Special Chapter

Song: Falling Like the Stars- James Arthur

Jaxon returns after 3 years 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kung sino ang nasa harap namin ng anak ko ngayon.

After years of being gone and thinking that he's probably dead, here he is... right in front of me again.

Nagpatuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang anak namin, kahit hindi nakasama ang ama niya mula nang isinilang siya, masayang masaya na nakayakap sa kanya ngayon.

Jaxon closed his eyes as he press a long kiss on George's head.

Nang iminulat ni Jaxon ang kanyang mga mata, agad itong tumama sa akin. A small smile immediately formed in his lips. I know I look like a mess since I've been shedding all these tears ever since he appeared in front of that door.

Kasalanan mo 'to, Jaxon! Kasalanan mo kung bakit ako iyak nang iyak ngayon.

"Come here..." aniya at sinubukan akong palapitin sa kanya.

My hands trembled as I try to reach for him. Nang tuluyan ko siyang mahawakan, mas lalong umagos ang luha ko.

Totoo nga. Totoo ngang nandito siya. Hindi ako nananaginip. Buhay na buhay ang asawa ko!

I know I'm not the kindest person that ever walked on earth. I judged too many people. I've been harsh to a lot of people. Ang dami ko nang ginawang mali pero hindi ko ba alam kung bakit ang bait-bait pa rin ng mundo sa akin.

Sa halip na pagbayaran ko iyong masasamang nagawa ko noon, parang mas binibiyayaan pa ata nila ako.

Jaxon enveloped me in his arms while I continue to cry. Akala ko talaga tuluyan na siyang binawi ng mundo sa akin. Akala ko hindi na talaga kami magkikita ulit.

There is a reason why it was so hard for me to accept his death. Because there's always been this voice inside my head that believes that he's still alive. At mabuti na lang at palagi kong pinakikinggan ang boses na iyon dahil kung hindi, para akong tangang pinaglalamayan ang taong buhay naman pala!

"You made mommy cry, Daddy!" Nagtatampong sinabi ni George.

Natawa naman ako roon kaya napapalis ako ng luha. Natawa rin si Jaxon at tinanaw ang anak na mukhang ayaw nang umalis sa bisig niya ngayon. Parang ako rin, ayaw ko na ring umalis. Parang gusto ko na lang dito palagi.

Gusto ko na rito nalang para masiguro kong hindi na siya ulit mawawala sa akin.

I admit... it was hard going all through this without him. Mahirap palakihin si George habang nasasaktan pa rin ako sa pagkawala niya. It was even tougher during the time that I was about to give birth because that was the exact same day that I was told that he went missing.

"No. Daddy did not make Mommy cry. Mommy is crying because he's happy to see Daddy again!" my voice broke a bit.

Ngumuso si George at tiningnan ang ama na kamukhang kamukha niya.

"Should I cry too because I'm happy to see you too, Daddy?"

Jaxon laughed and smiled widely at our son. Oh, how I miss that smile! Nanghihina na ata ako dahil pakiramdam ko parang na-in love ulit ako sa pangatlong beses sa asawa ko.

Kung pupwede lang na ibigay ko muna si George kay Daddy para kami na muna ni Jaxon dito. Pero syempre, ayaw ko naman maging makasarili. First time na magkita ng mag-ama at ayaw kong ipagkait sa kanila ang pagkakataong ito.

Pupwede naman mamaya nalang...

Jaxon pressed another kiss on George's head. He pulled me closer to him. Nanatili akong nakangiti habang tinatanaw silang dalawa.

"You're a big boy now huh? Have you been a good boy to Mommy? Did you give her a headache while I was away?"

"No. George is a good boy!" proud na sinabi ng anak ko. Mas lalong lumaki ang ngiti ko.

Mabait na bata si George. Ewan ko ba at sa murang edad, e, parang ang matured na niyang mag-isip. Ang dami na niya agad naiintindihan na bagay kahit na sobrang mahiyain niya sa tao.

Natapos lang ang moment namin na iyon nang katukin kami ni Daddy sa opisina ni Jaxon. He's smiling so wide at us. Inaasahan ko na, gaya ko, magugulat din siya na makita si Jaxon. Pero hindi. It was as if... he knew.

Naningkit ang mga mata ko. Nakangiti lang siya sa amin at halatang walang ideya na pinagdududahan ko siya ngayon. My eyes widened when I realized something.

Oh my god! Everybody probably knows that he's alive and no one dared to tell me!

At itong si Daddy! Kung ano-ano pa ang sinasabi sa akin kanina, alam niya naman palang buhay si Jaxon!

"I'm sorry for interrupting your moment here but Jaxon, your parents have arrived. They're in my office."

"Thank you, Papa." Sagot ni Jaxon sa kanya.

"Can I get George for a while? So, I... can leave you two here?"

Napaayos ako ng tayo nang dahil doon. Parang kanina lang hinihiling ko 'to, napagbigyan agad?

Tumingin si Daddy sa akin na para bang nakikiusap na pumayag na ako. Na hindi niya tatanggapin kung sakaling tatanggi ako. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango dahil mukhang pagagalitan niya pa ata ako kung hindi ako pumayag.

My father smiled and walked towards us to get George out of Jaxon's arms.

"Let's go, big boy. Let's leave Mommy and Daddy for a while."

At dahil malapit si George sa kanya, walang kahirap-hirap itong sumama at nagpabuhat sa kanya. My father didn't even dare to say good bye. Basta na lang siya tumalikod sa amin.

He quickly left us alone, bringing my son along with him. Sinundan ko sila ng tingin.

"What are they going to do without me, Lolo?" narinig kong tinanong ni George.

"Uh... talk, apo."

Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang isara ni Jaxon ang pinto ng opisina niya. I turn to him. I frowned at him while he just keeps on smiling at me.

"Anong nakakatawa?" suplada kong tanong.

"Aren't you happy to see me again?"

"Talagang may gana ka pang itanong sa akin 'yan matapos mong makita kung gaano ako humagulhol kanina?"

His smile widened. He moved closer to me until he finally closed the distance between us. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

"I've missed you so much, Margaux. Walang oras na hindi ko kayo iniisip ng anak natin."

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na para bang ayaw ko na siyang pakawalan pa. I smiled and closed my eyes to feel his warmth again.

"All this time, I thought you were dead." I whispered.

"I know... I'm sorry. It must've been so hard for you to go all through this without me."

I nod my head in agreement. May panibagong luha na naman na tumulo sa aking mga mata nang dahil doon.

Totoong sobrang hirap. Kung hindi dahil sa pamilya at mga kaibigan ko baka ang tagal ko nang sumuko. Baka naging walang kwenta na akong ina kay George dahil mas nagpakain ako sa lungkot sa halip na mas magpakatatag para sa kanya.

Jaxon pulled away from our embrace to wipe my tears away. He gently caressed my cheek using his thumb.

"You will not be alone again, Margaux. I'm here now. We'll raise George together this time."

"I know... so, please don't leave me again, Jax. Hindi ko na talaga kakayanin."

"I promise." He said before he moved his face closer to mine to press a kiss on my lips. "Happy anniversary."

I smiled and pressed another kiss on his lips. Much longer this time.

Kahit na gusto pa namin magtagal doon, naghihintay ang magulang niya sa opisina ni Daddy. Kaya kahit na ang dami pa naming gustong pag-usapan, kinailangan na naming umalis.

Jaxon grabbed my hand as we walk towards my father's office. Sa tuwing may nakakasalubong na sundalo, inaasahan kong mabibigla sila na makita siya ulit pero hindi.

Mukhang alam talaga nila at kami lang ng anak ko ang hindi!

Napanguso ako dahil isusumbat ko talaga 'to kay Jaxon mamaya pero nabigla nalang ako nang salubungin siya ni Mama nang luhaan. Nasa pinto palang kami at hindi pa nakakapasok ay sinalubong na niya agad si Jaxon.

"Jaxon, anak!" salubong niya at sabay napahagulhol.

Napabitaw ako sa kamay niya. Nagulat ako pero agad din namang nakahinga ng maluwag dahil, gaya ko, hindi rin pala nila alam!

So, who the hell knows besides my father? Does Kiel know? He's not here. He's still in Afghanistan so I wonder if he knew...

"Mabuti at ligtas ka! Mabuti at buhay ka!" hindi makapaniwalang sambit ni Mama.

She keeps on caressing Jaxon's cheeks. Parang hirap pa rin paniwalaan na buhay nga siya. Nagkatinginan kami. She smiled at me.

Hinayaan niyang si Papa naman ang sumalubong sa anak. Nilapitan ako ni Mama at tsaka ako niyakap. Sa ilang taon na pagkawala ni Jaxon, siya palagi ang nandiyan para sa amin ni George.

She always makes sure that we're okay. Siya ang naging sandalan ko ng mga panahon na iyon.

Nagpasalamat ang mga magulang ni Jaxon kay Daddy sa lahat ng ginawa niya para masiguro na makabalik agad si Jaxon dito. We all wondered who saved Jaxon from those terrorists.

"A tribe saved us from those terrorists. The leader wanted to thank you, Margaux, for saving his life." Niligon ako ni Jaxon.

My forehead creased. "Huh?"

"He wanted to thank you by saving me. You performed an operation for him and it helped him lived his life longer."

Napakurap ako. A tribe? Malalim kong inisip iyong mga naging karanasan ko noong nasa Afghanistan pa kami. Bigla kong naalala iyong biglang sumulpot na tribo sa barracks. I remember them asking help from us.

Hindi ko akalain na ang pagsuway ko sa utos nila Jaxon noon ay ito ang kahahantungan. Paano pala kung hindi ko tinulungan ang lider nila na iyon? Posibleng tuluyan na nang mamatay si Jaxon!

Damn! Why is the world so good to me? Parang required na tuloy akong magpakabait dahil sa dami ng biyayang binibigay nila sa akin.

Pagkatapos namin sa headquarters ay dumiretso kami sa bahay para ipaalam din sa kanila na buhay si Jaxon. Gio looks surprised. Kahit si Felicity din. I don't know where Dominic is. Nasa labas na naman siguro 'yon at kung saan-saan nagpupunta.

Sabi ni Felicity, si George lang daw ang inaasahan niyang dadalhin ko. Nagulat daw siya nang pati si Jaxon, na akala niya patay na rin, ay nandito. Nakakagulat talaga. Hanggang ngayon, ang hirap pa rin talagang paniwalaan na buhay siya.

It was already night time when Dominic finally went home. Iniwan ko muna si George at Jaxon sa dining para pagbuksan siya ng pinto.

"Where have you been?" salubong ko sa kanya.

"Oh! Nandito pala kayo. Where's George?"

"Nasa dining. Saan ka galing? Uminom ka?"

"Oo, Ate. Teka uhaw na uhaw na talaga ako. Balikan kita pag nakainom na ako."

Sinundan ko siya ng tingin na nagmamadaling nagtungo sa dining. Isasara ko na sana ang pinto nang madinig ko ang pagsigaw niya.

"AHHH!" Dominic screamed.

Natawa agad ako dahil alam kong si Jaxon ang dahilan no'n. He's close to him so I already expected this reaction from him.

Patungo na ako sa dining para samahan ulit ang mag-ama ko nang sinalubong ako ni Dominic. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Nakatingin siya sa akin na para bang nakakita siya ng multo.

His eyes are wide open. Namamawis siya at mukhang takot na takot.

"Ate! Maaaring lasing lang ako pero sigurado akong hindi bukas ang third eye ko!"

I bewilderingly looked at him. "Anong pinagsasabi mo, Dom?"

"Ate! Nakita ko si Kuya Jaxon! Kasama si George!"

"Oh?"

"Anong oh?! Nagpakita si Kuya Jaxon sa akin!"

Hindi ko naiwasang tuluyang matawa sa kanya ngayon. I thought he screamed because he was surprised to see Jaxon. But I did not expect him to actually think that he's seeing a ghost!

Sa sobrang tuwa ay hindi ko napigilan na batukan siya. Agad niyang ininda ang sakit at napahawak sa batok niya.

"Tanga! Hindi ka nakakakita ng multo! Totoong si Jaxon 'yon!" sabi ko habang natatawa parin.

"H-Ha?" aniya sabay baling sa dining kung saan nakatingin na ang mag-ama ko sa amin. Halatang kuryoso sa kung anong nangyayari. "Hindi, Ate! Talagang-"

Hindi ko na siya pinatapos pa at basta nalang siyang hinila patungo sa dining upang kumbinsihin siya na totoo ngang buhay si Jaxon.

"What's happening?" Jaxon asked curiously.

"Sige, ngayon mo sabihin sa akin na multo siya."

Namimilog pa rin ang mga mata ni Dominic habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Jaxon. Jaxon stood up and went near us. Napaatras si Dominic. I chuckled.

Hinila ko siya pabalik sa pwesto niya at hinayaan si Jaxon na makalapit.

"He thinks that you're a ghost." I informed him.

Jaxon laughed. Napailing nalang siya sa kapatid ko.

"Alak lang 'yan, Dom." Sabi niya.

Sa puntong iyon, tuluyan nang hindi napigilan ni Dominic na mapasigaw sa tuwa. Para siyang batang yumakap kay Jaxon. Kulang nalang magpabuhat na rin siya sa kanya.

And because his scream was so loud, my parents thought that something happened. Napasugod sila sa dining at tinanong kung anong problema.

Si Dominic, sa halip na makatakas na sa panenermon ni Daddy dahil sa pag-inom niya, napagalitan pa. That night then ended with us laughing so hard because of him.

I managed to convince Jaxon to go to therapy for the next months. Sobrang nag-aalala lang ako para sa kanya dahil napapadalas ang bangungot niya. Tingin ko ang pagkakadakip sa kanila ang dahilan noon.

Hindi naman ako nahirapan na kumbinsihin siya dahil kahit siya mismo ay willing na magpatingin sa doktor. Now, I'm just really glad that he's been responding really well to his treatments.

Jaxon really did fulfilled his promise to me that he'll always be there for us. Kahit na ayaw kong huminto muna siya sa pagsusundalo, dahil alam kong iyon ang pangarap niya, ay wala akong nagawa nang siya na mismo ang nagsabi sa akin na hihinto muna siya para tutukan si George.

Kitang-kita ko sa kanya ang kagustohang makabawi sa anak namin. Tuwing umuuwi ako galing trabaho, palagi ko silang naaabutan sa play room, nagkukulitan.

He even wanted George to have a grand party during his 4th birthday. Siya ang halos umasikaso ng lahat ng 'yon.

Nang mag-umpisa si George na pumasok ng school, siya palagi ang naghahatid sundo. Siya rin ang nag-aasikaso rito tuwing umaga. If I'm still at work, he'll be the one to help George with his assignments.

Pakiramdam ko tuloy minsan mas may alam pa siya sa parenting sa akin kahit na tatlong taon niyang hindi nakasama ang anak. I can't help but admire them from afar while watching them work on George's assignment together.

"Okay, let's try again, George," ani Jaxon habang may inilalapag na papel sa harap nila. "So, what's 1 plus 1?"

"Magellan!" George giggled.

Parehas kaming nagulat ni Jaxon sa naging sagot ng anak. And who the hell freaking taught him that!?

"What, George? Where did you get that?" natatawang tanong ni Jaxon.

Napaangat siya ng tingin sa akin at napangiti nang makita ang hindi makapaniwala kong reaksyon.

"From Tito Dominic! Then Tito Benjamin told me that two plus two is Lapu-Lapu. Then Tito Gio told me that three plus three is Christmas tree!"

Napasapo ako ng noo. Kawawang bata. Nauto pa nga ng mga wala niyang kwentang Tito! Naku! Lagot talaga ang mga 'yon sa akin pag nagkita ulit kami at sesermonan ko sila dahil kung ano-ano ang tinuturo nila sa anak ko!

Inalis ko ang pagkakasandal sa sarili at lumapit sa kanila. I pulled a chair beside George.

"No, George. Don't believe your uncles. They're just messing up with you."

"But they said that I will get a perfect score if I answer those."

Walang hiyang mga kapatid at pinsan talaga! Ang sarap pagbabatukan ngayon! Palibhasa mga wala pang anak kaya hindi alam ang pakiramdam.

I smiled apologetically at Jaxon who's looking unbelievably at our son. Umiling akong muli.

Jaxon and I tried to teach him the real answers for those equations even if those ridiculous answers are already imposed in his mind. I think he needs to stop hanging out with his Tito Dominic. Mas mabuti pang si Felicity nalang ang mag-alaga sa kanya!

Jaxon went back to work years after his return. Hindi rin nagtagal ay napromote siya bilang Lieutenant General pagkatapos bumaba ni Daddy mula sa kanyang pwesto.

Every time he goes to war, I just keep on praying for his return. I don't want what happened before to happen again. Lalo na't nasanay na si George na narito siya palagi.

He'll cry every time he's leaving and he'll only calm down whenever I'll tell him that his Daddy will to go work for us. Mabuti at maintindihin 'tong anak namin dahil kung magtantrums siya, baka mas lalong mahirapang umalis si Jaxon.

Sa dami nang nangyari, I just found myself watching everyone in my family settling down. Mas lalo kong narealize na tumatanda na talaga kami nang magkaboyfriend na si Felicity!

Ewan ko kung narealize rin ni Jaxon iyon dahil ang loko, hindi nakapagpigil at iyan! Binuntis ako ng magkasunod na taon!

Unlike the first time, Jaxon was with me all throughout. Nang ipanganak ko ang dalawa pa naming anak, kasama ko siya palagi sa delivery room upang bigyan ako ng lakas at suporta.

Hindi ko makakalimutan iyong itsura niya noong lumabas si Jace at mahawakan niya ito. I saw genuine happiness in his eyes. Hindi ko rin makalimutan iyong pagpatak ng luha niya. I know that was an emotional moment in his life because he wasn't able to do that when I gave birth to George.

Perp mabuti nalang talaga at ang bait-bait ng mundo sa amin. Hindi na niya binawi pa ulit si Jaxon sa akin at hinayaan akong makasama pa siya ng matagal habang sabay naming pinapalaki ang mga anak namin.

Halos mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa baywang ko. I turn to him as he rests his chin on my shoulder. I smiled and leaned in to him.

Sabay naming pinanood ang mga anak na naglalaro sa hardin. Even if George is busy doing his assignments, he's still keeping an eye to his siblings to make sure that no one gets hurt while they're playing.

Nahuhuli ko pa minsan na pinapagalitan niya ang dalawa tuwing hindi ito nagkakasundo. I'm just so proud of Jaxon and I for raising George to become the responsible son that he is now. Alam kong kaya rin namin na palakihin ang dalawa pang anak na ganoon.

"I love you so much, Margaux." Jaxon whispered.

I pouted and turn to him again. "Why so sudden?"

Jaxon smirked. "Nothing. I just want to let you know that. I don't think I'm able to remind you of my love these past few weeks."

I rolled my eyes. I reached for his cheek and caressed it gently. He smiled at me before he kissed my temple.

Hindi niya naman kailangang ipaalala palagi sa akin dahil ramdam ko. Through the simplest things that he does for us, I know. Tingin niya palang alam kong mahal na mahal niya kami.

And if his love is all I have in this life... I think that would be enough for the rest of time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top