UTLD

An hour to spend with your loved ones and say your last goodbye.

Have you ever wondered why we celebrate?

Why is it so important that we celebrate occasions like birthdays and anniversaries?

Well for some people, they celebrate to honor an important detail in their life and can share that special moment with their loved ones.

Kagaya ni Selene Montenegro, na mahalaga sa kanya ang okasyon. Kahit na maliit na bagay o malaki man yan pinaghahandaan niya 'to.

Sa kanyang pamilya, si Selene ang itinuturing "the life of the party" dahil sa kanyang jolly side.

Sa munting bahay ng Montenegro, Maraming naka handang pagkain. Isang maliit na salo salo kasama ang mga kamag anak niya at malalapit sa kanyang puso.

Halos lahat ng nakahanda sa hapag kainan ay kanyang paborito. Pinaghandaan ng husto ng mag asawang Montenegro para sa kanilang Unica hija.

Dahil doon, nakatakam si Selene at sabik na sabik siyang kumain.

Kukuha na sana siyang nang pagkain. Ngunit natigilan siya at napa buntong hininga.

Bigla niya na-aalala na hindi na muli niya matitikman ang mga 'to.

Dahil ang kanilang pinaghandaan ay para sa ika-40 araw niyang kamatayan.

Dahil isa na siyang espirito.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan para sa pagdarasal at pagbibigay respeto sa kaluluwa niya.

Hindi pa'rin matanggap ng mag asawang Montenegro na wala na ang kanilang Unica hija. Bilang isang magulang masakit sa damdamin iyon dahil mas na-una pang nawala ang kanilang anak kaysa sa kanilang. Ang kaisa isang princesa nila na hindi na muli nila nakikita ang kanyang magandang ngiti at maligalig niyang tawa.

Sa mga taong malapit sa puso niya, hindi rin sila makapaniwala na wala na ang kanilang masayahin kaibigan, mabait na katrabaho, at mapagmahal na kamag anak.

Sa pagkakataon na iyun, hindi lahat ng okasyon ay masayang pagdiriwang. Masakit man pero kailangan tanggapin. Darating din ang panahon na may mawawala at magpapaalam.

Sa kabilang banda, masakit sa puso ni Selene na nakikita niya ang magulang at mga mahal sa buhay na nangungulila at nagluluksa ng dahil sa kanya.

Mga ilang saglit, nararamdaman niya na may tumabi sa kaniya. At alam na niya kung sino iyon. Pagtingin niya, alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari.

Sariwa pa ang kaniyang alaala ang sinapit niyang aksidente.

Kakatapos lang ang kanyang shift sa trabaho niya. Nagtatrabaho bilang isang manager ng restaurant. Masipag at dedicated siya sa kanyang ginagawa. Kasama niyang umalis at pauwi ang mga ka-trabaho niya.

Habang naglalakad, nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga bagay - bagay at mga nangyari sa kanilang araw sa trabaho. Hanggang sa naka abot sila sakayan ay nag paalam na sila sa isa't isa dahil iba na ang ruta ng iba. Habang siya ay kailangan niyang tumawid sa kabilang highway. Sa pagtawid niya, mabilis ang pangyayari hindi na niya napansin na may mabilis na humaharurot na sasakyan and suddenly everything went black.

Mga ilang saglit lang, pagkabukas ng kanyang mga mata nagtataka siya na may nagkakagulo sa isang banda.

Habang nakatingin siya nagkakagulo may naririnig siya sa ibang na nabundol daw ng jeep at duguan na ang babae.

Marami naka tingin sa sitwasyon at may tumatawag ng ambulansya. Ang nakabundol sa kanya ay nagpapanic na rin sa sitwasyon

Bigla nalang dinala siya ng kanyang mga paa sa nangyaring kaguluhan.

Sa bawat paglapit niya ay kinakabahan siya. Hanggang nasa tapat na siya ng katawan na duguan ay nagulat siya na siya pala ang babaeng duguan at wala ng buhay.

Biglang pumasok sa isip niya na isa siyang kaluluwa. Habang tulala parin siya sa pangyayari, biglang dumating ang isang nilalang na nagpakilala ng isa siya Grim Reaper. Sila ang nagbabantay sa kanila habang kaluluwa pa sila ngunit sa pagsapit ng ika 40 days pagkatapos ng kanilang kamatayan. Oras na para sila ay sunduin para dalhin sila sa lugar para sa mga namayapa na.

Ngunit hindi pa niya kayang sumama kay Grim Reaper. Nakiusap siya na kung may paraan pa na makausap at makapiling niya muli ang kanyang magulang. Kahit saglit man lang.

Para kahit pa-paano nagawa niya makapag paalam sa huling pagkakataon.

Naawa at napabuntong hininga si Grim Reaper. Sa huli, pinagbigyan niya ang kahilingan ni Selene.

Dahil doon, Binigyan siya ng isang Hourglass.

Isa itong magical hourglass na naglalaman ng buhangin. Sa pagtaob nito, meron lang siyang isang oras.

Isang oras lang para makapiling niya muli ang kanyang magulang.

Isang oras lang para sabihin lahat ng hindi pa niya nasabi sa kanila.

Lubos siyang nagpapasalamat kay Grim Reaper sa pagkakataon na ito.

Tinitigan mabuti ni Selene ang hourglass.Hinahanda niya ang kanyang sarili para makaharap niya ang mga magulang at huling paghaharap nila.

Sumapit na ang gabi naghahanda na ang mag asawang Montenegro para sa kanilang hapunan. Malungkot man ang kanilang hapunan na wala ang kanilang Unica Hija. Pero kailangan nila ituloy ang buhay.

Nakapag Desisyon si Selene na gamitin ang hourglass sa oras ng hapunan. Dahil sa ganung oras. Doon sila nakakasalo parati. Lalo na yung bata pa siya, parati sila sabay sabay kumain sa hapag kainan.

Turo sa kanya ng kanyang magulang na dapat ang pamilya ay sabay sabay sila kumain. Dahil yun ang oras na nakakapag usap sila bilang pamilya. Doon pwede nila pag usapan lahat ng mga nangyari sa kanilang araw.

Ngunit sa pagtanda niya, madalas na lang siya nakakasabay sa hapagkainan dahil late narin minsan siya sa pag uwi galing sa trabaho.

Doon ang napili niyang pagkakataon na gamitin ang hourglass. Para sa huling pagkakataon, gusto niya muli makasama ang mga magulang niya sa hapagkainan tulad ng dati.

Sinimulan na niya itaob ang hourglass. Nagsimula ng bumababa ang buhangin.

Sa kaba niya, Huminga muna siya ng malalim at hinanda niya ang sarili para magpakita siya sa magulang.

Sa pagpakita niya, natutulala at nagulat sila dahil sa pagpapakita niya. Imbes na matakot sila, mas nanaig ang kanilang kasiyahan ng makita nila muli at makapiling siya.

Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang magulang dahil sa labis siyang namiss yakapin ng dalawang mahal niya sa buhay.

Ipinaliwanag niya kung paano siya nakikita muli. Ipinaliwanag niya kung anong hiwaga na binigay ng hourglass at mayroon lamang siyang isang oras.

Sa pagkakataon na iyon, parang normal lang ang lahat. Maayos at masayang nag kwentuhan sila. Binalikan nila ang masayang aalala niya lalo na ang mga kalokuhan niya. Napagusapan din nila ang mga hindi pa nila nasasabi sa isa't isa.

Sa masayang pag uusap nila, hindi na niya namalayan na malapit na matapos ang isang oras. Na unting unti nauubos ang buhangin ng hourglass.

Bago sa huling patak ng buhangin, nagpaalam na siya sa kanyang magulang. Sa huling pagkakataon, niyakap niya ng mahigpit ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. Na walang sawang pagmamahal sa kaniya. Masakit man na hindi ko na sila makakapiling muli. Pero kailangan niya tanggapin. Wala man siya sa tabi nila, habang buhay niya dadahilin ang pagmamahal nila.

Until the last Drop of the sand, paulit ulit siya nagpapasalamat at sinasabi niya ang salitang mahal na mahal ko kayo.

Hanggang sa naubos na ang buhangin, unti unti na siyang nawawala at bumabalik bilang kaluluwa.

Sa pagbalik niya, magaan na ang loob niya nakasama ulit sa huling pagkakataon Wala na siyang nararamdaman na pagsisisi at pagkukulang. Sinulit niya ang isang oras. Lubos siyang nagpapasalamat kay Grim Reaper sa pagkakataon na iyon.

Oras narin para sunduin na siya ni Grim Reaper papunta sa lugar para sa mga namayapa na.

Sa huling pagkakataon, tinignan niya ulit ang dalawang tao na mahal na mahal niyang lubos. Masaya na siya nagkasama ulit sila. Magaan na ang loob niya na hindi na sila nagluluksa dahil sa kanya. Dahil alam nila na nasa maayos na siyang kalagayan.

Sa paglalakbay niya sa lugar na mapayapa para sa mga namayapa na.

She suddenly realizes that time is so precious.

Spend it with your loved ones. Because life is short. You'll never know when your time is up. Say I love you to them before it's too late. Hug them as much as you can.

Spend your time wisely... until the last drop of your time.

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top