5


CHANTAL LANE SY

"Excited na ako, bakla!" ani Joko.

Napangiti ako habang nakatingin sa mga designs na nasa ibabaw ng mesa.

"Me too."

"Excited na rin akong matapos ang store at i-display ang mga designs na 'yan doon," saad ni Frein.

"Ngayon pa lang, kino-congrats na kita, Chantal Lane!" muling sabi ni Joko.

"No, congratulate yourselves as well. You contribute a big help to this brand."

Iniwan ni Joko ang trabaho niya sa business nila just to work with me, at Frein naman sinara ang sarili niyang dress shop just to also work with me. Kung wala ang mga ideas and suggestions nila I don't think I would come up with better ideas.

"Iba talaga pag walang istorbo sa buhay. Grabe ang focus!" ani Frein.

"Na-chika ko sa'yo, Nakaharang sa elavator cyst while back hugging!" ani Joko.

I immediately rolled my eyes.

"Bati na ba kayo agad agad, bakla? Gusto mong tuktukan kita, huh? Trenta kana dapat makunat-kunat kana hindi marupok, teh!"

Lumapit ang dalawa sa akin at ginitgit ako sa gitna nilang dalawa.

"Ano? Gusto mo saktan ka namin ngayon din?" Tanong ni Joko at binangga sa akin ang balikat niya.

"Ano ba..." natatawang sabi ko.

"Ano? Gusto mong iuntog ka namin nang malala? Wala kang kadala-dala huh," ani Frein.

Tinaas ko ang kamay ko sa ere. "I'm not stupid, okay?"

"Sus!"sabay bigkas ng mga ito.

"Baka kaunting matamis na ngiti lang litaw ang mahiwagang dimples baka makalimutan mong may hinanakit ka," ani Joko.

"Oo naman, no! Kaunting comment sa mga photos, pinaka-magandang wifey raw sa balat ng universe."

"Gandaaa!" pang-aasar ng mga ito.

"Baka nanginginig na 'yung kabit niyan! Hindi ba't finollow ko no'ng Kara na 'yon before? I'm sure she's watching."

Ayoko nang pag-usapan pa ito. I never see Gaberielle on her posts. Still, alam kong they were working with each other abroad.

"Kung nagkataong ginustong maging mowdel nitong kaibigan natin, e baka nawalan siya ng trabaho."

Natawa ako nang bahagya hindi dahil sa sinabi nito kung hindi dahil sa pagbigkas nito ng mowdel. Para itong may sipon na hindi ko maintindihan. Lagi nilang binibigkas nang ganoon iyon pero natutuwa pa rin ako. They were just really funny.

"Tingnan mo naman, oh, pak! Akala mo hindi iniwan ng asawa!"

"Hindi halatang dalawang taon nang walang dilig!"

Napailing ako. "Tumigil na nga kayo."

"Anyway mga bakla, nabasa niyo na ba message ni Russ sa group?"

"Hmm, anong sabi?" tanong ko kay Frein.

"Dinner daw tayo sa private place. Bawal mag-no."

"Aba, basta kamo bigyan niya tayo ng tig-limang milyon, bakit hindi?" ani Joko.

"Masama 'yong biruin," natatawang sabi ko.

Baka mamaya padalhan talaga siya nito ng limang milyon. Sa aming lahat si Russ talaga pinaka-galante. Minsan kailangan mo talaga itong unahang magbayad. She was really fun to be with. Even she was a billionaire kahit saan mo ito dalhin ay wala itong problema. Isa rin ito sa ikinahahagalpak ko ng tawa. Ibang iba ang pagiging jolly niya sa dalawa pang Sandoval. Si Kier masyadong seryoso, si Ate naman balance lang.

Matagal din tahimik ang byahe. Hindi nagsasalita si Joko o si Frein which was so unusual of them. Napapansin ko rin ang pag-uusap ng mga ito sa tingin kahit pa si Joko ang nagmamaneho at kaming dalawa ni Gabe ang nasa likuran ng sasakyan.

He was just talking about Gabby. Kung anong ginwa ni Gabby the whole day with him.

"So..." Mukhang nahanap na rin ni Frein ang boses at bagagyang bumaling kay Gabe mula sa passenger seat. "Sinong pinagkakaabalahan mo the past 2 years?"

Natahimik ang buong sasakyan. Frein seemed to be waiting for an answer.

"Tanga!" mahinang bulong ni Joko rito habang abala sa pagmamaneho. "Ano hindi sino."

Kahit pabulong iyon ay siguradong narinig pa rin sila nito. Agad bumaling si Frein rito.

"I mean... ano. Anong pinagkakaabalahan mo the past 2 years," muling tanong nito at ngumiti nang alanganin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling ni Gabe sa kanya habang hinaplos pa rin si Gabby.

"Uh... photography. 'Yung company na pinapasukan ko, mga models at ibang sikat na personalities ang kinukuhanan ng litrato."

"Oh... mowdels?"

I closed my eyes. Pinigilan kong tumawa o kahit ngumiti man lang sa pagbigkas nito. Kita ko ang pigil na tawa ni Joko.

"I hope you don't mind if I ask, paano mo nahanap 'yung company nila? Balita ko hindi madaling pumasok sa ganoong imdustry sa New York."

"Ah, tinulngan lang ako ng... kaibigan ko."

"Sinong kaibigan?"

Diretso akong tumingin sa daan preparing myself sa pangalang pwede kong marinig. Mayroong katahimikan sa loob ng sasakyan. Frein was waiting for an answer. Alam ko naman kung bakit niya iyon tinatanong.

"Oh... I'm sorry. Masyado akong matanong," anito nang ma-realize na mukhang wala itong planong sagutin ang tanong niya.

Somehow, alam ko ang sagot. Nakaramdam na naman ako ng kurot sa dibdib ko.

"My cousin kasi, he wants to work in New York din. Photographer din just like you," palusot nito.

Gabe just nodded.

"Bakit ka naman bumalik dito? Nakita ko ang ilang kuha mo sa ilang magazines, mukhang bigatin. Sayang naman?"

"Natapos na kasi 'yung contract ko at tsaka makaipon na ako nang sapat."

"Hmm, hindi mo ba passion ang pagkuha ng litrato? So you go there lang para makaipon?"

"I'm still taking pictures. Na-miss ko lang 'yung... bansa. Naisip ko lang mas maraming maganda rito..." Naramdaman ko ang paglingon nito sa akin, "na tingnan at kuhanan ng litrato."

I suddenly felt uncomfortable.

Frein did not give up. He kept asking questions. Alam kong gusto lang niya itong hulihin. But I guess he would never mention her. Hindi na ako magtataka if he would protect her.

Tumingin lang ako sa labas ng bintana sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa private place.

Agad din sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko sina Russ, Hailey, Ate at ang mga asawa nila. Niyakap namin ang isa't isa.

"Ninong, Ninang!" sigaw ni Jaden at hinawakan ang kamay namin ni Gabe habang naka-tingala sa aming dalawa.

Ginulo ni Gabe ang buhok nito.

"Sa susunod na pasalubong mo ha?"

"Yey!"

Napangiti ako rito. Kuhang kuha niya pagiging masiglahin ng mga magulang niya. Wish ko lang hindi siya lumaking chismoso katulad ng ama't ina niya at hindi niya makuha ang pagiging talakera ng nanay niya.

Papasok na sana kami sa loob pero may dumating na magandang sasakyan. Kahit hindi pa bumaba ang mga ito ay alam kong iyon ang mga dugong maharlika na gawa sa ginto ang bathtub kung saan sila naliligo ng limapak-limpak na pera.

Bumaba si Kier sa driver's seat. Pinagbuksan nito ng pinto ang bestfriend kong mahaba pa kay Rapunzel ang buhok.

Agad akong napangiti nang makita ko ito. Pinagbuksan rin ni Kier ng pinto ang magandang bata sa backseat.

Agad itong tumakbo papunta sa amin. Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi ng kaibigan ko habang hapit ni Kier ang baywang nito na palapit sa amin.

Her smile was just so priceless. Tila may kung anong nakayakap sa dibdib ko because I knew, I could see in her eyes kung gaano siya kasaya.

"Bal! Miss you!" Agad salubong ni Hailey rito at niyakap ito.

"I miss you too."

Pagkatapos ni Hailey ay ako naman ang yumakap rito. I missed to hug her. Pakiramdam ko lang I would be fine. Seeing how happy she was, parang gusto ko ring maniwala na magiging masaya rin ako.

Hinaplos nito ang likod ko and I knew what that means. I'll be fine and she's with me.

Bineso rin nito sina Russ, Ate at sina Frein at Joko.

"Bakla, hindi ko pa nakakalimutan 'yung pagsapak sa akin ng asawa mong yummy, kahit kiss na lang sa sinapak niya para makapagpatawad naman ang puso kong sawi."

Nakaingiting napailing na lang ako kay Joko. Akala mo ay hindi ito in a relationship kay Leroy. Ang pambansang crush namin noon.

"I'm sorry, Joks, but I won't allow that. If you want ako na lang ang hahalik sa'yo," nakangiting bigkas ni Zen.

Mukhang kahahasa lang ng pandinig ni Kier at agad nakalapit at nakahapit sa baywang ng kaibigan ko.

"No."

"Ang dadamot!" pagmamaktol ni Joko.

Tinawanan lang namin ito.

We all congratulated Zen and Kier dahil 6 weeks pregnant na si Zen. Ngayon lang namin ulit nakita ang mga ito dahil noong kasal pa namin sila huling nakita. Mukhang in-enjoy talaga nila ang isang buwang honeymoon nila.

Before the dinner started, tumayo si Russ sa gitna ng hapag katabi si Brent.

She cleared her throat. "I'm happy that we are again complete. Congratulations Mr. and Mrs. Sandoval." nakangiting anito. "Anyway...we invited you for dinner because Brent and I just wanna tell everyone that... we're having a little angel."

Nakaramdam ako ng tuwa at excitement sa sinabi nito. Kita ko ang kinang sa mga mata nila ni Brent, how happy they were.

"Woah! Congrats, tol! Matagal mong hinuli 'yan," ani Jade.

Hinaplos ni Brent ang buhok ni Russ. "Pre, pumirmi kana sa bahay, ha? Ipagpapatayo na lang kita ng mall sa gilid ng bahay."

Napatawa kami nang mahina rito. Hilig talaga ni Russ ang umalis. Madalas ay tumatawag sa amin si Brent para lang itanong kung kasama namin ito.

Kani-kniya kaming bati sa mga ito. It was really something to celebrate.

"Argh, our baby isn't a baby anymore," ani Jade. Tumayo ito at nilapitan si Russ para yakapin.

"No worries, she will always be a spoiled brat," saad ni Ate.

Russ rolled her eyes at her habang nakayakap kay Jade. "Hater."

"Anyway, guys, kami rin may annoucement," ani Jade. Napatingin kami lahat rito. "Buntis 'yung... kapitbahay namin."

Agad itong hinampas ni Russ. Napatawa ito.

"Seriously, masusundan na si Jaden," nakangiting anito.

Napatingin ako sa kaibigan kong malapad ang ngiti.

"Wow, congrats, bal!" I said excitedly.

Sunod-sunod ang bati sa mga ito. Muli itong tinabihan ni Jade at hinalikan ito sa mga labi.

Tinuro ni Russ si Ate like asking kung buntis rin ito.

Ate shook her head. "Nope."

Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa amin ni Gabe. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman kong humihingi sila ng sagot.

"Kailan—" Tinutop agad ni Hailey ang bibig ni Jade.

"Pag nag-walk out na naman 'yan, tutusukin ko ng tinidor 'yang nguso mo," mahinang sabi nito ngunit rinig na rinig ko pa rin iyon.

She was always like that. Kapag may ibubulong ito sa akin ay rinig din ng taong ginagawan niya ng chismis.

Joko cleared her throat. "I'm pregnant! 19 months na, wala bang magtatanong?"

Russ immediately groaned. "Come on..."

Masyado lang akong emotional noon. Pakiramdam ko tutulo ang luha ko lalo pa at matagal ko itong hindi nakita. Umaapaw lang ang iba't ibang pakiramdam sa dibdib ko.

I was happy for my friends. Alam ko kung gaano sila kasaya. Habang nagtatakbuhan sina Keizel, Klein at Jaden, na-realize ko na napag-iiwanan na talaga ako.

Sa totoo lang, after Ram and I had broken up, hindi ko na naisip pa noon na magkaka-pamilya ako. I wasn't worried na tatanda akong dalaga. I already expected that. Naisip ko lang na wala naman talagang tatagal sa ugali ko, but then... Gaberielle came into my life. He gave me happiness... and pain.

It was a long night of laughers. Si Gabe na ang nagmaneho at ako ang nakaupo sa passenger seat dahil ang dalawa ay nakatulog na sa backseat. Mukhang napagod ang mga ito dahil sila ang naging clowns kanina.

Nanatili akong nakatingin sa daan. I had a great night. Hindi ko na gustong masira pa iyon. Pinilit kong hindi ito lingunin kahit pa saglit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top