Chapter Three
Song: City Song- Grace VanderWaal
Rest
Nang makarating kami sa Afghanistan ay nagulat ako sa aking nakita. There are a lot of wounded people. Mapasundalo man o sibilyan. The worst thing is, nasa barracks pa lang kami. Ano pa kaya pag nandoon na kami sa critical area?
I can't help but look at the children whining to their mothers because of pain and hunger. Ang ibang bata ay may mga sugat pang hindi nagagamot.
Hindi ko na napansin pa na sobrang pagod pala ako sa byahe dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko na kailangan pang indahin ang pagod. Kailangan na silang bigyan agad ng atensyon. Pag tumagal pa lalo ang mga sugat nila, magkakaroon ito ng infection, at maari pa silang makakuha ng sakit.
Tumigil ako sa paglalakad para harapin ang mga kasama kong mga doktor at nurses.
"Everyone," Kinuha ko ang atensyon nila. Lahat din sila ay nakatingin sa mga sugatang sundalo at sibilyan. Kung hindi pa ko magsasalita ay hindi sila mananatili lang ang tingin nila roon. "They need our full attention right now. Huwag n'yo munang intindihin ang pagod niyo. They need us. I hope we'll work together."
Tumango sila sa akin at ngumiti. "Yes, doktora."
"I'm leaving you para pumunta doon sa critical area. Kami ang gagamot ng ibang sibilyan doon. Rico, take charge of the team here. Make sure na lahat ay kumikilos."
Tumango si Rico at binigyan ako ng thumbs up. Good thing that everyone that I brought here is willing to make a move. Ang problema lang, takot lang sila pumunta doon sa mga kritikal na lugar.
Hinanap ko si Captain Sungit para sabihin sa kanya na handa na kaming umalis. Nakita ko naman siyang may kausap na iba pang sundalo. Nakakunot ang kanyang noo habang kausap ito.
Ano ba 'yan! Pati ba naman sa sundalo niya nagsusungit siya. Grabe!
He must've noticed that someone's staring at him, kaya napabaling ang tingin niya sa amin ni Ethan. His eyes locked in mine. He dismissed the soldier he was talking to earlier.
Hindi niya parin inaalis ang tingin sa akin. Infairness, magaling 'tong si Captain Sungit sa staring contest ha? Well, he challenged the right girl. Sanay na sanay ako sa ganito kaya hindi ako magpapatinag. I'll wait for him to break our gazes.
Pero ako pa ata ang talo. Naputol ang pagtitinginan namin nang may humawak sa aking balikat. Nilingon ko si Ethan.
"Aren't we going to leave yet?" Tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako at hinarap muli si Captain Sungit pero wala na siya doon. Bilis niya namang mawala! Parang kanina lang nagsstaring contest pa kami ah!
Naglakad ako patungo sa labas nitong barracks. Sobrang daming sundalo ang nandito! Ang iba ay pabalik-balik sa pagdadala ng mga na-rescue na silibyan o 'di kaya ang iba ay dala-dala ang sugatang kasamahan.
Tumabi ako nang may makasalubong kami nagmamadaling mga sundalo. Siguro kung hindi ako tumabi, I'm pretty sure they will knock me down. Sinundan ko naman sila ng tingin at nakita ang ibang mga doktor mula sa ibang lugar na agad na dumalo sa dala nilang pasyente.
I suddenly thought about how difficult it is to work as a soldier. It's their life on the line. Kailangan pa nila na ito ang isakripisyo para lang iligtas ang iba. Habang kami, iligtas na lang ang buhay ng ibang tao ay hindi pa namin magawa minsan.
Nakita ko naman ang ibang sundalo na nakaupo na sa gilid tila ba pagod na pagod sa kanilang ginagawa. Ang iba ay nakatulala lang sa tabi.
Napailing ako. Kung kami ngang mga doktor, nagkakaroon ng emotional breakdown tuwing hindi namin naliligtas ang pasyente namin...ang mga sundalo pa kaya?
Iisipin mo pa lang na dadating din sa punto na kailangan mong isakripisyo ang buhay mo para sa bayan ay parang nakakabaliw na. Paano na lang 'yung naiwan nilang pamilya?
Nakita ko naman si Captain Sungit na may kausap muli na sundalo. This time, iba naman. Minsan iniisip ko, sobrang workaholic siguro netong si Captain Sungit. Parang twenty four seven siyang seryoso sa trabaho.
Nagka-girlfriend na kaya siya? Or meron kaya siyang girlfriend ngayon?
Sa tingin ko kasi, hindi niya masyadong nabibigyan ng atensyon 'yung girlfriend niya kung meron man. Paano ba naman kasi...lagi ata siyang nasa headquarters nila. Tapos ngayon nandito siya sa Afghanistan, nakikipaglaban.
If I were his girlfriend, I would die from worrying about him so much! Lalo na't mukhang hindi siya 'yung type of person na nag-uupdate palagi.
I now wonder how it feels to have a military boyfriend. Kakayanin ko kaya?
Sobrang hanga naman ako kay Mommy para kayanin niya 'yung relasyon nila ni Daddy. Paano nila nagawa 'yun? Feeling ko pag ako ang nasa pwesto nila, hindi ko kakayanin na mawalay sa boyfriend ko kahit ilang saglit lang. I always want to be with someone I love.
Pinuntahan naman kami ng isa sa mga kasamahan ni Captain Sungit para sabihin na aalis na 'yung sasakyan namin papunta doon sa critical area. Kinuha ko na rin ang medical bag ko.
Agad din namang pumasok si Captain Sungit sa sasakyan kung nasaan kami. My mouth parted as I watched him carry the gun. I didn't know that someone could be so hot while carrying a big gun! Imbis na matakot ako sa dala-dala niyang baril ay humanga lang ako sa kanya.
Also, the look on his face only adds up to my attraction to him! I don't really see any job that fits him other than this. Being a soldier already suited him so much! Tamang tama sa kanya ang choice of profession niya.
Gosh, Margaux! Wala pang isang buwan kayong magkakilala pinagpapantasyahan mo na agad 'tong si Captain Sungit! Tsk. Tsk. Tsk.
Tumingin siya sa likod para i-check kung nandito na ba ang lahat. Saglit kaming nagkatinginan. I pressed my lips into a thin line to try and not make it obvious that I was fantasizing about him a moment ago.
I mentally slapped myself dahil sa mga naiisip ko. Oh my god, Margaux! You're here to save people not to drool over this soldier in front of you!
Sabi ko pa naman din sa sarili ko na maging mapili sa mga lalaki. Bakit ngayon natitipuhan ko 'tong sundalong wala man lang emosyon? Aakalain mong kapatid niya si Queen Elsa sa sobrang stoic at cold, e.
"Is this car bulletproof?" I asked.
Walang sumagot sa tanong ko. Oo, Margaux, baka nga bulletproof.
"Hey?" I tried to get their attention.
Nakita ko namang tumingin si Captain Sungit sa akin mula sa rearview mirror. Tinaasan ko siya ng kilay para siya na ang sumagot.
Nagiging friendly lang naman ako ah? Pero nagmumukha akong papansin kasi di nila ako sinasagot!
"Yes. This is bulletproof." Finally! Someone answered.
"Oh... Nice. Malayo ba dito 'yung pupuntahan natin?" I asked again. Wala akong pake kung marindi sila sa mga tanong ko.
I patiently waited for their answer. Ang tagal nilang sumagot! Grabe!
Pero napagtanto ko rin na kaya pala walang sumasagot sa akin na ibang sundalo dito kasi hindi nila ako naintindihan! Most of the soldiers here are foreigners! Sila Ethan at Captain Sungit lang pala nakakaintindi ng tagalog dito.
Pero may chance naman na sumagot si Captain Sungit ah? Bakit di niya sinagot?
"Are we almost there, guys?"
Nilingon ko pa 'yung mga sundalo na nasa likod namin. Lahat sila ay parang alerto sa posibleng mangyari. Napaka-boring naman pala nila kasama noh? Parang walang mae-establish na friendship kung lagi silang ganito.
"The area is a bit far, ma'am. You need to be patient." Sagot ng isang sundalo na foreigner. My mouth parted. Malayo pa pala.
Ang speaking of patience..wala ako no'n.
"Okay... So, how many years have you been serving the country?" Tanong ko ulit. Ethan looked at me weirdly.
"Why are you asking so many questions?" Natatawa niyang tanong.
"Ano bang pakialam mo?" agap ko sa kanya. Inirapan ko siya. Sus! Di naman siya ang tinatanong ko.
'Di naman ako sa kanya nakikipag small talk. Nakakainis! Sumasabat pa, e.
"You know what? Magpahinga ka na lang kaya muna? I'm sure you're tired from all the travelling we did. Come on," he patted his shoulder, sinasabi na doon ko ipatong 'yung ulo ko.
The word "tired" doesn't exist in my vocabulary, kung hindi twenty-four hours ang shift ko. Twelve hours pa lang naman akong gising kaya kayang kaya ko pa. Tiningnan ko lang siya at inirapan.
"Ikaw na lang magpahinga riyan." Sabi ko.
Inalis ko ang atensyon sa kanya at saka tumingin na lang sa labas ng bintana baka sakaling mawala ang boredom ko pag ginawa ko 'yun.
"Okay, then." he replied. Mamaya maya pa ay naramdaman kong pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Agad ko rin namang nilayo ang sarili ko sa kanya.
"What the hell are you doing?" I asked him. Mapangasar niya akong nginitian. He's so embarassing! Hindi lang naman kami ang nakasakay sa kotse na 'to!
"What? You told me to rest. And this is resting." Pinatong niya muli 'yung ulo niya sa balikat ko. Tinulak ko naman 'yun palayo sa akin. "Ouch!"
"Doon! Doon ka mag-rest!" Tinuro ko yung bintana sa banda niya.
He smirked teasingly. I couldn't believe this man! We're in the middle of a freaking war zone and he's trying to flirt with me? Oh, come on!
"Come on, Margaux. Kahit saglit lang." He rested his head again.
Wala na rin akong nagawa kasi ang kulit-kulit niya. Nang masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko ay tinulak ko iyon palayo. Sa balikat ko lang, okay?
I rolled my eyes and sighed. I gave the soldiers an apologetic look because they probably did not sign up for this shit.
Nagawi naman ang tingin ko sa rearview mirror at nakita na nakatingin na sa akin si Captain Sungit na medyo busangot ang mukha. Alam ko namang nakakarindi talaga ako minsan pero 'wag niya naman ipamukha!
Iniwas ko na lang ang tingin ko at napakamot ng ulo. This is too much embarrassment for one day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top