9
NANGUNOT ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang pigura ni Akihiro na papalabas ng pintuan. Nakapagtataka lang ang ikinilos niya, akala ko ba ay okay na kaming dalawa. Ngunit bakit pakiramdam ko ay malamig pa rin ang turing niya sa akin?
Weird.
Nagkibit-balikat na lang ako at itinuom ang atensyon ko kay Cedric, sa halos isang buwan ko na pananatili rito ay unti-unti na akong nasasanay sa presensya ng batang ito. Mula kasi sa pagmulat ko ng mga mata ko hanggang sa pagpikit ko siya parati ang una at huli kong nakikita. Pakiramdam ko nga ay ako na talaga ang nanay niya, kahit hindi naman.
Mabait na bata si Cedric, masaya siyang alagaan kahit na paminsan-misan ay sinusumpong ng topak at iyak ng iyak. Minsan lang naman, mana lang talaga siguro siya sa tatay niya kaya siya gano'n.
Pinagtimpla ko ng formula milk at hinele na si Cedric kinantahan ko pa siya para makatulog, dos na kasi ng tangyali at siesta time niya na. Kung kaya't kahit hindi inaantok ay kailangan matulog ng batang ito, may schedulw rin kasi siya na ibinigay ng Ninang.
"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You'll never know dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away " Siyang pagkanta ko habang hinehele ko ang bata.Nakikita ko na parang pumipikit-pikit na rin naman siya kung kaya't Ipinagpatuloy ko ang pagkanta. "I'll always love you and make you happy, if you will only say the same.But if you leave me and love another, you'll regret it all someday.You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You'll never know dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away."
Nang makita ko na nahihimbing na si Cedric ay mabilis ngunit marahan ako na bumaba sa kama upang ilagay siya sa kuna niya. Nang makahiga na soya sa crib ay kinumutan ko na siya saka ko inalis ang feeding bottle na bibig niya. Dumukwang ako para hagkan ang noon niya bago ako lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Akihiro na nakasandal sa pader sa tapat ng kwarto ni Cedric, he's staring at me with a blank expression. Lalampasan ko sana siya ngunit hinigit niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya.
"Ano ba Akie?" Sambit ko nang maramdaman ko na tumama ang dibdib ko sa katawan niya.
"Don't go downstair."
"Huh? Bakit?"
"She's downstair."
"Sino?"
"Krista."
"'Yong girlfriend ni Kuya?" Tumango lamang siya bilang sagot. "Eh ano naman? Magha-hi lang naman ako sa kanya saka mukhang mabait naman si Krista e."
"Hindi mo naiintindihan Lovely."
"Explain it then."
"Well uh..." he paused for a while as he look at the place. "Let's go inside, baka marinig nila tayo. Ayokong mapag-isipan ka niya ng masama." Aniya bago niya ako hilahin papasok sa loob ng kwarto niya. He makes me sit on the bed first before locking the door.
"So ano nga?"
"Uh.." mahiksing sambit niya.
"Akihiro wala akong oras na makipaglaro."
"Fine, sasabihin ko naman e. Humahanap lang ako ng buelo."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Pinagseselosan ka ni Krista."
Tila saglit akong nabingi dahil sa sinambit niya, hindi kaagad iyon nag- process sa utak ko kung kaya't matagal bago ako nakasagot. "Wait what? How come?"
"Kasi close kayo ni Kuya and ayaw niya na may lumalapit na babae kay Kuya Clyde, she's crazy Lovely. You have to be careful, mukha lang siyang inosente but she's not. Krista is evil." He stated in a horrible tone na para bang tinatakot ako.
"Bakit niya naman ako pagseselosan e wala naman akong gusto kay Kuya? E Parang kapatid ko na kaya kayong dalawa, pamilya na tayo e. Although hindi ninyo ako kadugo, kapatid pa rin ang turing ko sa inyo."
Nagbagong bigla ang ekspresyon ni Akihiro, his blank expression went hard. Para bang tinututulan niya ang mga sinabi ko
"I don't want you to be my sister." Mariin niyang sabi.
"Alam ko, and that's okay. Una pa lang naman, pinaramdam mo na sa akin 'yon" Pineke ko ang pagngiti.
"Why are you so dense?" Bumuga siya ng hangin habang umiiling-iling.
"Hindi mo naman kasi kailangan na sabihin pa na awa mo ako na maging kapatid mo. Pinaparamdam mo naman sa akin 'yon e."
"SHUT UP!"
Napakurap-kurap ako at saglit na hindi nakahinga nang sigawan niya ako. Ano na naman ang nangyayari sa kanya? Bigla na namang nagbago ang mood niya and I really don't understand him.
"Sorry..." bigla niyang sabi "I didn't mean to scream."
"No worries, pwede na ba akong umalis?"
"Ayaw mo ba akong kasama? Bakit parang nagmamadali ka?"
"No, hindi gano'n 'yon. Wala naman akong sinabi e."
"Then stay, samahan mo ako." Kumurba ang labi niya sa isang ngiti.
"Uhm kasi..." SHUTEK LOVELY KAILANGAN MONG MAGPALUSOT! "B-Baka magising si Cedric at hanapin niya ako."
"Maririnig naman natin siya e, dito ka na lang please. Samahan mo lang ako."
"A-Ano naman ang... ang g-gagawin natin dito?" Napalunok ako, calm down Lovely, calm down.
Lumapit si Akihiro sa akin at lumuhod sa harapan ko, ipinagsaklob niya pa ang mga kamay sa magkabilang pisngi ko at inalapit ang mukha niya sa mukha ko. "Anything that you want, bakit? Ano ba ang gusto mong gawin natin?" He said in a husky voice.
My mouth went dry, my heart skips a beat. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nagigng reaskyon ng katawan ko. I was confuse, punyawa kasi talaga ang Akie na ito. Kung ano-anu ang pinagagagawa, daig pa babaeng may mood swing.
"W-Wala." I said in a shaky voice. I can feel my knee weaken sa hindi ko malaman na dahilan. "A-Akie p-pwede na ba ako umalis?"
Umiling siya bago sumagot, "don't go away. Samahan mo lang ako. Wala namang mawawala sa'yo rito, I promise to behave." Hinaplos pa niya ang pisngi ko saka siya ngumiti.
Ang creepy niya...
"A-Akie stop," hinawakan ko ang kamay niya na humahaplos sa pisngi ko para pigilan ito. "Hindi ito tama."
"Why? Natatakot ka ba sa akin?"
"H-Hindi sa gano'n, ang l-lapit natin sa isa't isa."
"So, we did kiss. Naalala mo? Pwede natin ulitin 'yon, without interuption."
"Lasing ka no'n, alam kong hindi mo sinasadya."
"Hindi ako lasing Lovely, ginusto ko 'yon. Ginusto ko," muli niyang hinaplos ang pisngi ko kasabay ng pilyo niyang pagngiti. "Don't be scared, hindi naman kita pababayaan." Aniya, unti-unting lumapat ang malambot niyang labi sa mga labi ko kasabay ng pagkubabaw niya sa akin. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na ngayari, the only thing that I know is that we kissed and the rest is ecstacy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top