Chapter Thirty-Seven
Song: From The Ground Up- Dan + Shay
Fiancée
Ganoon ang naging sitwasyon namin ng ilang buwan hanggang sa nasanay na ang lahat na nakikita kaming magkasama lagi.
Natutulog parin naman ako sa kwarto ko ngunit mas madalas na nga lang sa kwarto ni Jaxon. It's because the paperworks are non-stop! Wala na nga atang katapusan 'tong pinapagawa sa akin, e.
I also check on Tyler regularly. He told me he already found Sasha. Si Andrew nalang talaga ang kulang. Kasakasama niya naman ngayon ang mag-asawang nawalan ng anak kaya etong si Tyler ang tinuturing nilang anak ngayon.
Nung isang araw ay nakita ko na rin si Sasha. She was asking me about Andrew and I couldn't tell her. Hindi ko pa rin nasasabi kay Tyler ang tungkol doon. Hindi ako makahanap ng tamang oras. Bukod sa maraming trabaho ay hindi ko alam kung paano sisimulan.
I heard that Andrew's father is found dead, too. That freaking sucks. Wala na talagang itinira man lang sakanila.
We also do regular check ups on the civilians now. Utos sa amin ito ng head ng military doctors. Maganda rin naman ito para mas natututukan ang mga sibilyan. Marami na rin kasi sakanila ang nagkakasakit, e. Buti naman at wala nang masamang nangyari pagkatapos ng pagsakop sa lugar namin noon. Mas tago kasi itong tinutuluyan namin ngayon. At mas maraming sundalo ang nandidito.
"Have you told him?" tanong sa akin ni Jaxon. He was referring about Andrew's death.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya ulit. Nakahiga kami sa kama habang ang ulo ko ay nasa kanyang dibdib. I can hear his heartbeat properly in this position.
"No," sagot ko.
"When do you plan to tell him? Our departure is in three weeks. You can't leave Afghanistan without telling him about it."
He's right. Malapit na nga kaming umalis muli dito sa Afghanistan. And it's been months since Andrew's death. Apat na buwan ko rin pinalampas bago ko ipaalam sakanya.
That's the worst decision ever! Pero naghanap lang naman ako ng tyempo at masyado pa silang bata para biglain sa ganoong sitwasyon.
"I don't know where to start." I sighed. "Natatakot akong maging malungkot siya ulit. He seems happy now. And I don't want to ruin everything for him."
"Why didn't you tell him right away?" tanong niya.
"He lost both of his parents on the same day. I think it will be too much for him to handle if I will tell him about his friend's death. He's still so young."
"He's young and he can take situations lightly." Napaangat ako ng tingin sakanya. "I'll come with you when you're going to tell him about it."
Tipid akong ngumiti at tumango nalang.
Hindi naman ako natigil sa kakaisip kaya hindi agad ako nakatulog. Jaxon notices it, too.
"Don't worry about it too much. Everything will turn out fine. You should sleep now." Aniya.
'Yun nga ang ginawa namin kinabukasan. Sa halip na magtungo kami sa aming trabaho ay nagtungo kami sa lugar ng mga sibilyan. I immediately saw Tyler. He's with Sasha and the couple who treated him as their own child.
Tinawag namin siya at agad namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita kami. Sasha did the same, too. They hugged me when they reached me. I bended down to hug them back. It feels really nostalgic. Ganitong-ganito sila sa akin tuwing sasalubungin nila ako. Kulang nalang talaga si Andrew.
Umangat naman ang tingin nila sa kasama ko. Napaangat rin ako ng tingin. Nakatingin siya sa amin with neutral face. I wanted to laugh.
"Is he your boyfriend now, Doctor Margaux?" tinuro ni Sasha si Jaxon at tumingin sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot dahil hindi ko alam!
Are we?
"Yes," Jaxon answered for me. Umangat naman muli ang tingin ko sakanya at nakitang ngumisi siya sa akin. Umiling ako at ngumisi nalang rin.
Okay, then...
"Yey!" sigaw ng dalawang bata. Nagtatatalon sila sa tuwa. Napangiti naman ako. They really like us together!
"I'm sure Andrew will be so happy once he knows about this." Ani Tyler. Napawi naman ang ngiti ko dahil doon.
"Uhmm..." I said, ruining their happiness. "About Andrew... there are some things I need to tell you."
Naging seryoso naman sila at hinintay ang aking sasabihin. I started by telling them how I found Andrew that night. Sabi naman nila sa akin ay magkakasama pa sila noon pero nagkahiwalay lang nang magkaroon ng stampede.
Then I told him that Andrew did not make it. I told them that I wasn't able to save him. Both of them frowned. May mga luhang tumutulo sa kanilang mga mata.
"So, it's true." Sabi ni Sasha. Kumunot naman ang noo ko.
"We saw Andrew's picture on the board last week. He belongs to the deceased. We just didn't believe it because we decided to wait for you to tell us about it." Si Tyler.
"I'm sorry..." I whispered. I felt a tear fall from my eye. "I just couldn't let you take so much for one day. I gave you time. And I'm sorry that I just told you now. I don't want to leave Afghanistan without you knowing."
Inangat ko naman ang tingin ko kay Jaxon na nakikinig lang sa amin ngayon. Knowing that he's here, gives me strength to tell these kids about their friend's death. It gave me enough courage.
Hindi napawi ang lungkot sa kanilang mga mukha. Pero unti-unti naman silang tumango.
"We understand, Doctor Margaux." Sabi ni Tyler. "I know you did it for my sake. But I'm still thankful because you tried to save our friend." Lumingon siya kay Sasha at tumango naman ito.
Hindi ko akalain na ganito lang pala kadali ang sabihin sakanila ang tungkol doon. Sana pala ay hindi ko nalang pinatagal ng ganito. Pero tama na rin siguro 'to. Everything happens for a reason.
"Let's go, Doctor Margaux. I'll let you meet my new parents!" hinila naman ako ni Tyler patungo sa kanilang lugar. Ngumiti si Sasha. Tumayo ako at nagpadala na sa hila na.
Nilingon ko si Jaxon na tipid na nakangiti sa akin ngayon. Hinila ko rin siya para sumama siya sa amin.
"I told you kids handle situations lightly." Bulong niya sa akin. Ngumiti naman ako.
Tyler and Sasha introduced me to Roan and Danny, 'yung kinikilala ni Tyler na magulang ngayon. Their child was the same age as Tyler and they told me that Tyler reminded them of their deceased child so much. Kaya masaya sila dahil parang kasama parin nila ang kanilang anak kahit wala na ito.
I hugged Jaxon tightly nang lumabas na kami.
"Thank you," I said. I felt him smiled and he caressed my back lightly.
"Anytime."
Nang araw na paalis na kami sa Afghanistan ay nandoon rin sila Tyler at Sasha. I hugged them both tightly bago ako nagpaalam. Nakangiti ang mga kasama ko habang tinitingnan kami. Tumayo naman ako at nagtungo na sa bukana ng eroplano.
"We will miss you, Doctor Margaux!" they waved at me. I did the same.
Sinigurado ko rin na hindi ako aalis ng Afghanistan na wala akong ibinibigay pabalik sakanila. I cannot promise that I will be back here. Maraming trabaho ang naghihintay sa akin sa Pinas.
Nabalitaan ko kasi na may itinatayong eskwelahan malapit sa barracks na 'to. Kaya agad akong nagbigay ng tulong pinansyal sa dalawang bata para sa pag-aaral nila. Ako na rin ang nag-sagot ng gamit nila para sa eskwelahan. Binigay ko iyon sakanila kanina.
They're very grateful for it. Kung sana nandito pa si Andrew baka isa na rin siya sa mga pinag-aral ko.
Kiel offered his hand to me nang paakyat na kami sa eroplano. I smiled at him.
"See you in the Philippines, Doctora. Or should I say... sister-in-law?" he teased. I playfully rolled my eyes at him.
"You're going with us?!" nagulat kong tanong. Malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Of course! I have an eight months vacation."
"That's great! Mas marami ka nang oras makasama ang pamilya mo!"
Naalala ko kasi nung huling balik niya sa Pilipinas noon, dalawang linggo lang ata ang bakasyon niya noon at kailangan niya na rin agad bumalik.
"Yeah. Something really important came up. Kailangan ko talaga ng mahabang bakasyon. Couldn't afford to miss that day." Kumunot naman ang noo ko. Wala akong kaideideya sa sinasabi niya kaya hindi na rin ako nagtanong pa.
Umupo naman ako sa dati kong pwesto sa tabi ni Ethan. Apparently, he already figured out how the seat belt works dahil pagkatingin ko sakanya ay ayos niya na agad ito. Ngumisi ako. Pasikat talaga! Hula ko, pagkarating namin sa Pilipinas ay nandoon na naman ang coaster nila. Magpapasikat na naman siya kay Erin.
Nang umupo ako ay inayos ko na rin ang seat belt ko. Sinusubukan kong alisin ang pagkakabuhol nito nang may biglang gumawa na nito para sa akin. His large hand is enough for me to notice it was Jaxon.
Tumingala ako at ngumiti sakanya. Tiningnan niya naman ako pabalik habang pinagpapatuloy ang ginagawa at tsaka ngumisi sa akin.
Hinayaan ko siyang ayusin ang seat belt ko. I remember the same scene before. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ko siya hinayaan noon. I even shouted at him for not listening to me. Napailing nalang ako nang maalala ko iyon.
It's funny how fast things change. Dati, galit na galit ako sakanya. Halos ayaw ko na nga siyang makikita, e. Pero ngayon, halos araw araw gusto ko siyang nakakasama. Mas minahal ko siya ngayon kaysa noon.
Siguro nga everything happens for a reason. Maybe fate separated us because he wanted us to learn how to love each other even more when we're apart. Dahil kung kailan nagkalayo pa kami ay doon ko naramdaman ng husto ang pagmamahal ko para sakanya.
I love him more than anything else in this world.
"The last time I tried to do this, you did not let me." Aniya habang inaayos ang aking seat belt.
Tumawa ako.
"That's why I'm letting you now." I whispered which causes him to raise his gaze at me again. His dangerous eyes really gets me every time he looks at me like this.
Ngumisi siya sa akin nang natapos. Then he leaned in closer to press a kiss on my cheek. Umalis naman agad siya pagkatapos noon. Tumawa ako at umiling nalang.
"Goodness," I heard Ethan whispered. Napabaling naman ako ng tingin sakanya.
"Inggit ka?" I teased him. Umangat ang gilid ng kanyang labi at umirap sa akin.
Nakarinig naman ako ng mga hagikhikan. Agad na napabaling ang tingin ko doon. Erin, Tracy and Rico are all laughing silently. Eto namang si Vivian ay nanatiling seryosong nakaupo sa tabi nila.
I heard she has a huge crush on my boyfriend! No wonder why she's been asking me about him before we left for Afghanistan before.
Natulog lang ako buong byahe. Binawi ko ang mga kulang kong tulog doon. Buti naman at walang umistorbo sa akin dahil mukhang naiintindihan naman nila. I only woke up only when Ethan started shaking me so hard.
"Ano ba!" tinampal ko ang kamay niya sa aking balikat nang magising ako.
"We're here!" masaya niyang binanggit. Umirap naman ako at inalis na ang seat belt ko. Tumayo ako at kinuha na ang gamit ko.
The sunlight is blinding me. Kaya napapikit ako nang matapat ang mukha ko sa sinag ng araw. Sabay sabay kaming bumaba ng mga kasamahan ko. Sinalubong naman kami ng mga sundalong kasama namin at tinulungan kami sa aming mga gamit.
I immediately saw my father waiting for us. Nakahalukipkip siya habang hinihintay kami. Nakita ko rin naman ang mga magulang ni Ethan na naghihintay para sakanya.
Nang makuha ko na ang gamit ko ay agad akong nagtungo kay Daddy. Tipid siyang ngumiti sa akin nang papalapit na ako. I stopped in front of him. I opened my mouth to say something pero agad akong napatigil nang yakapin ako ng magulang ni Ethan.
"It's been a while, hija!" bati sa akin ng mommy ni Ethan. Ngumiti ako at niyakap na rin siya pabalik.
"Ano na ba ang status niyo ng anak ko? In a relationship na ba?" nakangiting tanong sa akin ng daddy ni Ethan. Natahimik ako at hindi naman agad nakasagot.
Nilingon ko si Daddy na naghihintay din ng sagot ko. Why would he wait for my answer when he already knows who I'm in a relationship with?
Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin at itinuon nalang ang pansin sa mga kasamahan kong papalapit. Nang makita ko namang sinalubong ni Erin ang kanyang magulang ay tinuro ko siya. Napabaling ang mag-asawa dito.
"Uhmm... Actually, magkaibigan lang po talaga kami ni Ethan. That's his girlfriend. Hindi lang po ako sigurado kung sila na po talaga pero mukha naman po."
Nagulat ang mag-asawa sa sinabi ko. Napahawak pa ang mommy ni Ethan sa kanyang labi.
"Oh, hija! I'm sorry! Akala ko kasi..." hindi na natuloy ng daddy ni Ethan ang kanyang sasabihin dahil dumating na ito.
"Mom... Dad!" salubong nito. He crashed them into a hug. Tumabi naman ako to give them privacy. Nilingon ko muli si Daddy na nagtagal ang tingin sa mga sundalo.
"Anak, hindi mo naman sinasabi sa amin na may girlfriend ka na..." ani mommy ni Ethan. Bahagya ko naman silang nilingon. Nakita kong kumunot ang noo ni Ethan.
"Ang sabi ni Margaux, girlfriend mo raw ang isang 'yon." Tinuro niya si Erin na busy makipagusap sa kanyang mga magulang. She's smiling at them. "Ipakilala mo naman kami."
Lumingon si Ethan sa akin at manghang tumingin. Umiling siya at tumawa. Sa huli, pinakilala niya naman si Erin sakanila.
I guess... they're really official.
Humarap muli ako kay Daddy.
"Hi, Dad." Bati ko. Hindi naman siya sumagot. Nakatuon parin ang kanyang pansin sa mga sundalo na nasa eroplano.
Lumingon rin ako para tingnan kung ano ba iyon. Nakita kong papalapit na sa amin si Jaxon. Humarap muli ako kay Daddy. Hindi nag-bago ang kanyang ekspresyon. Seryoso siyang nakatingin rito.
Agad ko namang nilingon si Jaxon nang tumabi siya sa akin. He saluted at my father and my father did the same, tsaka niya ibinaling ang tingin sa akin. Ngumiti siya ng kaunti sa akin.
"Naghihintay na sila sa'yo sa labas. Mauna na kayong umuwi. Susunod nalang ako."
Hinarap niya naman si Jaxon at seryosong tiningnan. "We have to talk, Captain Ventura. Let's head to my office."
They're going to talk? Parang alam ko na kung saan hahantong ang usapan na ito. Kailangan ay nandoon rin ako! I'm not going to let him face my father alone! We're going to fight this together.
"Wait!" I stopped the both of them nang tumalikod na sa akin si Daddy. "I should be there, too, right? I mean... I need to be there."
"No need, Margaux." My father assured. "Sige na. Umuwi na kayo. Susunod rin agad ako. May pag-uusapan lang kami."
Nagalinlangan parin akong umalis kaya humarap ako kay Jaxon. Tumingin siya sa akin at marahan na tumango.
"Everything's going to be fine," he assured. He moved closer to press a kiss on my forehead. "I'll call you."
"You don't have my number."
"I have my ways."
Iniwan niya na rin ako at sumunod kay Daddy papunta sa kanyang opisina. Hindi ako umalis sa aking pwesto hanggang sa hindi ko na sila maaninag pa. I hope everything will turn out fine.
Totoo nga ang sinabi niyang tatawag siya sa akin kinagabihan. I didn't know how he managed to get my number but he really has his ways. Unbelievable.
Tinanong ko siya tungkol sa naging usapan nila ni Daddy. He didn't tell me the details about it but he told me that it turned out fine.
Nang umuwi naman si Daddy ay hindi naman siya mukhang galit. He seems to be in a really good mood. Niyakap niya pa ako pagdating kaya mas lalo akong nagulohan. Ano ba kasi ang pinag-usapan nila?
Isn't he going to question me about my relationship with Jaxon? Isn't he going to stop us? Like he did before?
Nakapagdinner na kami nang hindi niya ako tinatanong tungkol doon. Kaya pinagpaliban ko nalang rin. Maybe if I'll ask him, it will ruin his mood kaya wag nalang.
"Oh! I forgot to tell you, anak. May formal party nga pala ang military next week. Your dad is the general kaya required talaga tayong lahat na pumunta." Ani Mommy.
Uminom naman ako ng juice at tsaka tumango. "Sige po. I'll make sure to free my schedule on that day." Ngumiti si Mommy at pinagpatuloy ang pagkain.
Laging may ganito sa military kada taon. Lahat ng mga naging officers na noon at ang mga pamilya nila ay nandoon sa party. I remember Jaxon mentioning about his father being the general before my dad took the place. Kaya may pag-asa na nandoon rin silang pamilya nila.
The day of the party quickly came. Lahat ng trabaho ko ay ipinasa ko na muna pansamantala kay Ethan. Wala naman masyadong ginawa sa hospital nitong linggo. I'm surprised that the interns are very well trained na. They're very competent kaya ang sayang tingnan ng hospital ngayong linggo.
May mga make up artist pang kinuha si Mommy para may mag-aayos sa amin para sa party. Ganito siya lagi. She likes exerting effort on this. Kaya masayang-masaya siya tuwing may ganito.
I asked the make up artist not to put too much make up on me. Sometimes make ups feels heavy on my skin kaya hindi rin ako masyadong naglalagay.
"Your skin is already good, Doc. Kaya hindi na kita lalagyan masyado ng foundation."
Tumango naman ako at hinayaan na siyang ayusan ako.
Kinulot niya ang dulo ng aking buhok. Inipit niya naman ang buhok ko sa magkabila kong tainga at nilagyan ito ng bobby pins. Inilagay niya ang aking buhok sa likod at ipinirmi ito, clearly trying to highlight my collarbones.
I wore my crystal earrings. The make up artist helped me wear my gown. Nagpatulong ako kay Felicity sa pagpili nito. We came up with a maroon satin dress. It's a spaghetti strap with an a-line neckline. Bukas ang likod nito at may slit rin. Felicity wore a baby blue off shoulder satin dress. Mas malaki nga lang ang palda ng kanya kaysa sa akin. It also has a crystal belt on its waistline.
Sabay kaming bumaba ni Felicity. Dominic helped her get down the stairs while Gio helped me. Nang mapansin naman ni Gio ang likod ko ay pinitik niya ito.
"Aw!" tiningnan ko siya ng masama. Tumawa lang siya at tinulungan na kaming pumasok sa aming van.
My father is already sitting infront. Ngayon ko nalang ulit siya nakitang naka suit. Si Mommy nalang ang hinihintay namin. I opened my clutch to get my phone. May bagong mensahe doon galing kay Jaxon. Ang sabi niya ay kadadating lang daw nila at hihintayin niya daw ako. Hindi na ako nakapagreply pa dahil dumating na si Mommy.
"I'm sorry! Ako nalang ba ang hinihintay ninyo?"
Nilingon ko siya. She's looks very pretty on her crystal gown. Her hair is styled in a very formal way, too. One of our maids closed the door of our van for her.
"Wow, Mommy! Demure na demure." Dominic teased. Ngumiti naman si Mommy sakanya.
I saw my father looking at her from the rearview mirror. Nang mapansin na nakatingin rin ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Ngumisi ako.
"Let's go," ani Daddy sa driver.
Saglit lang ang naging byahe namin. Marami na agad ang taong nagsisidatingan. Cameras keeps on flashing, too. Nang matapat na ang aming van sa entrada ay sinalubong kami ng mga camera. Hindi pa kami masyadong nakakalabas ay pinagkukuhanan na agad kami ng mga litrato.
"Nandito na si General." Ani ng mga photographer.
Ang ibang sundalo naman ay pinipigilan silang makalapit. Naunang lumabas si Daddy at sumunod naman si Mommy. Hanggang sa nag-sunod sunod na kami. Ako ang pinakahuli.
Nang ako na ang palabas ay may naglahad ng kamay sa akin. Tiningala ko kung sino ito at nakita si Jaxon. I was shocked. Akala ko isa lang sa mga bodyguard! Gosh!
How did he know that we're already here? Hindi ako nakapagreply sakanya na papunta na kami ha?
Ramdam ko naman ang mga matang nakatingin sa amin. Pero iisang pares lang ng mga mata ang binalingan ko, ang kay Daddy. Pinapanood niya kami at hinihintay ang susunod kong gagawin.
Tumango siya sa akin para bang sinasabi sa akin na tanggapin ko ang kamay ni Jaxon. Ngumiti ako at ginawa nga iyon. Jaxon closed the door for me and he helped me with my dress. Ang dalawa ko namang lalaking kapatid ay tinutulungan si Felicity sa kanyang damit.
While my parents, their arm in arm. Ngiting ngiti si Mommy habang papasok.
"You look so beautiful," Jaxon whispered in my ear. He snaked his arm around my waist. Ngumiti naman ako.
"I thought you were a bodyguard a while ago," kunot noo niya akong nilingon. May mapaglarong ngisi sa aking labi. "But you look really good, too."
Totoo! Though, napagkamalan ko siyang bodyguard dahil sa suot niya. He's wearing a black suit and a black tie. Ganito rin ang suot ng ibang bodyguards ang pinagkaiba lang, nasa labas lang sila ng venue. Habang siya ay pwedeng pumasok.
"Ouch." He muttered. I chuckled lightly. Nilingon ko siya at marahang hinawakan ang kanyang pisngi.
"You're so cute!" I pinched his cheek. Agad niya namang inalis iyon. He doesn't like me doing that! Napakaarte!
Hinawakan niya naman ang kamay kong ginamit kong pangkurot sakanya at pinagsiklop niya ang mga kamay namin. Hindi agad kami dumiretso sa aming table. Tumigil kami sa table ng isang matalik na kaibigan ni Mommy.
"Cecilia!" bati nito.
"Helga! Long time no see!" nakipagbeso si Mommy sakanya.
Tumayo naman ang mga anak nito at ngumiti sila sa amin.
"Ah! Ferdinand! You never changed! Seryosong seryoso ka parin." Bati nito kay Daddy. Tipid namang ngumiti si Daddy at nakipagbeso na rin sakanya. Kinamayan nito ang asawa. Her husband is the former lieutenant general.
"I'll be in our table," bulong sa akin ni Jaxon. Tumango naman ako at hinayaan siyang umalis.
"Are these your children?! Gosh! They're all so grown up now!" lumapit sa amin si Tita Helga at niyakap kami. "Such a beautiful family! Ang gaganda't gwapo talaga ng mga anak mo, Cecilia."
"Ikaw talaga, Helga..." my mom laughed. "Kanino pa ba magmamana?"
Lumingon naman si Dominic sa amin. He rolled his eyes.
"Seriously?" he mouthed. Bahagya naman siyang tinulak ni Gio at tumawa. Umiling nalang ako at nakinig nalang sa usapan nila.
"My first born got married last month! Napakasarap nga sa feeling na makita ang anak mo na ikinakasal! Hindi ko inasahan na iiyak ako ng ganon! Kaya ikaw... magdala ka ng maraming tissue kapag kasal ng anak mo!" lumingon sa amin si Tita Helga. Tiningnan niya ako.
"Hindi pa ba kasal si Margaux? She's off age!"
Here we go again...
Nilingon rin nila akong lahat. Nagpatay malisya nalang ako.
"Naku! Ayun na nga ang sinasabi ko sakanya, e. Pwedeng-pwede na siyang magpakasal sa edad niya! Eto rin kasing si Ferdinand, gustong gusto nang magkaapo!"
Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko inaasahan iyon kaya naman ay napalunok ako. Are they pressuring me?
"E, paano naman ikakasal? Wala pa naman atang napupusuan?"
"Anong wala?!" my mom laughed. "Patay na patay nga iyan kay Captain Ven–"
"Mommy..." pinutol ko ang sasabihin niya. She shut her mouth but Tita Helga seems like she doesn't want to shut hers, too.
"Si Captain Ventura, Margaux? Siya iyong napupusuan mo?!" she looks very surprised and very amazed, too. "Nakita ko nga rin siyang kasama mo kanina. Ang gwapo talaga ng isang iyon. Kamukhang kamukha si Thomas! Boyfriend mo ba siya, hija?"
Lumingon naman ang lahat sa akin at hinihintay ang aking sagot. Ganoon rin ang mga magulang ko. Both of them turned to look at me. My father seems to be anticipating for my answer. Tumango muna ako bago sumagot.
"O-Opo."
Felicity's eyes widened. Ganon rin ang kay Gio. Dominic smiled at mukhang masayang masaya para sa akin.
"Ate!" si Felicity. Nangingiti siya ngayon.
Nilingon ko naman si Mommy na malapad rin ang ngiti ngayon.
"Oh my gosh! You two will make such a beautiful baby!" ani Tita Helga.
Muntikan akong mabilaukan sa sinabi niya. We've been only dating for three months at wala pa sa isip namin ang tungkol diyan.
Nagpatuloy pa ang usapan nila. My Dad and the former lieutenant general is drinking champagne while talking.
"Is mommy this talkative during every event?" tanong sa akin ni Felicity. Tumawa lamang ako at hinayaang si Dominic na ang sumagot.
"She likes to talk so much, just let her!" He hissed. Umirap sakanya si Felicity.
"Why didn't you tell us that you already have a boyfriend, Ate?" tanong naman ni Gio sa akin. Muling napabaling si Felicity sa amin. She pouted.
"Oonga! Crush na crush ko pa man din siya! Hindi mo man lang sinasabi sa amin." She pouted more.
"Sorry, Fel. But wala kang chance kay Captain Ventura. Kay Paul ka nalang." Pang-aasar ni Dominic sakanya.
Paul is my sister's suitor. Namula naman si Felicity at nanahimik na.
"I'm happy for you." bulong sa akin ni Gio. Ngumiti ako sakanya.
"It's time to find yours, too."
"Already did." Proud niyang sinabi. Nagtawanan naman kami.
I feel like I already know who it is.
Matagal bago nag-umpisa ang event. Hindi parin tapos si Mommy at Tita Helga sa pagkukwentuhan at hindi parin kami nakakapunta sa table namin!
"Excuse me, general. But can I borrow Margaux for a moment?" I heard Jaxon's voice behind me. Inangat ni Daddy ang tingin sakanya. Ganoon rin si Mommy at Tita Helga.
I mean... everyone turned their gaze towards him. Kahit ang mga anak rin ni Tita Helga.
"Oh my! Diyan mo na ipakasal ang anak mo, Cecilia!" bulong ni Tita Helga kay Mommy ngunit narinig ko iyon. Hindi naman sumagot si Mommy at sa halip ay tumawa nalang.
Jaxon waited for my father's approval.
"Oh,Lito! This is the current Captain of the Philippine Army. Captain Jaxon Alexander Ventura." Pakilala ni Daddy.
Jaxon saluted at the former lieutenant general.
"Oh, you don't need to!" anito. He reached out for Jaxon's hand and shook it. Ngumiti naman si Jaxon sakanya. May pinagusapan pa sila ng sandali hanggang pumayag na si Daddy na kunin ako.
"You can get Margaux now." Nagagalak na binanggit ni Daddy. It's odd to see him this happy.
"Thank you, Sir."
Tumango si Daddy at tinapik si Jaxon sa balikat. Tinulungan naman ako ni Jaxon na tumayo.
"Where are you taking me?" I asked as we walked away.
"To my parents," simple niyang sagot. Bigla akong kinabahan. Hindi ako nakapaghanda!
Papalapit na kami sa kanilang table at nakita ako ang mag-asawa na kausap si Kiel. Nakatalikod sila sa amin at nang mapansin ni Kiel na papalapit na kami ay tinuro niya kami. Doon napalingon ang mag-asawa sa amin.
His mother is really beautiful! Just what I expected. And his father, I did not expect him to be this tall.
"Good evening, po." Bati ko. His mother smiled at me.
"Wow! Such a beautiful fine lady!" hinawakan ng mommy niya ang kamay ko. She keeps on smiling at me. Kaya ganoon rin ang ginagawa ko.
Kiel is silently standing behind them at nakangiti rin sa akin. He waved at me when he saw me looking. Nilingon ko naman ang daddy niya. Nakangiti na rin ito sa akin.
"Look, Thomas! She's very pretty!"
"She is."
The compliment goes on and on. Sumobra na nga ang compliments na natanggap ko para sa isang gabi lang, e.
"Oh, my bad! I didn't ask you your name." Ani mommy ni Jaxon. I chuckled.
"I'm Mari Gauxiena Donovan po. The daughter of General Ferdinand Donovan."
Lumapad ang ngiti ng tatay ni Jaxon. His mother caressed my hand gently at hindi parin naaalis ang ngiti sa akin.
"No wonder why you look very familiar! Ibang-iba ang itsura mo noon kaysa ngayon! Mas lalo kang gumanda!"
Natahimik kami ng sandali bago may itanong sa akin ang mommy ni Jaxon.
"And you're Jaxon's?" hindi naituloy ng mommy niya ang tanong.
"Mom! It's obvious!" pagsingit ni Kiel.
"I'm his girl–" sasagot na sana ako nang biglang pinutol ni Jaxon ang sasabihin ko.
"She's my fiancée." Jaxon answered. Agad naman akong napalingon sakanya. My eyes widened.
Fiancée? I'm his fiancée?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top