Chapter Thirty-Nine

Song: The Blower's Daughter- Alice Kristiansen

Missing

Jaxon and I have been married for three years now.

Marriage was never an easy thing lalo na't hindi kami araw-araw magkasama. Most of the time, we only see each other through Skype. 'Yun ay kung mayroon kaming oras.

I'm busy at the hospital while he's in Syria battling for peace.

The first year of our marriage is quite hard. Dahil simula nung makasal kami ay ilang buwan lang pagkatapos noon ay bumalik na rin agad siya sa Syria. I asked my father to extend his vacation pero hindi siya pumayag. Kailangan na raw si Jaxon doon.

Right! He left his work in Syria so that he can join us in Afghanistan.

Marami siyang naiwang trabaho doon. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang nangyari. I thought my father gave him the mission purposely. 'Yun pala ay pinilit siya ni Jaxon.

Kung hindi pa iyon sinabi ni Daddy sa kasal namin ay hindi ko pa malalaman iyon.

Every time I miss him, lagi kong iniisip ang nangyari sa kasal namin. That was the most beautiful and magical day of my life! I couldn't be happier that day.

Sumilip ako sa bintana habang inaayusan ng make-up artist. They're setting everything up right now. Ang hinihiling kong entrada ay sinunod nila. Ang mga bulaklak na nirequest ko ay nilalagay na rin sa gilid ng aisle.

Sa malayong dako naman ng resort ay doon inaayos ang reception. Hindi ko pa nakikita ang itsura kaya mamaya ay paniguradong magugulat ako.

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan na ako.

"Naku, doctora! Huwag kayong kakabahan!" ani ng make-up artist. Ngumiti ako sakanya at humarap na muli sa salamin.

My make-up is done. Buhok nalang ang inaayos ngayon. Up do ang ginawa niya sa buhok ko. Nagtira siya ng kaunting buhok sa gilid at kinulot ito. Nang matapos ay nilagyan niya ng bulaklak ang aking buhok.

"Oh my god! You're the most beautiful bride ever!" napasigaw si Mommy nang makita niya ako. She's wearing her ash gray gown.

Sa lahat ata ng pamilya ko, siya ang pinakaexcited. Siya rin ang pinaka naging emosyonal. My father has to calm her down so that she could stop crying while we're saying our vows. Lumapit si mommy sa akin nang may luha sa kanyang mga mata.

"My baby is getting married now!" her voice broke. She kissed both of my cheeks. Tumawa naman ako.

Kinuhanan muna ako ng litrato ng photographer bago ko sinuot ang aking gown. I bought this gown all the way from the States. Ito kasi ang natipuhan ko at wala nito sa Pilipinas. It's a Berta Bridal 2018 spring collection.

It's a spaghetti strap dress at bukas ang likod nito. Ang laylayan ay medyo may pagkahaba. The details of this gown from its bodice to its skirt is the reason why I liked it so much. Sunod namang sinuot sa akin ang viel.

My mom is silently crying in the corner while the assistants are trying to fix my veil. Natabunan na nito ang mukha ko. Ngumiti ako.

This is it.

Ngiting ngiti naman si Felicity sa akin habang tinitingnan ako. Erin is here, too. She's my maid-of-honor. She's wearing an off shoulder navy-blue dress. Inabot niya naman sa akin ang bouquet ko.

"Congratulations, doctora! We are so happy for you!" aniya. Ngumiti ako at niyakap siya.

I really hope that Ethan and Erin will end up together. They deserve each other and Erin brings out the best version of Ethan. Hindi ko nga inakala na may ganoong pag-uugali si Ethan, e. Kung hindi lang siguro dahil kay Erin...

Kinuha ko na sakanya ang bulaklak. Kinuhanan muna kami ng litrato ng aking mga bridesmaid. Kasama rin dito si Brittany. She will end her residency year at our hospital next month. I'm so excited to be working with her.

"Gosh! I can't believe that one of my cousins is getting hitched again!" Ani Brittany. Niyakap niya ako.

They got here just yesterday. They had to cancel one of their flights at last minute pa ang pagkuha nila ng panibagong ticket dahil kinailangan pa nilang hintayin si Benjamin na kakagaling lang ng Spain.

Sabay sabay kaming lumabas at nagtungo sa pag-gaganapan ng kasal. The set up is breathtaking! Hindi ko maisaad kung gaano ako kamangha sa nakikita ko ngayon. Inayos ko naman ang aking sarili at tumayo na ng maayos.

I breathed in and out... You can do this, Margaux!

I got more nervous when I heard the instrumental of Make You Feel My Love by Adele, started playing. I swear I can literally hear my heart pounding inside my chest!

Everybody stood up when it's my turn to walk down the aisle.

Hindi masyadong mainit ngayon. Para bang nakikisabay ang panahon sa amin. Mahangin pero parang pinapahiwatig nito na ang hangin ang naging dahilan kung paano kami napunta sa isa't isa. I smiled when I saw Jaxon trying so hard not to tear up.

Sinalubong ako ni Mommy at Daddy sa gitna ng aisle. Lahat ng camera ng mga imbitado ay nakatutok sa akin. Ang iba ay umiiyak. Ang iba naman ay natutuwa.

My father smiled reassuringly at me. Humarap muli kami sa kung saan naghihintay si Jaxon at ang best man niya.

Axel is Jaxon's best man. Marami sa kasamahan ni Jaxon ang imbitado. Feeling ko nga sa sobrang rami nila ay sobrang magiging safe 'tong kasal na 'to. Marami ang magliligtas sa amin kung sakaling magkagulo. But I hope that won't happen.

Not today... Not on my very special day.

Nilingon ko naman ang ibang bisita at nginitian sila. I'm surprised to see Zia wearing a dress. Her hair's down, di katulad ng madalas naming nakikita sakanya. She looks really beautiful. Ngunit ang reaksyon niya ay ganoon parin. Cold and unbothered. Nang magkatinginan kami ay ngumiti ako sakanya.

Ngumiti rin naman siya pabalik. Gosh! She should do that more often. Nilingon niya naman ang kabilang parte ng mga bisita. Mukha siyang nagtatago.

Hindi ko na pinansin pa iyon at hinarap ko nalang muli ang pwesto nila Jaxon. He's tearing up now. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. Inabot naman sakanya ni Axel ang isang panyo. He hit him playfully pero tinaggap rin naman sa huli.

Jaxon followed what I wanted him to wear. Cream-colored suit nga ang pinagawa niya. He looks really, really handsome compared to the last time I saw him wearing a suit.

Pinalis niya muli ang kanyang luha nang tuluyan na kaming makalapit sakanila. He smiled at my parents. Then he smiled at me. Mahigpit na hinawakan ni Daddy ang kamay ko bago niya iniabot kay Jaxon ito.

"He's the right man. You really belong to him." Aniya.

I almost cried because of it pero ayoko namang masira agad ang make up ko. Hindi pa nag-uumpisa ang kasal! Kaya naman ay tipid lang akong ngumiti sakanya at niyakap siya.

Lumapit rin naman ang magulang ni Jaxon sa amin. I kissed his mother on her cheek at niyakap ko naman ang kanyang ama.

Jaxon gently reaches for my hand. Ngumiti siya sa akin bago kami tuluyang lumapit sa pari. It's time to dedicate our love to Him. He who brought us back together. He who made our different worlds meet.

Mahirap man ang naging proseso ng pagmamahalan na ito... I still believe that everything works out in the end.

Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Jaxon sa kamay ko habang nagsisimula na ang seremonyas.

"Dearly Beloveds and Honored Guests: We are gathered here this day in the sight of God and the company assembled to witness the giving and receiving of the marriage vows," the priest started. "Marriage is an institution ordained of God and is not to be entered into lightly or in jest and only after much consideration."

Then, we both proceeded with our vows. He asks Jaxon first then the next is me. Of course, we both said I do! Hindi pwedeng hindi iyon ang isasagot namin!

Baka sapakin ko siya kapag hindi iyon ang sinagot niya!

Pagkatapos naman noon ay dumako na kami sa sarili naming vows. I volunteered to be the first one.

"Jaxon Alexander Ventura... my love, my captain, my best friend, my shoulder to cry on. And most of all, my everything. Our relationship was never easy. We have dreams we wanted to achieve and we have a love that we wanted to fight for. All my life, all I wanted was to achieve the first one. But then, you came and you made me want to fight for something I know I could never have," my voice broke. I wiped away my tears away using my index finger.

Huminga muna ako ng malalim bago ko ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"But then you proved me wrong... you came back to me and you made me feel that I can finally have you. From the day we met, you already became a part of my life. We met because we need to go in a chaotic place to save people. And I thought, that once I get there, my life will also be full of chaos. But I was wrong. Because you proved to me that even the most chaotic place, can be beautiful, too.

"And now... I am standing here today making a promise to always wait for you. Even though you've known me to be an impatient person, I will wait for you." I tried to laugh. Pero naging imposible lalo na't umaagos ang luha ko sa sobrang pag-iyak.

I never thought that wedding vows could be this emotional! Aiden should've warned me!

"I promise that I will try and be patient with you. I promise that I will wait for you until you come back from war, even though it will cost me my never-ending worries about your safety. I promise not to threaten to leave you if you have to leave again, because I know, that six months or so without you is by far easier than the rest of my life without you. I promise to love you even more when things get hard. I promise to love you, even when it hurts. I love you so much, Jaxon. You are my greatest achievement. And I will always... always... do anything for you. And I want you to keep that in mind."

I pressed my lips into a thin line when I finished. I tried my best to conceal my feelings. Pero walang epekto dahil sobra pa sa sobra itong kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

I thought the happiness that Jaxon made me feel before is temporary. But right now, I came to realize that the happiness he's giving me now will last a lifetime. He's making me feel forever right now.

I'm willing to spend the rest of my life with him. Even though he will be apart from me most of the time... I will never get tired of loving him. He never gets tired of being there for me despite how confused and lost I was. He always finds me and saves me.

He left me for a reason. He left me not because he didn't love me but because he loved me so much that it came to a point where we needed to rest from each other. He has his dreams and I have mine, too. We tried to achieve it but in the end, we failed. Because the only dream we wanted to achieve is... to be together.

When he proceeded with his vows, that's when I lost it. Tamang tama lang talaga na ako ang nauna. I know I will cry like this once it is his turn.

"Mari Gauxiena Donovan, the woman who made me question my credibility as a soldier," he chuckled. I smiled. Kumunot naman ako sa pagtataka. I let him continue. "The first woman who made me want to ditch my responsibilities just so I can be with her. The first ever woman who made me break a rule because I wanted to keep her safe. My firsts, my love and my one and only, Margaux..."

"When you said that we met because we needed to go to Afghanistan... you were wrong. We already met but you just don't remember that we did." He chuckled again. How is he able to take everything so lightly? "And from that moment, that was the time I first laid my eyes on you,"

"I have loved you since the first time I saw you. It took me five years to finally stop from loving you from afar," my mouth parted. Gosh! Does this mean that he loved me first?

Oh my god. Oh my god. Oh my god.

"And I am so happy that I can finally show you now how much I love you. I will do everything I can to stay safe when I am away from you because I understand that I have a responsibility not just to my country, but also to our life together. Every moment that we are apart, trust that I am thinking of you and counting the moments till we can be back together." Ngumiti ako at tumango.

Gosh! I've never cried this much in my whole life.

Maayos niyang nasabi ang kanya, ako lang ata itong sobrang emosyonal. I almost broke down in tears and my voice keeps on breaking.

"You may now kiss the bride." Nagpalakpakan ang lahat nang sinabi na ng pari iyon. Even Jaxon clapped. Kumunot naman ang noo ko at natawa.

"Ahh! Finally!" tuwang tuwa niyang sinabi.

He closed the distance between us at dahan dahang itinaas ang belo na suot ko. He gently grabbed my jaw. Ngunit bago niya ako mahalikan ay may sinabi siya na ako lamang ang nakakarinig.

It looks like he's not yet done with his vows.

"I want you to remember that I will always choose you. I will choose you even on the days when you do not choose yourself. Even when you look exhausted after an eight-hour operation, I'll still choose you. I love you so much that I don't think there's another version of my life without you in it. You are the most beautiful thing that has ever happened to me and I couldn't be more grateful for that."

Agad na tumulo ang luha ko pagkatapos niyang sabihin iyon. I will always choose you, too, Jaxon. Even when I have to choose between to stop my career or be the best wife for you, I'll choose you. I'll choose you over everything even when it hurts sometimes.

Because there is nothing better than choosing the person you love.

Unti-unti siyang lumapit at dahan-dahang inilapat ang kanyang labi sa akin. Some of the guest screamed. Ang iba naman ay hindi natigil sa pagpalakpak.

"Mari Gauxiena Donovan-Ventura..." dahan dahang sinabi ni Jaxon. "Damn! That was the most beautiful name I ever heard."

Nagpalit naman ako ng damit bago kami magtungo sa reception. Iba naman ang suot ko ngayon. My dress is from Berta again pero iba na ang disenyo. It's a spaghetti strap cold shoulder dress. The dress is full embellish with embroidered white flowers.

I smiled at my reflection. Inangat ko naman ang aking daliri at tiningnan ang sising sa kasal namin. I can't help but smile while looking at it. Hindi ako makapaniwala na kasal na nga ako. People at the hospital will no longer call me Dr. Donovan but Dr. Ventura!

I still can't process everything properly. Ganito ba ang feeling ng ikinasal? Feeling mo ay illegal na maging ganito kasaya?

Napalingon naman ako sa pinto nang marinig kong may kumatok. Agad akong napangiti nang makita ko ang asawa ko. Tinanggal na niya ang kanyang coat at iniwan nalang ang suot na white polo. Nakatupi ito hanggang siko.

"Hi," he greeted at tsaka naman lumapit sa akin.

Lumayo ng bahagya ang make up artist sa akin para makalapit pa ng husto si Jaxon sa akin. Ilang minuto lang rin ay natapos na siya sa ginagawa at iniwan na kami doon.

Jaxon snaked his arms around my stomach at ipinatong niya naman ang kanyang baba sa aking balikat. We stared at our reflection for a moment.

"You know what," I started. "I realized na ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa'yo."

Nilingon ko siya at inirapan. Tumawa naman siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayap sa akin.

"You are such a secretive person! I didn't even know that you loved me first! How dare you–"

"You don't need to worry; my secrets are now yours."

"Do you even plan on telling me?!"

"Yeah. I planned to tell it to you on our wedding day and I did."

Napangiti ako. Sabay naman kami nag-tungo sa reception. The decoration is extremely breathtaking! Nagulat ako sa aking nakita. There are hanging light bulbs on the trees. Ang set up naman ng mga table ay talagang maganda.

Nagsitayuan ang mga bisita nang makita kaming papasok.

"Let's welcome... The newlyweds! Mr. and Mrs. Jaxon Alexander Ventura!" ani ng host.

I can't believe that I'm being introduced like this! Sobrang nakakapanibago! Ngumiti ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Jaxon.

Jaxon smiled genuinely at everyone. I like seeing him like this. Kitang-kita mo talaga ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"Oh, Margaux! Nandito ka pa pala. Hindi ka pa papasok?" ang boses ni daddy ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. He's on his usual military uniform.

Ako naman ay nakadapa dito sa sala habang inaalala ang kasal namin noon. I miss him so much! I haven't seen and touch him for a month!

Noong nakaraang buwan ay sinupresa niya ako sa biglaan niyang pag-uwi. Nagulat nalang ako nang bigla akong tinawag ng isang nurse at sinabing may bisita raw ako.

"Huh? Wala namang nagsabi sa akin na may bibisita ngayon." natataka kong tinanong sakanya. Inayos ko ang dextrose ng aking pasyente at muli siyang nilingon.

Nakita ko namang nagpigil siya ng ngiti. "Doctora kasi ang ano niyo po... ang ano..."

"Ano?!" tinaasan ko siya ng kilay. Nasaan ba si Erin? Bakit hindi siya ang kasama ko dito? Bakit itong intern na nurse ang napunta sa akin?

"Si ano po..." she giggled. Kumunot naman ang noo ko sakanya.

Pagkatapos kong magsulat sa medical chart ng pasyente ay agad ko ring inabot sakanya ito. Inirapan ko siya bago ako tuluyang lumabas. I stopped in my tracks when I saw my very handsome husband waiting outside the patient's room. No way...

"Ang asawa niyo po, doctora. Naghihintay po sa'yo." Ani ng nurse.

I immediately crashed my Jaxon into a hug.

"Easy..." aniya.

"Why didn't you tell me?!" hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi. Wala akong pakialam kung pinagtitiningnan kami dito sa ospital ngayon.

My husband is a soldier at kailangan nilang intindihin na minsan lang kami magkita!

"Then it will no longer be a surprise if I tell you." he smirked.

Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga. Mamaya-maya pa ay unti-unti akong napapangiti habang nakatingin sakanya.

Umangat ang gilid ng kanyang labi. I tiptoed to press a kiss on his lips. Wala na talaga akong pakialam kung pagtinginan kami dito. Balak ko pa sanang tagalan kaso biglang umepal ang kapatid ko.

Gio coughed. "This is my hospital."

Itinigil ko ang paghalik kay Jaxon at hinarap ang aking kapatid. I glared at him.

"Welcome back, brother." Sabi ni Gio kay Jaxon. Ngumiti naman ito sakanya.

"Thanks,"

Iniwan niya rin naman agad kami pagkatapos noon. He's with some of the board members. Mukhang may meeting silang dadaluhan. After we ate lunch with my cousin ay agad ko rin namang tinapos ang shift ko noon para makauwi na kasama si Jaxon.

Napaayos ako ng upo nang linungin ko si daddy. Kahapon ay dito ako sa amin natulog. Nakakalungkot kasi at wala akong kasama sa bahay namin ni Jaxon kung hindi ang katulong namin na stay out pa minsan! Kaya napagdesisyonan ko na dito muna ako sa amin habang hindi pa umuuwi si Jaxon.

"Ahh... medyo masama pa po kasi ang pakiramdam ko. Baka mamaya-maya na po." Sabi ko.

I've been feeling sick for a week now! Simula noong umalis siya last month, pabalik-balik 'tong masamang pakiramdam na 'to. We did it pero ilang beses na naming ginawa iyon at hindi parin ako nabubuntis.

Hello? We've been married for four years now at wala parin kaming anak hanggang ngayon! My relatives are pressuring me dahil ang tagal naman daw bago kami magkaanak. Hindi daw kami gumaya kay Ana at Aiden.

But we're just so busy! At hindi pa kami halos araw araw na nagkikita hindi katulad ni Ana at Aiden na anytime pwedeng gumawa ng milagro!

We had our honeymoon in Paris pero kahit na ganoon ay wala paring nabuo! Malapit ko ngang isipin na isa sa amin ay baog, e.

Hindi ko alam kung signs lang ba 'to ng stress o ano. But I feel nauseous most of the time! Minsan pa nga ay sa kalagitnaan ng operation ay makakaramdam ako ng ganoon. Minsan ay mas pinipili ko pang matulog kaysa gumawa ng kahit ano!

This flu is unhealthy for my work. It makes me want to ditch everything just so I can get some sleep.

Namahinga rin ako ng ilang araw dahil doon. Iniisip ko kasi na baka flu lang iyon o hindi kaya ay sa sobrang pagod lang rin. The chief of surgery has been handing me big time operations. No wonder why lagi akong pagod.

"You look exhausted. Huwag ka na kayang pumasok." Sabi ni Daddy. Umiling ako at magsasalita na sana ulit nang makaramdam ako ng biglaang pagbubuwal.

Napatakbo ako ng di oras sa banyo para ilabas ang kung ano man ito. My head immediately ached after it. Napatakbo rin ang ibang katulong namin para daluhan ako. They handed me a glass of water. Iniinom ko naman agad ito. Hinilot ko naman ang sentido ko. Siguro ay hindi na nga muna ako papasok ngayon.

Naramdaman ko namang nakatayo si Daddy sa harap ko. Hindi ako nag-angat ng tingin sakanya.

"I'll call your mother." Aniya. His tone sounds really happy. It's weird.

Isinandal ko nalang ang aking sarili sa sofa. Mamaya maya pa ay dumating na rin naman agad si Mommy.

"Dear! Masama raw ang pakiramdam mo!"

"Medyo nahihilo at nasusuka lang po. Pero maayos naman po ako."

"Ethan told me that she's been feeling nauseous for the past few weeks. Mapili rin daw sa pagkain at lagi raw tulog sa opisina niya." Si Daddy.

Agad akong napaangat ng tingin sakanya.

"Ethan told you that?" tanong ko.

"Yeah, I told him to watch over you lalo na't wala dito si Jaxon para bantayan ka. And look what we've got!" ngumiti siya. "There's a chance that you're finally pregnant!"

Napalunok naman ako nang sinabi niya iyon. Am I? I've been feeling sick for weeks. I'm a doctor and I know the signs of early pregnancy. Kaya naman ay inisa-isa ko iyon sa isip ko.

Ten out of thirteen signs that I can remember ay nararanasan ko ngayon. My gosh!

"Kailan pa ang huling menstruation mo, Margaux?" si Mommy.

"Uhhh..." inisip ko kung kailan. "Regular naman po ang menstruation ko pero hindi po ako dinatnan last month?"

Hindi ako sigurado sa sagot ko. Hindi ko maalala kung nagkaroon ba ako last month. Goodness! Why is this so stressful?

"That's a sign, honey, right? Is she pregnant?" tanong ni Daddy.

He sounds so excited. Noon niya pa kasi gusto ng apo pero hindi namin mabigyan bigyan. Well aside from being apart from each other most of the time, tingin ko nga isa sa amin ay baog!

"We still don't know, hon. Mabuti pa at magpabili ka ng PT kay Jose para masigurado natin!" utos ni Mommy kay Daddy.

Nagkumahog namang lumabas si Daddy para utusan ang driver namin. But he still has to work! Kailangan niya pang pumasok!

"Mom... I don't think I'm–"

"Oh! You are! Napapansin kong nananaba ka rin at madalas ka ngang tulog!" hinawakan ko naman ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata.

"Stress eating!" I reasoned out. "Doctors don't get enough sleep kaya binabawi ko dito."

"Hay basta, Margaux! Nasisiguro kong buntis ka! Alam na alam ko iyan... nabuntis rin ako ano!" umirap siya sa akin. Hindi pa bumabalik si Daddy. Siguro siya ang sumama kay Kuya Manny.

Nakakatawa namang isipin na siya ang bibili ng PT. He's wearing a military uniform! People will recognize him! Umiling nalang ulit ako at pinikit na muli ang mga mata.

Nang dumating sila ay agad na pinasubok sa akin ng mga magulang ko ang PT. Dalawang PT ang ibinigay sa akin. Buti at wala ang mga kapatid ko dito kung hindi ay pati sila nakikichismis na dito sa nangyayari.

"Ano, Margaux?! Tapos na ba?" Tinanong ni Daddy sa akin mula sa labas ng banyo.

Hindi naman ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa dalawang PT. Parehas silang may dalawang guhit. Ibig sabihin...

I bit my lip to stop my tears. Gosh! Finally! Wala palang baog sa amin!

Lumabas ako ng blanko ang mukha. Kumunot naman ang noo ng magulang ko sa akin.

"Anong... balita?" tanong ni Mommy. Pinasadahan ko muna silang dalawa ng tingin bago ko ipinakita sakanila ang resulta ng PT.

Sabay silang lumapit para tingnan iyon. Agad na sumilay ang ngiti sa kanilang labi nang mapagtanto na magkakaroon na sila ng apo.

"I'm pregnant!" sigaw ko.

Simula noon ay naging maalaga sila sa akin. Lagi silang kasama tuwing magpapacheck up ako kay Brittanny. My cousin is now an OB-Gyn, she became an attending last year. Siya ang nagsabi na three weeks pregnant ako. Siya rin ang nag-aadvise sa akin tungkol sa mga kailangan kong gawin.

Sa unang ultrasound ay muntikan na akong maiyak. I really am pregnant! Brittanny pointed at the monitor. Tinuro niya sa amin ang isang itim na bilog.

"Congratulations, Margaux!" bati niya sa akin. Ngumiti naman ako.

Kailangan ay malaman agad ni Jaxon ang tungkol dito! He needs to be with me when I give birth! Hindi pwedeng wala siya doon!

Ganoon nga ang ginawa ko pagkauwi. Agad kong binuksan ang laptop ko at tiningnan kung online ba si Jaxon sa skype. Nang makita kong nakagreen ang account niya ay agad ko siyang tinawagan.

It took him three rings before he finally answered my call.

"Jaxon!" salubong ko sakanya.

Nakahilig siya sa kanyang swivel chair habang pinaglalaruan ang labi. He's wearing a moss green shirt at nakasabit naman sakanyang leeg ang kanyang dog tag.

"Hi, baby..." medyo pagod niyang pagkakabati. Siguro ay marami siyang officeworks na ginawa.

Oh, Jaxon! Mawawala ang pagod mo kapag narinig mo ang sasabihin ko!

"I have a very important thing to say."

Inayos niya naman ang kanyang pagkakaupo.

"What is it?"

"This is very important, Jaxon... Sa sobrang importante nito, magugulat ka..."

"Just tell me what is it, Margaux." He said impatiently.

"I'm pregnant." Sabi ko. "Three weeks pregnant to be exact."

Hindi siya gumalaw sa kanyang kinauupuan. I think he's shocked. Pero ilang minuto na ganoon lang ang pwesto niya, hanggang sa nag-end call siya.

What the hell?!

Tinawagan ko siya ulit. "Hey! Why did you–"

"What is it again? Sorry, medyo mahina ang connection dito sa kwarto."

Iba na ang pwesto niya ngayon. I can't believe that what I told him did not reach him! At talagang sakto pa ang pagkawala ng connection niya sa pagsasabi ko ng magandang balita na ito ha?

"It did not reach you!?" medyo pasigaw kong tanong. Kumunot naman ang noo niya.

"When you were about to say it, that's when the connection lost. Humanap pa ako ng malakas ang signal."

Oh! So, labag ba sa loob niya na lumabas siya para maghanap ng malakas na signal? Umirap ako.

"What is that important thing you're going to tell me about, baby?"

I sighed heavily at tamad na sumandal sa aking upuan.

"I'm three weeks pregnant just so you know. And I want you to come back when I'm going to give birth. Okay!? I'm going to hang up now. Mag-enjoy ka dyan sa malakas mong connection." Agad kong pinindot ang end call at sinarado ang laptop ko.

Ganito ba pag buntis? Sobrang moody at mainitin ang ulo?

Pagkahiga ko sa kama ay pumasok naman si Dominic sa kwarto ko. Inilahad niya sa akin ang kanyang cellphone.

"What's that?" tanong ko. Napakamot niya ng ulo at tamad na tumingin sa akin.

"Kuya Jaxon's calling."

"Bakit hindi mo sagutin? Baka ikaw ang sadya?" tinaasan ko siya ng kilay at kinuha na ang librong binabasa ko sa gilid ng aking kama.

"Hah! Sa tingin mo tatawag 'yun sa akin ng walang dahilan?! Dali na! Sagutin mo na! Naglalaro pa ako ng Rules of Survival, e! Istorbo naman kayo oh!" inilahad niya muli ang cellphone sa akin.

"Sabihin mo, sa akin siya tumawag. Sige, makakalabas ka na."

Sinagot niya naman ang tawag ni Jaxon bago siya tuluyang lumabas. I heard Jaxon asking for me.

"Sakanya ka daw tumawag. Medyo grumpy siya kaya pagpasensyahan mo na in advance, Kuya."

"Dominic!" sigaw ko at binato siya ng unan. Naisarado niya naman agad ang pinto bago pa siya matamaan nung unan na binato ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko nang tumawag nang muli sa akin si Jaxon.

"You just told me you're pregnant and then you hang up on me. Wow! What's with that, Margaux?!"

Umirap ako. Oh! Now he sounds mad! Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatutok ang camera ng aking phone sa ceiling.

"Margaux..." he called. Medyo malambing na ang tono ngayon. Ang bilis naman pala magbago ng mood niya ano?

"Baby, please... Show your face in the camera."

Unti-unti ko namang kinuha ang cellphone ko. It's funny how I can easily give in to him. Sometimes it looks pathetic but that's how love is.

Ngumiti naman siya nang itinapat ko na ang camera sa mukha ko.

"My baby's pregnant!" aniya. Ngiting-ngiti na siya ngayon. "Was is it a boy or a girl?"

"I'm only three weeks pregnant, Jaxon! Hindi pa malalaman kung babae o lalaki ba ang anak natin. We still have to wait for months."

I heard him chuckled. "I'm sorry... I'm just so happy right now. We've been waiting for this and now it finally happened!"

Hindi ko alam kung paano na ulit naging maayos ang usapan namin. When my baby bump showed, agad ko siyang tinawagan para ipakita sakanya iyon. He promised me to be there when our baby is about to deliver.

Nang ikaanim na buwan naman ng pagbubuntis ko ay tumawag siya sa akin upang ipaalam na sasabak siya sa gyera ng araw na iyon. I told him to be careful. Kailangan niya pang bumalik para sa amin ng anak niya.

Tinapat ko naman ang camera sa aking tiyan. Kinausap niya si George. Yes, George. He wanted to name our baby George ever since. And now that we know it's a boy, hindi na ako nagdalawang isip na pinangalan nga sakanya iyon.

"Hey buddy! I'm so excited to see you in three months! But daddy has some things to do for work. But I promise to be back, okay? Be kind to mommy. Don't get too excited to come out." Napangiti ako sa sinabi niya.

"I have to go now, Margaux. I love you so much."

"I love you, too. Please be careful, Jaxon."

"I will."

'Yun ang huli niyang sinabi bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.

I haven't heard from him for three months. Hindi rin kami ganon nagtatawagan dahil wala namang internet sa kung nasaan siya. Kay Daddy ako kumukuha ng balita tungkol sakanya. He knows everything about his soldiers.

"He's safe. Nandoon parin sila sa critical area. Medyo nahihirapan makalabas but I know they will eventually. Your husband is an exceptional soldier. Jaxon can make it don't worry."

Tumango ako.

Dumating ang kabuwanan ko nang ganoon parin ang balitang nakukuha ko kay Daddy. I'm starting to doubt that Jaxon is really safe. Papunta ako kasama ang magulang ni Jaxon sa headquarters para salubungin siya.

My pregnant tummy is too big now. I feel like George really wants to come out now pero sabi ko ay hintayin niya ang daddy niya bago siya lumabas.

Pumunta kami sa headquarters. Ngayon ang nakatakdang pag-balik nila. Jaxon's dad helped me get out of the car. Sabay sabay kaming nagtungo papunta sa paglalapagan ng eroplano.

We patiently waited until we saw a plane landing. Agad akong napatayo. Alam kong sila na iyan.

Hindi ko pa nakikita si Daddy. Usually, sinasalubong niya kami agad kapag pupunta kami dito. Pero ngayon ay wala siya. Baka siguro busy. Alam niya namang pupunta kami so it doesn't really matter.

May mga ibang pamilya rin ang nandidito para salubungin ang kanilang kamag-anak. Nang lumapag na ng tuluyan ang eroplano ay doon ko nakita si Daddy.

Sinalubong niya ang mga naglalabasang sundalo. My heart is screaming with anticipation for Jaxon's arrival. I haven't seen him in ten months! And I miss him so damn much!

Kumunot naman ang noo ko nang wala ng sundalo ang lumalabas sa eroplano. Where is he?

Sinundan ko naman ng tingin si Daddy na kausap na ang isa sa mga sundalong kakarating lang rin. Nakita ko kung paano niya hinilot ang kanyang sentido. He looks very stressed.

Tumama ang tingin niya sa gawi namin. His mouth parted. May sinabi siyang muli sa sundalo at mukhang pinapagalitan niya ito. Nagsimula na akong kabahan.

Is he not going to make it on our child's delivery?

Nilingon ko ang magulang ni Jaxon. They seem to understand what's happening kaya tinanong ko sila. Ngumiti naman sa akin ang nanay ni Jaxon.

"Wala iyon, hija. Hintayin nalang muna natin makalapit ang daddy mo para sa balita."

"Hindi po ba makakabalik si Jaxon? Ang huli ko po kasing balita sakanya ay nandoon parin siya sa critical area at hindi–"

"I'm sure he's safe, Margaux." Ani Daddy ni Jaxon.

He sounds like he's not. He's not sure and he knows it. Nilingon ko muli si Daddy na papalapit na sa amin ngayon. He greeted Jaxon's parents first at nang matapos sila magbatian ay agad ko siyang tinanong kung bakit hindi ko nakikita ang asawa ko na lumabas ng eroplano.

Huminga muna siya ng malalim at nagisip ng mabuti bago niya tuluyang sabihin sa akin ang nangyari.

"Margaux... Your husband is missing. He's nowhere to be found."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top