Chapter Twenty-One

Song: Best Part- Daniel Ceasar ft. H.E.R

Crazy

Hindi nagtagal ang halik na iyon. I was just aiming for a peck on his lips, really. Wala rin namang ginawa si Jaxon kaya itinigil ko na.

Hindi siya nagulat sa ginawa ko pero hindi rin naman agad nakabawi. He only tightened his hold on me.

I was breathing hard when I parted from the kiss. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata. I bit my lower lip and thought about apologizing.

Wala siyang sinabi. Nanatili lang siyang tahimik kaya inisip ko na baka labag sa loob niya ang ginawa ko. Well, maybe he just doesn't feel the same.

He didn't kiss me back. I fixed my composure and tried to push him away.

It's fine. Pinagbigyan ko lang naman ang sarili ko. Ngayon alam ko na. Mas may dahilan na akong hindi na ipagpatuloy pa itong nararamdaman ko sa kanya.

Mahirap nang mangyari ulit ito.

"I am so sorry..." I whispered.

Dalawa ang ibig sabihin ng sorry na iyon. Una, dahil sa ginawa kong hindi pagsasabi sa kanya na nandito ako. Ilang beses niyang sinasabi sa akin na sa tuwing gusto kong pumunta rito, I should make sure to tell him. Pero ano ang ginawa ko? Sinuway ko siya.

Pangalawa, dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Pinagbigyan ko lang ang sarili ko. Pinagbigyan ko lang ang puso ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tiningnan ko na ata ang lahat nang nandito maliban sa mga mata niya. Ramdam kong titig na titig siya sa akin. Hindi niya pa rin ako binibitawan kahit na nagbibigay na ako ng rason para alisin na niya ang pagkakakapit sa akin.

Sinubukan ko siya muling itulak. He didn't budge and just stayed in his position.

"Can you—" I was cut off when he finally spoke.

"Is that your way of saying sorry huh?"

Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya pabalik. His intense stare is making me feel so many things. It's making my heart pound faster. Hindi ako makasagot.

No, it is not my way of saying sorry to anyone...sa 'yo lang ata ako magso-sorry nang ganito.

Saglit na naging tahimik ang paligid hanggang sa nagsalita siyang muli.

"I'm afraid I'll let you commit mistakes all the time."

Nagugulohan ko siyang tiningnan. Bumuka ang bibig ko para magtanong kung anong ibig niyang sabihin doon pero naunahan niya ako.

He grabbed my jaw using only his one hand, then pressed his lips back to mine. Nagulat ako sa ginawa niya.

He's...kissing me. That only means one thing.

I started kissing him back. Hindi ko akalain na sa pamamagitan nito, makakadama ako ng labis na kasiyahan. It was just a kiss, but it gave me the kind of emotion I haven't known before.

Mas lumalim ang halik niya sa akin. He inserted his tongue, and I gladly let him. He kissed me harder, like he was waiting for this kiss to happen for such a long time.

Inagat ko ang kamay ko para mahawakan siya sa pisngi. I pressed myself to him. I felt him smirk in-between the kiss. He bit my lip before parting from the kiss. I was breathing really hard when we finished.

I licked my lips. Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, mukhang gusto pang umisa pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.

Do it, Jaxon. I don't mind. I don't really mind.

Umahon kami mula sa tubig pagkatapos noon. Hinayaan niya muna akong makapagpalit bago bumaba. Nakalimutan kong may trabaho pa nga pala kami ngayon. That kiss made us too preoccupied to think about work.

Tinulungan niya akong makababa sa mababatong daanan. Magkahawak ang kamay namin nang bumaba kami galing ng bundok. Walang tao nang tuluyan kaming makababa.

We still haven't talked about what happened. But maybe he wanted to gather his thoughts first before anything else. I want to do that, too.

Kinuha ko naman sa kanya ang bag ko. Hindi ko pa rin inaalis ang kamay kong nakahawak sa kanya. Humarap ako at nginitian siya.

"Thanks."

"Where are you going after work?" he asked. Mas lalo namang lumaki ang ngiti ko ngayon.

"I'll be in the dining area...for dinner." tiningala ko siya para matingnan siya sa mata. Marahan naman siyang tumango.

"Okay. I'll see you there."

Tumango rin ako. We stayed quiet for a while. It was awkward because I know we both wanted to address the elephant in the room, but I guess it isn't the right time yet.

Sabi ko pipigilan ko ang sarili ko 'di ba? Binabawi ko na iyon. I will not stop myself now. Especially when we're like this. Especially when I feel like he feels the same.

"No," pagbawi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Have dinner with me."

Unti-unti akong napangiti sa sinabi niya.

"Okay. Sure! I'll see you."

Nakita ko namang bumaba muli ang tingin niya sa labi ko. I smirked. He looks around to check if there's anyone watching. I chuckled a little.

He really has the most beautiful features a man could ever have. Hindi ko maiwasang tingnan siya. Nanatili akong nakangiti sa kanya nang humarap siya sa akin.

"Nobody is here." sabi ko.

Jaxon scoffed and nod his head. He slid his hand on my neck and pulled me towards him. Inantisipa ko na ang gagawin niya kaya nang inilapat niyang muli ang labi sa akin ay agad ko siyang pinagbigyan.

Oh, Jaxon...you have my heart now.

Pagkapasok ko sa loob ng medical room ay agad na lumapit sa akin si Erin at Ethan.

"Where have you been?"

"Saan ka po galing, doc?"

Sabay nilang tinanong. Napaatras naman ako. Parang kanina pa nila hinihintay ang pagdating ko.

"Diyan lang," sagot ko sabay dumiretso na sa pwesto ko.

"Diyan lang?" Nagugulohang tanong ni Ethan. Nakasunod pa rin silang dalawa sa akin. "E, bakit ngayon ka lang?"

"May inayos lang ako."

"Like what?" kuryoso niyang tanong.

Like kissing Jaxon. Napangiti ako sa naisip. Of course, I won't tell him that! That's only between Jaxon and I.

"That's none of your business." sagot ko. Ngumiwi siya at umalis na lang kahit na gulong-gulo pa rin sa akin.

Buong magdamag ay hinintay kong matapos na ang araw. Buong araw rin ata akong nakangiti. Kaya siguro ang weird na ng tingin ng mga kasama ko sa akin. Dahil kahit wala naman dapat ikangiti, nakangiti ako.

Ugh! Is this what happens when you're in love? Ilang taon na ang lumipas simula nang maramdaman kong muli ito. It kind of feels foreign to me now.

Gusto ko nang mag-gabi! I couldn't wait any longer!

Kausap ko ang tatay ni Andrew ngayon. He's here for a check up. Ilang gabi na raw kasi sumasakit ang dibdib niya. I ran some labs and everything is normal. Maayos na rin ang kanyang paa. Nakakalakad na siya nang maayos.

I gave him some medications. Inilista ko 'yon sa isang papel at sinabi kong makakakuha siya ng gamot sa kung nasaan si Erin ngayon.

"Make sure to drink the medicines twice a day and I'd like you to come back on-" naputol ang sasabihin ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng medical room.

Agad akong napalingon doon. Pumasok ang mga sundalo habang dala ang mga gamot na kailangan namin. One of the soldiers who entered was Jaxon.

Agad na tumama ang tingin niya sa akin. Patago akong ngumiti. Hinarap ko muli ang tatay ni Andrew nang hindi parin naaalis ang ngiti sa aking labi. Nakita ko ang pagdaan ni Jaxon sa aking gilid. Patago ko siyang sinundan ng tingin at pilit na itinatago ang ngiti.

Mukha na siguro akong baliw ngayon. I watched him from the corner of my eye. Inilapag niya ang isang kahon sa counter kung nasaan si Erin. Hindi rin naman sila nagtagal at umalis na. Tumingin muna siya sa akin. I noticed how he pursed his lips to stop himself from smiling.

Geez! Bakit biglang ang harot namin simula nang maghalikan kami kanina?

"When should I come back, Doctor?" kung hindi pa tatanungin ng tatay ni Andrew iyon ay hindi ko maaalala na naputol nga pala ang dapat kong sabihin sa kanya kanina.

"O-oh! S-Sunday. You should come back on Sunday." tumango siya. Nahihiya akong tumawa.

My god, Margaux! Nandiyan lang si Jaxon kanina bigla ka nang nawala agad sa sarili mo. Nababaliw ka na talaga!

Inabot ko sa tatay ni Andrew ang reseta. Pinanood ko siya habang tinutupi niya iyon. Habang pinapanood siya ay mabilis na lumipad ang isip ko kay Jaxon. I pressed my lips into a thin line to hide my smile. I blinked to bring myself back into the reality.

"So... Sunday." sabi ko at hinintay siyang umalis.

I couldn't hide my smile anymore. This is too much! Umiling na lang ako at tumanggap muli ng isa pang pasyente.

Mabuti naman at mabilis na natapos ang araw. Mabilis kong inayos ang gamit ko at dali-daling lumabas ng medical room.

I was expecting Jaxon to wait outside the medical room for me. Pero na-disappoint lang ako nang hindi ko nakita ni anino man lang niya sa labas. Siguro roon na lang kami magkikita sa dining area.

Maglalakad na sana ako patungo roon nang biglang may humila sa akin papunta sa likurang bahagi ng medical room. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan 'yon.

Ngunit nang isandal niya ako sa pader at nang inilapat ang labi sa akin ay alam ko na agad kung sino iyon. He grabbed both of my cheeks and pressed a long kiss on my lips. Napangiti ako. Jaxon tucked a strand behind my ear when he pulled away from the kiss.

"Hi," I greeted him sweetly. I can't believe I'm using this tone to him.

"Hi." tipid niyang sagot pero nakita ko ang paglandas ng maliit na ngiti sa kanyang labi. "You couldn't stop smiling at me a while ago."

So, he noticed!

"I couldn't help it."

Ako naman ang lumapit ngayon para bigyan siyang muli ng halik. I tiptoed and reached for his lips again. Bumaba ang kamay niya sa aking baywang at ipinirmi iyon doon.

"I'm hungry." sabi ko nang tumigil ako sa paghalik sa kanya.

"Hindi ka pa busog dito?" he said, pertaining to his lips. Umirap ako at natawa. "I'm just kidding. Let's go eat then."

Tumango ako at saka kinuha ang kamay niya. Napatigil lang ako nang hindi siya nagpadala sa hila ko. I gave him a questioning look.

"They will see us." aniya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya mabilis din akong napabitaw sa kanya.

"O-oh..." I mumbled.

I understand. Takot lang siya kagaya ko na makita kaming ganito. Ano na lang din ang sasabihin ng iba kapag makita nila kami na magkahawak ng kamay? I'm sure news will spread rapidly and it will reach my father in no time.

It's better to keep it a secret muna. Hindi ko man alam kung anong meron kami ngayon, pero sa tingin ko na mas mabuti ngang itago na muna namin ito.

Jaxon and I walked together but we didn't held hands. There are people who gave us looks pero sa tingin ko ay iniisip lang nila na magkasama kami dahil sa utos ni Daddy. The dining area is surprisingly packed today.

Sabay-sabay kumakain ang lahat. Nakita ko rin si Kiel na kasama ang mga kaibigan. Nang makita kami ay tinanguan niya lang kami at nagpatuloy sa pakikipagtawanan sa mga kasama. My forehead creased. Pero isinantabi ko iyon nang makahanap si Jaxon ng upuan.

Mukhang may pag-uusapan lang kami sa ganitong pwesto. We always do that whenever I need to report to him about the conditions of the civilians here. Siya kasi ang nagdidirekta ng reports kay dad. Kaya siguro normal na para sa iba na makita kaming magkasama.

I get my usual food. He did the same. Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain. I felt his foot moved under the table. Kuryoso akong napatingin sa kanya.

Naramdaman ko naman na inipit niya ang kanyang paa sa magkabilang gilid ng aking upuan. I gave him a weird look.

"What are you doing?" Tanong ko.

Sa halip na sumagot ay naramdaman ko ang paglapit ng silya ko sa lamesa. I squealed. Sinadya ko kasing ilayo ang sarili ko dahil mahirap na. Pero siya, walang kahirap-hirap niyang itinulak ako palapit sa lamesa gamit ang paa niya na para bang hindi sapat itong layo namin sa isa't isa.

When he felt satisfied with the position, he finally sat up straight.

"What was that?" I asked. He only shrugged and continued eating like it was nothing.

"You're too far," he whispered.

Napangisi ako nang 'di oras. I didn't know he's that clingy!

Nang matapos kami ay sumama na muna ako sa kanila Ethan. They're apparently planning on something.

"Hindi. Sa last day na natin ulitin ang inuman," Tracy suggested.

"She's right. Our last day here is worth celebrating." Si Ethan na mukhang excited na.

Lumapit ako sa kanila at sabay humalukipkip. Ethan felt my presence; that's why he turned to me.

"Oh, Margaux! Just in time." He wrapped his arm around my shoulder and leaned on to whisper something. "Done spending time with your lovey-dovey?" Pang-aasar niya. I hit him playfully. I gave him a warning look.

Kapag talaga kami nahuli ni Jaxon nang 'di oras alam ko na agad kung sino ang may kasalanan.

"We only have one month left here, kaya sulitin na natin." Si Rico na mukhang dismayado sa sinasabi.

"A month?!" Nagulat kong tanong.

Hindi ko alam na iisang buwan na lang ang natitira para sa amin dito. Dad didn't tell me. I wonder if Jaxon knows about this. Kasi kung oo, he should've told me. How could I maximize my remaining time with him here?

Wala na akong ideya kung makakapagkita pa kami pagkatapos nito. I wonder if we'll ever continue what we had here back in the Philippines? Kaya ba namin harapin si Daddy at sabihin ang kung ano ang namamagitan sa amin?

Wow! I can't believe I'm too far ahead now. Ni wala pa nga kaming label tapos iyon na agad ang inisiip ko?

"Yes, Margaux. Isang buwan na lang at uuwi na tayo!" Masayang pagkakabanggit ni Ethan. Halatang gustong-gusto na niyang umuwi.

"Oh! I didn't know we only have a month left."

"Nagulat nga rin kami kanina, doc. Akala namin aabutin tayo ng isang taon dito. Buti na lang at sampung buwan lang." Sabi ni Erin.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko napansin na nakakasiyam na buwan na kami rito.

"That's why we have to start planning now. I'm sure the soldiers will let us throw a simple party. Tutal last day na naman natin iyon." suggestion muli ni Ethan.

Nang matapos sila sa pagpaplano ay dumiretso na ako sa kuwarto ko. Hindi ko na nakita si Jaxon pagkatapos naming kumain ng hapunan. Maybe he had some things to do.

When I opened my door, I was surprised to see another letter on the floor. Alam ko na agad kung kanino galing ito.

I suppose you got in safe because you're already reading this letter.

Good night, beautiful. I'll see you tomorrow.

-J

I bit my lip to stop myself from smiling. I held the letter tightly to my chest and covered my mouth with my palm so I could scream.

I felt giddy inside! Gosh! Feeling ko tuloy nagbabalik teenager ako.

Tinago ko agad ang kanyang sulat sa aking drawer. I slapped myself a lot of times because I couldn't stop myself from screaming.

"Okay, Margaux. Baliw ka na talaga," I told myself.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top