high school. ang sarap kaya mangopya sa kanya maraming tama hehehe” sumaluda siya kay zander bago kami iniwan.

“loko iyon ah” bulong niya pero rinig ko naman.

Masama ang mukha ni zander pero nginitian ko lang siya ng inosente. Inakbayan niya ako at naglakad na kami palayo.

Nagtry pa kami ng ibang rides at ang pinaka huli ay rio grande. Tutal basa naman na kami umulit pa kami ng maraming beses, ‘yon ata ang pinaka paborito ko sa lahat ng rides.

After ng fireworks display umalis na kami. Bumili nalang kami ng damit sa walter at naghapunan pagkatapos ay bumyahe na kami pauwi ng metro manila.

“binibini?”

“hmm?”

“wag mo mamasamain ang tanong ko ah pero ano mga nagawa niyo ng ex mo?”

Gulat ko siyang nilingon, busy lang siya sa pag da-drive pero nakakunot ang mga noo niya at mataray ang mukha. Naguluhan naman ako bigla sa nangyayari. Kanina lang ay Masaya naman kami pero ngayon ay parang ang sungit niya.

“bakit mo naman biglang natanong?”

“narinig kita kanina, rinig na rinig ang usapan niyo nung girlfriend ng ex mo sa labas at narinig ko mga sinabi mo. Naisip ko kasi kanina na baka may mangyari kasi nagpaalam din siya na mag c-cr”

Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Parang bigla ata akong kinabahan.

“ano naman narinig mo?” medyo nilambingan ko ang boses ko. “don’t tell me nagseselos ka?”

“normal naman sa relasyon na minsan malikot kayo but if you don’t want to answer it’s okay. I will respect it.”

“wala naman talaga masyadong nangyari sa amin” panimula ko, sinilip ko ang itsura niya pero wala padin nagbabago ganoon padin ka-seryoso, masungit at naka kunot padin ang noo, magkasalubong ang kilay.

“kiss, oo. Hug, oo. May isang beses siguro o dalawa na bumaba ang kamay niya sa dibdib ko pero hanggang ganoon lang. remember last year high school naging kami tapos nag ldr na kami” bumugtong hininga ako. “siguro nga boring talaga ako.”

“so pa’no mo nasabi na hindi kahabaan at mas lalong hindi katabaan?” natatawa niyang aniya.

Napangiti naman ako at parang gumaan na ang aura niya.

“one time nag-swimming kami tapos imbis na cottage, isang malaking kwarto ang inarkila namin and then noong nag swimming na lahat bumalik ako sa kwarto dahil may kukunin ako, malay ko naman na andun siya at nagbibihis eh hindi naman din nakalock ang pinto ayon nakita ko.”

Medyo umaliwalas na ang mukha niya. Mukhang hindi kasing lala ng nasa isip niya ang explanation ko.

"You know it can grown if it's in the mood"

Napatikhim ako. Siguro ay wala lang sa kanya ang ganoong usapan dahil doctor siya pero awkward sa akin. Hindi ako ganoon ka-inosente pero hindi ata tama na pagusapan ang embutido ng ex.

Matunog siyang ngumiti " are you su---"

"Believed it or not i know how it works so yes! I'm sure!"

Humalakhak siya. Aliw na aliw sa usapan namin.

“sinabi ko lang naman ‘yon kay kiara kasi ayuko magpatalo sa kanya, baka nga kasalanan ko bakit siya umiyak.”

“no, that’s not your fault. May pagkamaldita ang kiara na ‘yon”

Huminto kami dahil pila palabas ng express way. Maya-maya ay umilaw ang cellphone niya na nasa dashboard. Palihim kong sinisilip kung sino ang nag text.

Jenica

Napakunot ang noo ko nang bahagyang napangiti si zander habang binabasa ang text.

“sino si jenica?” may lambing kong tanong, hindi pinapahalata ang duda sa boses dahil sa totoo lang nakakataas ng kilay ang nangyari.

“you met her, sa moa remember noong nagkita tayo after new year?” hindi siya nakatingin sa akin, nagtitipa siya sa cellphone niya. Reply niya sa jenica I guess.

“kaano ano mo nga siya ulit?”

“katrabaho ko, actually magbarkada na kami since nag pre-med palang nasa isang hospital lang kami along with my three best buddy” nag drive na siya ulit palabas ng Express way.

Di ko alam bakit pero napakamot ako sa leeg ko. “friend mo lang?” hindi ko alam kung nababasa niya ang hidden meaning sa ngiti ko.

“yes my lovely binibini” bahagya siyang natawa. “no need to be jealous”

“who says I’m jealous? I’m curious kung siya ba ‘yong ‘the last time I did it was painful’ na sinasabi mo”

Tinignan ko siya nang hindi nililingon nakita ko sa peripheral vision na sumeryoso ulit ang itsura niya.

“we’re friends.” Pinal niyang sabi.

Gaya ng dati sa may 7/11 siya nag park pero wala sa amin ang bumaba agad. Siguro may part sa akin na umaasa padin na may idadagdag siya sa mga sinabi niya dahil sobrang curious talaga ako. Woman instinct siguro.

Mukhang wala siyang sasabihin kaya tinangal ko na ang seat belt ko. “ihahatid mo ba ako sa loob?”

“give me your hand” tinangal din niya ang seat belt tsaka gumilid paharap sa akin. Ganoon din ang ginawa ko para magkaharap kami.

“let’s enjoy every moment okay?” marahan niyang  pinapasadahan ng kamay niya ang buhok ko. “we should not rush thing”

Ngumiti ako at tumungo bilang sagot.

Dahan-dahan  siyang  lumapit at pinagdikit ang mga labi namin. At first naestatwa ako dahil sa gulat pero ilang Segundo pa ay nilapat ko ang dalawang palad ko sa mukha niya at ako ang unang naggalaw ng labi.

Hinila naman niya ng marahan ang braso ko upang mas lumiit ang distansya namin sa isa’t isa. Naging malalim ang halik na iyon, banayad at tila may sinusundan na ritmo. Napaka tamis na sandaling iyon at pupusta akong ilang minuto din.

Nahinto lang iyon nang kinagat ko ang lower lip niya at bigla siyang napadaing. Marahil ay nagulat siya. Humahalakhak ako nang magbitaw ang labi namin.

“We should keep it pg estudjante ka pa” aniya habang may mapaglarong ngiti.

“parang halik lang eh, may alam akong mas masarap sa halik—aray ano ba!” nasapo ko ang noo dahil sa pinitik niya ito.

“ayan ka nanaman ah. Dire-deretso ka nanaman” bumaba siya ng sasakyan tapos ay umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Lalo akong nangiti dahil medyo namula ang pisngi niya. Pakiramdam ko tuloy ay nasa high school pa kami dahil sa inaasal namin ngayon.

“salamat sa date” sabi ko nang nasa tapat na kami ng dorm. “at sa kiss” pahabol ko pero medyo bulong.

“I hope nag enjoy ka”

“sa kiss?”

“sa date”

Parang mas lalo naman akong ginanahan na asarin siya dahil para siyang teenager na nahihiya.

Tumingkayad ako at bumulong sa tenga niya. “na temp ka ba doc?” hindi ko alam kung ano ba ang nakain ko at trip ko siyang asarin ng ganto ngayon.

Nawala ang ngiti ko pagtingin ko sa mukha niya dahil sumeryoso siya.

“sabihin mo sa akin 'yan kapag naka-graduate ka na at sasagutin kita ng buong buo.” may lambing ang boses niya pero may halo rin iyong panganib.

Natameme ako. Parang wrong decision ang asarin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top