Chapter Thirty-Two

Song: Till The End Of Time- Mariah Carey

Drunk

Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay dumiretso naman ako sa operating room. I opened the glass doors and was surprised to see that it changed so much.

Napangiti ako. I ran my fingers through the upgraded machinery. Ganito na rin ang mga ginagamit namin sa ospital and it's good that we can use it here, too.

Marami rin akong nakitang mga bagong gamot. Kumpleto sila. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagbalik namin dito. I greeted the military doctor in charge. He smiled at me.

"You're back." Aniya. Binalik niya naman muli ang sarili sa pag-susulat. Nakita kong gumagawa siya ng mga medical reports. Pinagpatuloy ko naman ang pag-iikot sa loob ng operating room.

Mas lumaki nga ito at mas gumanda rin.

"That was my reaction, too, when I first saw this operating room." Sabi niya sa akin. Tumawa naman ako.

Nahalata niya siguro na sobrang namamahanga ako sa kung anong nakikita ko ngayon.

"I'm glad that they were able to provide the doctors an operating room like this." Dagdag niya. "I'm just so happy to see that they upgraded the machines."

"Yeah. Some doctors don't know how to use the back-dated machinery before. It's good to have something like this now. Everyone can operate." Sabi ko. Tumango naman siya.

Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Some of my team entered. Nakita ko naman agad ang pagkamangha nila sa nakikita.

"Wow!" ani Rico.

Ngumiti naman ako at nagtungo sakanila. Galak silang ngumiti sa akin nang makita nila akong papalapit sakanila.

"Grabe, doktora! Ang layo ng pinagkaiba nila sa operating room dati! Sobrang ganda ngayon!" masayang binanggit ni Erin.

"And look at those machines! Wow! Hindi ko akalain na magkakaroon tayo ng ganito dito. Akala ko sa ospital ko lang magagamit iyan, e." sabi ni Rico.

Nagsitawanan naman ang lahat. I'm glad everyone likes the new operating room.

"Come on, guys! The soldiers are preparing something for us. Let's go!" Aya ni Ethan.

Sumama naman sakanya ang iba ngunit nagpaiwan ako. I had to visit someone. Tumigil si Ethan sa paglabas nang mapansing hindi ako sumama. He turns to look at me.

"What about you? You coming?"

Ngumiti ako. "I had to visit someone. Mauna na kayo."

"Oh! The kid! Sure, I'll reserve a seat for you." Then he got out of the operating room.

Masaya ako na hindi pinalitan ng mga sundalo ang lugar kung nasaan ang mga sibilyan. Marami akong nakitang bagong mukha. Siguro ito 'yung mga bagong narescue.

Bukas ay simula na ng mission namin. Madalang nalang siguro ako muli makakabisita kay Andrew dahil sobrang rami na naman namin gagawin. Kaya gagawin ko na ang lahat ngayon bago pa ako tambakan ng trabaho.

I walked towards to where I usually see them before. Walang tao roon maliban sa mga bata na hindi naman pamilyar sa akin.

Ang iba ay napalingon sa akin nagtataka kung ano ang ginagawa ko rito. I smiled at the kids at lumapit sakanila para itanong kung may kilala ba silang bata na nagngangalang Andrew.

Umiling ang iba. Bumagsak ang balikat ko dahil may pag-asang hindi ko siya makita ngayon. Someone obviously took their place before. Siguro, sa iba na sila tumatambay ng tropa niya.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo ang isang bata. Lumapit ito sa akin.

"I know Andrew." Aniya. Napangiti naman ako.

"Can you tell me where he is?"

Tumango ako at sinamahan niya ako papunta kung nasaan sila Andrew ngayon.

And there! I saw him with his friends. I smiled.

"Thank you," sabi ko sa batang sumama sa akin.

I headed straight towards them, hindi pa nila ako napapansin. Busy sila sa pagtatawanan.

Sasha's hair has gotten longer. Both Andrew and Tyler look taller now.

I coughed to get their attention. Agad naman silang napabaling sa akin. Their eyes widened.

"Doctor Margaux!" sigaw nila sabay tumalon galing sa inuupuan nila. They ran towards me.

Tumawa naman ako nang yakapin nila ako ng mahigpit. Tama nga ako. The boys have gotten taller now. Napagiwanan na si Sasha.

"You came back!" hindi makapaniwala na sinabi ni Andrew. He's still shocked.

"I told you I'll try, right?" ngumiti siya.

"So, why aren't you at your usual place?" Tanong ko sakanila. Tumawa naman sila.

"We gave them up for the little kids." Ani Tyler.

"And also, we like it here. It's much better here." Si Sasha.

Tumango naman ako. Pinakita nila sa akin ang bagong lugar na pinagtatambayan nila. They designed it on their own. Pinapakitang pagmamayari nila itong pwesto na ito.

"How long are you going to stay here?" tanong ni Andrew sa akin.

"One year." Sagot ko.

Lumapad naman ang ngiti niya.

"But I'm afraid I can't visit you regularly. I have a lot of things to do. I may not have time to visit," they all frowned.

"But if you want to... you can visit me at the medical rooms." Sabi ko para mapagaan naman ang loob nila. They all nodded.

"You like that?"

"Yes!" they shouted.

"We also want to see the inside of the medical rooms. The soldiers won't let us in because they said we don't have any illness." Sabi ni Tyler.

Pinangako ko naman sakanila na makakapasok sila doon basta ba ay nandoon ako. Sinabi ko rin sakanila kung kailan ako wala at kung kailan ako nandidito para alam nila kung kailan sila bibisita sa akin.

Marami silang kinuwento tungkol sa mga nangyari noon. Sabi nila ay marami rin silang naging kaibigan. Pero ang madalas na mag-sama talaga ay silang tatlo.

Gabi na nang bumalik ako. I saw them preparing the foods. Nakita ko naman ang mga sundalo na inangat ang isang case ng beer. Nagulat naman ako sa nakita.

They're letting us drink?!

I smiled at naglakad na patungo sakanila.

Masaya silang nagkukwentuhan nang makalapit ako. There are a lot of foods in front of the table. Mukhang kasalo pa namin ang mga sundalong kumain ngayon.

Inilagay naman nila ang mga beer sa isang bucket.

I sat next to Erin and Ethan. Lumingon naman sa akin si Ethan. Ngumiti ako sakanya and he did the same. Sa sobrang paglingon ni Ethan ay minsan nabobother na ako. Does he need anything?

Akala ko nung una sa akin siya nakatingin, 'yun pala sa iba. Nilingon ko silang dalawa. Si Erin ay masayang nakikinig sa kwento ni Rico habang ito namang si Ethan ay tahimik siyang tinatanaw.

I groaned in frustration. Feeling ko tuloy ako ang humahadlang sa pagmamahalan nilang hindi mabuo. Nilingon ko si Erin.

"Can we switch places?" I asked. Nagulat naman siya.

"Ayaw niyo po bang katabi si Doc Ethan?"

Ngumiwi ako at nag-isip ng pwedeng irason para lang makipagpalit siya ng pwesto sa akin.

"He's annoying me," sabi ko kahit hindi naman. I gave her a puppy eyes para lang pumayag siya.

When she finally gave in, I giggled.

"Thank you."

Nagpalit kami ng pwesto. Nagulat naman si Ethan nang makitang si Erin na ang katabi niya. I swear I saw him blushed!

Goodness! Hindi ko alam na ganito pala kiligin itong si Ethan.

Nakita ko naman ang pagdating ng magkapatid. Tumama agad ang tingin sa akin ni Jaxon. I quickly looked away. They both sat on the farthest corner.

Buti nalang. Hindi ko ata kakayanin kung malapit siya sa akin.

"Good evening, everyone." Bati ni Jaxon sa aming lahat.

"Good evening, Captain." Bati ng iba kong kasama. I'm frozen in place kaya sa pagkain ko nalang itinuon ang pansin ko.

"I hope you like what we have prepared for you. This is a form of welcoming you back." Dagdag niya.

Oh! So, they're the ones who prepared for this?

Nakakapagtaka naman dahil dati hindi naman nila kami binigyan ng ganito. Pinipigilan pa nga nila kaming uminom noon, e!

Agad rin naman kami nagsimula kumain. Tumayo pa si Rico para makipag-agawan ng parte ng manok sa mga sundalo.

Hinayaan ko nalang siya dahil nakakatuwa naman siya. Mukha namang hindi alintala iyon sa mga sundalo dahil tumatawa pa sila.

Nilingon ko naman si Erin at Ethan. Nakita ko silang nag-uusap, napangiti pa si Erin sa kung ano mang sinasabi ni Ethan. Napangiti nalang rin ako.

It isn't that tiring to be their cupid, you know? I enjoyed what I'm doing. I enjoyed being their bridge.

Nagsigawan naman ang lahat nang nagsimula nang buksan ang mga beer. Sa lahat siguro nang nag-eenjoy dito, si Rico na iyon. Hindi pa nga nag-uumpisa ang inuman ay mukha na siyang lasing dahil sa ginagawa niya. He happily dances when the soldier handed him a beer.

Nang maabot na ang akin ay agad naman akong lumagok nito. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa aking lalamunan. Tiningnan ko kung anong klaseng beer ito.

This one is different from what they gave us before. Mukhang mas malakas ang tama nito.

Or that's what I only thought...

Nakailang bote na ako at hindi parin ako tinatamaan. Erin is already drunk at mukhang nagpapacute na kay Ethan. And Ethan seems to enjoy it dahil mukhang nakakita na siya ng chance para pumorma sakanya.

Umalis na rin ang ibang sundalo. Some were on call and some had other things to do.

Si Axel, Kiel at Jaxon nalang ang natitira. Meanwhile, Rico is telling us stories about his internship days.

"The first time I assisted an attendant in a surgery... I was freaking trembling all the time! My attendant had to replace me because he's afraid that the surgery might fail because of my nervousness!"

"What kind of operation is that?" tanong ko.

"Brain operation." Tumawa siya. Nagulat naman ako. No wonder why he specializes neurosurgery.

Tama lang ang ginawa ng doctor sakanya. Brain operation is too complicated at nakakatakot rin ang magkamali. Mahirap na.

"Mauna na ako, Captain." Narinig kong sinabi ni Axel. Napalingon naman ako sakanila.

"Me, too. I have some things to do." Ani Kiel sabay hinawakan ang kapatid sa balikat. Tumango lamang ito at kinuha ang bote ng alak sa kanyang harap.

Nahagip niya naman agad ang tingin ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Sinubukan kong makinig sa kinukwento ni Rico pero parang hindi ko magawa.

It's uncomfortable feeling that someone is staring at you. Gustohin ko man siyang lingunin ay hindi ko magawa.

Ayoko ngang magtagpo ang mga mata namin!

After a lot of bottles, nagpaalam na si Erin at Ethan pati ang iba naming kasama. It's basically the passed-out Rico, Jaxon, and I are the only ones left.

Bakit hindi pa siya umaalis? Anong hinihintay niya? Lindol?

Patago naman akong lumingon sakanya. But I failed. He's already looking at me. Ginugol ko ang ilang oras sa paginom ng alak. Ako na nga ata ang nakaubos ng mga hindi pa nagagalaw na beer, e.

I did not dare to look at him again. Kahit na alam kong nandyan parin siya.

Pagkatapos kong inumin ang hindi ko na alam kung pang-ilan na bote ay nakaramdam na ako ng hilo. Pero nagpatuloy parin ako. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga boteng nainom ko.

Out of nowhere, I suddenly wondered what is he doing here? Ang alam ko nasa Syria siya dahil dun naman talaga siya nakadestino.

What made him come with us and join this mission again?

Ang daming tanong sa isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot. Kahit na gusto kong malaman iyon ay hindi ko nalang gagawin. It's none of my business after all.

At isa pa, wala naman akong pakialam sa mga 'yan. Ang tanong na gusto ko lang na masagot niya ay kung bakit hindi niya ako nagawang ipaglaban. 'Yun lang. Dahil hanggang ngayon... nagtataka parin ako kung bakit.

I felt myself tearing up after thinking about what happened before. Para akong nahimasmasan nang maramdaman kong naluluha na pala ako. Mabilis kong pinalis ang mga ito at sinubukang kumuha ulit ng panibagong bote ngunit nagulat ako nang may pumigil sa akin.

"That's enough," a deep voice said behind my back.

Tiningala ko kung sino ito. Bumaba naman ang tingin sa akin ni Jaxon. My drunk self rolled his eyes on him.

Inagaw ko sakanya ang bote at mabilis na nilagok ito. Ano naman sakanya kung gusto kong magpakalasing? Nang dahil sakanya kaya gusto ko uminom ng uminom! Baka kasi sa ganoong paraan, tumigil na ako sa kakaisip sakanya.

"Margaux, enough..." he said in a warning tone. Sinubukan niya namang agawin sa akin ang bote ngunit inilayo ko ito sakanya.

"Sino ka ba para pigilan ako ha?" I said in a very slurred voice.

"You're drunk."

"I'm noooot. Go awaaay!" Kahit tinulak ko siya ay hindi siya umalis sa gilid ko. Tamad kong ipinatong ang ulo ko sa lamesa. I closed my eyes.

Wala naman akong ginawa buong magdamag pero bakit parang pagod na pagod ako? Is this because of the beers I drank?

This is the first time a beer made me so tired and made me become very very emotional again.

Naramdaman ko namang inayos niya ang mga bote na nasa lamesa. Nang matapos ay naramdaman kong umupo siya sa gilid ko. I opened my eyes para tingnan kung ano ang ginagawa niya.

He's watching me.

Iniwas ko naman agad ang tingin at lumingon sa kabilang direksyon.

"Margaux..." I heard him called softly.

"Stop calling me." Mariin kong pagkakasabi. I heard him sighed.

"Margaux..." ulit niya. Pumikit ako ng mariin.

I sat up straight at nilingon siya.

"Please go away." I tried to sound normal but I failed. The alcohol is slowly invading my system.

"Why?" tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.

"What why? Do I still need to explain why I don't want you here?"

His mouth parted because of it. Hindi siguro inasahan na sasabihin ko iyon. Totoo naman! Ayokong nandidito siya. Dahil simula nang makita ko siya, nakumpirma ko kung gaano ko parin siya kamahal matapos niyang gawin sa akin iyon.

Maayos ako nang hindi ko siya nakikita. I was doing great! And then, he comes out of that airplane and that moment ruined everything. All my efforts of trying to move on from him vanished eventually.

And that sucks.

Because I wanted to get over him so, so bad. And he's here in front of me... trying to remove all my plans.

"Margaux, I'm-"

"I said stop calling me!" I shouted. Huminga ako ng malalim. Nag-iwas naman ako ng tingin nang maramdaman kong may luhang bumagsak sa aking mga mata.

"Why?" tanong niya. Bumagsak naman ang tingin ko sa aking mga kamay na nakakuyom ngayon. I let the tears fall. Then I started trembling.

Naramdaman ko namang gumalaw siya sa kanyang pwesto. Bago pa siya tuluyang makalapit ay nagsalita na ako.

"Because it hurts, Jaxon! It hurts hearing you call my name!"

Hindi siya nagsalita. Not that I wanted him to. Mas mabuti pa nga kung hindi na siya nagsasalita, e.

"Do you know how much pain you caused me?" I asked. I look into his eyes. Hindi ko akalain na makakaya kong gawin ito ngayon.

This is because of the alcohol, right?

"A lot! And because of the pain you caused me, people started to doubt my ability. Dumagdag lang iyon sa sakit na nararamdaman ko." Umiling ako.

"Why? Why, Jaxon? Why didn't you fight for me?" my voice broke.

"Hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko kung bakit... Bakit ganon, Jaxon? Bakit kailangang humantong sa panahon na ikaw naman ang mananakit sa akin? You know, everything is going so well between us, until the day you chose to push me away!

"Ang sabi mo mahal mo ako diba? Bakit hindi ko maramdaman? Why does your love causes me so much pain?" Pumikit ako at hinayaang bumagsak ang mga luha ko.

Sober Margaux won't be able to say this to him. Sober Margaux rather keep it to her self. But drunk Margaux wants to let it all out. Drunk Margaux couldn't handle the pain anymore.

"Why did you show up here? To hurt me again? Go ahead! Do it! Baka kasi hindi ka pa kuntento sa ginawa mo sa akin noon kaya gusto mo ulit akong saktan ngayon. Sige lang! I can go through pain! I've been living with it my whole life and it's not new to me anymore."

Hindi na maproseso sa isip ko ang lahat ng sinasabi ko. My mouth just keeps on saying these things! Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Hindi ko na alam ang susunod pang nangyari. I woke up and I felt someone's arms over my chest. Nagulat naman ako at agad na nilingon kung sino ito.

Jaxon is sleeping peacefully behind me.

Oh my gosh!

Agad ko namang tiningnan kung may suot pa akong damit. Salamat naman at mayroon pa. I sighed heavily.

How did I end up here?

The last thing I remember was I was crying the whole night. 'Yun lang. Hindi ko na alam kung paano ako napunta dito.

I tried to remove his arm over my chest but I kept on struggling. Naramdaman niya siguro ang ginagawa ko kaya mas hinila niya ako palapit. He buried his face on my shoulder.

"Hmmm..." aniya.

Kumunot naman ang noo ko. What is he trying to do?

I tried to remove it again and again hanggang sa magawa ko na. Agad akong tumayo nang makawala sa bisig niya. Nakapamaywang ko siyang tiningnan.

Unti-unti niya namang iminulat ang kanyang mga mata. Agad na tumama ito sa akin. He smirked.

"Good morning," he greeted in a very husky voice.

As much as I don't want his voice to affect me... mukhang imposible atang mangyari 'yon. Especially when it is so husky and... and... Ugh! I need to stop!

"How did I end up here?" I asked. Demanding for an answer.

Kinusot niya ang kanyang mga mata sabay umayos ng pagkakaupo. He slept shirtless beside me!

Gosh! Unang araw palang namin dito ganito agad?

"You were-"

"Oh, forget it. Hindi ko na kailangan pang marinig." I ran my fingers through my hair at hinilot ang sentido ko.

Mamaya maya pa ay nakaramdaman ako pagsusuka. I opened the door inside his room which I figured was his bathroom.

Inilabas ko lahat ng ininom ko kagabi. Goodness! Why did I drank so much?

I felt his presence behind my back. He reached out a towel for me. Tinanggap ko naman iyon. I washed my mouth and dried it with the towel he gave me.

Isinandal ko ang sarili sa lababo at napapikit naman. I sighed heavily.

Why did I even?!

"Feeling better?" tanong niya. Umiling naman ako.

He reached out a glass of water for me. Tiningnan ko ito sabay angat ng tingin sakanya.

"Don't be so nice to me." Sabi ko at nilagpasan siya.

Hinagilap ko naman kung nasaan ang sapatos ko. When I found it, agad ko naman iyon isinuot. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko nalang pinansin iyon.

Ang importante ay makalabas na ako ng kwarto niya.

"You're leaving..." Aniya. It wasn't a question. It was a statement he cannot believe he's saying.

Tumayo ako at nilagpasan siya. But he stopped me from doing so.

"Why are you leaving?"

"Is there enough reason for me to stay?"

When he didn't answer, I know it was my queue to leave. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa palapulsuan ko. I slammed the door of his office when I got out.

Agad namang napalingon ang mga sundalo sa paligid dahil sa narinig na pagbagsak ng pinto. I'm sure everyone is wondering what happened.

At sigurado rin akong ang iba ay nag-iisip na may nangyari na naman sa amin!

"Nothing happened, okay?" sabi ko, sabay lumakad na palayo.

This is not going to happen again. I'll make sure of that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top