4


"Kumusta ka naman diyan? Nakakakain ka naman ba ng maayos?" 

"Brylle, kalma ka riyan okay? Ilang beses mo nang naitanong 'yan simula pa kanina, ilang beses ko na rin 'yan na nasagot ah." Natatawa kong sambit matapos akong tanongin ng kaibigan at kababata kong si Brylle sa ika-apat na pagkakataon tungkol sa kung ano ang lagay ko rito sa bahay. Narito ako ngayon sa salas, naka-upo sa sofa habang ka-video call ko siya.

"Naninigurado lang ako, malayo ka na kaya ngayon." Ngumuso pa siya, "kapag may oras na ako. Dadalawin kita riyan ha, magdadala akong paborito mong mangga."

"Sige ba pero magpapalam muna ako kina Ninang at Ninang, syempre h'wag mong kakalimutan si Nery. Sinasabi ko sa'yo, magtatampo 'yon."

"Dating gawi ulit? Kapag pupunta ako sa inyo, kailangan lagi ko siyang tangay?" Hagigik pa niya. 

"Oo naman,'di ba trio tayo? Walang maiiwan,"

"Noted po," mahina siyang natawa. "Pero Love, pwera biro." Sumeryoso ang tono nito.

"Ha? Ano 'yon?"

"I miss you, "

"Kalma ka buhay pa naman ako, wala pa naman akong balak na sumunod kina Papa." Pagbibiro ko pa ngunit mukhang hindi ito ikinatuwa ni Brylle dahil narinig ko ang buntong hininga niya. "Uhm.. Paano ba? May video call naman ah, may social media pa. Pwede tayong magtawagan kapag hindi ka busy."

"It's not enough, iba pa rin 'yong nandito ka at kasama kita—kasama ka namin. At saka isa pa, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo tapos mag-isa ka pa."

"Magiging okay rin ako Brylle, hindi pa nga lang ngayon pero chill darating din tayo sa part na 'yon. Sa ngayon, hahayaan ko na muna na magsink-in ang lahat sa akin," peke akong ngumiti. Si Brylle naman ay nagpatango na lang. Humaba pa ang naging usapan naming dalawa hanggang sa matapos ang break-time niya. Nasa trabaho kasi siya ngayon, accountant siya sa isang banko sa Cebu kaya.

"So ulila ka na pala," 

"Akie ikaw pala," nang maibaba ko ang Ipad ko ay si Akihiro agad ang namataan ko na kakababa lang ng hagdanan. Dumiretso siya sa mahabang sofa na kinahihigaan ko kaya naman agad ko na bumangon at isiniksik ang sarili sa dulong bahagi ng sofa. 

"Condolence," aniya habang papa-upo sa kabilang dulo ng sofa. 

"Thank you for you symphaty."

Tumango lang siya saka inabot ang remote na nakapatong sa coffee table at nagbukas ng television. Hindi ko alam kung aalis na ba ako dito sa pwesto ko, sa tuwing mahahagip kasi ng mga mata ko si Akihiro ay naaalala ko ang ginawa niyang pagnanakaw ng halik sa akin kaninang alas-tres.I hate the feeling, naaasiwa talaga ako. 

Huminga ako ng malalim bago ko isara ang case ng Ipod ko, napagdesisiyonan ko na bumalik na lang sa kwarto. I don't know but  pakiramdam ko ay hindi ko kayang tagalan ang presensya ni Akihiro after what happened. Nang akmang tatayo ako ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. 

"Bitiwan mo ako," mahinang sambit ko. 

"Are you disgusted by my presence?"

"H-Huh? A-Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Tagalugin natin, tutal ay mukhang hindi mo naintindihan ang sinabi ko dahil English 'yon."

"I can understand english,I  just didn't really heared what you said."

"Wala na akong magagawa kung bingi ka,"

"Wala naman sigurong mawawala kung uulitin mo 'di ba?"

"Uuulitin ko ang sinabi ko lang ang sinabi ko kapag hinalikan mo ako."

"Naawa ako sa anak mong si Cedric, nagkaroon siya ng ama na katulad mo."

"At naawa naman ako sa'yo kasi wala ka nang magulang—" Mabilis na tumama ang kamay ko sa pisngi niya nang marinig ko ang panunuyam niya sa akin. 

"Kaya kong palampasin ang ginawa mo kanina pati na mga sinabi mo tungkol sa akin pero oras na dinamay mo ang mga magulang ko. Sinasabi ko sa'yo Akihiro, pasintabi na lang sa mga magulang mo pero hindi ko pipigilan ang sarili ko na saktan ka."

"Ilugar mo 'yang tapang mo, nakikitira ka lang dito. You are nothing but a trash na pinulot lang ng parents ko at pinatira dito sa bahay. I will say whatever I wanna say, hindi ako anghel-anghelan na gaya ni Kuya Clyde," mariin niyang sabi. 

"Hindi ka naman talaga anghel, demonyo ka Akihiro. Isa kang demonyo."

"Demonyo talaga kaya dapat mo akong katakutan,"

"Ang demonyo pinupuksa, hindi kinatatakutan." Marahas ko na inagaw ang braso ko sa kanya.

"Sisiguraduhin ko na luluhod ka sa demonyong 'to Lovely Jade,"

"Sue me but I swear to God na hinding-hindi ako luluhod sa'yo."

"Gagawin kong impyerno ang buhay mo habang nakatira ka sa pamamahay ko."

"Correction, pamamahay ng parents mo," I said as I lifted an eyebrow.

"Lovely, Akihiro, nag-aaway na naman ba kayo?" Magkasabay namin na nilingon ni Akihiro ang kararating lang na si Ninang Marissa na kagagaling lang sa pago-grocery. Kapwa kami hindi nakasagot ni Akie, nagpalitan lang kami ng tingin nito.

"No Ma, ofcourse not."

Aba! Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin at nagbago ultimo tono ng pananalita niya, kumurba rin ang labi niya sa isang ngiti. Mas lalo ko pang ikinagulat ang sumunod niyang ginawa, hinila niya ako papalapit sa kanya at inakbayan pa.

"Akie, iilang buwan lang si Cedric ha."

"Mom calm down, Lovely and I were good friends. In fact, nag-offer pa nga siya na maging baby sitter ni Cedric."

 Matiko akong napatingin sa kanya, gago ba 'to? Wala akong sinasabi sa kanya.

Pero teka...

Wait?

Ito ba 'yong binabanta niya sa akin kanina? Na gagawin niyang impyerno ang buhay ko as what? As a baby sitter? Man, that's an easy peasy job. Atleast may mapaglilibangan ako at makakausap habang wala silang lahat at may magtuturo na rin kay Cedric para hindi siya tumulad sa demonyong ama niya. 

Napilitan na lang ako na ngumiti at tumango sa harap ni Ninang Marissa, mukhang mapapasubo ako ng tuluyan dito sa mokong na 'to. Iba ang inasahan ko na magiging reaksyon ni Ninang, inakala ko na hindi siya maniniwala sa palabas ni Akie but.

"This is unbelievable, akala ko hindi na magtatapos ang childhood war ninyong dalawa. Natutuwa ako na marinig na ceasefire na kayong dalawa, that's really good to hear. Mabuti na lang at may Cedric na pupwede ninyong pagkasunduan. Keep it up," ani Ninang na may malapad na ngiti sa mga labi niya. "Pero Lovely, sure ka ba na i-bebaby sitt mo si Baby Cedric? Mahirap mag-alaga ng bata lalo na at manang-mana si Cedric sa ama niya na laging may topak."

Ang totoo, hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Punyawa kasi nitong si Akie, kung ano-ano ang sinasabi. "S-Sigurado po ako p-para malibang naman po ako kahit p-paano.  Nakapag-alaga na rin naman po ako ng bata noon."

"See Mom? Sisiw lang kay Lovely ang pag-aalaga kay Baby Ced, and about the salary? Ako na ang bahala na magpasweldo sa kanya, sagot ko na siya." Kumindat pa ito.

Lovely, i-ready mo na ang sarili mo dahil may baliw na demonyo kang kasama sa bahay.

"Kung may agreement na pala kayo, wala na akong magagawa riyan.  O siya, mamahinga na ako." Pagpapaalam ni Ninang bago siya tuluyan na pumasok sa bahay at dumiretso sa hagdan para umakyat sa second floor ng bahay.

Nagbilang ako ng sampong segundo nang tuluyan nang maka-akyat si Ninang at mawala sa paningin namin, hinintay ko na  itulak ako ni Akihiro papalayo pero hindi niya ginawa. Bagkus ay tinitigan niya lang ako ng matagal, blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Sinubukan ko na tanggalin ang kamay niya ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"A-Akie ano ba?'

"What?"

"Bitiwan mo ako,"

"What if I dont want? May magagawa ka ba? I'm bigger than you,"

He is,  mas malaki pa nga ang kamay niya kaysa sa mukha ko e. "Isa, hindi ka ba talaga bibitaw?"

"Nope."

"Akie hindi na ako nakikipagbiruan sa'yo."

"Paano mo pupuksain ang demonyo kung ngayon pa lang napipikon ka na? Does that mean sumusuko ka na?" Aniya at tinanggal ang braso na naka-akbay sa akin.

"No fucking way," aniko habang humaharap sa kanya. 

"Fuck lang ang naintindihan ko sa sinabi mo,"  pilyo siyang ngumiti at kumindat. 

"Ano ba ang trip mo sa buhay?"

"Ang i-evict ka sa bahay na ito."

"By means of what? By baby sitting your son? C'mon Akie, ilang trabaho na ang napasukan ko bago ako napunta dito."

"Nope, it's just a side job kumbaga sa pagkain" Sinapo pa niya ang kanang pisngi at preskong ngumiti "It's just an  appetizer babe, I'll make sure to make your life a living hell in the main dish. Hanggang sa ikaw na mismo ang lumayo at magpasya na umalis dito."

"Go on, as if naman natatakot ako sa'yo." Paninindak ko. "Wala rin naman akong magawa, kaya sige. I'll join your game."

He scoff, "you'll going to regrets this Lovely."

"Ano bang problema mo? Bakit pa noon pa man mainit na ang dugo mo sa akin? Wala naman akong atraso sa'yo ah. I didn't even lay a fingers on you..." saglit akong napahinto nang maalala ko ang pagsampal ko sa kanya.  "Well.. uh.. Yes I did pero kanina lang 'yon."

"Malaki ang atraso mo sa akin, I'm sure nakalimutan mo na 'yon kasi mga bata pa tayo no'n. Pero ako, I will never forget that Lovely over my dead body." Nanlilisik ang mga mata niya na tinitigan ako. "Magsimula ka nang alagaan ang anak ko," aniya bago siya umalis. 

Ano bang atraso ang sinasabi niya? 

As time passed by, mas lalong gumugulo ang pangyayari. Mas lalo kong hindi maintindihan kung ano ang ipinuputok ng butsi ni Akihiro. Ni hindi ko maintindihan kung ano ang atraso na sinasabi niya.

 Napapa-isip na lang ako kung ano ba ang pinanggagalingan ng galit niya, kung ano talaga ang tunay niyang probema. Iniisip ko tuloy kung tinusok ko ba siya ng lapis noon, o  hinampas ng pencil case. Sinulatan ko ba ang notebook niya? Dinikitan ko ba siya ng mocking paper? Pinakain ko ba siya ng glue? Kinain ko ba ang lunch niya? Inagaw ko ba ang baon niyang cheesecake at yakult? Hinulog ko ba siya sa kanal? Nilagyan ko ba ng bato ang bag niya? Or itinali ko ba ang bag niya sa armchair? Ipinagsigawan ko ba 'yong crush niya tapos ni-reject siya? 

I swear, naisip ko na ang lahat ng mga posibleng mga dahilan ng mga away bata noon  even the most villainous act but I couldn't imagine myself commiting that. Kasi alam ko na kapag gumawa ako ng mali noon, papaluin ako ni Papa. Kaya hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang sinasabi ni Akie na dahilan kung bakit siya galit na galit sa akin.


"SO totoo nga nag balita, you really volunteered yourself to be Cedric's baby sitter."  Si Kuya Clyde 'yon na kakapasok lang. Kararating niya lang mula sa isang two days na out of the town work. Naabutan niya ako na pinakakain ng cerelac si Cedric na naka-upo naman sa 

"Kuya Clyde ikaw po pala,"

"Yeah, it's been a long time Lovely. Two days rin akong nawala tapos ang hina pa ng signal sa pinuntahan namin, how's your stay here?"

"So far, maayos naman po." Tugon ko bago ko subuan ng  kutsara na may cerelac si Cedric. 

"Ang kulit talaga nito, ayan na naman ang opo na 'yan. Hinahayaan na nga kita na tawagin akong Kuya e." Pagtatampo pa niya.

"Kuya kung may gusto ka kay Lovely diretsahin mo tapos syempre iwanan mo si Krista, tutal doon ka naman magaling. Sa pang-iiwan," malamig na sabi ni Akie na nasa dining table at kumakain ng breakfast.

"Akie, umagang-umaga ha. H'wag mo akong simulan at h'wag mong idamay si Krista na nananahimik. Wala siyang kinalaman dito," mahinahong wika ni Kuya.

"Why not? Nahihiya ka ba na ipakita kay Lovely ang tunay na ugali mo? Bakit? Natatakot ka ba? Masyado pa bang maaga para ilabas ang mga sungay na 'yan, ha Kuya?"

"Akie shut up!"

Pinagmasdan ko lang at piangsalit-salit ang tingin ko sa dalawang magkapatid na nasa magkabilang dulo ng dining table at nagpapalitan ng tingin, blanko ang parehong ekspresyon ng mukha nila. Si Kuya Clyde ang unang pumutol ng mahaba-habang palitan ng tingin, ibinaling niya ang atensyon sa kumakain na si Cedric na kanina pa kalabit ng kalabit sa kanya. 

"Lovely iakyat mo na si Cedric sa kwarto niya, paliguan mo, bihisan mo. Aalis tayong tatlo," mariing sambit ni Akihiro.

"Huh? P-Pero hindi pa siya tapos kuma—"

"SUNDIN MO NA LANG KUNG ANO ANG SINASABI KO!" Bulalas niya kasabay ng pagkabasag ng baso ng kape na inihagis niya.

"Akihiro h'wag mo siyang sigawan." May pag-aalalang sabi ni Kuya.

"H'wag kang mangielam." Malamig na sambit ni Akihiro habang papatayo siya sa silya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top