Chapter Thirty-Six
Song: Secrets- One Republic
Happiness
I haven't been sleeping properly for days! Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari nung isang gabi.
It's already seven o'clock at hindi parin ako naghahanda para sa trabaho. Erin is already out. Sinundo siya ni Ethan dito.
I don't know what's their status already. Are they dating or just flirting? But it seems like they're already dating. Hindi ko alam dahil wala namang sinasabi sa akin si Ethan.
I spent another hour staring at the ceiling. Reminiscing everything that happened that night. Pagkatapos ko kasing sabihin iyon ay iniwan ko siyang nakatayo doon.
What should I do? Makipagusap pa sakanya ng matagal tungkol sa walang kamatayang pagmamahal ko sakanya? My goal that night is for him to know the truth. Ayoko na rin kasing lokohin pa ang sarili ko, e.
I keep on telling myself that I'm over it, but the truth is I'm not! At alam ko sa sarili ko iyon!
Now he knows that I'm still not over him! Ano nalang ieexpect niya? Na papansinin ko na siya ulit?
My mind is totally a mess when it comes to him. Lagi nalang. Kahit noon pa! He's always been the reason why I couldn't get enough sleep sometimes. Well, maliban nalang kung may operation. Other than that, siya lang talaga ang natatanging rason!
Alas otso y media na nang mapagdesisyonan kong tumayo at maghanda na para sa trabaho. I still don't know what to do if ever na makakasalubong ko siya.
Sa tuwing makikita ko kasi siya sa malayo, aalis na agad ako at sa iba nalang dadaan. Ethan notices it, too. Tinatanong niya kung ano ba ang mali sa amin.
"Wala naman," sagot ko. Ilang beses akong umiling at tiningnan muli sila Jaxon sa malayo. Tumango naman siya at pinagpatuloy kung ano man ang sinasabi niya.
I silently watch Jaxon talk to Zia and Axel. Mukhang seryoso ang nagiging usapan nila. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanila hanggang sa matapos sila sa pag-uusap.
"Hey! Are you listening to me?" Ethan tried to get my attention pero hindi ko parin binaling ang tingin ko sakanya. I'm still busy watching them.
"Come on, Margaux! This is important! We have a scheduled operation this week! You need to listen to me!" sinubukan niyang iharap ako sakanya pero mabilis kong tinampal ang kamay niya.
"Shh!" I said, shutting him off. Nalaglag ang panga niya at umiling sa akin.
Nakita kong sumaludo na ang dalawa kay Jaxon. Jaxon did the same at agad na tumilikod sa kanilang dalawa. Now he's walking towards our direction!
Mabilis kong kinuha ang mga folders na naglalaman ng mga medical reports at hinarap si Ethan.
"Let's go. Let's go. Let's go." Natataranta kong inaya si Ethan paalis.
"Wha-" nabitiwan niya ang kanyang ballpen dahil sa paghila ko sakanya. Hindi siya sumama sa akin kaya naman ay nilakihan ko siya ng mata.
"Tara na!"
"Parang kanina lang ayaw mong makinig sa akin tapos ngayon–" nilingon ko naman si Jaxon na medyo malapit na sa amin. He's looking at us now.
Ah, shit! I need to get going!
"Tara na! Dali!" kunot noo niyang nilingon ang kanina kong tinitingnan.
"You're getting away from him?" tanong niya.
I groaned in frustration at ako na mismo ang kumuha ng mga folders na dapat sakanya. I grabbed him by his coat at hinila na siya palayo bago pa kami tuluyang maabutan ni Jaxon.
Ganon ang naging sitwasyon namin ng ilang araw. Minsan nga ay nagugulohan na ang iba sa akin dahil lagi akong nagmamadali. Kapag ganoon kasi, ibig sabihin lang nun ay malapit na si Jaxon. At kailangan ko nang magpakalayo bago niya pa ako tuluyang malapitan.
Agad akong nagtungo sa cafeteria pagkatapos kong mag-ayos para sa trabaho. Some soldiers greeted me while I'm on my way. I gladly smiled at them.
Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong cafeteria upang hanapin ang mga kasamahan ko. I saw Ethan waving at me kaya naman ay agad akong lumapit at umupo sa tabi niya.
"Already got your food." Ani Ethan at inilahad sa akin ang kinuha niyang pagkain para sa akin.
"Thanks," I said at nag-simula nang kumain.
"Doktora, can I scrub in at the operation later?" tanong ni Erin sa akin. Inangat ko naman ang tingin ko sakanya. Nakangiti siya sa akin habang hinihintay ang magiging sagot ko.
Nilingon ko naman si Ethan na nagkukunwaring hindi rin inaabangan ang magiging sagot ko. Umirap nalang ako sa kawalan. Eto talagang dalawang 'to!
"You know what? If you two are already dating, just tell me. And to answer your question... Okay fine! You can scrub in later. Ayoko namang malungkot si Ethan habang nagoopera diba?" I rolled my eyes again.
Ngiting-ngiti naman ang dalawa sa akin. Parang mga baliw lang.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa medical rooms. I stayed longer than planned. Marami pa kasi akong paperworks na kailangang tapusin, e. Iniwan na rin ako ng dalawa para ihanda na ang operating room.
I'm in the middle of finishing everything up when suddenly my pager beeped. Agad ko namang kinuha iyon at tiningnan kung sino ang may kailangan sa akin.
"Ah, shit!" sabi ko nang makita kung kanino galing ang mensahe.
It's an emergency from Ethan. He said that we should start the operation right now dahil hindi na daw kinakaya ng pasyente. Mabilis ko namang inayos ang aking gamit.
Just when I was about to finish everything dun pa biglang magkakaemergency! Kinuha ko ang medical record ng pasyente at dali daling lumabas ng kwarto.
I was running towards the operating room nang bigla akong napatigil dahil nakita ko si Jaxon. Nalaglag ang dala kong medical records. Parehas kami ng dadaanan!
I look to my left and right at humanap ng ibang pwedeng daanan patungo ng operating room pero wala na! This is the only choice I have!
My mouth parted nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Shit. I'm trapped! There's no way I can run away from him! There's an emergency at kailangan ko nang magpunta doon ngayon na!
"Kaya mo 'to... Kaya mo 'to..." I whispered to myself habang pinupulot ang nalaglag na medical records. I calmed myself down at inangat muli ang tingin sakanya.
Gosh! He's getting nearer!
I stood up straight and tried to walk normally pass him. There's an emergency and I need to get going! I tried to act normally na parang walang bumabagabag sa akin.
Keep going, Margaux... Keep going...
Bago ko siya tuluyang malagpasan ay nakita ko siyang ngumisi.
Okay? What was that?!
Agad namang kumunot ang noo ko at sinubukang hindi nalang pansinin iyon. Hindi ko siya nilingon nang nilagpasan ko na siya. I heard him chuckled a little.
Why do I feel like he's enjoying this? Damn him!
"So, you're back to ignoring me again huh?" aniya nang nilagpasan ko siya. I stopped in my tracks.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako tumigil, e. I don't know what made me stop. Maybe it's because I feel like I should even though it's unnecessary.
I bravely turned to look at him.
"Yeah," sagot ko na parang wala lang sa akin iyon. Tumalikod muli ako para tuluyan nang makalayo sakanya ngunit bago ko magawa iyon ay hinawakan niya ako sa palapulsuan at muli akong iniharap sakanya.
"Wha–" Natigil ako sa sasabihin ko nang bigla niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking panga at inilapit ang mukha sa akin.
My eyes immediately widened dahil alam ko na iyong gagawin niya! And without a warning, he pressed his lips into mine.
Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakasagot sa mga halik niya. Mukha namang hindi alintala sakanya iyon dahil nagpatuloy lang siya sa pag-halik sa akin. He kissed me tenderly and sweetly.
He kisses me like he's been wanting to do this again for a long time.
When I finally answered his kiss, naramdaman ko namang napangiti siya. My hands are still awkwardly holding on the patient's medical record. At dahil rin doon ay naalala kong may emergency nga pala kaming mga doctor!
Sa halip na itigil ko ang paghalik ko sakanya ay tinuloy ko pa! Damn you, Margaux! You are such a fool! You still have an operation to go to today!
When he pulled away from the kiss ay nakita ko namang unti-unti siyang ngumisi. Dahil siguro sa itsura ko ngayon. I'm still so shocked!
Hindi niya naman kasi ako sinabihan. Edi sana nagready ako diba?!
He licked his lips at sinubukang itago ang ngiti. I glared at him. He's so enjoying this!
Damn him! Damn Jaxon Alexander Ventura!!!
"I wouldn't let you ignore me anymore, Margaux." He whispered.
For a while, I forgot about the emergency that I need to get to. This is because of him! Bakit ba kasi ako nagpadala agad sa ginawa niya?
Damn it, Margaux! You have a patient!
Napapikit nalang ako sa naisip. I want to slap myself multiple times because of it!
"What was that?" I hissed at him. I see humor in his eyes. Kunot noo ko naman siyang tiningnan.
Mamaya maya pa ay nakakarinig ako ng bulungan sa aming gilid. Nilingon ko ito at nakitang nakatingin sa amin ang ibang sundalo at doktor. Kabilang na dito sila Rico na mukhang gulat na gulat parin ngayon.
Nilingon ko muli si Jaxon. My eyes widened with the sudden realization. My father will know about this! Marami ang nakakita!
"They saw us!" I hissed at him again. Sa halip na matakot rin kagaya ko ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Mukhang walang pakialam kahit na maraming nakakita sa amin.
"So?" aniya. My jaw dropped.
"So!?" ulit ko. Hindi makapaniwala sa naging sagot niya.
Hindi ko na maituloy pa ang sasabihin ko dahil sa sobrang taranta. Paano kung malaman ni Daddy? Hindi pa nga kami nagkakaayos ng tuluyan magkakahiwalay na naman ulit kami?
Gosh! Why is this so complicated?!
Ngumiti siya sa akin nang hindi ko na maituloy pa ang aking sasabihin. He touches my cheek and caressed it gently.
"Good luck on your operation today. I'll wait for you." aniya. Then he pressed another kiss on my lips. Binaba niya ang kamay niya at nilagpasan na ako.
"Get back to work everyone!" he shouted at agad namang sinunod ng lahat iyon.
Umiling nalang ako at pilit na itinatago ang ngiti. I watch him walk away.
Nagulat naman ako nang tumunog na naman ang pager ko. Oh shit! The operation! I've completely forgotten about it! Dali-dali akong tumakbo patungo doon.
Ethan was glaring at me the whole time. Habang ako naman ay pilit na hindi mapangiti habang iniisip ang nangyari kanina.
Did he just kiss me in front of everyone? Isn't he bothered that there's a chance that they will tell my dad about it?
"Suction, please." Inilahad ko ang kamay ko kay Erin upang ipaabot ang suction. Inangat ko naman ang tingin kay Ethan nang maramdaman kong tinitingnan niya parin ako ng masama.
"What?!" tinaasan ko siya ng kilay at ibinalik nalang muli ang tingin sa inooperahan namin ngayon. I heard him sighed heavily.
"Bakit ba ang tagal tagal mong dumating? I've been paging you like a million times! Normally, you would have come five minutes after I paged you. Pero anong nangyari? You got here fifteen minutes late! Ano ba kasing ginawa mo?"
Nang tinanong niya iyon ay pinigilan ko ang sarili na mapangiti. Naalala ko naman.
Anong ginawa ko? Well, something that you and Erin couldn't do.
Sa halip na sabihin iyon ay itinikom ko nalang ang bibig ko at nagpigil pa lalo ng ngiti. Nang mag-angat ako ng tingin sakanya ay nakita kong nakakunot na ang noo niya sa akin.
Tiningnan ko naman ang iba naming kasama dito. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang iba ay nakakunot rin ang noo. Napawi naman ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. I shrugged.
"Just something... really important." Paliwanag ko. Inirapan niya naman ako.
Kahit tapos na ang operasyon ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina! Goodness! I don't know how to remove that scene out of my head. It keeps on repeating and repeating and repeating hanggang sa hindi ko na talaga mapigilan ang ngiti ko.
Ethan looked at me weirdly. Kunot ang noo siyang nakatingin sa akin habang naghuhugas ng kamay.
The operation was successful. Siguro nakatulong ang pagiging good mood ko kaya wala masyadong naging complications sa naging operation.
"Alam mo... kanina ka pa." sabi ni Ethan.
Bigla namang napawi ang ngiti ko. I tried to act normal again, trying to eliminate that scene out of my mind.
I did... for a few minutes nga lang.
"I'm starting to get bothered by your behavior. Is there something wrong?" hinarap niya ako at nagaalalang tumigin sa akin. My forehead creased.
"Margaux... you have to tell me... do you have BPD?" He whispered the last sentence. I bursted out laughing because of it.
"What are you even saying?! Of course not!"
Winisikan ko siya ng tubig at medyo napailag siya doon. He started laughing, too, pero hindi parin nawawala ang pagkabahala sa mukha niya.
"Oh, come on! Last week you were a wreck. Like a total wreck! And this week, you are undeniably happy even though you've been trying to hide that smile. It's weird, Margaux! I'm just really concerned." Umiling ako at pinatay na ang tubig.
Binato ko sakanya ang surgical mask ko at tumawa nalang.
"Screw you, impotent Ethan." I smirked at him bago tuluyang lumabas ng operating room.
I left him with his jaw hanging. Dumiretso ako sa medical rooms. Nakita ko namang napabaling agad ang tingin sa akin ni Rico nang pumasok ako. He awkwardly tore his eyes away from me. He's one of the few people who saw it!
Hindi ko nalang pinansin iyon at dumiretso nalang sa aking cubicle. Sinubukan kong tapusin ang ibang medical reports.
Later on, I saw Ethan barging inside my cubicle. Nakatayo siya sa harap ko habang masama akong tinitingnan.
"I'm not impotent." He said seriously.
"Okay?" binalik ko naman muli ang tingin ko sa ginagawa. I was surprised when he slammed his hand over my table.
"I said... I'm. not. impotent."
"Okay, fine! Then you're not!" inalis ko ang kanyang kamay na nakapatong sa aking lamesa. I tried to get back to work.
"Then why did you call me that?" he hissed. Tumingin siya sa likod para siguraduhing walang nakakarinig.
"I just thought you are!" inosente kong sagot. He sighed in frustration. Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa.
He ran his fingers through his hair and he walk back and forth inside my cubicle. Inangat ko ang tingin sakanya at tinigil ng saglit ang ginagawa.
"You know what? I'm starting to get bothered by your behavior, too."
"Why?" he asks and crossed his arms over his chest.
"Because the way that you're reacting, it seems like you are... indeed impotent." Hininaan ko ang huli kong sinabi dahil ayokong may makarinig sa amin. Ethan will blame me a thousand times if that happens!
"I said I'm not." Agap niya.
"Then you're not. Don't be so defensive!" inirapan ko siya. I closed all the folders at sinarado na rin ang laptop. Tumayo ako at lumabas na ng aking cubicle. Sumunod naman si Ethan sa akin.
I stopped in front of the counter to look for another folder of medical records. Wala na kasing ibang gagawa nito maliban sa akin at kay Rico.
"You know, you still haven't told me why you're late at the operation." Sabi ni Ethan at sinandal naman ang sarili sa counter.
I heard Rico coughed. Nilingon ko naman siya at nilakihan siya ng mata, signaling him not to say anything. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
"You know?" tinuro ni Ethan si Rico.
Padabog ko sinarado ang folder.
"Okay, I'm done here. I got these medical records, Rico."
"No way! Rico, you know why! Come on, tell me." Pinilit ni Ethan si Rico na sabihin sakanya ang nalalaman. "I'm starting to get suspicious of Margaux, you know. I doubt the reason why she's late is because what she did is not that important."
"Oh! It is!" ani Rico. My jaw dropped at nilakihan siya ng mata. Binalik ko muli sa pagkakalapag sa counter ang mga folders.
"For her, though..." he continued then he smirked at me.
"Rico!" suway ko sakanya.
"Tell me why she's late." Ani Ethan. Nagkibit ng balikat si Rico habang binabasa ang ibang medical records.
"Oh! It's because she was kissi–" agad kong tinakpan ang kanyang bibig bago niya matuloy ang kanyang sasabihin. Nilakihan ko siya ng mata as a sign of warning.
"That's unfair! Remove your hand!"
Sinubukan namang alisin ni Ethan ang kamay ko sa bibig ni Rico. Rico is still saying something inaudible kaya mas lalo ko pang diniinan ang pagkakatakip ko sa bibig niya para tuluyan na siyang walang masabi.
"No!" agap ko.
We are still fighting over it when I felt someone's presence behind my back.
"Hi," I heard him whispered in my ear.
Natahimik naman ang dalawa at napabaling ng tingin sa bagong dating. What is he doing here?
I slowly turned to look at him without removing my hand over Rico's mouth. Pagkalingon ko ay bumungad sa akin si Jaxon na ngayon ay nagpapabalik balik ang tingin sa aming tatlo nila Rico at Ethan.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig ni Rico at inayos ang sarili. I tried to act normally. Nilingon ko muli ang mga medical records.
"That's the reason why!" biglang sinabi ni Rico. Mabilis akong napaangat ng tingin sakanya at nakitang tinuturo niya si Jaxon.
"Rico!"
"Why? Tell me!" si Ethan.
Pinalo ko si Ethan para matigil na siya sa kakatanong. He glared at me.
"She's late because she was kissing him." Nakangiting sinabi ni Rico kay Ethan. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Ethan. Mamaya maya pa ay napalitan agad ito ng ngiti.
"No way!" Umiling ng ilang beses si Ethan. Hindi makapaniwala sa narinig. "No wonder why she told me it was something important." He chuckled.
"She did?" tanong ni Jaxon. I can hear humor in his voice.
I groaned at kinuha na ang mga medical records at hinila na palabas si Jaxon. Sumama naman siya sa akin.
"What was that?" I asked nang makalabas kami.
"Kissing is important, huh?" pangungutnya niya. He smirked at me. Kumunot naman ang noo ko sakanya. "If it is that important to you, then let's do it again."
Sinubukan niyang ilapit ang mukha sa akin pero naunahan ko siya ng hinampas ko ang mga medical records sakanyang dibdib.
"Aw!"
"You," I pointed at him. "Stop that!"
"Why?" aniya, nagpipigil ng ngiti.
"What why?! People will see us!"
"So?"
"So!? What so?" Sigaw ko. He shrugged.
"So, what if they see us? Let them mind their own business."
"Jaxon..." I sighed, defeated. Ayaw ko nang makipagtalo pa sakanya tungkol dito.
"Hush now." He said, immediately shutting me off. Inilagay niya naman ang isang daliri sa aking baba at inilapit ang mukha sa akin. He kissed me again.
I pulled away from the kiss dahil hindi parin napapanatag ang loob ko. Ano nalang ang sasabihin ni Daddy kapag nalaman niya 'to?
I was just about to say something nang binalik niyang muli ang labi sa akin. He pressed his lips harder this time.
You know what? I don't care what my father thinks anymore. What's important is that, he is no longer afraid to be seen with me.
He is no longer afraid to get cozy with me.
And I think he is no longer going to leave me.
This is the chance I've got. This is the one that I've been waiting for. Ngayon pa ba ako aatras?
At isa pa, tingin ko, wala na rin namang magagawa si Daddy kung sakaling malaman niya ang tungkol dito. He's been pushing me to marry someone at this age. Hindi ko ba alam kung bakit. Maybe because he feels old already?
Hindi ko talaga alam.
And if he really wants that to happen... Then, he has to deal with Jaxon and I being together.
I kissed him deeply his time. Agad naman siyang napangiti sa ginawa ko. His hands were caressing my waist while he's kissing me.
And my hands... They're awkward again.
"I thought people will see us?" Tanong niya.
"So?"
"So!?" natatawa niyang inulit ang sinabi ko.
"Oh! You know what? Screw them. I don't care about what they think anymore." Sabi ko at hinila siya pabalik para mahalikan ko siyang muli.
I heard him chuckled.
At simula noon, nagtuloy-tuloy na ang masasayang araw ko.
Abala ako sa pagaasikaso ng mga medical records sa aking laptop nang naramdaman kong titig na titig sa akin si Jaxon. Sinulyapan ko siya at tama nga ang hinala ko. He's looking intensely at me.
I'm currently inside his office. Simula kasi nung nakaraang buwan, dito na ako lagi. Babalik lang ako sa kwarto ko kapag matutulog na. Ihahatid niya naman ako kapag ganoon.
His office is one of the most comfortable places I've ever been. Kaya mas pinipili kong dito ko nalang gawin ang lahat ng medical records dahil walang istorbo. Kapag kasi nasa cubicle ako, kinukulit lang ako ni Ethan.
Hindi niya ako nilulubayan hanggat hindi ko sinasabi sakanya kung ano na nga ba kami ni Jaxon. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Dahil wala naman siyang sinasabi sa akin.
But it's obvious for heavens sake! Kahit ata sino ay mapapansin na rin iyon, e. We don't treat each other as friends. We treat each other as more than that.
"What?!" nilingon ko siyang muli nang hindi niya nilulubay ang tingin sa akin. Ngumisi naman siya.
I rolled my eyes at him. Wala akong oras para makipaglokohan sakanya. Hindi niya ba nakikita na ang dami dami kong ginagawa? Tambak ako ng gawain dahil kasalukuyang nasa operasyon si Rico.
Sino pa ba ang gagawa nito? Si Ethan? Asa pa. He's busy proving himself that he isn't impotent.
"Hindi ka ba kailangan ng troop niyo?" tanong ko.
He isn't supposed to be here! Kahit ba opisina niya ito. During this hour kasi, nandoon siya sa troop niya. I know they're also busy kasi may mga paperworks rin silang ginagawa.
And look what he's doing! He's sitting here with his arms crossed while looking at me! It's starting to bother me at hindi ko rin matapos tapos 'tong ginagawa ko dahil ramdam na ramdam ko 'yung titig niya.
"They do," he answered. Bumagsak ang balikat ko.
Is he skipping work because of me?
"You need to go back to your troop. I'll be fine here. I just need a peaceful environment that's why I'm here. I'm sorry for barging in without you knowing." Sabi ko at tinuloy na ang pagtitipa sa aking laptop.
"It's okay. I already gave you permission to enter anytime you want so it doesn't matter. I just wanted to check on you."
"I know. But you trying to check on me is starting to bother me. Hindi naman kasi pagchecheck 'yung ginagawa mo. You're staring too much!" I rolled my eyes. Natawa naman siya ng bahagya.
He stood up and walked towards me. Inangat ko ang tingin ko sakanya nang tumigil siya sa gilid ko.
"Fine. But I'll be back to check on you again. Don't leave without me knowing." Paalala niya. Tumango naman ako at tsaka ibinaling na ang tingin sa aking laptop. He pressed a kiss on my temple before heading out.
Gabi na at hindi parin ako tapos sa ginagawa ko. I already drink lots of coffee to keep me awake. Ilang beses na rin akong nagstretching dahil sobra nang nangangalay ang katawan ko. Kanina pa akong umaga dito at hindi parin ako natatapos.
I was resting on the table when someone suddenly entered the room. Hindi ko na inangat pa ang tingin ko dahil alam ko na kung sino iyon.
When I felt someone's presence in front of me ay doon ko lang inangat ng kaunti ang tingin ko. Nakakunot ang noo niya akong tintingnan. He pointed at my laptop.
"Still not finished?" tanong niya. Umiling naman ako at ibinaon muli ang mukha sa aking braso.
"You should rest." Dagdag niya. Naramdaman ko namang umupo na siya sa silya sa harap ko. Tumango ako at nagpakawala ng malalim na hininga.
Inangat ko naman bigla ang ulo ko at tiningnan siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Kumunot ang noo niya.
I think resting is a really good idea right now.
Tumayo ako at sinundan niya naman ako ng tingin. I stop in front of him and without thinking twice, I sat on his lap.
Hindi naman siya nagulat sa ginawa ko at sa halip ay hinayaan niya lang ako. I snaked my arms around his neck and rested my head on his shoulder.
"I'm so tired." I whispered. I raised my gaze at him at nakitang umangat ang gilid ng kanyang labi. Nagpipigil ng ngiti.
Mas ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa kanyang balikat. Mamaya maya pa ay naramdaman ko ang kanyang mga daliri sa aking baywang.
"That's why you should rest now." He whispered. Tumango nalang ako bilang sagot.
Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa tabi ni Jaxon. Siya na siguro ang nag-dala sa akin dito sa kama niya. His arm is resting over my chest. I checked the time on my wrist watch. It's only six o'clock.
Inayos ko naman ang higa ko upang makita siya. He's still sleeping peacefully. Napansin ko namang nakatanggal na rin ang coat ko. I smiled.
Aw! He's so thoughtful!
Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong kwarto niya. This is much smaller than his old room. Kahit sila ay nag-adjust rin panigurado simula nang lumipat kami rito.
Sa gilid ay nakasabit ang kanyang uniporme at katabi noon ay ang coat ko. I bit my lip to hide my smile. Looking at our uniforms next to each other makes me want to smile. Hindi ko ba alam.
Maybe because this is what I imagined about us before. Bago kami paghiwalayin ng tadhana. And seeing it happening now, makes me want to slap myself a couple times because this is so unbelievable! I can't believe that this is happening now!
I felt him shifted from his place kaya agad akong napalingon sakanya. Unti-unti niya namang iminulat ang mga mata niya.
"Good morning," I greeted.
Oh! I remember the last time I greeted him a good morning. Hindi siya sumagot. Sa halip ay pinagtabuyan niya ako sa kwarto niya. Ngumiwi ako dahil naalala ko iyon.
"Good morning." He greeted back. Ngumiti naman ako.
Buti naman at binati niya na ako pabalik ngayon!
"How's your sleep?" tanong niya.
"Fine." I answered. "You?"
"So much better."
His husky voice is enough for me to say that this is such a very good morning. Ibinanon niya naman ang kanyang mukha sa aking balikat at pumikit muli.
"Hey! We have to get up now. Work starts at seven." Paalala ko sakanya. He groaned. Parang ayaw pang umalis sa kanyang pwesto. He pulled me closer to him. I chuckled.
"I'm serious!" pilit ko namang inalis ang kanyang braso sa aking dibdib. Nang maalis ko iyon ay tumayo agad ako at pinalo siya.
"Ah! You're starting to get lazy these days ha? You're skipping work and now you're too lazy to get up in the morning! Diba may exercise pa kayo tuwing umaga?"
"I asked Axel to do the rounds." He answered simply. Parang hindi alintala sakanya na ipinasa niya ang trabaho sa iba.
"You are so lazy." Umiling ako at humarap na sa banyo. But then I realized na wala nga pala akong pamalit ngayon! Hindi naman pupwede na ganito ulit ang suot ko sa trabaho diba?
"Shit." I cursed. "I have to go back to my room."
Nakita ko namang tumayo na si Jaxon at sabay ngumisi sa akin.
"You don't need to go back to your room. Kinuha na kita ng damit sa kwarto mo kahapon."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ah! Gosh! This guy is really something else.
"They're on the cabinet."
Tumango ako at pumasok na sa banyo upang makaligo. Pagkatapos ko naman ay siya. Tiningnan ko ang damit na kinuha niya para sa akin.
He got me my beige turtleneck sweater and a pair of black skinny jeans. Siguro ay si Erin ang kumuha nito sa mga gamit ko. Tama na rin ito at dahil medyo lumalamig na dito sa Afghanistan.
Nagsusuklay ako ng aking buhok nang lumabas siya galing sa banyo. Agad akong napabaling sakanya.
Sumimsim ako nang makita ang itsura niya. He smells like aftershave and musk. He ruffled his hair to remove the excess water. The towel is covering his lower body and of course, I can see his upper body completely.
This is definitely such a good morning!
Napaiwas naman ako ng tingin nang mapabaling siya sa akin. Nagkukunwaring walang nakita. I heard him chuckled lightly.
"Can you reach me my uniform please?" utos niya sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan. He's making me come closer to him!
Tumayo naman ako at kinuha ang uniporme niya na nakasabit. Inabot ko sakanya ito at nagbigay ng kaunting distansya sa pagitan namin.
Akala ko nung una ay kukunin niya lang ito basta sa akin. 'Yun pala... pagkakuha niya nito sa akin ay hihilahin niya rin ako palapit sakanya!
This guy!
"Thanks." Then he pressed a kiss on my lips. I hit him playfully on his chest when he pulled away.
Dumiretso naman ako muli sa kanyang kama at pinagpatuloy ang ginagawa doon. Nang matapos ako ay inabot ko naman ang coat ko upang maisuot na ngunit bago ko gawin iyon ay hinablot niya ito sa akin.
Inimuwestra niya sa akin ang aking coat, ipinapakita na gusto niyang siya ang mag-suot sa akin nito. I smiled a little at lumapit na sakanya at hinayaan siyang gawin iyon.
He fixed the collar of my coat pagkatapos kong suotin iyon.
"I'll see you later at lunch." Sabi niya at nagpatak muli ng halik sa aking labi.
Sabay kaming lumabas ng kanyang kwarto. He helped me with my things. Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng ibang sundalo dito.
Bakas sa mukha nila ang pagtataka kung bakit ako nandidito ngayon. At halata rin sa mukha nila na gusto nilang ireport ang tungkol sa nakita nila kay Daddy!
"Jaxon..." I called at inalis ang kamay ko sakanya. Ngayon nalang kasi ulit ako nakita na lumabas sa kanyang kwarto kaya nagaalala ako!
Nakita naman nila kaming naghalikan noon pero eto... iba 'to. I'm sure they're thinking that something happened between us again!
I think Jaxon understood it right away that's why he gave me a reassuring smile.
"Don't worry. I'm sure your father knows it by now." He said. At kinuha na muli ang kamay ko.
Oh! So, he doesn't care about what my father thinks now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top