Chapter Thirteen

Song: Lightweight- Demi Lovato

Bad

We tore our gazes away from each other when we heard someone cleared their throat. Agad akong napabaling sa kung sino man iyon at saka lumayo kay Jaxon. Bumagsak ang kamay niya na kanina lang ay nakahawak sa aking pisngi. Nilingon niya rin ang bagong dating.

"Kuya..." panimula ni Kiel.

Imbis na sumagot si Jaxon ay binalik niya lang muli ang tingin sa akin. Mas inilayo ko pa ang sarili ko sa kanya at dumiretso na lang sa mga gamot na inaayos namin kanina. Binalik ko sa kani-kanilang lugar ang mga ginamit ko sa paggamot ng sugat ni Jaxon.

Wala akong nadinig na nag-uusap. Sa isip-isip ko'y umalis na silang dalawa upang magtungo sa mas pribadong lugar ngunit nagkamali ako.

Nang i-angat ko ang tingin sa kanila ay nakita kong nagtitinginan lang sa isa't isa. My mouth parted. What the hell is happening? Iniwas ko na lang muli ang tingin ko at inabala ang sarili sa ginagawa.

I almost dropped one of the medicines when I heard Kiel spoke.

"Doktora!" Masayang bati niya sa akin na para bang walang nangyayari. I smiled a little at him. Hindi ko nilingon si Jaxon kahit na alam ko na nakatingin lang siya sa amin. "Are you in for another dinner tonight?"

"Uh...uhm..." hesitant akong napalingon kay Jaxon.

Hindi ko alam pero bigla ata akong naubusan ng salita nang itanong niya iyon. As much as I don't want to be mean by rejecting his offer, I just couldn't find the right words to say.

He patiently waited for my answer. Nagkibit ako ng balikat at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"I don't know...actually, my team is also waiting for me. We'll also have dinner together. May inayos lang ako kaya medyo natagalan at naiwan dito." Sagot ko.

Totoo naman. Hindi ako gumagawa ng kuwento. Erin told me to have dinner with them dahil hindi na raw ako nakakasabay sa kanila kumain dahil sa sobrang busy ko. I need to finish some paper work tapos kailangan kong ipasa 'yon kay Harper, ang head ng military medical team.

Sa dinami-rami ng kailangang gawan ng medical reports hindi ko kayang gawin mag-isa ang mga iyon! 'Yung iba nga pinapasa ko na kay Rico at Ethan, pero hindi pa rin kayang tapusin agad.

Kiel nods slowly before he turns to his brother again. Tinitigan lang din siya nito. I suddenly felt an awkward air between the three of us. I feel like I should get the hell out of here dahil mukhang gustong mag-usap ng dalawa.

Feeling ko ako ang rason kung bakit hindi sila makapag-usap ngayon. I awkwardly excused myself when I finished.

"Margaux," napatigil lang ako sa pag-alis nang tawagin ako ni Jaxon. Masii kong ipinikit ang aking mga mata.

Nang dahil lang sa ginawa niya kanina, naghuhurumentado na agad 'yang puso mo? Get yourself together, Margaux! Damn it!

Lumingon akong muli at nagkunwaring normal lang ang lahat. When in reality, I never thought that my heart could beat this fast!

Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang kanyang sasabihin. Kiel silently watched us.

"You're coming with me tomorrow," he said. He sounded like he's demanding me, and he can't take no for an answer.

I usually get mad at people who sound like this whenever they talk to me, pero bakit hindi ko kayang magalit ngayon? Hindi ko kayang magtaray sa kanya bigla? Parang may sumanib sa akin na mabuting esperitu.

Kung normal na araw 'to, paniguradong kayang-kaya kong sabihin sa kanya na...

"Inuutusan mo ba ako?"

"Who are you to put orders on me?"

Pero hindi ko kayang gawin iyon ngayon. Gosh! What is happening?

Kahit naman hindi na niya sabihin sa akin, pupunta pa rin ako. It's our schedule to go there tomorrow anyway. Imbis na sabihin ang mga iyon ay napatango na lamang ako.

"Okay. I'll bring my whole team with me, too. May maiiwan pa namang ibang doctors dito. I'm sure they can handle it." Marahan naman siyang tumango pagkatapos kong sabihin iyon. Nagpaalam ako sa kanila upang dumiretso na sa lugar kung nasaan sila Erin.

"Doktora! Dito ka po umupo." Aya sa akin ni Erin nang makita akong papadating. Naglakad ako patungo sa tabi niya. Ethan's on the other side.

Nilagyan ako ni Ethan ng plato at iniabot naman sa akin ang mga kubyertos. He also poured some water for me.

"Thanks," sabay kuha nito at uminom.

Inuhaw ata ako sa ganap kanina. Feeling ko naubusan ako ng tubig at hangin sa katawan sa oras na iyon. Dumating din naman agad sila Rico na dala-dala ang mga pagkain namin. Ngiting-ngiti siya habang nilalapag ang mga pagkain sa aming lamesa.

Sinilip ko ang mga iyon para tingnan kung bakit siya ngiting-ngiti. Ah... kaya pala! It's his favorite! Agad din naman kaming nagsimulang kumain. We were happily eating when Erin suddenly greeted someone.

"Good evening po, Captain. Kain po."

Nagsunod-sunod pa ang bati sa kanya dahil sa iba kong kasama. Ako lang ata at si Ethan ang hindi bumati. Sa gilid naman ng aking mga mata ay kita ko ang pag-upo nila Jaxon sa tabi naming table. He's with Kiel and the soldiers who brought the food noong nag-dinner kaming dalawa.

He's also with Axel and a lady soldier na ngayon ko lang nakita. Tiningnan ko iyong babae. She looks too cold and very serious. Parang bagay sila ni Jaxon dahil sa pagkakapareha ng personalities na meron silang dalawa.

But seeing Jaxon with a girl? I can't imagine it. I can't even imagine him having a girlfriend, dahil mukhang mas seseryosohin niya pa ang trabaho niya kaysa sa relasyon niya.

"Your Dad scolded me today." Ethan whispered. Ang kanang kamay niya ay nakasandal sa likod ng aking upuan at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga.

Nilingon ko siya ng kaunti at tinaasan siya ng kilay. "Serves you right."

He chuckled. "I almost peed in my own pants when he gave me a handful of words. I'm never going to do it again."

"Aba! Dapat lang! Bakit may plano ka pa bang dalhin ako doon para tuluyan nang ipadakip ng mga 'yon ha?"

"Of course not! The next time we go there, hindi na kita iiwan."

"At sino naman ang nagsabi sa 'yo na pupunta pa rin tayo roon ha?"

I rolled my eyes at him. Maybe I'll still go there, but definitely not with him! Jaxon promised to come with me kung sakaling may plano akong bumalik doon. Sobrang mesmerized talaga ako sa lugar na 'yon kung hindi lang dumating ang goon na 'yon.

I hope that Jaxon will keep his promise of coming with me, kung sakaling gusto kong bumalik doon.

We were happily talking to one another nang biglang nagsitayuan ang mga sundalo sa kabilang table. Everyone suddenly became alert. Ako lang yata ang hindi.

Nanatili akong nakaupo habang nagtataka pa rin kung anong nangyayari. Pinalibutan naman kami ng mga sundalo galing sa kabilang table. Hinarap ko naman kung saan nakatingin ang lahat. Armed men with bulletproof vests are in front of us. My breathing hitched.

May dala-dala silang isang duguan na lalaki. Hindi sila terrorista. For me, they look like a tribal group from this country.

What are they doing here?

Nagulat ako sa biglaang pagtapat ng mga baril ng sundalo sa kanila. In a matter of seconds, ang dalawang magkapatid ay nasa gilid ko na. Jaxon stood in front of me at saka tinabi ako sa likod niya. Nilingon ko naman ang kasama nilang sundalong babae.

She looks very scary while holding that gun. Parang handang handa na siyang iputok ito sa oras na sabihin lang ni Jaxon.

"What's...happening?" I whispered to Jaxon. Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siya sa pwesto niya.

"What are you doing here?" Jaxon asks the tribal group.

Lumapit naman ang isang lalaki kaya kami napaatras. Jaxon's hand immediately found my waist kahit na nakatalikod siya sa akin. Napasinghap ako.

"We mean no harm." Ang sabi ng lalaki. "We just want our leader to be checked by a doctor and we clearly have no one to do that."

Hindi sumagot si Jaxon kaya naman ay pinagpatuloy ng lalaki ang kanyang sinasabi.

"Our leader has been suffering with indigestion. We don't know what it is and we just want to consult some doctors. We couldn't let our leader die. The doctors can operate on him if they need."

"This is not a hospital for tribal groups. This is for the civilians."

"We know but—"

"I said it's not—"

"No, it's okay." I cut Jaxon off.

"Margaux..." Jaxon warned me. Bahagya niya akong nilingon. "Don't meddle with this."

"No, Jaxon. As you can see, there's blood coming out of his mouth. The case looks serious. Kung hindi siya matitingnan ngayon, maaaring lumala pa ang sakit niya. Or worse, he will die."

"Stay out of trouble, Margaux." humarap na siya nang tuluyan sa akin. Umiling ako at hindi natuwa sa sinabi niya.

"What trouble? We are just going to help them! Hindi mo ba nakikita? Nahihirapan na 'yung tao! He needs medical attention right now! At kung patatagalin pa natin 'to maaaring—"

"Just listen to him, doktora. This is for the better." pag-singit ni Kiel. Kunot noo ko siyang nilingon.

"For the better? This is not! You are letting someone die right in front of you! How is this for the better huh?"

"We are just trying to keep you safe. Ito ang utos sa amin ni General."

Umirap ako. Pumikit ako ng madiin dahil nauubos na ang pasensya ko sa nangyayari ngayon. I couldn't let someone die right in front of everyone. And as a doctor, I wouldn't let someone die on my watch. We took an oath. We promised to save lives.

Ayaw kong sirain ang paninindigan na iyon dahil lang sa inutos ni Daddy. And the tribe don't look like they will do anything that will harm us.

Bukod sa mga bulletproof vest at baril na gagamitin para sa kaligtasan nila, feeling ko wala silang masamang pinaplano. Kahit na nakatutok ang mga baril ng sundalo sa kanila, hindi nila ito ginagantihan.

Pinapakita lamang nito na ayaw nila ng gulo.

"Can you please..." I shut my eyes for a second. "Can you not think about what my dad has ordered you? Kahit ngayong gabi lang. I know you are just trying to do your job...pero ako rin naman. I'm trying to do my job as a doctor. Kaya please lang...hayaan n'yo akong tumulong." I pleaded with them both.

Sasagot pa sana ulit si Jaxon nang mapasinghap si Erin.

"Oh my gosh!" sigaw ni Erin. Agad akong napalingon sa lalaking buhat ng mga tribo.

He collapsed, and blood started coming out of his mouth. Lumapit ako roon, hindi na pinansin pa ang sigaw ni Jaxon sa akin.

I opened the man's shirt para tingnan ang kanyang tiyan. It's bloated. When I pressed it, mas lalong dumami ang sinusuka niyang dugo.

"Jerick, get the stretcher. Tracy, i-ready mo na ang operating room. Rico, help me with this one." I instructed my team quickly. They immediately followed. Tumabi naman sa akin si Rico at Ethan upang tingnan din ang nangyayari sa lalaki.

"We need to perform the surgery now, Margaux." sabi ni Rico.

"I know..." nang dumating ang stretcher, agad siyang inilagay roon. Dali-dali naming hinila ito papasok ng operating room.

I was about to come along when Jaxon held my hand to stop me.

"You are very stubborn." aniya.

I bravely looked up at him. "I'm just doing my job, Jaxon."

Matagal bago siya magsalita muli. He let out a deep sigh. Alam kong stressed na siya sa akin, pero sana hayaan niya akong gawin ito. Just this once.

"Make sure that the operation will be successful."

Halos mapangiti ako nang dahil sa sinabi niya. That means he's letting me do it, right? I nod my head in agreement. Sumunod siya sa akin hanggang sa scrub room.

Pagpasok ko ay agad akong inabutan ni Erin ng PPE. Inayos niya ito at isinikop ko naman ang buhok ko upang mailagay na ang scrub cap sa aking ulo. Bago ko tuluyang ilagay ang surgical mask ay nagsalita muli si Jaxon.

"I'll wait for you until the operation's finished."

Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. My mouth parted a little. I really don't know why my heart is pounding like crazy whenever he says things like this. I clenched my fist to stop myself.

Control yourself, Margaux. You got no time for this, okay?

Tumango ako sabay inilagay na nang tuluyan ang surgical mask sa aking bibig.

"Okay..."

I entered the operating room with my heart pounding like crazy! Gosh! This is bad.

Very, very bad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top