ENTRY #7
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid, pwede naman ako magpasundo sa driver ng kaibigan ko"
Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang sa halip hininaan niya ang aircon at tinutok sa kanya lahat ng vent. Nasa kalagitnaan kami ng traffic pauwi ng Cavite, May kinuha siya sa backseat tapos ay nilagay sa kandungan ko ang hawak niya.
"Mabuti nalang may dala akong jacket" aniya na hindi parin tumitingin sa akin.
Bumper to Bumper ang traffic ngayon sa Talaba kaya malamang gagabihin kami. Nag text narin ako kay Angela na hindi ako papasundo sa Driver nila.
"Gagabihin ka kapag hinatid mo ako, ibaba mo nalang ako sa may crossing. May masasakyan na ako doon"
"it's fine, pupunta ako kay ate sa tagaytay kaya idadaan na kita." tinulungan niya akong isuot ang jacket. "Saan ka ba?"
"Kung pupunta ka sa ate mo sa Robinson Dasma mo nalang ako ibaba, may terminal doon papunta sa amin."
This time tinignan na niya ako. Nakataas ang kilay at nagsusungit ang mata. Bumalik saglit sa daan ang atensyon niya dahil bahagya kaming umusad pero tinignan niya ulit ako paghinto namin.
"Hindi ko malalaman na safe kang makakauwi kung hindi kita mismo sa inyo ihahatid."
Napakamot ako sa likod ng tenga. think fast Carmela.
"ahhmm.. i-message nalang kita sa.. Facebook"
Naka-block siya gaga!
"You blocked me, and you changed your number."
Napanganga ako. binuka ko ang bibig para magdahilan pero hindi ako nakaisip ng sasabihin. Alam niya pala.
"Fine kung ayaw mo talaga hindi kita pipilitin."
Nahihiya akong ngumiti.
"Sino ba naman ako 'di ba"
Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Sa tono niya kasi ay parang nagtatampo siya. Hindi ko alam kung bakit nag panic ako, baka ako lang ang nag-iisip na ganoon dahil bakit naman siya magtatampo.
"Ano nga palang ginagawa mo sa restaurant kanina, meeting?"
Ako na ang nag open ng topic para bawasan ang kailangan sa sitwasyon at sa huli niyang sinabi.
"Catch up lang."
"ahh.. friend mo iyong kasama mo?"
"That's Maverick, kasamahan ko sa banda noon. He's getting married"
"ahh" awkward kong sagot.
Mahabang katahimikan ang dumaan sa amin. Dahil sa kailangan nilibot ko ang tingin ko sa loob kahit wala naman masyadong makikita. kumunot ang noo ko ng may mapansin sa ilalim ng upuan sa backseat.
"Gulong ba iyan nasa ilalim ng upuan mo?"
"yes" aniya ng hindi manlang ako nilingon.
"Bakit may gulong diyan?"
"oh it's nothing. may dala lang akong spare tire pero hindi na kasya sa Compartment so nilagay ko diyan sa ilalim iyong isa."
Napuno ng hinala ang isip ko, hindi naman siguro gagawin ni Zander na magnakaw ng gulong 'di ba? tsaka bakit naman niya gagawin iyon.
"Ilan ba ang nasa likod?"
"tatlo ata? and may iba pa kasing nakalagay kaya hindi nagkasya"
inosente ang boses niya pero hindi ko mapigilan na hindi maghinala.
"so mayroon kang apat na spare tires?" pero nakakapanghinala naman kasi talaga!
"yes!"
"Why would you need so much?" Sakto pang apat!
Ayuko isipin na ginawa ni Zander iyon para sadyain na hindi ako mahatid o madala kung saan ni johny pero kung oo, pwede ko bang isipin na baka may something pa siya sa akin.
"tig isang pares kami dapat ni maverick pero ayaw niyang dalhin iyon share niya kaya ako na nagdala"
Pinanliitan ko siya ng mata. "you know, may CCTV sa hotel so kapag may nangyaring nakawan o kahit anong kalokohan makikita sa video"
Sumulyap siya sa akin ng nakangiti. " hmm? yeah ganoon nga"
"so kung may ginawa kang kalokohan, may video" ulit ko dahil parang hindi niya na gets ang una kong sinabi.
"yes ganoon nga kung mayroon, kaya lang wala. so walang video."
"Are you sure wala?" tinitigan ko siya pero hindi talaga nagbago ang expression niya. Kalmado at nakangiti.
"yes" mayabang niyang sabi.
"okay" suko na ako.
maya-maya ay tumawa siya. "why? iniisip mo bang ako ang nagnakaw ng gulong ng ka-date mo para hindi ka niya mahatid o madala kung saan? is that what you think?" hindi parin nawawala ang mayabang niyang ngiti.
"yes" walang pagdadalawang isip kong sabi.
"yes" pagmamalaki niyang sagot.
"yes? like yes? ginawa mo iyon dahil doon?"
Hindi ako makapaniwal. Bakit? may something pa kaya siya sa akin?
"yes! pero walang video"
"what do you mean?"
"a friend of mine take care of it. Maverick is a businessman, Marami siyang connections"
Nasapo ko ang noo ko. Too much information parang sasabog ang isip ko . Hindi ko alam eksakto ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero sure akong may parte sa akin na kinikilig ng medyo konti lang naman.
"What the fuck Zander" hindi ako makapaniwala na totoo ang conclusion ko kanina.
"Language Binibini"
Bigla akong napangiti pero bumaling ako sa kabilang banda para hindi niya makita. I miss that word. Para akong nananaginip ngayon dahil hindi ko ni minsan naisip na posible ko pang marinig iyon mula sa kanya.
tumikhim ako "Bad ka" iyon lang ang nasabi ko.
Gusto kong iumpog sa bintana ang ulo ko dahil sa kakaibang saya na nararamdaman ko. hindi ko mapigilan ang pagngiti.
Katulad ng napag-usapan sa Robinson niya ako hinatid. Humanap siya ng lugar na pwede niya i-park ang sasakyan. Sabi niya hihintayin niya akong makasakay bago siya tumuloy sa ate niya kaya naman nakatayo lang siya sa gilid habang pinupuno at naniningil ng pasahe noong nasa Multicab na ako.
Sa dulo ako naka-upo kaya nakatanaw ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Nakatingin lang din siya akin at parang hindi kumukurap. kumaway ako sa kanya ng umalis na ang sinasakyan ko. hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hanggan sa nawala na siya sa paningin ko.
"Kamusta ang date mo?" sabi ni Kezia.
Ilang oras na akong nakauwi pero hanggan ngayon hindi mawala ang ngiti ko. Nakapaghilamos na ako at nakabihis ng pantulog ng mag desisyon kaming mag video call.
"Masaya"
"Halata nga sa ngiti mo. Kwento ka! gwapo ba siya? Masaya kausap, ano mga pinag-usapan niyo?" si Regine
Sumulpot sa isip ko ang mukha ni Zander kaya napatili ako ng bahagya.
"Ayieee! First date nag click agad" si Angela.
Nawala ang ngiti ko. Magkaiba kami ng iniisip. Si Zander ang dahilan kaya ako ngumigiti at wala akong magandang maku-kwento tungkol kay johny.
"O? bakit parang bigla kang nalungkot?" si Regine
"may nangyari ba" nahihimigan ko ang kakaibang pagdududa sa boses ni kezia kaya bigla akong kinabahan.
Hindi ito ang tamang pahanon para ikuwento si Zander sa kanila. Ayuko sa Video call.
"Tsaka na kapag nagkita na ulit tayo ng personal"
"Hapyawan mo lang" suggestion ni Angela
Nagtahimik ako saglit at nag-isip.
"May nakita kasi ako kanina" panimula ko " kaya lang.. hindi ako sigurado kung ano ba talagang ibig sabihin ng nangyari kasi.."
"Si Zander" sabay-sabay nilang sabi.
Nagulat ako at natulala pero mabilis din nakabawi. "Malay niyo hindi siya"
"Wala naman iba" si Angela
"Huling beses kitang nakitang ngumiti ng ganyan College pa tayo" si Kezia
"Noong nag date pa kayo ni Doc,, kaya siya iyan wag mo na kaming lokohin" si Regine.
"ahh.. okay?"
"o siya! sa personal na natin pag chismisan! tayo na at matulog maaga pa ako magbubukas ng shop. Good night!" makahulugan akong tinignan ni kezia bago siya nag end call.
"Good night!"
"night!"
"Good night" pero ako nalang nakarinig ng pag good night ko kasi nilayasan na nila ako.
Wala manlang akong nakitang excitement sa mga mukha nila ng sabihin ko na nagkita kami ni Zander. Parang hindi pa nga sila interesado na malaman ang detalye o kundisyon namin dalawa.
Nagcheck ako ng block list sa social media account. Isa si Zander sa mga pangalan na nandoon. iniisip kong tanggalin ang pagkaka block niya dahil mukhang hindi naman dapat.
Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina. humiga ako sa kama ng patihaya. kasabay ng pagpindot ko sa unblock ay pumikit ako at bumungisngis. nang idilat ko ang mata ko pinindot ko agad ang pangalan ni Zander para mapunta sa profile niya.
Ang latest picture na nandoon ay parang family dinner. Nawala ang ngiti ko ng mapansin kung sino ang babaeng kasama niya at katabi sa table. that same girl na kasama niya aboard, that same face na dahilan kaya siya napunta sa block list ko.
Nakangiti silang lahat sa picture, Family ni Zander plus the girl.
Nagtubig ang mata ko at bigla akong nanginig. bigla tuloy nahulog ang cell phone ko at pulakda sa mukha ko. lalo akong naiyak dahil ang sakit ng ilong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top