3

NAHIRAPAN AKO na makatulog noong gabing 'yon, hindi dahil sa namamahay ako kung'di dahil sa pinipilit ko pa rin na isisiksik sa  isipan ko ang lahat ng mga nangyayari. I've been good in my entire life, hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito? Una si Papa na nasaksak sa loob ng kulungan, ngayon si Mama naman na hindi alam ang dahilan kung bakit umuwi na lang siya na isang abo na. Nakakapagod isipin, halos wala na rin akong maiiyak, pagod na rin siguro talaga ako. Halos magulo na ang kama kakaikot ko pero wala pa rin, hindi ko pa rin mahanap ang tulog na gusto ko at kapayapaan ko ngayong gabi. 

Sumulyap ako sa asul na digital clock na nasa nightstand, alas-tres na pala ng madaling-araw. Halos ilang oras na rin pala akong mulat, mahaba rin kasi ang naging tulog ko kanina habang nasa biyahe kaya siguro wala na rin akong maitulog ngayon. Nakaramdam ako ng pagka-uhaw kaya nagpasya ako na bumaba muna sa kusina para uminom ng tubig. Masyadong malaki ang bahay ng mga Ortega kaya naman medyo nahirapan ako na hanapin ang kusina nila, medyo naligaw ako ng very light. Pagkatapos ko na uminom ay babalik na sana ako sa loob ng silid  ngunit ...

"Magnanakaw ka 'no?" Isang matangkad na lalaki ang namataan ko nang humarap ako sa pintuan palabas ng kusina. Nakasuot siya ng puting polo na may mahabang manggas at nakabukas ang dalawang butones. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng pinagsamang  alak at sigarilyo mula sa katawan niya.

"H-Hindi, n-nagkakamali ka."

"You are a thieve." Mariin niyang sabi habang malalaki ang paghakbang na ginagawa niya palapit sa akin.

"No, n-nagkakamali ka."

"Thieve, thieve, thieve." paulit-ulit niyang sabi habang papalapit sa akin hanggang sa ma-corner niya na ako sa island counter saka hinapit ng lalaki ang beywang ko gamit ang mga braso niya. Biglang bumigat ang paaghinga ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga niya sa tenga ko. 

"B-Bitiwan mo a-ako." Siyang sambit ko habang pwersahan ko siya na tinutulak papalayo. "P-Please, hindi ako magnanakaw gaya ng sinasabi mo."

Matangos ang ilong ng lalaki, mapula ang ang cupid-bow shaped lips nito, may mahaba siyang pilik-mata, perfect line na jaw-shape, at nagniningning ang kulay kapeng mata nito. May malaki siyang katawan at toned muscle, in short ay guwapo ang lalaking ito. Ang kaso ay mukhang may sapak sa ulo, pagkamalan daw ba akong magnanakaw. 

"I'll call the police, they will arrest you para makulong kang agad."

"Ang kulit mo naman e, sinabing hindi nga ako magna—" 

Gago!

Dug.Dug

Napakurap-kurap  na lamang ako nang maramdaman ko na inilapat niya ang labi sa mga labi ko, naghurumintado sa bilis ng pagkabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, this stranger is literally kissing me right now. At anong ginagawa ko? Wala. I'm just standing at dinadama ko lang ang masuyo niyang paghalik sa mga labi ko. Kasabay nito ay ang paglalakbay ng kamay niya sa parte ng katawan ko. Ganito pa la ang pakiramdam nang may kahalikan, nakakalasing.

Pero wait!

This isn't the right time para mag-isip ako ng ganito, kailangan ko siyang maitulak. Bka amamya ay may makakita pa sa amin sa ganitong ayos. 

"Akie what are you doing?" Mula sa likuran ng lalaki ay ay naulanigan ko ang boses ni Kuya Clyde. Tinawag niyang Akie ang lalaking 'to.

Like gago?

Mabilis na na-sink in sa sistema ko ang pagtawag ni Kuya Clyde kaya naman ay marahas at pwersahan ko na naitulak si Akihiro para makalayo at makabitiw siya sa akin. 

Punyawa! 

Humalik ako sa demonyo!

Mabilis akong hinila ni Kuya Clyde mula sa kinatatayuan ko at inilayo ako kay Akihiro na ngising asong nakatingin sa amin ni Kuya, mistula siyang nang-aasar sa hitsura niya. 

"Tinuturuan ko lang ng leksyon ang magnanakaw na 'yan,"

"She's not a thieve, what are you saying?"

"So?" Anito sa mapang-asar na tono.

"Anong so? Kahit kailan talaga ay sakit ka sa ulo!" Bulalas ni Kuya.

"If you were expecting me to say sorry, no I wouldn't. It's not my thing," malamig nitong sabi bago lisanin ang kusina. 

Gano'n lang 'yon? 

After what he did?

Ang sama talaga ng ugali niya!

"Are you okay?" Mahinahong tanong ni Kuya Clyde, sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at ineksamina ang buong mukha ko. 

"A-Ayos lang po ako," 

Humugot ng malalim na buntong hininga si Kuya Clyde at pagka ay napailing-iling, "he was really a disappointment. Since he was a child, ganyan na talaga 'yang lalaki na 'yan. Alam mo naman 'yon," wika niya habang pinupunasan ng panyo ang labi ko. "Matulog na ka, ako na ang bahala na kumausap kay Akie. Ako na rin ang humihingi ng tawad sa ginawa niya."

"Wala na rin akong maitutulog Kuya."

"Try it, masama ang laging puyat. I know you're going on something that I couldn't understand pero alam ko naman na kaya mo." Aniya at ginulo ang buhok ko.

Hinatid akong muli ni Kuya Clyde sa kwarto ko, hindi niya ko iniwan hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdamam ng balat ko ang mainit na sinag ng ara, nang imulat ko ang mga mata ko ay si Kuya Clyde na nasa may sofa agad ang naaninag ko. Nakatagilid kasi ako kung mahiga, tulog na tulog si Kuya at mukhang binantayan talaga niya ako kagabi. Gano'n pa rin siya, he's still the kind-hearted Kuya Clyde that I know. 

Bakit kaya hindi naging ganyan ang ugali ni Akihiro? Mas lalo kasi siyang naging demonyo. 

Bumangon ako sa kama at nag inat-inat bago ko ayusin ito, nagtungo na tin ako sa c.r para maghilamos at magtoothbrush. Sinuklay ko rin ang buhok ko at itinali ito nang pa-pony. Pagkalabas ko ay si Kuya agad ang pinuntahan ko, ginising ko na siya para makalipat siya sa kwarto niya. Alam ko kasi na hindi siya comportable sa pwesto niya, masyadong mahiksi at maliit ang sofa for him. Halos nakabakutot na nga ang paghiga niya. 

"Good morning," nakangiti niyang bati. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Opo Kuya,"

"Kuya na lang, h'wag mo nang samahan ng opo. Masyado  mo akong pinatatanda." Impit siyang natawa habang bumabangon sa sofa. Mariin pa niya ako na tinitigan saka ngumiti. "Kung kasing ganda mo ang laging makikita ko sa tuwing gumigising ako sa umaga ay baka noon pa ako ginanahan na bumangon."

"Gutom ka lang Kuya, tara na bumaba na tayo."

"No, I'm serious Love-ly..." seumeryoso ang tono niya. O.o Heto na naman ang awkward na pakiramdam na dapat hindi ko nararamdaman dahil kaibigan ko si Kuya.

"Kain na po tayo Kuya," aniko. Umiwas din ako sa mga titig niya. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyan na lumabas ng kwarto.

Ewan ko ba, mabait naman na tao si Kuya Clyde. Hindi ko lang talaga maiwasan na makaramdam ng pagka-asiwa sa tuwing tinititigan niya ako. Iba na rin kasi ang panahon, hindi na kami mga bata na katulad ng dati. 

Nang lumabas ako ng kwarto ay sakto naman na lumabas rin si Akihiro,  nagkasabay rin kami sa pagbaba sa hagdanan. Saglit kaming nagkatitigan bago siya nag-iwas ng tingin at lampasan ako. 

Anong problema ng gagong 'to?

Kagaya ko ay sa kusina rin pumunta si Akihiro, pareho namin na naabutan si Ninang Marissa na naghahain sa hapag. Si Ninong naman ay naka-upo sa silya habang nilalaro si Cedric na nasa high chair. Nakita ko na nilapitan ni Akihiro ang anak niya at hinalikan ito. 

"Inumaga ka na naman sa inuman," seryosong sambit ng Ninong. "Baka nakakalimutan mo lang Juane Akihiro na hindi ka na binata pa, may anak ka na. Maging mabuting ehemplo ka naman sa sana kahit sa anak mo lang."

"Dad it's 7 am, 'di ba dapat breakfast ang kinakain ko at sinisiksik ko sa sistema ko at hindi sermon?" Malamig na sabi ni Akie. 

"Akihiro!" Pananaway ni Ninang. 

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo, atleast ng inom lang ang bisyo ko. Hindi pa ako baliw na nagpapapasok ng kung sino-sino lang dito sa bahay natin gaya ni Kuya." 

Batid ko na ako ang pinariringgan ng lalaki, hindi ko nga alam kung bakit e. Ang aga-aga ang init na agad ng ulo niya sa akin

"Manahimik ka nga, hindi kung sino lang si Lovely." Si Ninong iyon na mataas na ang tono ngunit nagpipigil dahil kaharap niya si Baby Cedric. 

"Ah so Lovely pala ang pangalan mo," aniya at humarap sa akin. Blanko ang eskpresyon niya, malamig ang mga tingin at mukha talagang mainit ang dugo niya sa akin. "So anong ginagawa mo dito? Bakit ang kapal ng mukha mo na makitira dito at galawin ang mga gamit namin. And worst, you even sleep on tha empty room upstair." Nanunuyam niya ako na tinignan.

"Akihiro! Sumusobra ka nang bata ka!" Bulalas ni Ninong at napatayo pa sa kinauupuan niya.

"Akie kung... kung may choice lang ako, hindi ko naman pipilin na makitira sa inyo. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko rito kaso kailangan e, hayaan mo. Aalis din ako, aalis din ako kapag may pera na akong pangtustos sa sarili ko."

"Ang drama mo," Sambit niya bago niya lisanin ang kusina. 

"Hija, p-pasensya na." Agad ako na nilapitan ni Ninang at hinawakan ang mga kamay ko. "Pasensya na talaga, mainit lang talaga ang ulo niya. Baka may problema lang kaya ganyan, pagpasensyahan mo na lang. Pasensya ka na rin sa sinabi niya,"

"Wala lang naman po sa akin 'yong mga sinabi niya, hindi naman po 'yon masakit eh." Peke ako na tumawa. "Wala pa po 'yon sa kalingkingan ng nararamdaman ko saka wala naman po akong karapatan na magalit. N-Nakikitira lang naman po ako e," 

"Hindi, hindi, h'wag mong isipin ang mga sinabi niyang iyon. Hindi ka nakikitira rito okay? Bahay mo na rin ito. At kung ano man ang sinabi ni Akie sa'yo, h'wag na h'wag mong pakikinggan iyon okay?" Tumango na lamang ako.

Nagsimula ang umaga ko sa gano'n, ayos na rin siguro 'yon kaysa naman magsimula ang umaga ko na ingay ng kalsada ang unang mauulanigan ko. Titiisan ko na lang hanggang kaya ko ay tatawanan ko na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top