Chapter Ten
Song: Sandcastles- Beyoncé
Fear
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Bakit ba kasi hindi ko muna pinagisipan nang mabuti bago ko gawin?
Hindi! Sigurado akong dahil sa pagod 'yon kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Pero ang labis kong hindi maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang ilapat ang kamay niya sa likod ko?
At ang malala pa, hindi na niya inalis 'yon hanggang sa makasakay na kami ng kotse! It's like he's really keeping an eye on me! Trying to protect me from all the possible bad things that might happen!
Wala akong pakealam kung utos pa ng tatay ko sa kanya na bantayan niya ako nang magdamag. I'm not a 10-year old kid who still needs a nanny!
I can handle myself. I am an independent woman!
Hindi ko alam kung kanino ba ako may problema, e. Sa pagpapabantay ba sa akin o roon sa nagbabantay sa akin? This guy is seriously messing up my mind!
Last night, I felt things that I hadn't felt before. I wanted to feel disgusted but I couldn't. Masarap sa pakiramdam na iniligtas ka niya sa binggit ng kamatayan pero...ugh! Hindi ko alam kung bakit ako namamangha sa kanya ngayon!
This should stop, Margaux! This should fucking stop wala kang oras para magka-crush sa isang sundalo, okay?
I even accused him of having a crush on me tapos ngayon, parang ako pa ata ang may crush sa kanya! Gosh!
I'm a doctor, and I need to focus on my work! Not on some soldier who wears a camouflage uniform all the time. And who's also busy doing his duties!
I was walking out of my room cooly, but when I saw Jaxon on his white shirt and camouflage pants, parang nanghina bigla ang tuhod ko. May kausap siyang sundalo. Tumalikod ako para pumasok muli sa kuwarto ngunit naunahan ako ng boses ni Ethan.
"Margaux..." He called. Agad ko naman siyang nilingon.
Thank God, he's here! I needed a reason not to look at Jaxon. Kung anu-ano na kasi mga nararamdaman ko! It's really...weird!
"Yes?" I said as I acknowledged his presence.
He gulped and put his hands inside his pocket before he spoke.
"Can we...talk? Please?"
S'yempre pumayag ako. Kaibigan ko pa rin naman 'tong tao na 'to kahit papano. Alam ko namang gusto niya akong kausapin kahapon pa. I gave him enough space kasi 'yun naman ang kailangan niya. Sometimes we need to give people some space in order for them to fully realize some things.
Nakita ko naman ang pagbaling ng tingin sa amin ni Jaxon. I nod my head at him in acknowledgement.
I feel like the other soldier he's talking to is from one of his troop. Kung hindi niya kausap lagi, lagi naman niyang kasama.
"About the other day, Margaux—" He started but I immediately cut him off.
"It's okay, Ethan."
Alam ko namang 'yun talaga ang gusto niyang pag-usapan, e.
"I was barely thinking about anyone but myself. I'm sorry because—"
"Really, Ethan. It's okay. Ako nga ang dapat mag-sorry sa 'yo. I have long forgiven you for that. The important thing right now is to focus on work. Let's focus on saving other people's lives." I smiled at him to assure him. "That's what we should do."
Pilit siyang ngumiti pabalik.
"And we're still friends. Don't worry." I patted him on the shoulder and smiled.
He sighed in relief. "Thank you, Margaux."
"Hindi ka pa nasanay sa akin, Ethan. We've been friends for more than seven years now. Dapat kilalang kilala mo na ako." I chuckled at saka dumiretso na sa lugar kung saan namamalagi ang mga doktor.
Sumalubong naman sa akin ang mga batang naglalaro. Oh wow! I'm glad they're feeling better now. Lumapit naman agad sa akin si Erin.
"Doktora, good morning po!" Bumati ako pabalik.
"Kumusta ang mga pasyente? Ayos lang ba sila?"
Erin gladly nodded. Isa-isa naman niyang chi-neck ang charts.
"Ah...'yung kapatid po ni Captain Ventura nakalabas na po kahapon. Nandito po siya ngayon at hinahanap kayo."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman niya ako hinahanap? Does he need anything?
I shrugged my shoulders and asked Erin where's Kiel. Tinuro niya ito sa akin. I saw him helping one of the soldiers bring more patients here.
"Hey! You need to be careful. Baka bumuka 'yang sugat mo." Sabi ko na naging sanhi ng pagbaling niya ng tingin sa akin.
He smiled once he saw me. Nanatili lang akong seryoso.
"Hi, dok." Bati niya.
Tumango ako at ngumiti nang kaunti.
"Do you need anything? Sabi ni Erin hinahanap mo raw ako?"
Tumango siya iniwan na ang kapwa sundalo. He pats his friend on the shoulder.
"Ah...I'm just wondering..." Tinaasan ko siya ng kilay at nag-hintay ng sagot. "Do you have time tonight? I'd like you to eat dinner with me."
I was taken aback. Hindi ko ipinahalata sa ekspresyon ko ang gulat. Nanatili akong seryoso at saka unti-unting ngumisi.
I crossed my arms over my chest. Is this guy asking me out on a date? Dito pa talaga sa lugar kung saan may gyera ha?
"Actually...mayroon naman." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Kung hindi lang marami ang paper works na gagawin ko. Madami siguro akong oras. But I can do that anytime. Para saan ba 'yung dinner? Tayong dalawa lang ba?"
Sa totoo lang, mas maayos kung madami kami. I don't know this guy yet tapos agad niya akong aayain mag-dinner nang kaming dalawa lang? E, magdadalawang linggo pa nga lang ata simula nang malaman kong kapatid siya nung masungit niyang kapatid, e.
"Yeah...sa barracks sana namin. Pasasalamat na rin para sa pag-ligtas ng buhay ko."
Oh! That's why!
"Uhm..." I think of an answer.
Sa barracks nila? It means puro lalaking sundalo roon? Oh, no! Mamaya kung ano pa ang makita ko roon! At bakit kaya roon pa? Is he trying to show me off?
Itong si Kiel ha...
"I'll think about it."
Nagulat siya sa naging sagot ko pero agad rin naman siyang tumango. Maghahanap pa sana ako ng isa pang kasunod na pasyente nang tawagin ako ni Ethan.
"Margaux!" Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Do you need anything?" Tanong ko. Walang ano-ano pa'y kinuha niya ang kamay ko at iginiya ako sa kung saan.
"Ethan, where are we?"
Tinakpan niya ang bibig ko para pigilan akong magsalita. Tinampal ko naman agad iyon. Bastos 'to ah!
"I found a beautiful place near that mountain. I want to show it to you. Come with me." Aya niya sa akin. Hihilahin niya na sana ako pero hindi ako sumunod.
"Bilin sa atin 'wag tayong aalis dito. Gusto mo bang pagalitan ako ng daddy ko ha?"
Umiling siya at kinuha muli ang kamay ko.
"Come on, Margaux! 'Di naman nila malalaman. At isa pa, sobrang ganda talaga roon. Promise! It would be a shame for you not to see it once in your life! Saglit lang tayo roon." He raised his hand as if he's really keeping a promise. "I'm just going to show you that lagoon!"
By the mention of lagoon, parang gusto ko na agad pumunta. Gosh! I've been wanting to see one ever since. Balita ko kasi maganda ang mga anyong tubig dito sa Afghanistan. Pero papagalitan talaga ako kung sasama ako!
I roamed my eyes around the area, hinahanap si Captain Sungit. Kasi mamaya sungitan niya ako pag nalaman niyang may pupuntahan ako nang wala niyang pahintulot.
Teka...
Wala naman sinabi sa akin si Daddy na kailangan ko pang magpaalam sa kahit sino rito. Ibig sabihin lang no'n...malaya akong gawin ang gusto kong gawin dito.
Leaving for like ten minutes won't hurt, right? Babalik din naman ako. I sighed, then glared at Ethan.
"Alam mo talaga kung paano mo ko napapasama ha?"
Ngumisi siya sa akin. He knows that I'm a sucker for good views and adventures. Umiling ako at sinundan siya. Dumaan naman kami sa isang tagong lugar. Paano niya kaya nalaman 'to? Nagtatrabaho pa ba siya o ito ang inaatupag niya?
Hinawi namin ang mga dahon na humaharang sa daan namin. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya. I trust Ethan, and I know he's not going to do anything bad to me.
"Ikaw ha? Once na may gawin kang hindi maganda sa akin dito, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!" Banta ko sa manya. Ramdam ko namang natawa siya sa sinabi ko.
"As if I'm capable of doing that," he said cheekily.
"Buti naman..."
Patuloy parin ako sa pagsunod sa kanya. I suddenly wonder if this has an end. Parang kanina pa kami naglalakbay. Nabawasan na rin ang dahon na humaharang sa amin kanina pa. Ngayon naman ay puro puno na. Kung gabi siguro ngayon, nakakatakot na maglakbay ka rito. More than thirty minutes na ata kaming umaakyat dito. Ang sabi ko pa man din ten minutes lang akong mawawala.
Well, if what I will see is worth it, then leaving for an hour or two is not a problem.
I can always make up excuses at isa pa, hindi kami nakakapamasyal dito. I can just say that I got bored and I wanted to explore.
Wala silang magagawa doon! E, sa bored ako 'di ba?
"Malayo pa ba?" Hinihingal kong tinanong kay Ethan. Nakakainis at wala kaming dalang tubig! Nakakauhaw na sobra!
Tumigil siya sa harap ko sanhi na rin ng pagtigil ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. I raised my brows at him. Tumabi siya ng kaunti at saka ko lang nakita kung ano ang nasa likod niya.
My jaw immediately dropped when I saw the breathtaking view of the lagoon. The water is so blue, and everything is just so nice!
"Oh. My. God." Dahan-dahan kong sinabi habang papalapit sa lagoon.
"See? I told you! Worth it ang pagpunta mo rito."
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at nagpatuloy nalang sa pagtingin sa buong tanawin.
It's so peaceful here. Sobrang ganda.
Sabi ni Ethan ay malinis naman daw ang tubig dito kaya puwede akong uminom. I tried even though it was disgusting. Pero agad kong nakumpirma na hindi nga marumi iyon nang uminom ako. Binasa ko rin ang mukha ko, and damn! It feels so refreshing!
I enjoyed my short time here, but then Ethan and I have to go back to the barracks. Baka hinahanap na kami roon!
Pabalik na sana kami sa barracks nang makarinig ako ng boses sa isang tabi. Mabilis akong lumingon pero wala akong nakita ni anino man lang.
I swear I heard something! Hinarap ko si Ethan na patuloy pa rin sa paglalakad, nauuna na sa akin.
Umiling na lamang ako. Baka guni-guni ko lang iyon. Naglakad na lang din ako pabalik, sumusunod kay Ethan.
Pero huli na nang gawin ko iyon. I saw Ethan being blocked by someone we don't know. I gulped when I confirmed it was a terrorist.
My heart started pounding inside my chest. What if we get kidnapped here? Paano kung hindi na ako makabalik? Paano kung mamatay kami ngayon?
Paano na?
Lumingon ako para tingnan kung may kasama ba siya. Nagulat ako nang wala. Mag-isa lang siya!
But I know that he can overpower us dahil sa baril na dala niya. Agad niyang itinutok sa amin ito. Napaatras si Ethan. He immediately raised both of his hands, pinapakitang hindi siya lalaban.
Habang ako...hindi ako makagalaw. Paano nila natunton ang lugar na 'to? May pinaplano ba silang gawin sa may barracks namin?
I got scared by the thought. May mga bata doon! Oh my god. No, I can't let that happen!
He pointed his gun at me.
"You! You raise both of your hands!" He instructed me.
Matagal bago nagproseso sa utak ko ang sinabi niya kaya napalingon sa akin si Ethan.
"Do what he says, Margaux!" He hissed. Fear is very evident on his face.
Takot para sa maaaring gawin ng teroristang ito.
Takot para sa buhay naming dalawa.
Takot dahil imposibleng may magligtas sa amin ngayon.
Oh God, please. Save us from getting killed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top