Chapter Sixteen
Song: Maybe The Night- Ben&Ben
Anticipate
I don't know what made me realize that I already like him. It's just weird because out of all the people I could've liked...siya pa talaga? At dito pa talaga?
Hindi naman sa sinasabi kong lugi pa ako sa kanya. He's got the looks and all. Maybe it's of the scene I witnessed a while ago.
Baka nga...dahil din sa mga bata iyon. Or maybe because he smiled! Yes, that could be it!
Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Rito pa talaga ako nag-iisip ng dahilan kung bakit ko nagustohan si Jaxon habang abala ako sa check-up ng mga bata!
Ugh! Get yourself together, Margaux!
I pressed my stethoscope on the child's chest to check his heartbeat. So far, maayos naman ang kondisyon ng na-check up namin. Walang may sakit. Kung meron man, hindi naman malala at maaagapan pa. I felt so relieved.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-check ng bata nang maramdaman kong mag-vibrate ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa bulsa ng coat ko upang tingnan kung sino ito. Surprisingly, it was my Dad who's calling.
I excused myself and passed my patient to another doctor.
"Hello?"
"Margaux!" I was taken a backed. "Why didn't you tell me that you operated someone from a tribe?!"
Hindi na ako nagulat na nakarating sa kanya ang balita. Alam ko namang may magsasabi sa kanya noon.
It was Jaxon maybe. He's the one who always gives my father the update that he needs. Kaya sa tingin ko, siya ang nagsabi sa kanya.. Huminga muna ako nang malalim bago ako sumagot.
"Dad, mamamatay 'yung tao kung hindi agad naagapan."
"Kahit na, Margaux! Huwag kang magdedesisyon na walang pahintulot ng mas nakakataas! Paano kung may nangyaring masama? Paano kung hindi mo nailigtas 'yung buhay ng taong 'yon?! Ano sa tingin mo ang gagawin ang tribong iyon ha?"
Hinilot ko ang aking sentido. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"You are not allowed to operate on anyone unless they're from the military or from the civilians! You should know your limitations as a doctor. Hindi 'yung opera ka lang nang opera! Mag-isip ka naman muna, Margaux, bago mo gawin. Don't be so reckless! 'Wag mong dalhin 'yan dyan sa Afghanistan! You should act professional!"
I laughed insultingly.
"Isn't that an act of professionalism? I only did my job as a doctor...Dad, I took an oath. I promised to save the people in danger or in need. That man clearly needs help. What do you want me to do? Watch him die? Kahit na alam ko sa sarili ko kung anong mali at kung paano ko siya matutulungan?"
Matagal bago siya muling sumagot.
"I'm surprised Jaxon did not tell me about this. Nalaman ko pa sa ibang sundalo! Huwag na itong mauulit, Mari Gauxiena! Sinasabi ko sa 'yo... nakakadalawang beses ka na! Isa pang ulit mo, hindi ako magdadalawang isip na pabalikin ka rito,"
My mouth parted with what he just told me. Jaxon did not tell him about it? I'm surprised. I was expecting him to kasi iyon naman ang trabaho niya. Hindi ko inaasahan na pagtatakpan niya ako. I have to thank him for that.
Hindi na ako sumagot pa. Mas nagwagi na sa isip ko ang nalaman na hindi si Jaxon ang nagsabi kay Daddy tungkol sa nangyari.
"You understand, Margaux? 'Wag nang mauulit 'to."
I blinked and brought myself back into the reality.
"Yes, Dad. I'm sorry."
Tiningnan ko muna ang telepono ko para kumpirmahin na talagang naibaba na ang tawag. Naglabas ako ng malalim na hininga at umiling na lamang. Bumalik ako muli sa naiwan ko kanina. Erin's playing with the children. May mga nakaabang na rin para sa akin na iilan pang pasyente. Pilit akong ngumiti pabalik sa kanila at saka nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Gabi na nang matapos kami. Bukas ay ang mga sundalo naman. Ibig sabihin lang noon ay dalawang araw akong pagod!
I did not see Jaxon that night. Only Kiel. Busy siya sa pagtulong sa pag-aayos ng mga ginamit kanina. Habang kami naman ay nagtungo agad sa kainan dahil lahat kami ay gutom na. Naupo kami sa aming pwesto at agad ding nagsimula.
Nang matapos kaming kumain ay agad din naman kaming nag-paalam sa isa't isa. Everyone is just exhausted and we still have to do this again tomorrow. Ethan stood by my side while we're walking back towards our room.
"You look extremely tired." Aniya. I nod my head in agreement. "You've been working hard lately. Hindi ko naisip na sobra kang gaganahan na magtrabaho dito." dagdag niya.
"I agree. Akala ko tatamarin lang ako rito. But I made the right decision, though. I like it here." Sabi ko at inalala ang lahat ng mga naganap sa nakalipas na dalawang buwan. Kunot noo siyang lumingon sa akin.
"You like it here? E, puro nga gyera rito. Your life is in danger yet you're liking it here." Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.
"Sometimes even the most chaotic place can also be the most beautiful place. Palibhasa, puro 'yung mga hindi maganda lang ang nakikita mo. Hindi mo pinagtutuunan ng pansin ang kagandahang meron sa lugar na ito. It's not always about the place itself, Ethan, it's the people in it too." Sabi ko.
He smirked. "Saan mo naman napupulot 'yan?"
Nagkibit ako ng balikat. I know that Afghanistan is a mess because of the war that is going on in this country. But what makes it beautiful is the people. They experience things that most of us don't. But they keep on going because that's the only thing they can do. Kung hindi sila magpapakatatag, walang mangyayari.
It made me remind myself that amidst the pain and suffering, I still have to get back up and show up.
I want to find healing. The children here somewhat helped me find that. Seeing them happy also makes me happy. Puwede rin naman ang lagoon. That place really gives me peace. Hindi ko ba alam kung bakit. Dalawang beses palang akong nakakapunta roon pero masasabi kong sobrang payapa ng puso at isip ko tuwing nandoon ako.
Hinatid ako ni Ethan hanggang sa tapat ng aking pinto. Niyakap ko siya bago magpaalam.
"Good night, Margaux." I tried to smile despite the exhaustion.
"Good night, Ethan."
He waved and went straight to his own room.
Pagbukas ko ng aking pinto ay bumungad sa akin ang isang papel na nasa sahig. Mukhang inilusot ito mula sa maliit na butas sa pinto. Lumuhod ako upang pulutin iyon.
I opened it to see a handwritten letter from Jaxon. My forehead creased.
Just making sure you got in safe. I'll see you tomorrow. -J.
I smiled when I finished reading it. Maikli lang pero labis labis na kasiyahan ang natamo ko mula sa sulat na iyon. Gosh! This is another reason why I like him.
He's just so full of surprises. Pakiramdam ko kahit anong gawin niya, mamamangha ako. I bit my lip as I contemplate if I should send back a letter or not.
Sumandal muna ako sa pader upang iproseso ang nangyari bago ako humagilap ng papel sa aking drawer. I started writing a reply for him.
I got in safe. No need to get paranoid. Thanks for the concern. I'll see you too tomorrow. - Margaux
I almost squealed when I finished writing it. Para akong bata na nakatanggap ng love letter sa crush niya noong elementary. I giddily went towards the door.
Sumilip ako sa bukana ng aking pinto upang maghanap ng sundalong nag-iikot ngayong gabi. Nang makahanap ay dali-dali kong binuksan ang pinto ko at tumakbo patungo sa kanya.
"Hey! Good evening, officer! Can you please do me a little favor?" I asked the soldier.
The soldier looks at me confused but he still went towards me. Iniabot ko naman sa kanya ang sulat. Kinuha niya ito at tiningnan.
"Please give it to Captain Ventura." Napakurap siya, mukhang hindi inaasahan na para pala sa ibang tao iyon. "Thank you!"
The smile didn't leave my face as I went back to my room. The reason why even when I woke up, I could still feel myself smiling.
Tulala kong hinihintay ang mga kasama ko sa dining area. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang nangyari kagabi.
Jaxon sent me a handwritten letter.
Hindi ko alam kung bakit sobrang kilig ko na. Kung tutuosin, letter lang naman 'yon. No big deal.
Nagulat ako nang biglang bumungad sa harap ko ang mukha ni Kiel. Umagang-umaga, ngiting-ngiti na agad siya. Napatuwid ako ng upo at inayos ang sarili.
"Good morning, doktora!" malambing na pagkakabati sa akin ni Kiel. Tipid akong ngumiti. "Tulalang-tulala ka riyan ah?"
"May iniisip lang..." paliwanag ko.
"Oh...don't think about me too much." Kumunot ang noo ko sa kanya at mapaglarong ngumisi. Gano'n din ang ginawa niya. "I'm just kidding...did you have your breakfast yet?"
Umiling ako. "I'm actually just waiting for my team. How about you?"
"Just about to. Mind if I grab yours?"
"Uh, hindi na! Kaya ko naman."
"No. I insist. Kunin ko na rin ang iyo."
"No really, Kiel, it's fine. Thanks for offering."
Kiel pouted and shrugged his shoulders. "Fine. I'll line up in your cubicle later!"
I rolled my eyes.
"You are free to line up at any cubicle."
"But I want to line up to yours. I want to see what the other soldiers were talking about."
My forehead creased. Pinaguusapan nila ako?
"What do you mean?"
Tinagilid niya lang ang kanyang ulo at tiningnan ako nang maigi. Mukhang hindi siya makapaniwala na wala akong ideya sa kung ano mang nangyari kahapon.
"If you didn't notice...a lot of soldiers were staring at you while you were taking care of the children yesterday. Sabi noong iba parang gusto rin nilang magpaalaga sa 'yo."
Hindi ko naiwasang matawa sa sinabi niya. Really? Ganyan sila mag-usap doon sa barracks? So lame!
Well, I did not notice that at all. Sobrang busy lang talaga ako kahapon na wala akong panahon upang tingnan pabalik ang kung sino man tumititig sa akin.
Hindi rin naman nagtagal ay nagsidatingan na ang mga kasama ko. Masaya silang nagdadaldalan at nang mapansin ako ay agad silang bumati sa akin. Ganoon din ang ginawa nila nang makita si Kiel.
Kiel stood up and let Tracy take his seat. Nahihiyang nagthank you sa kanya ito. He smiled at me before he left.
"I'll line up in your cubicle, okay?" aniya bago tuluyang umalis.
Nagkibit lamang ulit ako ng balikat at binaling na ang tingin sa aking mga kasama. Ethan immediately looked at me weirdly. Nginitian ko na lamang siya at sabay kumuha na ng pagkain.
"Hayy! Si doktora talaga, napakaganda." Bulong ni Erin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kumain ka na nga lang diyan." Sabi ko.
Nang matapos kami ay dumiretso na kami sa kani-kaniyang cubicle. Ngunit bago pa ako makaapak sa cubicle ko ay may pumigil sa akin. Lumingon ako para tingnan kung sino ito.
"I'll be in your cubicle, too." Ani Ethan. Agad ko siyang pinigilan.
"What? No! The soldiers assigned us our own cubicles so you should follow that!"
Pinandilatan niya ako ng mata at saka pinilit na ipasok ang sarili sa sarili kong cubicle.
"No. I'll stay here." Pagpupumilit niya. Hinila ko naman siya palayo.
"No! Go back to your cubicle! I cannot work seriously knowing that I have to share the same cubicle with you! Please lang, Ethan."
"Aba! Hinahayaan mo pa talagang pumunta dito 'yung sundalong 'yon ha?" He said ridiculously.
Ah...so, 'yun pala ang issue sa kanya. I crossed my arms over my chest and titled my head. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"E, ano naman sa 'yo?" Hamon ko.
"Ano naman sa akin? Goodness, Margaux! Why do you have to be so innocent? He's making advances at you and you're not even noticing it? What if he takes advantage and no one is there to save you?" Tanong niya.
I burst out of laughter. Hay naku, Ethan! You and your mind!
"Baka bago mo pa ako maligtas, Ethan, na-knock out ka na niya. I'm sure he's not going to do anything. We're all professionals here."
"Anong pinagsasabi mo riyan? I'm just protecting you, Margaux."
Umiling ako at dumiretso na sa aking swivel chair.
"Tss. I can protect myself. I don't need anyone. Now go." Hindi siya umalis. Sa halip ay hindi makapaniwala lang siyang nakatingin sa akin. "What are you waiting for? Out!"
Ethan sighed in defeat.
"If something happens, 'wag kang magrereklamo sa akin na walang tumulong sa 'yo."
"Wow! Says the guy who left me alone with a terrorist. Kung magrereklamo man ako, 'di sa 'yo." Wala na siyang nagawa kung hindi ang umalis nalang.
Sa labas ng aking cubicle ay si Erin. Papasok siya upang ipaalam sa akin kung sino ang susunod na pasyente pagkatapos niyang i-check ang vitals.
"Naku, doctora! Mukhang mabenta tayo ngayon ah?" Aniya nang pumasok siya sa loob at nilapag ang chart ng susunod kong pasyente.
"Huh?" Nagugulohan kong tinanong.
"Parang pila ng relief goods 'yung cubicle mo, doc. Mabentang-mabenta." Sumilip ako at nakitang halos lahat nga ng mga sundalo ay nakapila sa akin. Ang cubicle nina Rico, Ethan, at ng iba pang doctor ay halos walang nakapila.
Ang ibang nurses naman ay nakatingin na sa gawi ng cubicle namin. 'Di alam kung kukuha ba sila ng pasyenteng nakapila sa amin o hahayaan na lang nila.
"Mawawala rin 'yan mamaya." Sabi ko.
"Naku! Imposible! Hirap controlin ng mga 'yan pagdating diyan."
"I know someone who can handle them," I immediately thought of Jaxon. I smiled. "He will be here soon."
Napangiti na lang din si Erin kahit na hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ko. Makalipas ang ilang oras ay humupa na rin ang ingay sa tapat namin. Sumilip muli si Erin. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"Oh my gosh! Kumonti 'yung pila sa atin!" Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa labas.
"I told you..."
Maybe he's already here now.
I already checked a couple of soldiers. A lot more to go. Buti naman at napilit ni Jaxon na lumipat ang iba. Siguro para hindi na rin isipin ng ibang doctor na unfair.
Tama lang 'yun. At isa pa, marami kami rito. Kung ako lang pala ang gusto nilang doktor edi sana nag-organize ako ng sarili kong medical check up!
I did some blood test para sa ibang sundalo na nakapila pa kanina sa cubicle ko. It is to monitor condition. We also have to check their medical history.
"So... it seems that you had a surgery weeks ago. I think it's safe for you not to join missions in the critical area until your wound is healed. Better do some light works for now. It may open up if you won't be careful. So, I suggest for you to get enough rest before you get back to work." Sabi ko sa sundalong ine-examine ko ngayon.
Halos lahat din ng mga sundalo ay binakunahan namin para sa kanilang immune system.
"I will vaccinate you now..." I informed the soldier. Dahan-dahan siyang tumango at sinundan ng tingin ang bawat ginagawa ko.
When I stood up, sunod pa rin siya nang sunod ng tingin. Hindi ko na langg ito pinansin dahil mas importante ang ginagawa ko ngayon.
Kanina pa may ganitong scenario rito. Hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin. I don't have time for that. When I finished, I gave him his medical record and smiled at him.
"You're done." Sabi ko. "Next, Erin!" sigaw ko upang marinig niya galing sa labas. Tumayo ang sundalo ang nahihiyang ngumiti sa akin.
"T-Thank you, Doc." He bowed his head a little.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. My smile faded. Kasabay ng paglabas niya ay ang pagpasok naman ni Erin.
"Kiel Mikael Ventura is next, Doc." Tumango ako at binasa na ang kanyang chart. He really did line up in my cubicle huh?
Nakita ko ring nakalagay dito ang naging operation sa kanya isang buwan na ang nakalipas. Hindi lang siya isang beses na naoperahan dahil sa tama ng bala kundi pangalawang beses niya na ito.
Nag-angat lang ako ng tingin nang mapansin kong nakapasok na siya nang tuluyan. He immediately smiled at me.
"Hi, Doktora. Nice seeing you again." Bati niya. Tinuro ko naman sa kanya ang upuan sa tapat ng aking lamesa.
Hinanda ko naman ang aking gagamitin para sa pagkuha sa kanyang dugo.
"First things first, did you feel sick this week?" tanong ko sa kanya.
"Nope."
Tumango naman ako at itinali na ang tourniquet sa braso niya. I did not have a hard time searching for a vein because it quickly became prominent. I cleaned the puncture site.
"Good. Now, I have to take some blood. Okay?" napapangiti siyang tumango.
I immediately poked the needle on his vein. He didn't flinch nor showed any reaction habang ginagawa ko ito.
Ang ibang sundalo kasi, halatang takot magpakuha ng dugo. I mean they faced scarier things compared to this? Extracting their blood should be nothing to them. Ang iba nga ay malalaki pa ang tattoo!
Kiel remained calm as he watches me. Bumalik ako galing sa pagkakaupo sa aking swivel chair. Nilagyan ko na rin ng label ang tube na may laman ng dugo niya.
"You're really fit to be a doctor."
"Thanks." I replied. "So, you had a surgery last month. How's your wound?"
"Oh, it's still healing. But I'm good." Sagot niya. Tumango naman ako.
"Your vital is normal. Wala namang masyadong problema. I'll have you vaccinated now, okay?" Umangat ang gilid ng kanyang labi at marahang tumango.
Before I poke the needle on his skin, hinawakan niya ang palapulsuan ko upang pigilan ako. I look at him with a questioning look on my face.
"What?" I asked.
"Have dinner with me." Seryoso niyang pagkakasabi. I smiled languidly and poked the needle on his arm as a reply.
He chuckled because of what I did. "I'll take that as a yes."
"No, I haven't replied yet..." Pang-aasar ko. He laughed even more.
"Damn, you're really one of a kind."
"You're done for today..." I gladly smiled at him. "Next, Erin!"
He smirked at me. Sumandal siya sa aking lamesa at inilapit ang mukha sa akin.
Oh...such a flirt!
"I'll wait for you later." He whispered nang pumasok si Erin. She looks at us weirdly habang iniaabot sa akin ang panibagong medical record.
Nagsunod-sunod pa ang mga sundalong in-examine ko. It's kind of getting frustrating now kasi hanggang ngayon wala pa rin ang pinaka hinihintay ko!
Erin already noticed the change in my mood as we go on.
I don't really know why I was waiting for his turn. All I know is I want Erin to inform me that he's finally the next soldier!
Paano kung sa ibang cubicle pala siya pumila? Oh, what a betrayal!
Nakangising pumasok si Erin bago ilapag ang chart ng susunod.
"What?" Iritable kong tanong.
"Jaxon Alexander Ventura is next, Doc." nangingiting banggit ni Erin sa akin.
And just like that, my heart is leaping with excitement.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top