Chapter Fourteen

Song: Crawl- Chris Brown

Friends

I doubt that he really waited for me until the surgery finished. It lasted for five hours! Hindi ko alam kung nakayanan niya mag-hintay nang gano'n katagal.

The surgery went well. We found out that he has diverticulitis. Kung patatagalin pa, mas lalo lang itong lalala lalo na't wala siyang iniinom na gamot.

I lazily removed my surgical mask and my gloves as I exited the operating room. It's already four in the morning, and I can feel my eyes and energy going down.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagpahinga gayong ngayong araw rin kami pupunta sa critical area. Wala na akong maitutulog pa!

I asked Rico to tell the tribe about how the surgery went. Siniguro rin ni Jaxon na may bantay sa bawat paligid habang nag-uumpisa ang operasyon. He's that paranoid for our safety.

Tama lang ang hinala ko na walang gagawing masama ang tribong ito. They only want their leader to get better. Buti na lang din at nadala nila agad iyon dito. I don't know what could've happened to him if they did not take action.

I yawned and stretched my body out. I can already feel the exhaustion getting to me. Pagmulat ko ng mga mata ay hindi ko inaasahang makita si Jaxon na nakatayo na sa harap ko at nakatingin na sa akin. Napaatras ako dahil sa gulat.

I was really expecting him not to wait! Sino ba naman kasi ang maghihintay ng limang oras sa labas ng operating room nang wala kang ginagawa 'di ba?

I can't even imagine myself doing that!

"You really waited?" gulat kong tanong sa kanya. Nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa akin.

"How was the surgery?" Aniya, binalewala lang ang tanong ko. Kunot noo ko muna siya tiningnan bago ko sagotin ang tanong niya.

"It was successful, of course." I confidently answered. He nodded, then moved closer to me.

"The breakfast is already served. We're going to the critical area at exactly six o'clock."

Medyo hindi pa agad nag-sink in sa isip ko kung ilang oras na lang ang natitira bago mag ala sais. It's two hours away from now! Isa lang ang ibig sabihin no'n, wala na akong oras pa para matulog!

I slowly nod my head. Hindi naman obvious sa kanya na hindi siya natulog. Or maybe he did sleep, so he calculated the time the surgery might finish so he could wake up on time and check.

"Did you really wait outside?" I couldn't help but ask. May ibang sundalo naman na nagbabantay rito. 'Yung mga nasa night shift talaga.

"Yes," he simply answered. I look at him like he was being ridiculous.

Why is that hard to believe? Anong pumasok sa isip niya para maghintay rito nang gano'n katagal? Hindi ba siya na-bored?!

"Weeeh?" kunot noo niya akong tiningnan. I chuckled a little. "Kasi namane, sino ba ang magtatyaga na maghintay ng ilang oras sa labas nang walang ginagawa? There are no chairs here! You have no other choice but to stand! So, I doubt that you really waited."

Kung sakaling naghintay nga siya...ay aba! Ang special ko naman pala ano? Ang dami tuloy pumasok sa isip ko nang dahil doon!

"I'm a soldier, Margaux. I have my own ways to survive, and waiting for a few hours won't hurt." Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya.

Okay. Maybe I was thinking about things too much. It's impossible.

Tama nga naman siya. He's a soldier! And what are you even thinking, Margaux? That he has a crush on you? Gosh! You're hallucinating. Kulang ka na nga talaga sa tulog!

Tinaasan ko siya ng kilay para makabawi. Ayaw kong ipakita na napahiya ako roon. Maybe he realized what I was thinking kaya agad niyang pinaliwanag ang sarili niya.

"Teach me your ways, then." Sabi ko.

Sa dinami-rami ng pwedeng sabihin, bakit 'yan pa ang lumabas sa bibig ko? You are such an idiot, Mari Gauxiena!

Ang tanga-tanga mo!

I saw him smirk. My breathing hitched when he crouched a bit to move his face closer to mine. Mabilis ko namang iniwas ang mukha ko sa kanya.

"Just eat your breakfast now, Margaux." he said, smirking. I pouted.

Gusto ko sanang magprotesta at ipaliwanag sa kanya na mas pipiliin ko pang matulog kaysa kumain. Pero sa tuwing nagiging iba talaga ang epekto niya sa akin, lumilihis na rin ang isipan ko!

"O-Okay."

Lumakad ako palayo sa kanya para magtungo na sa dining area. I ate quickly and went back to my room. Mukhang kahit iglip hindi ko na magagawa. Bumalik lang talaga ako para makapagpalit ng damit at mag-ayos ng sarili.

Binawi ko na lang ang lahat sa byahe. Sinabi ko na rin sa sarili ko na magising ng mas maaga bago pa namin marating ang critical area dahil ayoko na namang buhatin ni Jaxon.

Nang makarating kami doon sa lugar ay puro batang nasagip ang sumalubong sa amin. This usually doesn't happen tuwing nandito kami sa critical area. Madalas na naabutan namin dito ay mga may edad na ang nasagip.

Hindi tulad ngayon. I roamed my eyes around. Some children were crying, and some were staring at nothing habang duguan pa ang ulo. Ang iba ay pinapatahan ng ibang doktor dahil hinahanap ang kanilang magulang.

I wanted to go back when I saw what's happening. I felt like someone tugged at my heart, and it hurt to see it. Hindi ko ata kakayanin. Pero napagisip-isip ko, ito nga pala ang trabaho ko. Ito ang langaran na itinadhana sa akin. More likely, ipinilit sa akin.

Muntikan ko nang mabitiwan ang hawak kong medical bag nang makita ko ang nilalabas na bangkay ng isang batang lalaki. I heard Erin gasp behind my back.

Napapikit na lamang ako. I really can't bear that kind of scene. Seeing children hurt will always have an impact on me. As much as possible, I don't want children hurt. I want them out of this. Kaso hindi ko kayang gawin iyon. Wala akong control sa nangyayari rito.

Kung ngayon ako magpapakitang mahina ako pagdating sa ganito, ano pa kaya kung ginagamot ko sila? I have to put on a strong façade even though I'm hurting on the inside because of the scene I'm seeing here.

I sighed after I finished on another patient. Pagkatapos noon ay dinaluhan ko ang isang batang nakaupo habang hinahawakan ang kanyang duguang ulo.

"Hello." Bati ko at nginitian siya. Baka sa ganoong paraan, mapagaan ko ang loob niya.

He suddenly reminded me of Andrew. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. I promised to visit him and his friends if I have time. But it's been a while since I last did that.

I have to allot time for it. I'll make sure of that.

Inangat lang ng bata ang tingin sa akin at hindi nagsalita. Bumagsak muli ang tingin niya sa kanyang mga kamay at nang makitang may dugo ito ay parang nanghina siya.

Umupo ako sa harap niya para maglebel ang tingin namin. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at nilinis ito, inaalis ang mga dugo na galing mismo sa kanyang ulo.

I checked his head. He has a cut, pero hindi ganun kalalim. Hinanda ko ang gagamitin ko para sa pag-gamot ng kanyang sugat.

"Tell doctor if it hurts okay? I'll be gentle." I smiled at him to assure him. He slowly nodded. Halata sa mukha niya na pagod na siya.

It only took me a minute to clean up his wounds. He stayed quiet the whole time I'm cleaning it. Though I can feel him flinch sometimes, he still tried to endure it. Kaya dinadahan-dahan ko ito. Pinaglebel ko muli ang tingin naming dalawa.

Kinapa ko ang kanyang leeg upang tingnan kung may lagnat siya. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman kong sobrang init niya. Dali-dali kong kinuha ang thermometer ko at idinikit ito sa kanyang noo.

39.7 °C. He has a very high fever!

"Shit." Agad kong binuhat ang bata at saka siya inihiga sa isa sa mga stretchers. Nagpakuha agad ako ng tubig at bimpo kay Erin upang maipahid sa buong katawan ng bata. Dali-dali niya itong sinunod.

I caressed the child's cheek. He looks really tired.

"Everything's going to be alright. The doctor is here to take care of you."

My heart sank when he tried to smile back at me despite the exhaustion that he's feeling. I gave him medicine and warmed his body up. Pagkatapos noon ay ibang na-rescue naman ang inasikaso ko.

Napagalaman ko rin na ang pangalan ng bata ay Ully. His parents died yesterday at siya nalang ang natitira sa pamilya niya. Siniguro ko na binabantayan siya ni Erin habang may inaasikaso akong ibang bata.

Kinagabihan ay bumalik na rin sila Jaxon sa tent. I felt so relieved to see him wound free. Hindi katulad kahapon. Baka kasi may balak pa siyang dagdagan, e. Parang 'di pa siya satisfied sa natamo niyang sugat dahil "he can manage" pa nga raw kahit halata namang hindi.

Our eyes immediately met. Ako na mismo ang unang naglakad patungo sa kanya. I crossed my arms first before speaking. Tiningnan ko ang suot niya. He really looks good wearing his uniform.

On his right hand, he's holding his combat helmet, and on the left, he was using it to removing something from his ear. I bet it was an acoustic earpiece. I know these kinds of things because we mostly have it in our house.

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating ang babaeng sundalo na kasama nila kahapon. Tumingin muna ito sa akin bago binaling ang tingin kay Jaxon.

"Captain, everything's clear. I already checked the whole area. It's safe." May awtoridad nitong pagkakabanggit. Tumango naman si Jaxon sa kanya.

"Okay. Thank you, Zia. You can go back to the troop now." Anito.

Marahan namang tumango ang babaeng napagkaalaman kong Zia ang pangalan at saka sumaludo kay Jaxon. He saluted back, and the woman immediately left. Sinundan ko siya ng tingin.

To be honest, it still amazes me how many female soldiers we have here. I know it's tough and it can take a toll on their health, especially when they see children hurt. Iba pa naman din ang epekto noon sa aming mga babae lalo na kung may anak ka na.

Kung ako siguro 'yon, hindi ko kakayanin 'yon. Maswerte pa rin ako sa trabaho ko kahit na mahirap.

"Yes, Margaux?" agad na bumaling sa akin si Jaxon nang tuluyang mawala sa tingin namin si Zia.

I brought my eyes back to him.

"Uhm..." I struggled to find the right words.

Parang kanina lang alam na alam ko ang balak kong sabihin sa kanya ah? Bakit parang ngayon, nauutal ako at walang pumapasok sa isip ko?

"Uhh... I want to organize a checkup for the civilians at the barracks. I want to give everyone the medical attention they need. Especially the children. Ako na ang bahala sa mga bata. I'll assign Rico and Ethan to handle the check-ups for the adults. And for the soldiers, naman...we'll schedule another check-up for you pagkatapos na siguro ng check ups for the civilians. Napapansin ko kasi marami na ring sundalo ang nagkakasakit, so I think, as a doctor, we need to take action before everything becomes worse."

"Okay. Can you already do the checkups tomorrow?" tanong niya sa akin. Napaisip agad ako roon. Can I?

Can we? Pare-parehas kaming pagod. Pero kung uunahin pa naming indahin 'yon mas lalong dadami ang magkakasakit sa mga civilian. Baka magaya pa ang ibang bata kay Ully.

"Of course." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Nakita ko namang umangat ang gilid ng kanyang labi, pero binalewala ko iyon.

Enough of noticing everything he does, Margaux!

Tumango na lamang siya bilang sagot. Pero hindi pa ako tapos sa sasabihin ko. May isa pa sana akong hihilingin sa kanya.

"And uh...can I request something?"

"Sure. Go ahead."

I smiled a little.

"Can you join me at the lagoon tomorrow? Gusto ko lang sana pumunta roon." Medyo nahihiya kong sinabi. Pero wala naman dapat akong ikahiya kung sa simula palang siya na ang nag-offer na samahan ako roon kapag gusto ko pang bumalik.

Matagal bago siya sumagot. I'm starting to think na ayaw niya kasi baka nga naman may aasikasuhin siya tapos hindi niya magagawa 'yon dahil sa akin. Pero saglit lang naman, e! Like thirty minutes lang ganon!

"Pleeeease?" I pleaded. Hindi ko alam kung effective ba sa kanya ang puppy eyes, but I still tried, and all I got from him is a clenched jaw.

"Thirty minutes lang, promise!"

Tinaas ko ang kanang kamay ko para ipakita sa kanya na tutupad akong thirty minutes lang kami roon. I just want to clear my mind off.

"Fine."

"Yes!" medyo napatalon pa ako sa tuwa. I bit my lip and smiled at him.

"I'll wait outside your room at six o'clock."

"Six o'clock?! Ang aga naman! Pwede bang mga eight o'clock na lang? Para may two hours pa ako para matulog? I still have to do something tonight. Tapos wala akong tulog buong araw dahil dun sa operation kagabi. Tapos ngayon, eto...ayaw mo rin no'n? May oras ka rin matulog!" I pouted.

"Fine. Eight o'clock it is then. I'll wait outside your room at exactly eight o'clock."

"O kaya gawin mo nalang nine o'clock para may one-hour interval?" I bargained.

"Eight o'clock, Margaux." he answered lazily. I chuckled a little.

Okay, if you say so, Captain Sungit.

"Okay! Thank you!" I said cheekily.

Kumunot ang noo niya sa akin parang hindi naiintindihan kung bakit ganoon ang tono ng pananalita ko. I chuckled and hit him playfully on his shoulder.

"We're friends na, okay?"

Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya dahil agad din akong umalis sa harap niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang naglalakad palayo. I don't need to see his reaction, dahil alam kong nagugulohan na naman siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top