Chapter Twelve
Song: The A Team-Birdy (Cover)
Difference
Pagkababa namin ay agad akong sinalubong ng team. Some were relieved to see me alive and some are still shocked about what happened.
Agad akong dinaluhan ni Ethan. Sinamaan ko siya ng tingin habang papalapit siya sa akin.
"Oh my god, Margaux! Thank God, you're alive! Sorry, kasi—"
I cut him off by hitting him on his chest. Nakaka-frustrate ang isang 'to! He should've informed me, na may plano man lang siyang tumakas na sa oras na iyon!
"Oo! Thank God talaga at buhay pa ako kasi kung hindi, mumultohin kita hanggang sa mamatay ka sa konsensya! Goodness, Ethan! Hindi mo alam kung gaano ako katakot ng oras na 'yon! Paano kung hindi ako makabalik ha? Ano sasabihin mo kay Daddy?" Sigaw ko sa kanya dahil sobrang na-frustrate talaga ako sa ginawa niya.
What a fucking traitor! Pagkatapos makipag-ayos sa akin, iiwan din pala ako sa ere sa oras ng peligro?!
"I'm sorry! There is no way I could ask for help! Iniisip ko lang din kung paano ko ililigtas ang sarili ko. I couldn't think straight! Takot lang din ako."
"E, paano ako ha? Hahayaan mo akong mamatay? Bwisit ka rin, e. Pagkatapos mo akong ayain! Handa rin naman akong tumakbo kung sinabi mo lang!" inirapan ko siya.
Magsasalita pa sana siya ngunit napunta ang atensyon niya sa taong nasa likod ko. Nagulat siya nang makita ito. I know he was looking at Jaxon behind me.
"You saved her?" Tanong Nito.
Hindi ko narinig na sumagot si Jaxon, pero naramdaman ko ang pagkibo niya. Maybe he nodded at him.
"We'll just talk later, Ethan." Sabi ko at saka nilagpasan silang lahat doon. Dumiretso ako sa barracks para magpahinga at para mawala rin 'tong takot na nararamdaman ko.
Paano kung mangyari pa 'to ulit? Hindi lang sa akin kung hindi sa mga taong nandito? Paano kung matunton nila ang barracks namin? The soldiers should do something right away!
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko si Jaxon.
Bakit niya pa ako sinundan? He should give orders to his soldiers now!
"Margaux..."
I sighed and stopped myself from opening my room. Dahan-dahan ko siyang hinarap.
"Can we—"
"I'll call my father now para sabihin sa kanya ang nangyari." Pagputol ko sa sasabihin niya.
"There's no need to call your father. Ako na ang magsasabi sa kanya."
Umiling ako at hindi siya hinayaan sa gusto niyang gawin. Ako ang may kasalanan. Ako rin ang dapat magpaliwanag.
"Ako na. At isa pa...ayaw kong ikaw pa ang mapagalitan nang dahil sa akin. You've already done so much. Mas mabuti pang sabihan mo na ang ibang sundalo mo na umaksyon na bago pa mangyari 'to ulit."
Sa tingin ko ay gusto niya pang mag-salita. Pero agad din naman siyang tumango. Sa halip na umalis na sa harap ko ay hindi siya gumalaw.
"You may go now, Jaxon. Tatawagan ko na si Daddy."
His mouth parted. Mukhang may gusto talaga siyang sabihin ngunit hindi niya lang alam paano sisimulan.
"Just... call me if you need anything. I'll be in my office."
Hindi na ako sumagot pa at tumango na lamang. Hinintay ko siyang makalayo bago ko binuksan ang kuwarto ko at nahiga na sa kama.
Naghilamos at naglinis muna ako bago ko tawagan si Daddy. Sobrang kinakabahan ako habang nari-ring ang telepono. Paano ko sisimulan ang sasabihin ko?
After its third ring, sumagot siya. Napaayos ako ng upo kahit 'di naman kailangan. Feeling ko kasi kausap ko siya nang harap-harapan.
"Margaux, what made you call?" Tanong Nito.
Natameme ako saglit. Hindi ko alam paano ko uumpisahan sabihin ang nangyari. Dapat pala talaga si Jaxon na ang hinayaan kong magsabi baka kasi mas alam niya kung paano sisimulan. Pero pag hinayaan ko naman siyang gawin 'yon...may chance na siya ang pagalitan ni Daddy. Ayaw kong may sumasalo pa sa mga kasalanan ko.
Kung sino ang may sala, siya ang malalagot. Kabilinbilinan din kasi ni Daddy na 'wag akong pupunta sa kahit saan kapag wala akong kasamang sundalo. Tapos susuwayin ko 'yong utos niya? Magagalit talaga 'to!
"Margaux?" My dad spoke again, Nang hindi pa rin ako nag sasalita.
"Uh-uhm...dad?" I bit my lip. Iniisip kung paano sasabihin sa kanya ang nangyari.
"Yes?" he sounds really calm. Tapos pag nalaman niya ang nangyari baka magbago ang tono ng pananalita niya.
"Something...happened."
"Ano iyon?" his tone changed. Parang galit ito na nag-aalala. Nagsimula na rin akong kabahan. Pero mas mabuti na rin 'to.
At least mapapagsabihan niya lang ako. Hindi niya ako masasaktan gaya ng dati. I took a deep breath and started to tell him what happened.
"What?!" nagulat ako sa biglaang pagtaas niya ng boses.
"I'm sorry, Dad. Inaya lang kasi ako at—"
"Sinasabi ko na nga ba, Mari Gauxiena! Kabilinbilinan ko pa naman sa 'yo na 'wag kang aalis nang wala kang kasamang sundalo o kapag 'di mo kasama si Captain Ventura! Paano na lang kung nasaktan ka ng isang 'yon ha? Hindi ka pa man din marunong lumaban! You're such a hard-headed woman! Ang tanda mo na para pagsabihan ka pa!"
I was surprised when he already knew what happened. Did someone report it to him before I did? Si Jaxon ba? Pero...akala ko ba hahayaan niya na ako ang magsabi?
"Dad, I'm sorry...hindi na po mauulit..." I almost whispered.
"Siguraduhin mo lang! Dahil sa oras na malaman kong nangyari ulit 'yan... hindi ako magdadalawang isip na pabalikin ka rito. Wala akong pakealam kung hindi pa tapos 'yang misyon n'yo na 'yan! Napakatigas ng ulo mo! I will talk to Ethan at pagsasabihan ko 'yang kaibigan mo."
"Okay..."
I blinked. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil may nauna nang magsabi kay Daddy tungkol sa nangyari. Paano ko pa maipapaliwanag ang sarili ko?
Hindi ko sinabi sa kanya ang ginawa ni Ethan. Ayaw kong mas magalit pa siya lalo at sigurado rin akong magagalit din 'yon kay Ethan. Or worse, kausapin niya pa ang magulang nito. Mabilis umaksyon si Daddy pagdating sa mga ganito.
I ended the call. Humiga ako sa kama at nagpakawala ng malalim na hininga.
Mas maayos na rin ito. To get a handful of words from him through a call is much better than receiving it in person.
Ilang oras akong nanatili sa kuwarto bago ko napagdesisyonan na lumabas. Gabi na ng mga oras na iyon. Nagulat na lang ako nang makita ko si Kiel sa harap ng pinto ng kuwarto ko. Parang kanina pa siya naghihintay rito. Napaayos siya ng tayo nang makita akong lumabas ng pinto.
"Doktora..." he started. Nagtataka pa ako no'ng una kung anong ginagawa niya rito, pero agad ko ring naalala ang dahilan kung bakit.
The dinner!
"Oh, sh*t! I'm sorry I forgot about the dinner." Sabi ko. He chuckled.
Tototo ngang nakalimutan ko. Sobrang clouded lang talaga ng utak ko dahil sa nangyari kanina.
"It's okay. I heard about what happened. I'm glad you're okay."
Tipid akong ngumiti sa kanya. Sabay kaming naglakad palabas ng barracks.
"My offer still stands, though." Napalingon ako sa kanya. He smirked at me. "Kahit hindi na sa barracks. Alam kong nag-aalala ka na puro lalaki ang nandoon. Kahit dito na lang."
Tumigil kami sa tapat ng mga lamesa. Dito kami madalas kumain. Masasarap ang mga hinahandang pagkain dito. It's so unusual to see this area empty. Tapos na bang kumain ang lahat?
Tumango ako at umupo na. He sat in front of me, then he smiled. Sakto at gutom na rin ako.
"Shall we get our food now?" I asked. Umiling naman siya. My forehead creased.
"I've prepared something."
Tinaas niya ang kamay niya at may kung sinong tinawag. Napalingon ako roon. Dalawang sundalo ang paparating at may dala-dalang basket. Hula ko ay puro ito pagkain na inihanda niya. Binaba nila ang basket at saka sumaludo kay Kiel. He saluted back.
"Good evening, First Lieutenant. Ito na po ang inuutos ninyo." Bati ng isa kay Kiel. Bumaling naman sila sa akin at saka bumati rin. Ngumiti ako sa kanila.
"Sige. Ako na ang bahala rito. Maraming salamat."
Inayos naman ni Kiel at inilapag sa lamesa ang laman ng basket. Ngumuso ako habang pinapanood siyang mag-ayos. Talaga ngang pinaghandaan niya ang isang 'to. Hindi lamang isang putahe ang meron dito kung hindi iba't ibang putahe rin.
"You really prepared for this, huh?" Sabi Ko.
"Of course! Hindi ko kasi akalain na 'yung hinahangaan ko lang dati, siya pa 'yong magliligtas ng buhay ko ngayon."
Kunot noo ko siyang tiningnan. What does he mean by that?
"It's every doctor's job to save lives." Sabi Ko.
"I know, but I'm just grateful that out of all the doctors here, you were the one who saved my life."
Inilapag niya sa harap ko ang pagkain. I don't what is this called pero mukhang masarap naman.
"Eat, doktora. Ako ang nagluto niyan."
Tumango ako at inabot na ang kubyertos. Tinusok ko ang karne at dinala ito sa bibig ko. My eyes widened when I tasted it.
"You're a really good cook!" sabi ko at sabay kuha muli ng karne. Pinanood niya lang ako habang kumakain. "Kumain ka rin!"
Umiling siya. "I'm full. Saka mas nag-eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon."
Mas nag-e-enjoy siyang tingnan ako habang kumakain? 'Yun ba ang ibig niyang sabihin? Akala ko si Ethan na ang pinaka-weird sa lahat, hindi pa pala. Ito ring si Kiel weird din,. Siguro kung ibang babae 'to... namatay na sa kilig 'yon.
"How old are you, dok?" biglaan niyang tinanong. He rested his chin on his palm at nagpatuloy lang sa pag-tingin sa akin.
"I'm twenty-eight years old."
Saglit akong nag-angat ng tingin sa kanya at agad ko rin namang iniwas 'to hindi dahil naiilang ako, kung hindi dahil nawe-weirdo-han ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Ikaw ba?"
"I'm also twenty-eight."
Nagulat ako nang magkaedad lang pala kami.
"So, four years pala ang agwat sa 'yo ng kuya mo." Sabi ko at inayos naman nito ang kanyang pagkakaupo. Sumandal siya sa kanyang upuan pero panay pa rin ang titig sa akin. Para bang tinatansya ako.
"Yeah..."
"Your kuya's cold-hearted, 'no?"
Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi 'yon. Sobrang nabo-bother lang din kasi talaga ako sa personality ng kapatid niya. I don't see him smile. Tapos sobrang seryoso niya. And when someone gives an order to him, he will do it very seriously.
He's totally the opposite of his younger brother.
"Yeah...but he's the kindest person I've ever known."
Ngumuso ako. Bigla tuloy akong naging interesado sa topic.
Kind? Really? E, parang ang sungit-sungit nga ng kuya niya!
"Hindi halata..." tumawa ako.
"He doesn't want to show it to people, I guess? He wants people to see him as a very mysterious person."
Ah! Kaya pala...
"He's done so many things for me. Every time I ask him of something, he will immediately give it to me without hesitation. Kahit na alam kong mahirap para sa kanya."
"It's a good thing to know that he's not selfish."
Sumangayon naman siya sa sinabi ko. Mahaba haba pa ang naging kwentuhan namin hanggang sa lumalim na ang gabi. Tinulungan ko siyang magligpit at hinatid niya naman ako sa barracks namin pagkatapos.
"Thank you for the dinner, Kiel." I smiled at him, and he smiled back.
"I hope this won't be the last time, Doktora."
Tumango ako at nagpaalam na. Kinaumagahan ay nakita ko si Kiel sa pwesto naming mga doktor. Hindi pa rin siya puwedeng sumama sa ibang sundalo sa critical area dahil pinapagaling pa rin niya ang kanyang mga sugat.
He greeted me when he saw me. I greeted him back. Kahit ang iba niyang kasamahan ay ganoon din ang ginawa. Nilagpasan ko sila at nagpunta roon sa team.
Inayos naman namin ang mga inventory ng gamot at kagamitan. Inilista rin namin ang mga supplies na kulang kami. We gave it to the soldier in charge. May pinupuntahan sila rito at doon nila kinukuha ang mga gamot at ibang supplies.
Hindi ko nakita si Jaxon buong araw. I bet he's at the critical area again. Kami namang mga doktor, may schedule kung kailan kami pupunta roon at kung kailan hindi.
Tinapos ko na rin ang paper works na kailangan gawin. Nag-gamot na rin ako ng Ibang civilians at Ibang sundalo. I gotta say that today is indeed such a busy day.
Gabi na nang makita kong nakabalik na ang truck nila Jaxon. Whenever we are not with them, truck ang dala nila. At kapag kasama naman kami, kotse ang gamit nila. Sa tingin ko nga iniisip na ng ibang sundalo rito na may special treatment kaming mga doktor,.
Agad na nagsilapitan ang mga sundalo sa truck nila Jaxon. Nakita ko rin ang pagbaba niya galing doon. He's wearing his complete uniform. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang nag-suot nito. Ang madalas niya kasing suot ay puting t-shirt tapos 'yong military pants nila at combat boots.
"Ikaw, doktora, ha? Tinititigan mo si Captain."
Nagulat ako sa biglaang pagdating ni Erin sa gilid ko. I immediately glared at her at inalis na ang tingin sa mga sundalong kakadating lang.
"Tss. Napatingin lang."
Erin teasingly smirked at me. I rolled my eyes at her.
Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang ginagawa ni Jaxon. He formed his platoon and informed them about some things. Hindi ko naiwasang mapalingon muli. Kahit na may sinasabi siya sa mga kasamahan niya ay nahagip niya pa rin ang tingin ko. I immediately looked away, ashamed that he saw me staring.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamot at gamit na kakarating lang. Tinulungan ako nila Tracy at Erin sa pag-aayos. Agad din namin natapos ang ginagawa. Naiwan ako roon dahil may kailangan pa akong ayusin.
Nakita ko rin naman ang pagtapos ng formation ng platoon niya. He's now talking to someone. 'Yong lagi niyang kasama. Hinubad niya ang kanyang uniporme. My mouth immediately parted to see a deep cut on his abdomen. His white shirt is now stained with his blood.
Lumapit ako sa kanila pero agad ring tumigil nang magsalita ang sundalong kasama niya.
"Kailangan mo na 'yang ipa-check sa mga doktor, Captain."
"It's okay, Axel. I can manage."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Alam niya ba kung paano tahiin ang sugat niya? That one's deep! Kailan ma-check nang maigi. Napailing ako at hindi na napigilan pa ang sarili na makisali sa usapan nila.
"Come with me, Jaxon. I'll clean up your wound." Sabay silang napabaling sa akin. "Your cut needs stitches. It needs someone who can really do it." I almost whispered the last words.
Tinalikuran ko sila at dumiretso roon sa tent kung nasaan ang mga medical supplies. Lumingon ako para tingnan kung sumunod ba siya sa akin. I sighed when I saw him sit down on one of the medical stools.
Kinuha ko naman ang mga kailangan. I wore some medical gloves and went straight to him.
"May I see your wound?" Tanong ko.
He brought his shirt up to show me his wound. I gulped when I saw it. Hindi ako nagulat sa sugat niya kung hindi dahil sa kung saan nakapwesto ito.
My goodness, Margaux! Sa abs ka pa talaga nabother!
Cleaning it would mean that I would get to touch his abs. I don't need my thoughts to distract me while I clean up his wound. Oh my freaking gosh!
Hindi ba parang dati lang ay hinihiling mong makita rin siyang mag-jogging nang shirtless? Ngayong nakikita mo na 'yan saka ka natameme? My goodness talaga, Margaux!
Lumuhod ako sa harap niya. Sinundan niya naman ako ng tingin. I cleaned it up first before I proceeded to give him stitches.
"What happened?" Tanong Ko.
Inangat ko naman ang tingin ko sa kanya. Agad kong iniwas ang tingin. Hindi ko ata kayang matagalan ang mga mata niya. I need to focus on my work!
'Wag ka na kasing tumingin! Jusko!
"I got stabbed while fighting."
"You need to be careful now. Buti na lang at walang natamaan sa organs mo kung hindi kailangan pang operahan ka." I looked at him seriously. Hindi nagpapaapekto sa titig niya.
"I'm sorry about the other day, Margaux."
My heart skipped a beat. Dahan-dahan akong tumango.
"It's okay," I whispered. Binalik ko muli ang tingin sa kanyang sugat. "I promise it won't happen again."
"No, it's okay. Puwede ka namang bumalik doon ng kahit anong oras."
I raised a brow. Gusto niya akong pabalikin doon, e, may mga terorista nga roon! Gusto niya bang tuluyan na talaga akong madakip?!
"What do you mean?"
"I told my platoon to look for the terrorists' base around the area. They did it successfully."
"You mean...wala na ang mga terorista roon?" he nodded.
That's a relief. Mabuti at naaksyonan na agad para wala na ring ibang mabiktima pa.
"It's still scary to go there alone, though." Wala sa sarili kong sinabi.
Though I don't really have any plans on coming back to that lagoon yet—hindi pa rin napapanatag ang loob ko para isipin na wala nang mangyayaring masama roon.
"I can come with you," Jaxon offered.
My mouth parted in surprise. Seryoso ba siya riyan?
"Just to make you feel safe." dagdag niya. Napapikit na lang ako dahil sa nararamdaman ko.
Bakit ba sobra kung tumibok 'tong puso sa mga sinasabi niya? Gosh, Margaux! Don't tell me, may gusto ka nga sa kanya?
"Okay," I replied.
Kaunti na lang at matatapos ko na ang ginagawa ko. He watches me carefully while doing it. Ramdam na ramdam ko ang tingin niya, kaya hindi ko na inagat pa ang tingin sa kanya.
"It's done." Tumayo ako nang matapos. Binaba niya naman agad ang kanyang t-shirt.
"Thank you." Aniya at Lumingon sa akin. Tumango na lamang ako bilang tugon.
Aalis na sana ako para ayusin ang mga gamit nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa palapulsuan. Hindi ko inaasahan 'yon kaya nagulat ako doon.
Hindi siya nagsalita agad at nanatili lamang na nakatitig sa akin.
"Let me help," he said. My forehead creased in confusion. "I'll try my best to understand."
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa sinabi niya. I know he's referring to something else. Ang labis ko pang ikinagulat ay sa lahat ng taong nakasama ko na ng matagal, siya pa talaga ang unang nakapansin. Kung sino pa 'yong hindi ko pa kilala nang husto ay siya pa itong mas makakapansin nito.
Kahit na alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin, nagmaang-maangan pa rin ako.
"Kaya ko namang ayusin ang mga medical supplies nang mag-isa." Sabi ko.
Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa palapulsuan ko, pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak dito.
"Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko," he stared at me coldly.
I clenched my jaw. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin sa kanya.
"How did you know?" my voice broke. Tears immediately pooled in my eyes.
I didn't know that knowing someone cares would hurt like this. Siguro dahil nawalan na rin ako ng pag-asa na may magsasabi sa akin ng ganito. Siguro hindi ko inaasahan na sa lahat ng taong nakilala ko, sa kanya pa manggagaling ito.
I'm trying my best to hide it. I'm trying my best to conceal everything, but siya... nakita niya ang lahat ng iyon despite all the efforts that I exerted para itago lang iyon.
"I can see it in your eyes, Margaux."
Naglabas ako ng malalim na hininga dahil sa sinabi niya. Hindi na nakayanan ng sarili ko na pigilan pa ang luha ko. They just fell on their own.
"I just can't imagine what it's like for you. I can't imagine how hard it must be," he continued.
Tumayo siya, pero hindi pa rin ako binibitawan. He wiped my tears away. My breathing hitched. I realized that knowing that someone actually cares can make all the difference.
It feels good to be seen. It feels good to be heard.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top