Chapter Eleven
Song: No Angel- Birdy
Care
Dahan-dahan kong tinaas ang mga kamay ko gaya ng sabi ng goon na ito. Nanlilisik ang mga mata niya habang tinitingnan ako. I looked at him with a disgusted look on my face. Habang siya, tinitingnan niya ako like I was some kind of prey!
"Please, sir. We mean no harm. Please don't hurt us. We're just here to see the lagoon and nothing else." Pakiusap ni Ethan, pero itinutok lang nito sa kanya ang baril.
I heard him gasp. Napatigil siya sa pagsasalita, natatakot na baka sa oras na magsalita siyang muli, iputok na sa kanya nang tuluyan ang baril.
"Sir, we can talk about this, right? What do you want from us?" I asked the goon.
Sinubukan ko nang magmakaawa. Baka lang naman effective. Mga doctor lang naman kami na gustong mamasyal at tingnan ang lagoon na ito at wala nang iba.
"Sir, please. We'll do anything you want; just don't–" He cut me off by speaking their own language, which made me shut up.
Hindi ko kasi naintindihan.
"Staak die twee van julle!" Aniya. Nag-aalalang tumingin sa akin si Ethan.
"We only understand english, sir. Please–"
"I will put this bullet straight into your head if you don't shut up!" Napatigil ako sa pagsasalita dahil doon.
May tinawagan naman siya sa kanyang walkie talkie pero walang sumasagot ni isa roon. He sighed in frustration. Humahanap siguro siya ng back up para madala kami ni Ethan sa lungga nila.
Oh my god! If that happens, we have no way out! Maaaring gawin nila kaming hostage! Walang magliligtas sa amin dahil wala namang nakakaalam na umakyat kami rito!
Goodness gracious, Margaux! Bakit ka pa kasi sumama rito? Dapat sumama ka sa taong alam mong kaya kang iligtas! Ethan's clearly not capable of doing that! I saw him punch before pero parang hindi enough 'yon para ma-overpower niya itong goon na 'to.
Lumingon sa likod niya ang terorista, nakita ang bag na dala ko. Laman noon ay ang medical kits ko. Bakit ko ba kasi nadala 'yon paakyat dito? Tiningnan niya naman kaming muli.
"Who's the doctor?" Tanong nito.
Hindi ko pa alam ang isasagot. Ayokong ilaglag ang sarili ko dahil baka sa oras na malaman niyang doktor kami, kunin niya kami at gawin niya kaming bihag. O 'di kaya, kami 'yung pagamutin nila roon sa mga kasamahan niyang napuruhan!
Oh my god! No. Hindi ko kayang gawin 'yon. Though I took an oath...pero kasi...it's complicated!
Ituturo ko lang sana si Ethan so I can play safe, pero nagulat na lang ako nang nakita kong nakaturo na rin siya sa akin! We're both pointing at each other. Sabay kaming napatingin sa daliri naming nakaturo sa isa't isa.
Napapikit na lang ako at napailing. Playing safe attempt: failed.
"Traitor!" I hissed.
"Margaux!" He said at the same time. I groaned.
Na-frustrate siguro sa amin ang lalaking ito kaya itinutok niyang muli ang baril sa aming dalawa sabay ikinasa ito. Mas lalo akong kinabahan. Kayang-kaya niyang paputukin ito sa kahit ano mang oras kapag hindi kami umayos ni Ethan.
"Answer properly!" The terrorist shouted. Umirap ako at sumagot na lang.
"We are both doctors, sir, and that bag is mine." I answered for the two of us dahil mukhang naputulan na ata ng dila itong si Ethan. Tumango ito at lumuhod para tingnan ang nasa loob ng bag ko.
"Gosh, Ethan! Paano ka nakakapunta rito nang ligtas?" Bulong ko sa kanya habang binabantayan ang bawat kilos ng terorsitang ito.
Hindi ako sinagot ni Ethan at nagpalinga-linga lang. Umirap ako at tiningnan muli ang ginagawa ng isang 'to. He checks what's inside my bag thoroughly.
"Dit is genoeg vir my troep. Nou het ek die dokter nodig." anito at nagpatuloy sa paghalughog sa bag ko.
Ang hindi ko alam, ito na pala ang pagkakataon ni Ethan para tumakas at tumakbo palayo. Leaving me alone with this goon!
Fucking traitor!
He ran so fast na pagkakamalan mo siya si The Flash. Nagulat na lang ako sa biglaan niyang pagtakbo. Why didn't he inform me na may plano pala siya? Ang selfish!
Wala nang pagkakataon pa upang makapag-react ang terorista dahil nakatakbo na ng malayo si Ethan. He is nowhere to be seen!
Sana naman pagbaba niya ay buhay pa ako at makahingi pa siya ng tulong. 'Yun na lang ang tangi niyang magagawa para sa akin pagkatapos niya akong iwan dito. Hayop!
The goon stood up and carried my bag. Naglakad siya palapit sa akin. Umatras naman ako. He looks taken aback by my sudden reaction so he glared at me.
"Please...don't do anything bad to me. You want that bag? Fine. That's yours now. But please... don't kill me." Pagmamakaawa ko.
Muntikan na akong umiyak. Takot na takot para sa buhay ko. Kulang na lang ay lumuhod ako habang ngumangawa para lang pakawalan na niya ako.
"Hoekom is jy so praatend? Jy maak my irriterend." Masamang tingin ang iginawad niya sa akin. Nagugulohan ko siyang tiningnan.
"I'm sorry, Sir. But I can't understand–"
"Shut up!"
Napapikit naman ako sa takot. Kinuyom ko ang aking mga palad para pigilan ang sariling umiyak.
'Wag kang magpapadala sa takot, Margaux! You're braver than this!
"You! Come with me." Utos niya pero hindi ko siya sinunod.
"No, sir. Please..." I tried to get his sympathy again. "You want money? I can give that to you. You want more medical supplies? I can get you a lot! But please... don't kill me. I still want to live."
Kulang na lang ata ay lumuhod na talaga ako sa harap niya para pigilan siya sa pagdakwit sa akin. Umiling siya at hinawakan ako sa braso. Agad akong lumayo.
"Hoy! 'Wag mo nga akong hawakan! Nakakadiri ka!" Sigaw ko sabay tampal ng kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. Napaatras siya sa sinabi ko, hindi inaasahan na magsasalita rin ako ng ibang lengwahe.
Kala niya siya lang pwede ha?
"What did you just say?" Itinutok niya sa ulo ko ang baril. Napapikit ako ng mariin.
Sa ngayon pa lang... kailangan ko nang tanggapin ang kapalaran ko. Baka hanggang dito na lang ang buhay ko. I may die today without even saying goodbye to my family, friends, and those people who became close to my heart.
Sana sa pagkamatay ko... mamatay rin sa konsensya itong si Ethan pagkatapos niya akong iwan.
"P-please... We can talk about this, right? There's no need to point your gun at me..." my voice broke. My eyes remained closed. Baka sa oras na dumilat ako, hudyat na niya iyon para paputukin ang baril sa ulo ko.
"If you don't shut up... I will put this bullet straight into your head!"
Mas diniinan niya ang pagtutok ng baril sa ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig nito sa sentido ko. Once he pulls the trigger, I'm dead. As in dead. Wala nang chance para mabuhay pa ako.
Nagdasal ako sa Panginoon para humingi ng tulong. I didn't stop praying mentally hanggang sa makarinig ako ng pagkasa ng isa pang baril.
Goodness! Isa na ba 'to sa mga kasamahan niya?
I was already preparing to die. Iniisip ko kung paano ako magpaparamdam sa pamilya ko para sabihin sa kanila na namatay ako ng may natitirang dignidad sa sarili. Hindi ako lumaban. Nakiusap lang ako.
Iniisip ko na rin kung paano mumultohin si Ethan habang nanghihingi ako sa kanya ng hustisya.
"Try...and I'll be the first one to put this bullet straight into your head."
Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Unti-unti akong napadilat at nagulat nang makita ko si Jaxon na nakatutok din ang baril sa ulo ng teroristang may hawak sa akin.
My mouth parted to see him here. Paano niya nalaman na narito ako? Did Ethan tell him? And he went straight here? Oh god!
Saglit na nagtama ang tingin namin. He tilted his head a little bit as if he's signalling me something. Nilakihan ko siya ng mata upang ipakita na wala akong alam sa mga signal nilang mga sundalo. He sighed in frustration.
Humalakhak ng malakas ang terorista. In one swift move, he trapped me inside his arms, trying to choke me. Hinawakan ko ang braso niya, sinusubukan pigilan na huwag niyang idiin nang husto sa akin iyon. He pointed his gun at my head.
Jaxon immediately became alarmed. He pointed the gun properly at the terrorist. The mad man laughed mockingly at him.
"You won't be able to save this civilian once I pull this trigger. Soldiers are useless." mukha namang hindi nainsulto itong si Jaxon sa sinabi niya dahil tinaasan niya pa ito ng kilay.
"Margaux..." tawag niya sa akin, hindi pinansin ang sinabi ng lalaking ito. Mabilis akong napatingin sa kanya. I gave him a questioning look.
"Kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. Naiintindihan mo?" Napalunok ako pero tumango rin naman ako agad.
Sige! If that's the only way I can save myself from this goon then I will fucking doing do it! With all my life and strength, I will fucking do it!
"W-what are you two even talking about, huh?!"
The terrorist demanded an answer. Halatang nagugulohan sa nangyayari. Ilang saglit na tumitig sa akin si Jaxon bago niya ako sabihan na tumakbo na.
"Run, Margaux!" He shouted, then he shot the terrorist on his left foot.
Nabitawan ako nito at agad na ininda nito ang sakit na nararamdaman. I took this chance to get away from his hold and hide behind a tree while I watched Jaxon mercilessly punch the terrorist.
Kahit na natatakot ay hindi parin nagpatinag itong puso ko sa mga nararamdaman nito habang nakikita si Jaxon na nakikipaglaban. He sexily punches the guy on his jaw and on his stomach. Lalaban pa sana ang terorista pero mas mabilis si Jaxon at naikasa agad nito ang baril at pinaputok ito sa kanya. He shot him dead.
Kitang-kita ko ang pagbagsak nito at ang pag-agos ng dugo nito. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat. Hindi alintala kay Jaxon ang pagpatay niya rito dahil tiningnan niya lang ito habang nakahandusay na.
Hingal na hingal siyang lumingon sa akin. I couldn't take my eyes off of him dahil sa oras na iyon...saka ko napagtanto ang pagkakaiba ng mundo namin.
While doctors are busy trying to save people's lives. Some soldiers kill people to save people.
Kinuha niya ang medical bag ko at lumapit sa akin. Walang pag-aalinlangan niya akong hinila palayo roon.
"I told you, you are not allowed to go anywhere! Bakit mo ako sinuway?" Galit na galit niyang tinanong sa akin.
"Inaya lang kasi–"
"You should've declined! Paano na lang kung hindi ako dumating ha? Paano na lang kung hindi agad ako sumugod dito?! You could've been killed by that guy!"
Bakit...parang galit na galit naman siya?
Sa tingin ko ay mas natatakot pa ako sa kanya kaysa roon sa bumihag sa akin kanina. Tears immediately pooled my eyes because of fear.
Wala kang oras maging emosyonal ngayon, Margaux! Control yourself! Huwag mong ipakitang mahina ka pag natatakot. 'Wag!
He's like my dad when he's mad. He reminds me so much of him. Na parang kaunti na lang ang pasensya niya at kayang-kaya na niya akong saktan ngayon.
"You are my responsibility because your father asked me to protect you! Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang pinabayaan kita ha? Maaari akong maalis sa–"
"If you're that worried about your ranking, then I can explain myself to my father for you. Para hindi ka masira sa kanya. It is my fault at alam ko ang kabayaran ng mga ito."
Hindi ko na napigilan pang tumulo ang luha. This is because I'm scared that he will hurt me. I'm scared that he's just like my father.
"I don't know how will I thank you for saving my life. Pag nakababa na tayo rito, I will call my father right away para sabihin sa kanya ang nangyari." Pinadaan ko ang likod ng aking kamay sa aking baba para punasan ang luha ko. "I'm sorry for the trouble I've caused."
Kinuha ko naman ang medical bag ko sa kamay niya at saka siya nilagpasan. Akala ko concerned siya sa akin kaya siya nandito ngayon. Kaya hindi siya nagalinlangan na tulungan ako. Kaya ilang ulit niya akong pinoprotektahan. 'Yun pala, importante lang sa kanya ang ranking niya sa army. Takot siyang mawala sa kanya ito ng dahil sa akin.
Sabagay...sino nga naman ba ako para pagtuunan niya ng pansin 'di ba? Kung hindi lang naman sa kanya binigay ang misyon na ito, hindi kami magkakakilala. Hindi sana ganito. Hindi sana siya namomoblema sa pwesto niya ngayon.
At sino ba naman ako para sabihin na may pakealam siya sa akin? He told me that I was just his responsibility because my father asked him to, pero hindi dahil gusto niya.
Akala ko, mararamdaman ko na kung paano magkaroon ng pakealam sa 'yo ang isang tao. Hindi pa rin pala.
"Oh, and by the way..." hinarap ko siyang muli kahit nakakaramdam pa rin ako ng takot. He coldly stared back at me.
"Hindi ko hahayaang mawala ka sa pwesto mo kung 'yun ang kinakabahala mo. Kahit ba mamatay ako, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Again, thanks for saving my life."
"Margaux, that's not—" hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil tuluyan ko na siyang iniwan doon kahit na alam kong titig na titig siya sa akin habang naglalakad ako palayo.
I should've accepted that not all people will care for me. That not all people will care because they want to, but because they were asked to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top