ENTRY #22
“saan tayo?” tanong ko kay zander.
Nasa passenger seat ako ng kotse niya, napansin ko na ang daang tinatahan namin ay papuntang C5 akala ko sa venice kami pupunta pero pumasok siya sa expressway.
“I don’t usually date.” Ang mga mata ay nasa daan lang. “may lugar akong gusto puntahan dati pa pero I’ve been so busy sa medical school and then internship and work so hindi ko mapunta-puntahan.”
“you had girlfriend before, diba?” that is what I’m concluding dahil sabi niya the last time na nag take risk siya it was so painful.
“yes, but we are both busy.”
“hmmm… anong field niya? Medicine din ba?” pasimple kong tanong.
Saglit niya lang akong nilingon na nakangiti at binalik ang paningin sa daan. Gusto ko mag usisa kung anong nangyari sa past relationship niya pero natatakot ako na baka mapikon siya sa akin.
Umabsent ako sa klase namin ngayon, pinagalitan ako ng mga kaibigan ko pero pinangako ko ang malaking contribution sa robot kaya nag okay naman sila pero ngayon lang daw to. Magagalit na daw sila talaga pag umulit.
“sino nga pala ‘yong lalaki na kausap mo kahapon?” tanong niya na hindi inaalis sa daan ang tingin.
Napaisip ako saglit. “hmmm? Si Poseidon?”
“Poseidon? Like the God?”
“yup, lahat silang magkakapatid galing sa greek methology ang pangalan.”
“ahh, okay. Close kayo?” napakunot ang noo ko dahil sa tono niya na tila nag-iimbistiga.
“oo, simula ng pumasok ako sa university close na kami tsaka pareho kaming kasali sa dance crew ng department. Bakit?” pinipigilan ko ang ngiting gustong sumilay sa labi ko.
“so madalas pala kayong magkasama” aniya at sinamahan pa ng pagtungo ng ilang beses.
“oo, madalas din hinahatid niya ako pag ginagabi ng practice” gatong ko pa.
“cute naman pala niya.” Napapalakpak ako habang natawa dahil sa sinabi niya. Kahit medyo sarcastic ang pagkakasabi niya.
“saan ba tayo?” tanong ko ulit ng nasa slex na kami.
“bakit parang iba siya tumingin sa akin?” hindi niya pinansin ang tanong ko.
“paanong iba tumingin?" Inaalala ko kung paano ba siya tinignan ni poseidon noong sa school. Normal nama ah? " bakit ba curious ka sa kanya?”
“wala lang” hinihintay ko kung may sasabihin pa siya pero nag drive nalang siya.
“santa rosa exit to ah?” nagkakaroon ako ng idea kung saan kami pupunta noong kumaliwa siya paglabas namin sa express way.
“ganoon ba talaga siya sayo? Parang nambabakod?”
"Hala hindi ah" mabilis kong sagot.
"Yes it is"
“ano ba talaga ang gusto mo malaman?” hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
“wala nagtatanong lang ako” nginitian niya ako. “we’re here”
At totoo nga ang hinala ko. enchanted kingdom. Nag-park palang si zander pero kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.
“I always wanted to go here” nauna siyang bumaba tapos ay umikot para pagbuksan ako ng pinto.
Hindi ako gumalaw, hawak ko lang ang seat belt. hindi sa hindi ko kayang pumunta dito dati, ayuko lang. isa ito sa mga lugar na kalianman ay hindi ko gusting puntahan.
Dahil takot ako sa heights.
“let’s go my lovely binibini” nakalahad ang kamay niya sa akin.
Paano ko sasabihin sa kanya na ayuko dito gayong sobrang lawak ng pagkakangiti niya. Halatang excited siya at Masaya na finally nandito na siya.
Hinawakan ko ang kamay niya at bumaba ng sasakyan. He intertwined our hands, napayuko ako at napangiti. Shet! Parang kakayanin ko na ata ang space shuttle.
Hindi naman madaming tao kaya nakabili kami agad ng ticket.
“ma’am bawal po ito sa loob” sabi ng personnel sa akin noong nag inspect siya ng bag ko. “bawal po pointed pen”
Napasimangot nalang ako dahil kinuha nila ang g-tech ko. malay ko naman na hindi ‘yon pwede never pa naman ako pumunta dito sana pala tinago ko maigi.
“I’ll buy you a new one.”
“okay lang, may case pa naman ako ng .3 bibili nalang ako ng refill “ hindi mapatid ang ngiti ko dahil sa kamay namin na bahagya pang nag sway habang naglalakad.
“anong maganda unahin?” ngiti lang ang nasagot ko sa tanong niya.
Nilibot niya ang tingin.” Ayon nalang” nawala ang ngiti ko at namutla ako ng sundan ang tinuturo ng daliri niya.
EXTREME ang ride na gusto niya.
“may sakit ka ba sa puso?” wala sa sarili akong napailing.
Nagtatalo parin ang isip ko kung ano dapat kong gawin. Sasakay? O hindi?
“wait! Nakakatakot”
Bahagya siyang natawa. “don’t be, just hold my hand”
Ngiting aso akong tumango sa kanya. Para siyang bata sa ngiti niya, bakas na bakas sa mukha niya ang saya at excitement kaya naman sumunod nalang ako sa kanya sa pagpila.
Siguro ay kaya ko, hawak ko naman ang kamay niya. Hindi ako nakaramdam ng takot habang nasa pila kami dahil ni-isang segudo ay hindi niya binitawan ang kamay ko.
Pero iba pagdating sa ride habang inaayos ng personnel ang seat belt ko parang namamanhid ako hanggang ulo.
Kinuha agad ni zander ang kamay ko at pinisil iyon. Hindi parin nawawala ang ngiti niya. Maya’t maya ang paglunok ko at namamawis ang mga palad ko lalo na noong unti-unti na kaming tumaas parang hindi ako makahinga.
“woohh ang ganda ng view” rinig kong sigaw ni zander.
“bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako. bababa na ako.”
“hey are you okay?” may pagaalala sa boses niya.
Pero bago pa ako makasagot ay bigla nalang kaming nahulog.
“uwaaahhhhh” hindi ko mapigilang mapahagulhol.
Mabilis na kinalag ni zander ang seat belt ko at inaakay ako palabas. Umiiyak ako at nangingineg. Hindi ko pala talaga kaya. Hindi pala sa lahat ng bagay apply iyong ‘pagiging matapang para sa pag-ibig’
“let’s just go somewhere” nakaupo kami sa bench.
“no, okay lang”
“sorry hindi muna kita tinanong”
“okay lang sakay ka lang antayin nalang kita.”
“parang hindi naman Masaya ‘yon” naramdaman ko ang pag-akbay ng braso niya sa akin.
Hindi ko mapigiling ngumiti.
“Yow! Sabi ko na si c.i.a ‘to eh!” sabay kami napalingon ni zander sa lalaking nagsalita.
Si aron. Hindi lang siya kasama niya ang buong tropa with extra dahil kasama ni aldrin ‘yong ka-sex niya sa kotse niya/girlfriend pala.
“ikaw ata ang pinaka huling tao na inaasahang kong makikita dito!” naunang makalapit si aron. Parang bigla naman nailing ang lahat nang Makita ako. “akala ko hindi ka nila ininvite eh”
“hindi nga” sagot ko.
“carmela” tawag ni Karen.
Hindi ako nagtataka sa guilt na nakikita ko sa mga mata nila. Simula ng nangyari sa amin ni adlrin hindi na ako nagkaroon pa ng expectation sa kanila.
“hindi ka na namin nasabahin kasi alam namin na ayaw mo sa ganito.” Lumapit si aira sa gilid ko. bahagya niyang sinulyapan si zander.
“no need to explain” hindi sarcastic ang pagkakasabi ko. like I said, wala na akong expectation simula ng naging one sided sila sa akin at ginatungan pa nila ang panloloko ni aldrin.
“oh? Ikaw ‘yong lalaki sa sm diba?” ani ni Karen kay zander.
Tinignan ko si zander at sa akin lang siya nakatingin. Nagtatanong ang mga mata niya, nginitian ko lang siya tapos ay tumayo ako at pumuwesto sa likod niya. Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at hinarap ang mga kaibigan ko.
“zander, friends ko” pinisil ko ng bahagya ang balikat niya. Naikuwento ko naman sa kanya lahat kaya alam ko na gets na niya agad. “since high school.”
Umawang ang labi niya at magkakasunod na tumungon. Sa tinginan palang namin ay alam kong alam na niya.
“everyone, this is—“ hindi ko inaasahang ang pagtayo niya.
Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
“Dr. Zander Mendez. I’m the boyfriend” proud niyang sabi.
Napangiti nalang ako sa gulat na rumihistro sa mukha nila pero mas nginitian ko si aldrin na masama ang pagkakatingin sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top