Chapter Seven

Song: Close- Nick Jonas ft. Demi Lovato

Brother

Ethan is avoiding me. I did not know that it could affect him that much. I was just being honest. I did not know that my honesty would cause him pain.

At isa pa, kasalanan ko ba na hindi ko rin siya gusto? Anong gusto niyang gawin ko? Paasahin siya? I'm not that kind of person!

I knew he was avoiding me when he went to the critical area without me. Which was actually so surprising. Instead of coming with me like he usually does, he brought Rico and Tracy along with him instead of me. It's not like it's a big deal. Petty lang talaga siguro 'tong si Ethan at masyadong pinapahalata sa akin na iniiwasan niya ako.

Dahil sila ang nagpunta sa critical area, kami namang mga naiwan ay naging abala sa pagbisita sa mga na-rescue na mga sibilyan. I also helped in giving proper medical care to wounded soldiers.

Buti na lang din at wala masyadong nalagay sa peligro. Each one of us is very careful when it comes to examining the people. As much as possible, we want to give them the medical attention they need. Lalo na ang mga bata.

Some also informed me na magkakaroon din daw ng regular checkups for soldiers. They needed that, too. It was mentally challenging to have this kind of job. I'm glad that I brought along a resident psychiatrist that could offer them some help, if needed.

Agad ko ring ipinaalam at pinaghanda ang team ko para sa posibilidad na idaos 'to bukas o sa susunod na mga araw.

Habang inaayos ang aking mga kagamitan ay narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses na narinig ko noong nagpunta kami roon sa critical area.

"Doctor!"

Mabilis kong nilingon kung sino ito. Tumatakbo si Andrew patungo sa akin habang ang ama niya naman ay nakaupo sa wheelchair at hirap na hirap itulak ang sarili. Lumapit ako sa kanya para ako na mismo ang magtulak sa wheelchair niya.

"Doctor, thank you for keeping your promise." Sabi ni Andrew. I smiled.

"Of course, but I'm also sorry, Andrew. I couldn't save your brother's life."

Tipid naman siyang ngumiti sa akin. "I know you did your best to save him, Doctor. I understand."

Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian siya. Tumingin ako sa tatay niya na pinapanood lang kami.

"How's your foot, sir?" I asked. Tiningnan ko rin ito para siguraduhin na nagamot ito ng maayos.

"It's getting better. Thank you."

"You have to wait for a few days, sir, before it completely heals. I'll let someone assist you so you can get back on your feet."

Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Thank you, Doctor. For helping us."

"It's always a pleasure to help. You can also just call me Margaux."

Medyo nagaalinlangan pa siya noong una kung 'yun ba talaga ang dapat niyang itatawag sa akin pero sa huli ay napilit ko rin siya.

"Do you already have friends here, Andrew?" bumaling ako sa bata.

"Yes, doctor! I play with Sasha and Tyler all the time." Masaya niyang pagkakabanggit.

I'm glad. Masaya ako na kahit papano ay mapupuno ng masasayang alaala ang kanyang pagkabata. I don't want his memories to be filled with war. I want him to remember that he was once a kid who still enjoyed his childhood despite what's happening. They are still children. They don't deserve this.

"You have to introduce me to them next time, okay?"

Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Excited siyang tumango at halos mapatalon pa sa tuwa.

"Of course! But...you're always busy," he pouted.

I giggled and playfully pinched his cheeks. "I'll find time for it."

"You promised that, doctor." I nod my head as a response.

"Yehey!"

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sila sa akin. Tumawag ako ng puwedeng mag-alalay sa tatay ni Andrew dahil hindi niya pa masyadong gamay ang pag-gamit ng wheelchair.

Sinundan ko sila ng tingin. Nang mawala naman sila sa paningin ko ay saka ko na binalik muli ang sarili sa trabaho. Pagkatayo ko ay agad na bumungad sa likod ko si Captain Sungit.

Nandito na pala sila. Nakita ko rin si Ethan na kakarating lang. Nagkatinginan kami pero agad niya rin namang iniwas ang tingin niya. Corny!

"Were you informed about the checkups for the soldiers tomorrow?" tanong sa akin ni Captain Sungit.

"Of course."

"Okay. I'm just making sure."

Tumango na lamang ako kasi wala na rin naman akong sasabihin sa kanya. Nang hindi siya umalis sa harap ko ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala ka bang ibang gagawin bukod sa tumayo riyan?" Tanong ko. Bumaba naman ang tingin niya sa akin.

"I'm checking."

Nilibot niya naman muli ang tingin sa buong paligid. I shrugged my shoulders at nilagpasan siya. Bigla ko naman naalala ang pangako ko sa nanay ko bago kami umalis.

"Oh shit."

I said out loud, na halos lahat ng nandito ay napatingin sa akin. Dali-dali ko silang nilagpasan at kinuha ang aking telepono sa bulsa ng aking coat.

Naalala ko na nagpapatawag nga pala si Mommy sa Skype. I became so busy that I forgot! I hope she's not mad at me for forgetting.

"Margaux!" bungad niya agad sa akin nang masagot ang tawag.

"Hi, Mom." I waved at the camera. Nakita ko namang sumingit sa screen si Felicity at si Dominic.

"Ate!" They both exclaimed.

"Akala ko hindi ka na tatawag, anak."

"Yeah. I almost forgot to call you. May ginawa po kasi kami agad dito kahapon, e. Nawala na rin po sa isip ko. Pasensya na." I gave her a sad smile.

"So, how is it there, Margaux?"

"Uhm...so far, it's fine. Sobrang safe naman po nung lugar. Malayo po doon sa critical area."

"May I see the whole place ate?" tanong sa akin ni Dominic.

"There's nothing interesting here, Dom. At saka nandito ako sa lugar ng mga na-rescue."

"Kahit na! I just want to see." Pagpupumilit niya.

I rolled my eyes and gave in. Pinakita ko sa kanya ang kabuuan ng lugar. Puro mga ginagamot ang makikita niya rito. Saka, wala namang magandang tanawin dito kasi nga nasira na dahil sa naganap na gyera.

"Oh! Ang hirap pala ng buhay ng doktor, ate." Saad ni Felicity.

"Nothing comes easy in medicine, Fel."

"May guwapo bang sundalo diyan, ate?" tanong niya at agad rin naman siyang sinuway ni Mommy.

"Ano ba yan, Felicidad?!"

"Yuck! Mommy! Felicity nga, e."

Natawa ako. Wala pa akong ilang buwan dito pero miss ko na agad sila.

"Ano, ate. Meron ba?" She was smiling cutely at the camera. She was hoping that I will show her some.

"Meron naman."

I immediately thought of Captain Sungit. Gwapo sana, cold hearted naman at masyadong seryoso sa buhay.

"Talaga? Kilala mo?"

"Yes, and Dad knows him, too."

Her jaw dropped. "Oh my god! Ate, is that the captain?"

Kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman 'yun?

"You know him, Fel?"

"Uhm, no. Actually, lagi ko lang siyang nakikita tuwing nasa headquarters ako nila daddy. He seems to be Daddy's right hand."

That surprised me. Kaya naman pala mukhang ang laki-laki ng tiwala ni Daddy sa kanya. Maybe he was this serious at work because he didn't want my father to be disappointed. Malaking responsibilidad din itong binigay na misyon sa kanya. I'm sure he didn't want this mission to fail and stain his resumé.

"Sobrang guwapo niya 'no, Ate Margaux?" kinikilig niya pang sinabi.

"Ayos lang." nagkibit ako ng balikat.

I acted like it was no big deal, pero sa totoo lang ay gusto kong sumangayon. Puwede nga rin siyang maging model kung hindi lang siya naging sundalo. Pero...mas bagay talaga sa kanya ang trabahong napili kaya ayos na rin 'to.

"Grabe! Ayos lang sa 'yo 'yung gano'ng mukha? Iba rin standards mo, e."

"S'yempre naman! Si ate pa ba? Mga standards niyan mala kuya Ethan ang dating." Sabi ni Dominic.

Halos mabilaukan ako sa sinabi ng kapatid ko. Seryoso ba siya riyan? Saan niya nakuha 'yan?!

"What are you even talking about?"

"Kuya Ethan's your type, right?" he asked innocently.

"What? No!"

"Oh! Rejected." Sabi niya sabay hawak sa kanyang puso. Umiling na lamang ako. Magkaibang magkaiba talaga sila ni Gio.

"Sige na, Margaux. Baka busy ka at nakakaistorbo kami. Tumawag ka na lang ulit kapag may oras ka, okay?"

"Okay, Mom."

"Mag-iingat ka palagi, anak. I love you."

"I love you too, Mom."

"Bye ate!" kumaway sa akin ang dalawa ko pang kapatid.

"Bye!"

The call ended after that.

"Doktora!" Narinig kong tawag sa akin. Agad naman akong napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Erin na tumatakbo patungo sa akin.

"Bakit, Erin?"

"May bagong dala po ang militar na mga sundalong sugatan. Ang iba po ay may tama ng baril. Kailangan na po silang operahan ngayon."

I nodded and prepared myself for it.

"Sige. Tell Tracy and Rico to take charge here. I'll get ready with the operation."

Nagawi ang tingin ko sa may military truck kung saan may kasalukuyan silang ibinababa na mga sugatang sundalo. Nakita ko namang hinihiga sa isang stretcher ang sundalong tinutukoy ni Erin. Binuksan ko naman ang operating room na pri-no-vide nila para sa amin. Nandoon na rin ang ibang mga nurses, hinahanda ang mga gagamitin.

I wore my protective equipment. I waited for the wounded shoulder to be brought here. The soldier was unconscious when he arrived. I checked him and saw that he had multiple gunshot wounds.

I was about to start my work when Jaxon entered.

"You are not allowed here." Sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang siyang nagtungo sa sundalong nakahiga.

"Kiel, you need to fight." Aniya.

The other soldier is too weak to even respond. He is still breathing, though. And if we want to keep it that way, I need to start now. I don't want him to lose so much blood.

Umangat ang tingin sa akin ni Captain Sungit. He looks so worried about his co-soldier. He isn't cold hearted after all. My mouth parted when I saw fear in his eyes.

"Please do everything you can to save him." Sabi niya sa akin.

My forehead creased a bit. Parang sobrang importante ng tao na 'to para sa kanya. Is he a friend or something? Of course, he is the captain. He should care about his soldiers, but...even my father doesn't care about his soldiers this much...

But because he looked so worried, I couldn't help but keep a promise. 

"I promise."

He nodded his head and squeezed the other soldier's hand before he voluntarily exited the room.

What is his relationship with this guy, and why does he look so important to him?

I shook my head and erased all my thoughts. Without a doubt, I started the operation.

"Forceps, please."

Pagod kong tinanggal ang surgical mask nang lumabas ako ng operating room. The operation lasted for an hour and a half. Mahirap alisin ang mga bala sa kanyang katawan lalo na't iba't ibang klase ng bala ang mga ito. It's a miracle that he's still alive.

That soldier is a fighter.

Naupo ako sa isang tabi habang pinagpapahinga ang sarili. Malaki ang pagkakaiba ng ayos namin dito sa ospital. We didn't have the most advanced equipment, so most of the time, we had to improvise.

I stretched a bit. Ramdam ko ang ngalay ng aking mga paa. Agad namang lumapit sa akin si Erin at inabutan ako ng tubig. Ngumiti ako sa kanya at saka kinuha ang inalok niyang tubig.

"Salamat." Ngumiti siya.

"Grabe, doktora. Halos lahat po ng mga nakausap ko rito na nurse, humahanga na sa 'yo kahit wala pa tayong isang linggo rito. Paano pa kaya kung isang taon na? Baka may fans club ka na rito!"

"Ewan ko sa 'yo, Erin. Hanggang dito binobola mo ako ah? Sabihin mo lang kung gusto mo ng promotion."

Pabiro niya akong pinalo. "Si doktora talaga!"

Nagtawanan kami ng kaunti hanggang sa napansin kong patungo sa amin si Captain Sungit.

"Margaux." He called.

"The operation went well." Sabi ko dahil alam ko na agad kung ano ang pakay niya.

"Sige po, doktor. Maiwan ko na po muna kayo." Paalam ni Erin. Magalang siyang yumuko bago tumulak palayo sa amin.

Captain Sungit sighed. He nods his head once my answer has sinked in.

"Thank you." he said breathlessly.

I'm so used to people thanking me whenever I save a life. Sanay na sanay na ako riyan. But it felt different when it came from him.

"No problem. You can visit him now."

Tinuro ko ang recovery area. Tumango siya at papasok na sana kung nasaan ang kasamahan niya nang tumigil siya para harapin akong muli.

"You just saved my brother, Margaux. It meant a lot to me."

Hindi na ako nagkaroon pa ng panahon na maka-react dahil agad din siyang pumasok sa recovery area.

So, that was his brother? No wonder he was that worried.

Was Kiel his name? I don't quite remember. It was just surprising that even his brother is a member of the military!

Gosh! May lahi ba sila ng matatapang at feeling ko lahat ng nasa pamilya niya ay miyembro ng military?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top