Chapter Five

Song: Drunk- ZAYN

Drunk

Pagkabalik namin sa headquarters ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ang iba sa team ko ay sinasalubong ako upang ibalita ang nagawa nila rito pero hindi ko sila pinansin. I'm too tired to hear reports.

My patient's death always has this effect on me. Matagal bago ko malimutan iyon. Masakit para sa akin ang hindi mailigtas ang buhay ng isang pasyente. Even though I don't really want to be a doctor, hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon. May puso naman ako kahit papano.

Gabi na nang mapagdesisyonan kong lumabas sa kwarto. Nakasalubong ko pa ang iba kong kasamahan na may dala-dalang pagkain.

"Oh, Doktora! Sumama ka po sa amin. Magkakaroon lang po ng kaunting salu-salo sa labas." Nakangiti niyang sinabi sa akin.

"Para saan?"

"Ah! Para sa unang gabi po natin dito sa Afghanistan."

Kumunot naman ang noo ko. Wow! Hindi ako na-inform na kailangan palang i-celebrate ang unang gabi namin dito?

"Edi bukas magce-celebrate rin kayo kasi unang umaga natin dito?" Sarkastiko kong sinabi. Tumawa naman siya.

"Si doctora talaga! Tara po! Nandoon na rin po si Doc Ethan."

Sumunod naman ako sa kanya. May nakalatag na banana leaf sa lamesa. Mukhang boodle fight pa ata ang gustong mangyari ng mga 'to ah?

"Saan kayo nakakuha ng mga pagkain?" tanong ko nang sumali ako sa kanila. Lahat sila ay lumingon sa akin at ngumiti. Ang iba naman ay bumati pa.

"Ah! Bigay po ng mga sundalo 'yan! May nakahanda na po kasi talagang mga pagkain sa atin, e." Sabi ni Erin. Tumango naman ako.

Mamaya maya pa ay may mga naglabas na ng alak. Agad akong napangisi nang makita ko ito. Ang tagal ko na ring hindi nakakainom! Lagi na lang kasing kape ang iniinom ko. Nakakasawa na!

"Oh? Saan naman kayo nakakuha niyan?" Tinuro ko ang mga alak. Humarap naman sa akin si Ethan.

"I asked a soldier to buy it for us."

"I can't believe you did that, Ethan." He winked at me.

Napailing ako at tiningnan muli ang mga nakahandang pagkain. Nae-excite na akong uminom ulit!

Sana walang sundalo na pinoy rito ang magsumbong kay Daddy. Because I'm dead! Baka isipin no'n ito lang ang inaatupag ko rito. Libo-libong sermon pa ang aabotin ko sa kanya or worse... pabalikin niya ako roon! Wala pa akong ilang araw rito!

Siguro, kailangan ko na ng kakunchaba na sundalo rito para walang magsusumbong sa akin? Si Captain Sungit kaya? Hmm...parang 'di pwede, e. Masyadong loyal ang isang 'yon kay Daddy. Maybe I could use my charms para ma-convince siya na 'wag akong isumbong kung makikita niya man kami.

It would be impossible if my charms won't work on him! Ang ganda ko kaya!

Nang matapos na nilang i-set up ang kakainin ay nagsimula na kami. Agad kong pinaabot ang isang bote ng alak. Abot langit ang ngiti ko nang nahawakan ko na ang bote pero agad rin namang napawi ito nang may tumawag ng pangalan ko galing sa aking likuran. Agad akong lumingon para tignan kung sino ito.

Oh! Si Captain Sungit! What is he doing there? Gusto niya rin bang maki-join? Pupwede naman!

Pare-parehas ding napabaling ang mga kasamahan ko sa gawi niya.

"Oh, no. Are we in trouble?" Tanong ni Erin.

Umirap ako at nilapag ang bote ng alak at saka lumapit sa kanya. Mamaya 'yan sa akin.

"What do you want?"

"What do you think you're doing?" he asked. Natawa naman ako ng bahagya. Bakit naman parang galit na galit?

"We are just having fun. What's wrong?"

"Did you know that it's not allowed to bring alcoholic drinks inside the headquarters?"

I acted like I was shocked. Nilagay ko pa ang kamay ko sa bibig ko para kunwari nagulat talaga ako.

"Talaga ba?!" Matalim niya naman akong tinignan. Binaba ko yung kamay ko at inirapan siya. "Grabe! Ang KJ mo naman! Saka ngayon lang 'to noh!"

"I promised your Dad to keep an eye on you. Want me to say what you are doing right now?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Is he threatening me? I crossed my arms over my chest to challenge him. I'm not letting him report this to my father! Kakainis naman ang isang 'to!

"Umiinom ka ba ng alak?" I asked. His eyebrows creased.

"Why are you asking?"

"Just answer my question, Jaxon."

Sinamaan niya ako ng tingin nang tawagin ko siya sa kanyang pangalan.

"Yes. I drink and what is it to you now?"

Ngumisi ako at pinalakpak ko ang dalawa kong kamay.

"That's good! Join us!"

"What?"

"Join us!" Ulit ko.

"No." sagot niya. Pabiro ko naman siyang tinulak.

"Come on! Kaya ka siguro ganyan kasi ang tagal mo ng hindi umiinom? Naiingit ka 'no?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Sabi ko na nga ba, e! Naiingit lang ang isang 'to.

Syempre, sa tinagal tagal na niyang naglilingkod sa bayan, minsan na lang siguro siya makauwi. Ibig sabihin lang din no'n, matagal na siyang hindi nakakainom! Kaya okay, I'll be generous na rin. Aayain ko na siya.

"Excuse me, Margaux," mapanghamon ko siyang tiningnan. "I don't drink when I'm working. Unlike you."

I rolled my eyes. Dapat na ba siyang award-an ng most promising soldier of the year?

"You're still thinking about work during this hour? Duh? Gabi na! At wala ka na ring duty kaya malaya ka nang uminom!"

His jaw clenched. Malapit ko na siguront mapigtas ang pasensya niya. But, oh well! He started it.

"I'm telling your dad." he said with finality. Lumakad siya palayo kaya hinabol ko siya at pinigilan sa gusto niyang gawin.

"Oh my god! Please, no!" I pleaded with my eyes. Umaasang baka maawa siya sa akin. "One-day lang talaga! As in ngayon lang! Magce-celebrate lang kami. And we'll keep it down. I promise!"

He didn't answer. I was scared he wouldn't listen to me.

"Kung gusto mo...ako na mismo magsasabi kay Daddy. Promise!" I raised my right hand to show him that I'm keeping this promise. He crossed his arms.

My eyes immediately darted to his massive arms. I gulped. Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya nang mapansin kong masyado na pala akong nakatitig doon.

Gosh, Margaux! This is not the right time for that.

"Fine, but this would be the last time." He gave in. I was glad. Lumaki ang ngiti ko.

Mabilis naman palang kausap ang isang 'to, e!

"Yes! Thank you!"

Pagkatalikod ko sa kanya ay saka ako umirap. Kala mo naman talaga! S'yempre, 'di ko sasabihin kay Daddy na uminom ako rito! Gusto niya bang mapagalitan ako? At isa pa, daig niya pa si Daddy, e. Kala mo naman talaga!

"Cheers!" sigaw naming lahat.

We were having a fun night. Masarap ang mga pagkain at masarap din itong beer!

Pangatlong bote ko na 'to ngayon. I'm feeling so light already! Ano bang klaseng beer itong binili nila at ang bilis agad ng tama sa akin? I stumbled a little beside Ethan.

"Woah, Margaux! Are you drunk already?"

"Drunk? Of course not!" Sabi ko sabay tungga ko sa alak. I want another one. Aabutin ko na sana ang isa pang bote nang pinigilan ako ni Ethan.

"That's enough."

"KJ ka rin, e! Para kang si Captain Sungit."

"Captain Sungit?" he asked questioningly. Napahawak ako sa aking ulo.

Bakit ko sinabi 'yung nickname ko para dun sa Jaxon na 'yon?

"Just some soldier." I said, trying to kill this conversation now.

"May ka-close ka na agad na sundalo?"

"Bakit? Gusto mo rin i-close? Gusto mo ng friend?"

"Margaux..." he said in a threatening voice. "Who is it?"

"Why are you asking? Kailangan ba alam mo kung sino?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. He doesn't need to know!

"Just tell me who it is."

"Why do you sound so jealous?"

"Am I not allowed to sound jealous?" Tamad ko siyang tinignan.

Ugh! Here we go again...

"Yes. Because you don't have the right to be jealous."

"But what if I have?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gosh! He's not only weird but he's also crazy! If having that attitude would be a crime, he's already behind bars now.

"You don't." I said simply.

I heard him sighed heavily. Inalis ko naman ang tingin ko sa kanya. Sabay kumuha ng barbecue at kinagat ito.

"Look, Margaux..." he made me face him again habang may barbecue sa bibig ko.

"What, Ethan?"

"I like you."

He said that out loud, na pati ang iba naming kasamahan ay napabaling ng tingin sa amin. Binaba ko ang barbecue na nasa bibig ko. Tamad ko siyang tinignan sa mata.

Sabi ko na nga ba! Tama talaga yung hinala ko! Pano ba naman kasi 'yung mga moves niyang oh so baduy, 'di talaga gumagana sa akin. I wasn't being delusional after all.

"I knew it."

"Well, thank God you knew!" He said seriously.

"Okay..." I shrugged my shoulders. "Ethan, let's just enjoy the night. Let's not ruin it."

Humarap muli ako sa mga pagkain. I heard him chuckle and made me turn to him again.

"Aren't you going to say something?"

"Why? Am I supposed to say something?"

He chuckled sarcastically.

"Goodness! Margaux, all this time, I thought you also liked me."

What? Where did he get that idea? Matawa-tawa pa ako nang madinig ko ang sinabi niya. Siya pala 'tong delusional at hindi ako!

Tiningnan niya naman ako ng masama. I think he felt insulted because I laughed it off instead of taking it seriously.

Paano ba naman kasi...nakakatawa talaga! Who freaking gave him that idea? Ni hindi nga ako nagpakita ng kahit ano mang sign na gusto ko siya, e.

"Paano mo naman nasabi yan?" patuloy parin ako sa pag-tawa.

"Because every time you're pushing me away, akala ko ginagawa so I can come running and chase you again and again."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mas tumawa ako nang malakas. Nanahimik naman ang lahat.

Grabe! Ang sama ko! But I'm sorry, this is just so funny!

"Wow! Sa tinagaltagal na nating magkakilala ngayon ko lang nalaman na ang lawak pala ng imagination mo!" sabi ko.

His jaw clenched. Napayuko siya at hindi magawa akong tingnan sa mata.

Oh! I think I just bruised his ego!

"You sure know how to hurt feelings, Gauxiena." Tumigil ako sa kakatawa. Seryoso ko siyang tiningnan.

"I'd rather tell you the truth, Ethan. I don't want you to think that I like you. Ayaw kong umasa ka sa hindi naman totoo. I like you as a friend, okay? At hanggang doon lang 'yun." I excused myself.

Totoo nga ang sinasabi nila na kapag lasing ka, masyado ka nang honest. As much as I don't want him hurt, hindi ko mapipigilan.

Hindi ko naman alam na lahat pala ng ginagawa kong pagtanggi sa kanya ay iniisip niya na paraan ko para habulin niya ako. The truth is, I deny him all the time because I'm not interested. At 'yun ang totoo. Tapos malalaman ko, kabaligtaran pala 'yung iniisip niya.

I left the celebration because I honestly have no energy to argue and deal with anything that concerns his feelings towards me. He took it the wrong way when I was being true to him all this time!

Muntikan na akong matapilok habang naglalakad patungo sa kuwarto ko pero mabuti na lang at may sumalo sa akin. Tumingala ako at nakita kong si Captain Sungit pala 'to. Hindi parin pala siya tulog!

Ano doktor din ba siya at may shift siya ngayon? It's past one o'clock in the morning!

"Sa lahat-lahat ba naman ng pwedeng sumalo sa akin, ikaw pa?" sabi ko at tinayo ang sarili nang maayos.

"You're drunk." Aniya.

"No!" I chuckled. I denied kahit na obvious naman na lasing na talaga ako.

"I'm going to tell your dad."

"Oh, come on! Ang laki-laki mo na sumbongero ka parin."

Jaxon glared at me. Aba! Bakit hindi ba totoo? Mga bata nalang ang mahilig mag-sumbong ngayon! At hindi na siya bata! Ewan ko ba kung ilang taon na 'to pero mukha namang mas matanda siya sa akin ng ilang taon. But it doesn't really matter kasi gwapo naman siya kahit matanda na siya.

Napailing ako. Humakbang ako palapit sa kanya pero mabilis siyang umatras. Tumawa ako at saka inabot 'yung pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko, pero hindi naman niya inalis o tinampal man lang ang kamay ko. Baka gusto niya rin?

"Ang gwapo-gwapo mo sana kaso sobrang seryoso mo sa buhay. May time ka pa bang sumaya?" I tap his cheek.

"I have my own ways of having fun, and it's entirely different from yours."

"Oh, tell me about it."

Marahas niyang inalis ang kamay ko sa pisngi niya.

"Why would I tell you?" He asked seriously.

"Dahil friends tayo?"

Jaxon scoffed. "Friends? Since when?"

"Since...now? Oh, come on! You're so serious!" I hit his arm playfully. "Alam mo, may isa pa akong alam na way para sumaya yung isang tao."

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. I couldn't think straight. That's what alcohol does. Kung ano-ano gagawin sa utak mo. Tapos kung ano-ano rin masasabi mo. Gaya ng sasabihin ko ngayon...

He gave me a questioning look kaya naman sinagot ko siya. Well, nabasa ko lang naman 'to at hindi ko alam kung totoo.

"I read an article saying that sex makes people happy." I chuckled nang naalala ko na naman. I smiled at him sweetly. "I wanna know if it's true. Want to have sex with me?"

Tumawa ako nang malakas dahil sa naging reaksyon niya. Kala mo naman ngayon lang may nag-aya sa kanya na makipag-sex! At saka he looks like someone who's good in bed pa naman. He's giving me that big dick energy.

Oh my gosh, Margaux! Your drunk mouth is being unbelievable right now!

"Do you want to?" Nagulat ako sa hamon niya. I smirked.

"Well, if you'll ask me—" I was about to say yes, but he cut me off! Bastos!

"I have so much respect for you and your father. Thanks for the invite, but I'm not interested." Aniya at saka niya ako nilagpasan.

My jaw dropped. Did I just get rejected by this stiff and  boring soldier? How dare him! Para namang luginpa siya sa akin ah?

Sinampal ko naman ng ilang ulit ang sarili ko. Goodness, Margaux! What are you doing?! What were you thinking?!

Nang dahil sa kahihiyan ay tumakbo ako papasok sa kuwarto at mabilis na pumasok sa banyo para maghilamos. My cheeks are flushed from embarrassment.

Don't ever drink again, Margaux! Don't! Lalo na kung kaharap mo si Jaxon! Naku! Pinapahiya mo lang ang sarili mo!

"How am I going to face him tomorrow?" I asked myself and slapped my cheek again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top