ENTRY #8
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog nga ba ako. Pumikit lang ata ako dahil hindi ko mapigilan ang pagtutubig ng mata ko dahil sa post na iyon.
Pasado alas otso ay umalis ako para pumunta sa shop ni Kezia. Wala naman kaming usapan pero gusto ko lang umalis sa bahay dahil baka magmukmok lang ako kaya sa kanya nalang ako tatambay.
"Sarap ng four days lang ang pasok ano? Gala-gala lang pag free day" bungad niya sa akin pag bukas ko palang ng pinto sa shop niya.
Wala naman masyadong tao pero hindi pa kasi siya nakakahanap ng helper kaya busy parin kahit papaano.
"Anong gagawin mo dito?"
Dinaanan ko lang siya. "Magkakape"
Dumiretso ako sa pantry para mag timpla ng coffee. Saktong kumulo na ang init tubig at magsasalin na ako sa baso ng pumasok siya.
"Bakit ganyan ang mata mo? Umiyak ka ba?"
Nilanghap ko muna ang kape bago ako humigop ng matindi. I need this. Maingat akong umupo dahil baka matapon ang kape ko.
"May makakain ka ba dito? Hindi pa ako nagaalmusal eh"
Tumalikod siya sa akin saglit at mula sa kung saan nag labas niya ng white bread. Nilapag niya iyon sa mesa at umupo sa tabi ko.
"Wala kang palaman?"
"Demanding nakiki-almusal lang"
"Sino tao doon?" tukoy ko sa shop niya.
"Sinirado ko muna"
Napahinto ako sa tangkang paghigop muli ng kape.
"Bakit? Sayang benta"
"Maya na after mo baka maubos mo kape ko kapag iniwan kita mag-isa dito."
Napabuntong hininga ako habang nilalapag ang mug sa mesa. Tinignan ko ang tinapay, hindi ako natatakam kainin dahil wala akong gana.
"Nagkita kami ni Zander kahapon" Panimula ko.
"Hindi ba may date ka kahapon?"
"Oo tapos nandoon din siya sa eksaktong lugar tapos basta maraming nangyari tapos.." nalulungkot ko siyang tinignan "hinatid niya ako hanggang sa Robinson kasi ayuko magpahatid sa bahay tapos akala ko.. ewan siguro natuwa lang ako kaya naisip ko tanggalin ang pagkaka-block niya sa akin tapos noong ginawa ko na.."
Hindi ko natuloy ang sasabihin sa halip naluha ako. Agad na napabuntong hininga si kezia at inabutan ako ng tissue.
"Tama naman iyong ginawa kong desisyon hindi ba?"
Mas lumapit siya sa akin at marahang hinagod ang likod ko. "Sabihin nating tama pero Masaya ka ba? Kasi sa nakikita ko hindi. Dalawang taon ka nang ganyan."
"Sorry ah, alam ko napapagod na kayong makinig sa paulit-ulit kong kwento"
Alam kong kung babalik ako sa panahon na iyon ay gagawin ko parin ang ginawa ko dahil iyon ang dapat gawin eh, iyon ang dapat para sa aming dalawa ang unahin ang ibang bagay bago ang sarili. pero parang tinutusok ng patalim ang puso ko sa bawat araw na dumadaan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"Gusto mo siyang balikan ano?"
"Hindi ko alam" Halos bulong kong sabi.
Aaminin ko noong nagkita kami ulit parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya pero natatakot ako sa hindi ko siguradong dahilan at hindi ko maintindihan ang emosyon na iyon.
"Ano ba kasing kinakatakot mo?"
Yumuko ako at nag-isip ng mabuti. Ano nga ba? ano ba ang hindi ko maamin sa sarili ko. After a while it hits me. Mabilis na pumikit ang mata ko kasabay ng pagbasak ng hula sa pisngi ko.
"I'm afraid that I'm not someone he needs" sa wakas ay naamin ko. "After ng nangyari naisip ko tama ang mommy niya. Hindi ako ang babae para sa anak niya. Hindi ko kayang suportahan si Zander kapag nagkaroon ng problema kasi magkaiba kami ng Field. like, tignan mo katulad ng nangyari."
Lalo tuloy akong naiyak. Ngayon ko lang napagtanto na namalagi pala sa akin ang mga salita ng mommy niya at dahil doon natatakot ako.
"But you are someone he wants and it is proven that wants always win over needs. How do you think kumikita ang online shop?"
Natawa kami pareho dahil pare-pareho kaming apat suki ng online shopping kaya nga ang main emoji namin sa group chat ay clown dahil pinagloloko lang daw namin ang sarili namin. kunyare titingin lang pero mamaya may add to cart na.
"Besides, Hindi lang naman iyon ang paraan para suportahan ang isang tao." hinwakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya ng sapilitan. "Hindi mo ba naisip na mas effective ang moral support?"
Tinabig ko ang kamay niya at umiling. "Hindi na dapat natin 'to pinaguusapan eh. Tutal masaya naman na siya. Ako lang naman ang naiwan, kasalanan ko naman"
"I think kailangan niyo mag-usap. Hindi para sa kanya kundi para sa iyo kasi sabi mo nga masaya na siya. C'mon nasaan na iyong Carmela na handang sumugal palagi? iyong okay lang kahit plumakda basta ginawa niya ang best niya. Kinain ba ng singko na grade lahat ng lakas ng loob mo? "
Uminom ako ng kape na may mumunti ng ngiti. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Natugunan ang mga blangkong tanong sa isip ko.
Dinugtungan ko ang sentence niya ng palagi kong sinasabi sa kanila noon. "Mahirap magkaroon ng regrets" sabi ko kasabay ng mapait na ngiti.
"Pero maiba ako, kamusta nga date mo?"
Well, May itsura siya at halatang may kaya medyo may problema nga lang sa alak. I think medyo alcoholic, base narin sa amount ng wine na ginawa niyang tubig.
"Okay naman" tangin sagot ko.
"papasa? jowable?"
Gugustuhin ko bang magka-jowa ng puro party at malakas uminom ng alak? sa unang tingin palang halatang medyo spoiled si johny.
"Hindi ako sure"
Nginitian niya lang ako at iniwan na sa pantry dahil magbubukas na daw siya sayang ang araw tutal mukhang okay na ako.
Tinulungan ko nalang siya sa shop dahil wala naman akong gagawin ng araw na iyon. Puro estudjante ang bumili ng kailangan nila sa shop kaya minsan kapag nagkakachikahan ay tinatakot namin sila sa course na tinatahak sabay sabing joke lang.
"May natawag sa iyo" sabi ni kezia sabay sipat sa cell phone ko na nag charge sa gilid.
Saktong dinampot ko ang telepono ng bumalik sa lock screen. Doon ko lang nakita na ang dami na palang text sa akin ni nanay.
'Ate nasaan ka?'
'uwi ka ate may paguusapan tayo'
'Carmela umuwi ka muna'
'Nandito ang tito Ron'
Si tito Ron ay panganay nila mama. Nagsend ako ng 'Pauwi na po'
"Kezia pinapauwi ako"
"sige ingat"
Nagmemeryenda sila pagdating ko sa bahay. Kakaiba ang tiningan ng mga magulang ko kaya naman bigla akong kinabahan.
"Carmela maupo ka" sabi ni nanay
Lalo akong kinilabutan dahil seryoso at pangalan ko ang gamit niya na hindi naman niya normal na ginagawa maliban kapag galit siya sa akin. May nagawa ba ako?
"May problema po ba?" Lakas loob kong tanong.
"Anong year na ba ngayon ang kapatid mo?" Tanong ni tito Ron
"First year palang po"
"Business Course tama?"
Nilingon ko sila nanay. Napapabuntong hininga ito samantalang si tatay nakasimangot.
"Kasi hija may gusto sana akong ipa-manage and since hindi pa graduate ang kapatid mo, ikaw sana ang hahawak ng Restaurant namin sa Makati"
Tinitigan ko si tito kung seryoso ba siya at mukhang oo.
ilang akong ngumiti "Hindi po ako marunong.. Engineering po tinapos ko wala po akong alam sa paghahawak ng negosyo"
"Ako nalang kuya mas alam ko ang mga ganyang bagay" sabat ni nanay.
"Edi si Carmela nalang maiiwan dito sa bahay para sa asawa mo?"
"Hindi ko na nga kayang magtrabaho pero nakakakilos pa naman ako" sagot ni tatay.
Nagsalitan ang tingin ko sa kanila. Naguguluhan at Kinakabahan nagtagal ang tingi ko kay tito Ron.
"Bakit po ako?" Bigla kong naitanong.
Natigilan sila sa mga sagutan nila. May anak naman si tito bakit dadayuhin pa niya kami dito tsaka hindi naman amin iyon bakita kailangan ako. Isa pa, wala akong alam sa pag handle ng negosyo technology ang course ko.
"Ibibigay ko sa iyo ang 25 percent profit ng restaurant"
Hindi parin niya sinasagot ang tanong ko.
"45!"
Nanlaki ang mata ko at nabibiglang nilingon ang nanay ko na naka fighting mode on. Nakataas pa ang kanang kamay niya.
"30!" Sagot ni tito Ron.
"43!" Bawi ni nanay.
"Ano 'to bingo?" Sabat ni tatay.
"35 huling tawad!" Tuloy lang si tito Ron at hindi pinansin si tatay.
"41!! Aba! Kasalanan ko bang tamad ang mga anak mo at pariwara sa buhay!" Tumayo pa si nanay habang nakaturo kay tito Ron.
"Sige 40! Last na talaga! Malaking halaga na iyon dahil malakas kumita ang Resto na iyon!"
Kampanteng bumalik sa pagkaka-upo si nanay, nawala na rin ang matapang niyang mukha. Uminom muna siya bago ako hinarap.
"Ano ate? Gusto mo ba?"
"Masyado na akong maraming inaasikaso Carmela at nako iyong mga pinsan mo puro hindi maasahan. Kaya sige na, pamilya naman tayo hindi ba?"
Kahit nakikiusap pa ito ay may kasiguraduhan na sa mata niya. Napatingin ako kay tatay, umiling siya sa akin.
"Makakatulong din iyon para sa inyo hindi lang minimum ang kikitain mo"
Good point. Pero kasi..
"Nag engineering ang anak ko Ron dahil gusto niya maging engineer"
"E hindi naman pumasa ng board exam 'to 'di ba?"
Yumuko ako para pigilan ang sarili ko na sagutin si tito. Sasagot pa sana si tatay pero umawat na ako.
"Okay lang 'tay"
Alam kong ilalaban niya ako lalo pa at alam niyang kagustuhan ko sa field na napili ko pero tama naman si tito Ron mas malaki ang kikitain ko pag tinangap ko ang offer niya.
"Hanggan kailan naman po?"
"Hindi pa ako sigurado sa ngayon, kapag napilit ko ang pinsan mong mag matino sa buhay"
"Sige po"
Masayang umalis ang tito ko, sabi ko bigyan ako ng panahon para makapag resign na pinag tatrabahuan ko. Sabi niya ay bilisan ko dahil nawawalan na siya ng gana sa katiwala niya sa resto dahil kinukupitan daw siya.
"Alam mo naman kung ano gusto ng anak mo bakit pumayag ka pa?"
Nakatulala ako sa kwarto ng bigla kong marinig ang boses ni tatay sa baba. Sa lakas noon ay panigurado rinig din sa labas.
"Pansamantala lang naman. Sayang din kasi pandagdag sa pambili ng mga gamot mo"
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pinakinggan sila ng maiigi.
"Wag na kasi iyang mga pain reliver - pain reliver na iyan mamamatay narin naman ako."
"Tatay ano ba iyan!" Sigaw ni butchoy. "Nasa labas palang ako rinig ko na kayo ano bang issue" kararating lang nila no carla.
"Iyang nanay mo, ewan ko ba diyan"
Pinuntahan ko na sila sa sala. Dismayado ang itsura ni tatay. Nakasimangot naman si nanay, si Carla dumiretso na sa kwarto dahil umiiyak si Calder. Si butchoy kamot ulo akong lumapit sa akin.
"Anyare ate?"
"Magbihis ka na mamaya na tayo mag usap"
Tatalikuran na niya sana ako pero hinawakan ko ang braso niya at pinigilan.
"bili ka alak inuman tayo" bulong ko.
"May pasok ako bukas" dahilan niya pero nakangiti at nangaasar.
"Pag tropa kahit may exam kinabukasan pwede! pag kapatid ayaw?"
Sinenyasan niya akong manahimik. Hindi kasi alam nila nanay na gawain niya iyon. Nahuhuli ko lang siya lagi kaya alam ko.
"Sige after kong ihele si Carla este iyong anak namin."
Binatukan ko siya, tatawa-tawa siyang pumasok sa kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top