Chapter Thirty
Song: Tagpuan- Moira Dela Torre
In Charge
"You...want to go back to Afghanistan?" He asked in confusion. Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa naririnig.
"Yes," I answered seriously.
"Oh, Margaux. This is quite surprising."
"Yeah, I know."
"When will you come home? Your mom-"
"I'm here to talk about my request of going back to Afghanistan. I'm not here to talk about that." His mouth parted; hindi inaasahan ang sagot ko.
Siguro, kung dati nangyari ito...kanina niya pa ako sinigawan. And it's also surprising to see him not shouting at me. O kahit man lang ipamukha niyang galit siya sa akin. Did he find what I did disrespectful?
Did he already change? Gano'n ba ang nangyayari kapag tumatanda na?
Well, it doesn't matter. Wala naman sa edad 'yon.
"So..." I eyed him. Hinihintay ang kanyang sagot. "Puwede ho ba? Is there still a mission? Is there anything we can help as doctors?"
His mouth parted, and he closed it again, unsure of what to say next.
"You might...cross paths." Aniya.
Tumaas naman ang kilay ko. That's what he's worried about,huh? Umirap ako at napailing.
"I'm sure he's been dispatched to Syria. It's impossible to happen." I coldly stared at him. Hinihintay muli siyang magsalita.
Is he bothered that I'm still not over it? Well, everybody thinks I'm not. But I do! Last year pa!
At isa pa, sa Syria talaga siya nakadestino. Kaya imposible nang magtagpo ang landas namin. Not unless Dad gives him the mission.
O baka naman...si Kiel ang tinutukoy ni Daddy?
Wala na talaga akong pakialam doon. Ang mahalaga ngayon ay malaman ko kung pwede kaming bumalik sa Afghanistan.
"So, pwede ba?" I asked.
"O-Oh... Pupwede naman. But what's with the sudden decision, Margaux?"
Nagkibit ako ng balikat. "I want to have a vacation there."
My dad's forehead immediately creased. Umismid naman ako. I scoffed.
"Of course, I want to help again. I'll also bring the same team. 'Yun nga lang mababawasan sila. Others don't want to come anymore. Pero si Ethan, willing naman siyang sumama." I informed him.
"Are you really sure about that, Margaux?"
"Yes. I'm hundred percent sure."
"How long do you plan to stay there?"
Bigla naman akong napaisip doon. So, it's my decision now? Hindi 'yung katulad noon na hanggang sampung buwan lang kami. I pouted and think about it deeply.
"Five years?" tamad kong sinabi. His eyes immediately widened.
"That's too long!" nagkibit naman ako ng balikat. I really don't know!
"You'll be 35 by then. You should be married at that age!" dagdag niya.
"Then...three years."
Parang nakikipag-bargain pa tuloy ako kung ilang taon ko gustong mag-stay roon sa Afghanistan. I enjoyed it there; that's why it doesn't matter kung ilang taon pa ang aabutin ko roon.
Umiling naman si Daddy parang ayaw sa sina-suggest kong taon. Sana pala 'di na lang niya ako pinag-decide kung lahat pala ng taon na babanggitin ko, magdi-disagree siya.
"One year, Margaux."
Okay, that will do. At isa pa, ayaw ko rin namang iwan 'yong trabaho ko sa ospital. I still have a lot to learn here. Next year, papasok na si Brittany sa ospital namin. I also need to be there.
"That'll be fine."
He nodded at that. Inalis niya naman ang sarili mula sa pagkakasandal sa kanyang swivel chair.
"I'll immediately inform the team in Afghanistan. I'll give you a month to prepare for your departure." Ako naman ang tumango ngayon.
"Thank you," I tried to smile at him.
Aalis na sana ako pero nakikita ko sa mukha niya na parang hindi pa siya tapos at parang may gusto pa siyang sabihin. That's why I waited for him to speak again.
"Let me speak as a... father to you for a while, please," he requested. My mouth parted. Hindi inaasahan ang nangyayari ngayon.
"Go ahead." I said, granting his request.
Tumayo naman siya at iginiya ako sa sofa. Inilapag ko ang aking hand bag sa lamesa na nasa harap namin at saka naupo na sa sofa. Hinintay ko siyang umpisahan na ang usapan.
"So, about marriage..." kumunot naman ang noo ko. "Do you have plans on getting married?"
Bahagya akong natawa. I can't believe we're having this conversation. At kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa plano ko sa buhay? Baka naman pag sinabi kong 'Oo' hindi pa rin siya papayag.
Though, wala pa naman akong planong magpakasal. I'm busy with work. Hindi ko maisisingit 'yan. At isa pa, sakit pa sa ulo 'yan. Sa halip na sa trabaho lang ako naste-stress, dadagdag pa ito kung sakali. Kaya...wala. I don't have plans on getting married at this age.
At isa pa, wala akong boyfriend! Paano ako makakahanap ng pakakasalan kung wala naman akong boyfriend?!
"No. I don't think it's about time."
"You're thirty. You're off age to get married. Your mother and I has been talking about this. Can't you find someone to marry?"
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay. Sinandal ko ang sarili ko sa sofa. Humalukipkip ako sabay tumawa. Kapag ba sinabi ko na wala...bibigyan nila ako?
"I don't think there's someone worth marrying for." I answered honestly.
"How about Ethan?"
"He likes someone else."
His mouth parted, not expecting that. Tumango na lamang siya at nag-isip ng iba pang lalaki na puwede sa akin.
"Lorenzo?" umirap naman ako.
"He's Ana's ex-suitor. It would be awkward if he's the one I'm going to marry. At isa pa, hindi naman kami ganoon nag-uusap. We only had one casual conversation and nothing more."
Tumango muli siya at nagpatuloy sa pagbabanggit ng mga pangalan. Hanggang sa nabanggit niya na 'yung dalawang ex ko.
"They're dead." Sabi ko. Nagulat naman si Daddy roon.
"They are?"
"Tss. Of course not! But in my mind, they are."
He sighed.
To be honest, I really feel like we're on Tinder. 'Yun nga lang live version at 'yung tatay mo pa ang nagre-recommend. And every time he mentions those people... I always swipe left.
Just no.
Gosh! Why did I even let myself have this conversation with him?
Nakita ko naman siyang tumango at nag-isip pa ng mga pangalan na puwede niyang banggitin. When he opened his mouth, I wasn't expecting that he's going to mention this person.
"How about Jaxon?"
Agad na nawala ang ngiti sa aking labi at walang emosyon na napatingin sa kanya.
"You don't like him for me." Simple kong sagot.
"But... if things turned out differently before. Say I liked Jaxon for you... will he be the one you'll marry?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pinag-isipan ang sagot.
Jaxon gave me happiness even though it didn't last. And imagine... kung walang hadlang noon... kung pumayag lang si Daddy sa aming dalawa... gaano niya pa kaya ako mapapasaya noon?
Inangat ko muli ang tingin sa kanya. "Yes,"
I heard him sighed heavily.
"But that's in the past. If you were to ask me today, I don't think so." Bawi ko. Tumango naman siya. Sandali kami nanatiling tahimik. Neither of us is speaking.
Tiningnan ko naman si Daddy na mukhang malalim na ang iniisip ngayon. I cleared my throat to get his attention.
"Uhm... So, can I go now? I can't go on with this conversation. It's making me very uncomfortable."
Agad naman siyang tumago kaya inalis ko na ang sarili ko sa pagkakaupo sa sofa. Kinuha ko ang bag ko na nasa lamesa. Tumayo muna ako sa harap niya at tipid na ngumiti sa kanya. I took a step back, handa na para lumabas na ng kanyang opisina. I was about to open up his door when he spoke.
"I'm sorry."
I stopped. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. I clenched my jaw. He's sorry for what?
Nilingon ko siya. I see sincerity in his eyes. Napalunok ako bago tumango. Bubuksan ko na sana ulit ang pinto, pero nagsalita siya ulit.
"Please come home, Margaux."
Now it's not just Gio who's asking me to come home. Pati na rin siya nagmamakaawa nang umuwi na ako. Yes, it's been a while since I last came home. Bukod sa busy na rin, I just don't want to.
Nilingon ko siyang muli sabay tumango. "I will."
Napaangat siya ng tingin sa akin. A small smile formed on his lips. Mukhang natuwa na maaari kong paunlakan ang hiling nila.
"When I'm going to pack my bags, I will come home."
Bumagsak naman ang kanyang balikat. The hope in his eyes are suddenly gone. I smiled a little at him before I finally left his office.
Agad akong bumalik sa ospital para itipin ang mga isasama ko pabalik sa Afghanistan. Apparently, kanina pa raw nila hinihintay ang balita ko.
"My father agreed." Panimula ko.
Everyone celebrated. Tuwang-tuwa sa balitang hinatid ko. Ang iba ay nagpapalakpakan pa habang itong si Rico ay napapasayaw pa. Umiling na lang ako at bahagyang natawa.
"He gave us a month to prepare before our departure. Kaya marami pa kayong oras para makasama ang pamilya ninyo."
"Kayo?" tanong ni Tracy.
"Tayo," I corrected. Nalipat naman ang tingin ko kay Ethan na nakatitig lang sa akin. Tinanguan ko siya para iparating na ayos lang ang lahat.
"Is Captain Ventura going to be there, too?" tanong ng isang kasama namin.
Tiningnan ko siya. Mukha namang wala siyang alam sa nangyari noon kaya niya naitanong ito. Ang iba ko namang kasamahan na nakakaalam ay agad na napalingon sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Nagbulungan sila at parang pinagsasabihan siya. Nanatili naman ang tingin sa akin ni Ethan.
"No," I answered.
Mabilis na napalingon muli sa akin si Rico. Ang nagtanong naman ay bumagsak ang balikat, dismayado dahil hindi niya makakasama ang taong 'yon.
"Anyways, I'll make a request to Gio to give you a one month leave para naman masulit ninyo ang panahon na kasama n'yo ang pamilya n'yo lalo na't isang taon na tayo roon."
"Isang taon?!"
"Isang taon?!"
"Ang tagal naman!"
Umalingawngaw agad ang ingay sa buong silid nang banggitin ko iyon.
"You can still back out kung ayaw niyong magtagal doon. At isa pa, hindi ko naman kayo pinipilit."
Walang sumagot nang sinabi ko iyon. Mukha namang gusto talaga nilang sumama. Kaya tumango na ako at idinismiss na sila. Inayos ko naman ang mga folders na nasa lamesa ko. I have to prepare the paper works. Sobrang dami na nila.
Naramdaman ko naman si Ethan na tumigil sa harap ng pwesto ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinanong kung ano ba ang kailangan niya.
"Are you sure he's not going to be there?" he asked.
"Yes. I'm sure he's in Syria." I answered. Tumango naman siya.
When I requested my team's leave to Gio ay agad naman siyang pumayag. I wasn't really planning on filing a leave pero siya na ang nagpumilit. He really wants me to go home that bad.
"Come on, Ate. You only have a month to be with us. That's all we ask. Please." He pleaded.
Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga sabay isinandal ang sarili sa upuan na nasa gilid ng kanyang lamesa.
"Fine. I'll go home tonight."
Lumaki naman agad ang ngiti niya sa labi nang madinig ang sinabi ko.
"That's good." Aniya. "Sabay na tayo umuwi."
Ano pa bang magagawa ko? Though, I don't want to go home...wala na rin akong magagawa. And he's also being reasonable. Kahit papano kailangan ko nga namang umuwi.
Bumaba ako ng kotse ni Gio nang walang gana ang mukha. I still want to work. But here I am! I'm going to spend my one month leave here. Kinuha ko ang gamit ko sa compartment ng kotse niya. Nadinig ko namang bumukas ang pinto.
Mamaya-maya pa ay nakita ko si Mommy na kumakaripas ng takbo papunta sa akin. My eyes widened so I quickly put down my bags before she crashes into me. My mom crashed me into a hug once she reached me. I felt her crying on my shoulders.
"Oh my goodness, Margaux. I miss you so much!"
I was in shock for a moment. Nakita ko naman si Gio na nakangisi habang tinitingnan kami. Habang ang dalawa ko pang kapatid ay nakasandal sa pinto habang tinatanaw kami. I awkwardly put my arms around my mother's back and started caressing it. Hindi ako nagsalita. Narinig ko naman na pinatawag ni Daddy ang mga katulong para kunin na ang gamit ko.
So...he's also here.
Nilingon ko ang pinto at nakitang nakatingin na rin siya sa amin. Tinanguan niya ako at tipid na ngumiti sabay umalis na sa may pinto.
"I'm sorry I had to cry on your shoulders." Pinunasan niya pa ang luha niyang nagmarka sa aking uniporme.
Umuwi ako nang suot parin ang scrubs. Plano ko pa kasi talagang magtrabaho ngayong gabi. Pero ito kasing kapatid ko ay pinilit akong umuwi. Wala na rin naman akong oras para makapag-ayos dahil minadali ako ni Gio na umuwi na.
"It doesn't matter." Sabi ko sa kanya.
"We prepared dinner for you. Sinabi kasi agad sa amin ni Gio na uuwi ka raw. Kaya agad akong nagpahanda ng dinner. Join us if you're hungry."
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin. Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot.
I don't know what's with their mood towards me. Hindi naman sila ganito sa akin noon. Lalo na si Daddy. I understand my mother because she's the most emotional person in our family. Something definitely shifted in the air and it's weird.
"I'm sure you're hungry." she brought my hands over her chest. Iginiya niya ako papasok ng bahay.
Nagpahila naman ako sa kanya hanggang sa matunton na namin ang dining area. Nakangiti agad si Dominic at Felicity sa akin pagkapasok namin. Tipid ko rin naman silang nginitian. Then I look over my father, who's now staring at the both of us.
"Maupo na kayo," aniya. Tumawa naman si Mommy.
I sat on my usual place. Sa tabi ni Gio. Umupo naman sa tapat ko si Mommy. Ngiting-ngiti siya sa akin, mukhang hindi pa rin makapaniwala na sa wakas ay nakumpleto na sila rito.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang lahat ng nasa dining area. Lahat sila ay maayos ang suot maliban sa akin. Nahiya ako bigla.
"Uh...maybe I should change first? Kasi nakakahi–"
"No, that will do." Ani Daddy sa akin. Ngumiti naman si Mommy sa akin.
"I prepared all your favorites!" sabi ni Mommy sabay turo ng mga pagkaing nakahain.
Pinasadahan ko ito ng tingin. I think it's unnecessary to prepare this many foods lalo na't kami-kami lang naman ang kakain. Nanatili akong tahimik nang magsimula na kaming kumain.
"Margaux, I heard you want to go back to Afghanistan." panimula ni Mommy. Umangat naman ang tingin ko sa kanya at saka tumango.
"Yes, I'm going back together with my team. Thankfully, they all agreed to come with me."
"That's great! Ayaw ko man sa naging desisyon mo, masaya ako na willing kang tumulong sa mga nangangailangan."
"Syempre, si Ate pa ba? She's the bravest girl I know!" Proud na pagkakabanggit ni Dominic.
Umiling ako at tumawa. Why am I the center of attraction on this dinner?
"Ate, what are your plans during your one month leave?" tanong naman sa akin ni Felicity.
Nagkibit ako ng balikat. "I don't know. Actually, I'm still planning on working tonight. But, Gio forced me to come home so..."
"We can go to the beach or go out of the country!" Aya ni Felicity. Pinalakpak niya pa ang kanyang kamay nang ngumiti sa kanya si Mommy.
"And...I'm turning eighteen next week. 'Yun na lang ang hiling ko instead of having a party. It will only exhaust us out."
Oh, right! Her birthday is next week! Gosh! Why did I forget that? I'm such a terrible sister.
"Bakit ayaw mong mag-debut party?" Tanong ko sa kanya.
Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin sa akin at ibinaling na lang ang tingin sa kanyang pagkain.
"Oh, it's because she wants to plan it with you! Kaso wala nang oras dahil minsan ka lang umuwi." My mother answered for her.
"Mom!" Suway nito.
Nagulat naman ako. I wasn't expecting that. Out of all people, sa akin niya pa gustong magpatulong. Kahit na nandyan naman si Mommy, who's really fond of parties.
"I'm sorry. I'm just... too busy. But we can still plan it, right?" Sabi ko, baka sakaling magbago ang isip niya.
Umiling siya at ngumiti. "It's okay, ate. At saka, mas gusto kong makasama kayo sa birthday ko. I'd rather spend it sa beach than have a party. What do you say, Dad?"
Lahat kami ay napabaling kay Daddy sa kabisera.
"It's fine. I'll make sure to free my schedule for it," he said and took a sip from his wine.
Napabaling naman ang tingin niya sa akin dahil siguro naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. Tipid siyang ngumiti sabay bumalik ang tingin sa kapatid kong sinasabi ang kanyang plano para sa kanyang birthday.
What happened to the kind of father I've grown up with? Where is he?
Did he really change?
Bakit? What made him change?
Nagugulohan na ako kaya binalik ko na lang ang tingin kay Felicity.
"I'll make sure to free my schedule, too," ani Gio. Mas lumaki naman ang ngiti ni Felicity ngayon.
"It's settled then!" natutuwa niyang sinabi. She smiled widely at us. Ganoon din ang ginawa ni Mommy.
"I suggest we should go to Siargao! Sabi ni Kuya Aiden sobrang ganda raw roon. Let's try and go there!" Dominic suggested. Ngumiwi naman si Felicity.
"No! I saw this resort on the internet, and oh my gosh! They offer a water villa there, and I think it's so cool, dahil instead na sa Maldives ka pumunta, there's El Nido Palawan who's going to offer you the same experience!"
Umismid si Dominic dahil hindi napagbigyan sa suggestion. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang pumayag na lang.
Ganoon na nga ang ginawa namin sa mga sumunod na linggo. We spent the rest of the week in Palawan. Kinuha rin namin ang Water Villa na nire-request ni Felicity. Sobrang saya niya nang pumasok kami sa loob ng kwarto.
I gave her a Chanel bag as a gift. Sobrang tuwang-tuwa naman siya. While Gio gave her a Swarovski necklace. Si Dominic naman daw, pagmamahal na muna dahil hindi pa siya nagtatrabaho. My parents surprised her with a car when we came back home.
Sobrang nainggit naman si Dominic, but my mother promised to give him one when he turns twenty-one.
Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating na ang araw na pinaka hihintay ko---ang pagbalik namin sa Afghanistan. My mom is crying while everyone is helping me load my bags inside the car.
"Mag-iingat ka, Margaux. Don't get shot again, okay?" natawa ako at pilit inalala ang lahat ng sinabi niya sa akin.
"I will, Mom. Take care."
I hugged my siblings. Si Daddy naman ay nandoon na sa headquarters at naghihintay na para sa amin. Sabi ni Mommy ay sasama sila sa paghatid sa akin sa headquarters kaso ang sabi ko ay huwag na. Baka mas lalo lang siyang maging emosyonal, e. Isa pa, medyo malayo rin ang bahay namin sa headquarters kaya ilang oras din ang aabutin ng byahe.
Ang driver lang ang naghatid sa akin patungo ng headquarters. Pagdating ko ay nakita kong kumpleto na agad ang mga kasamahan ko. Agad akong lumapit sa kanila.
"Sino naghatid sa inyo rito at mukhang sabay-sabay pa kayong dumating?" tanong ko.
"Si Doc Ethan po." Erin answered. I smirked.
Hinanap ko naman si Ethan at nakita kong nakasandal siya sa pader habang nakatingin sa amin. Pinanliitan ko siya ng mata at lumapit sa kanya. Kahit na kita niya naman ako na palapit ay hindi niya pa rin ako magawang tingnan. His eyes remained watching Erin, who's now busy talking with Tracy.
"Pumaparaan ah?" sabi ko.
"H-Huh?"
"Hatid pa gamit coaster?" inirapan niya naman ako. I chuckled.
"Tss."
"Pakitang tao." I teased him and poked him on his side.
He glared at me at inilagay niya naman ang kanyang braso sa aking balikat. Binatukan niya ako ng ilang ulit.
"Anong sinasabi mo ha?"
Imbis na magalit ay tumawa lang ako. "Bakit 'di ba totoo? Ayaw mo papagamit coaster ninyo 'di ba? Bakit ngayon pumayag ka?"
Mas sinamaan niya ako ng tingin ngayon. Binelatan ko siya at pinagpatuloy ang pang-aasar. We only stopped when someone cleared his throat from behind. Agad kaming napalingon para makita kung sino iyon.
Napaayos kaming dalawa ni Ethan ng tayo nang bumungad sa harap namin si daddy kasama ang ibang sundalo. Agad na inalis ni Ethan ang kanyang braso sa aking balikat para ilahad ang kanyang kamay.
"Good morning, General." Bati nito.
Tumango naman ito at bumati pabalik. Nalipat ang tingin niya sa akin.
"Hi, Dad." tipid kong bati.
Tumango siya sa akin at tiningnan ang mga dala kong gamit. Nilibot niya naman ang tingin sa paligid.
"Ayos na ba ang sasakyan nila?" tanong nito sa dalawang sundalong kasama niya.
"Yes, General. Hinihintay na po sila roon." sagot nito.
Tumango si Daddy sabay balik ng tingin sa akin. "Mag-iingat ka."
"Opo." I nod my head and smiled a little.
Ipinaubaya niya naman agad kami sa mga sundalo na kasama niya. Hindi na siya sumama sa amin. Hinintay niya na lang kami na makalayo.
I turned to look at him. His cold stare is already usual on him. Tinitigan ko lamang siya at hindi nagsalita. Tumango naman siya para ipahiwatig na sumunod na ako sa kanila.
I don't know what changed in him. Pero nararamdaman ko na ayaw na niyang gawin sa akin ulit ang pagtrato niya sa akin noon. It only takes him a heart to heart talk huh?
Tumigil ako mula sa pagsunod sa kanila Ethan. Nagugulohan siyang tumingin sa akin.
"Susunod ako." sabi ko. Tumango siya at sumunod na sa kanila Rico.
Naglakad ako palapit kay daddy. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya nanatili siya sa pwesto niya. Nang makalapit, agad ko siyang niyakap. Hindi ko na pinagisipan pa ang ginawa ko. I know I'm too old to do this but it's my mind who told me to. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos.
We just nodded at each other at iyon na 'yon. At isa pa, isang taon kaming hindi magkikita. Matagal na panahon rin 'yon kaya siguro tama lang na magpaalam ako nang maayos sa kanya.
"Take care, dad."
Naramdaman ko namang lumapat ang kanyang kamay sa aking likod. He caressed my back gently. I felt him nod his head.
"Sige na, Margaux. Baka maiwan ka pa." aniya.
Tumango naman ako sabay pinalis ang luhang lumandas mula sa aking mata. Nginitian ko siya at sabay naglakad na palayo sa kanya. Sinalubong ako ni Ethan. He smiled at me as he ruffled my hair.
Now, I'm going to leave without any grudges in my heart.
"Who's the doctor in charge?" medyo pasigaw na tanong ng sundalo na kasabay namin.
Masyadong malakas ang ingay ng eroplano na kailangan niya pang sumigaw para marinig namin siya. I rquickly raised my hand and went in front. Tumango ito at saka tinuro sa amin ang sasakyan na eroplano papunta sa Afghanistan.
"There are already soldiers waiting for you inside. Just ask them if you need help." Anito. Tumango ako. "For now, we cannot let you load your bags inside the plane. We have to provide you military bags."
Iniabot naman sa kanya ng kasama niyang sundalo ang mga military bags na ipapahiram sa amin.
"We're going to unpack our things here?" tanong ko. Tango lang ang ibinigay niya bilang sagot. Nakita ko namang dismayado ang mga mukha ng kasama ko.
"Ang mga importanteng gamit na muna ang ilagay n'yo riyan. They're using a different plane kaya hindi katulad noon na hinayaan lang nila tayo dalhin ang maleta natin." Sabi ko sa kanya.
"And I heard the battle in Afghanistan is getting worse. I'm sure they're going to bring our bags back by tomorrow." Dagdag naman ni Ethan. Sumangayon naman ang lahat at nagsimula nang ayusin ang mga gamit.
When I finished, agad ko itong inilagay sa aking likod. Nilingon ko ang aking mga kasama.
"Everyone good?"
"Yes, doktora." Sagot nila.
Hinarap ko muli ang sundalong kasama namin. Tipid silang ngumiti sabay itinuro na ang eroplanong sasakyan namin.
"Well then, the soldiers are already waiting for you."
Sabay ng paglingon ko sa eroplano ay ang paglabas ng dalawang pigura na hindi ko pa maaninag noong una. Tumigil sila sa may bukana ng eroplano.
"Oh. My. God." Narinig kong sinabi ni Tracy.
"Is that..." hindi natapos na salita ni Erin.
My mouth parted open. Hindi makapaniwala na magtatagpo muli ang landas namin. Nanatili akong nakatingin sa kanila. Gulat na gulat sa nangyayari.
How can my father let this happen?
Nang matanaw ako ay agad na kumaway sa akin si Kiel. Hindi ako makakaway pabalik. I'm too stunned to even greet him back!
Kiel's older brother coldly stares at me. habang ang siya naman ay panay ang kaway sa akin. I tore my eyes away when I realized that I'd been staring too long. I felt a stinging pain in my heart.
I thought I'm over it?
Bakit ang sakit na makita ko siya ngayon?
"Captain Jaxon Alexander Ventura will be the one in charge of your security in Afghanistan. Have a safe flight, folks." The soldier saluted at sabay lumakad na palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top