ENTRY #2
"Gusto ko kasi malamig kaya baguio ang nasa isip ko, malamig din naman sa tagaytay pero ayuko dun edi sana umuwi nalang ako samin tutal nasa cavite naman na ako" tuloy parin ang iyak. "Tsaka baka mamaya may nakakita pa sakin dun na tropa o kaya yung stranger na kekwentuhan ko tropa ng tropa natin edi iisipin nila porke nag break kami ni aldrin pariwara na ako, kaawa-awa naman ako"
"Okay.. okay kumalma ka. Maghanap ka ng tindahan na pwede kang mag paload"
Nagpunas ako ng luha habang nasinghot. "Bakit?"
"Tanga, magload ka yung may internet at mag google map ka. Pakinabangan mo naman ang cellphone mo" yun lang at tinapos na nya ang tawag.
Oo nga no! Bakit di ko naisip yun. Agad akong nag hanap ng 7/11 para mag paload. At ayun na nga may mapa na ko
Napaka lutang ko na talaga.
Sa kaka-lakad at gala ko wala parin akong mahanap na mukhang matino ang mukha na katiwa-tiwa at pwede kong hatakin ngayon araw.
Meron naman kayang pumayag sa gusto ko?
Why not ililibre ko naman sya.
Pumasok ako sa isang coffee shop
Kailangan ko mag almusal at hindi ko kayang walang kape sa umaga.
Umorder ako ng cappuccino at 1 slice ng cake. Napili ko na umupo sa pinaka dulong mesa.
Napatanaw nalang ako sa tanawin mula sa glass window..
Bakit ba ngayon ko lang naisipan mag-punta dito? Dati pag niyayaya nila ako mag gala umaayaw kasi. Una hindi ako mahilig mag gala, pangalawa wala akong budget sa mga ganitong bagay nag-iipon ako ng pang thesis ko. Pero heto ako at nagwaldas.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Habang tahimik na sinusubo ang cake ko.
Napatigil sa ere ang kamay ko ng mapadako ang tingin ko sa kabilang dulo mula sa kinauupuan ko.
Isang lalaki ang nakaupo dun na tila may ginagawa sa tablet nya.
Marahan kong binaba ang kutsara at tinignan sya simula ulo hanggang paa.
Naka long sleeve syang asul at naka slacks malinis din ang pagkakagupit ng buhok nya mukha syang disenteng tao.
Napaisip ako bigla. Sya kaya?
Papayag kaya to?
C'mon carmela! Sabi mo gusto mo mawala sa sarili mo ngayon.
Well not to the extend na may involve na sex.
I cleared my throat. Di ko rin alam kung bakit parang natutuyo ang lalamunan ko.
Humugot ako ng malalim na hingi bago tumayo at dahan-dahan lumakad papunta sa table nya.
Nakatayo ba ko sa gilid nya pero di nya parin ako napapansin.
Ngayon ko lang napansin na may suot siyang reading glass.
I cleared my throat again. Doon na sya nag angat ng tingin sakin.
"Yes?" Wala pa nga akong tinataning yes na agad.
"H-hi" halos bulong kong bigkas "are you alone?" Putek ang landi ng dating.
"May kailangan ka ba miss?" Hindi na sya sakin nakatingin kundi sa tablet na ulit.
Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan kung may nakatingin ba samin. At dahil wala naman mukhang may pake umupo ako bigla sa harapan nya na kinagulat nya.
"Hi lumapit ako sa'yo kasi mukha kang matinong tao." Napapikit ako bigla, ano sabi ko?
"I mean.. " nanatiling nakabukas ang bibig ko sa kadahilanan di ko na alam ang susunod na sasabihin.
Pano ko ipapaliwanag ang gusto ko mangyari?
"Busy ka ba ngayon araw?" Bigla kong sabi kaya napa angat ang ulo nya at tumingin sakin.
"Kailangan ko kasi ng makakasama ngayon araw. Ililibre kita ng lunch kahit hanggang dinner, gusto ko lang may makausap at mapag labasan ng sama ng loob pero hindi natin kailangan mag pakilala sa isa't-isa." Tuloy tuloy kong sabi bago pa ko mawalan ng lakas ng loob. Hindi ko din alam saan nanggaling ang tapang ko sa mga oras na to.
Kumakapit nalang ako sa 'hindi naman nya ako kilala keri lang kung mapahiya'
Naka kunot ang noo nya at tumingin sa paligid na parang may hinahanap.
"Hindi kita pinag titripan, wala akong kasama o kapustahan paglapit ko sa'yo kung iyon ang hinahanap mo"
"Hindi ka naman mukhang nag bebenta ng insurance paglapit mo sakin"
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Uso ba yun dito? Akala ko sa manila lang.
"Look miss, busy ako kung hindi mo nakikita may ginagawa ako kaya kung ano man ang trip mo kalimutan mo na at umuwi kana sa inyo."
"Okay lang naman, mag hahanap nalang ako ng iba" akma na akong tataon nang pigilan nya ako.
"Wait, alam ba ng mga magulang mo yang ginagawa mo. Tsk. Teenager this days"
"Mukha ba akong teenager sayo?"
"Mukha kang underage"
"Baby face ako hindi ako underage"
Nakatingin sya sakin na para bang tinitimbang nya kung totoo ang sinasabi ko.
"Gusto ko lang naman may makausap at dahil hindi tayo magkakilala at mukha ka namang matinong tao napili ko lumapit sa table mo" alam ko ang baliw ng sitwasyon ko ngayon pero ito ang gusto ko. "At wala akong alam sa lugar na to."
"Miss baliw ka ba? Una gusto mo na samahan kita buong araw tapos sasabihin mo na wala kang alam sa lugar na'to? What if mukha lang akong matino pero deep inside masamang tao pala ako."
"Kung masamang tao ka, di mo sasabihin sakin na masamang tao ka. Pero dahil sinabi mo na masamang tao ka ibig sabihin hindi ka talaga masamang tao" naka ngiting sagot ko.
"How old are you?"
"I'm turning 22"
"So you're 21?" Binaba nya yung tablet nya at napakamot sa ulo "ka-edad mo yung kapatid ko."
"So sasamahan mo ba ako o hindi?" Naiinip kunyareng tanung ko pero ang totoo hindi ko makontrol ang pagtambol ng dibdib ko.
"Mental breakdown?"
"K-kinda"
"Patingin ng ID"
"Hoy! No names nga eh! "
"Pano ko malalaman na seryoso ka at para sa mental health mo talaga to? Na hindi to modus para mang holdap o kung ano pa naman"
Napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga naman, mahirap mag tiwala sa panahon ngayon. Lalo na sa di mo kakilala but that is exactly what u want, di ko kakilala.
"Promise hindi ako masamang tao at hindi to modus para pagsamantalahan ka." Tinaas ko pa ang right hand ko na parang nanunumpa.
Nakatingin lang sya sakin.
Kaya nakatingin lang din ako sa kanya.
Huminga sya ng malalim.
"Okay"
'Yes' sigaw ng isip ko pero meron paring kaba sa dibdib ko.
"But only because ayuko mag pagala gala ka baka mapasama ka pa. At isa pa kaedaran mo ang kapatid ko nakaka konsensya iwan ka LALO at sabi mo wala kang alam dito"
Kinuha ko ang cake ko at medyo malamig sa kape at dinala ko sa table nya.
Nakangiti akong kumain sa harap nya.
I think i got a good one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top