ENTRY #5
^_^ : Last year June 18, 2020 I published my first story (Until we meet again) and now you're reading the sequel. Salamat sa mag-aantay ng story na ito, may tatapusin lang akong program babalik ako after.
--
Nakatulong ba nung lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa 'yo
Nakaupo ako sa gilid ng kama habang tumutugtog ang cell phone ko sa tabi. Sabi nila hindi ka masasaktan ng hindi mo alam kaya napaka pangit ni tadhana dahil pinaalam pa niya sa akin na Masaya na si Zander.
Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad, paalam
Kahit nasa'n ka man
Hindi ko tuloy mapigilan mag emote na ang background music paalam, patawad.
"Nahanap nga sarili mo, nawala naman ako, Masisisi mo pa ba kung ako'y susuko na? Hindi mo man mapakinggan ang aking mga dahilan Maitatanggi mo bang mahal na mahal kita?"
Hindi ako singer pero ang sarap lang talaga kantahin ng pasigaw ang mga linyang iyon.
"Sa aking paglayag, tiyak ika'y masasaktan Hangad ko'y maintindihan ('Di maintindihan) Na sa tamang panahon, hinding-hindi na iiwan Kung 'yong pagbibigyang muli ('Di kayang pagbigyan muli) Kahit anong gawin, 'di na mababalik ang dati. Paalam, salamat. Salamat sa lahat"
Magkakasunod na malakas na katok ang nangyari sa pinto ko after kong sabihin ang huling salita. Parang ginigibi ang pintuan ng kung sino man nakatok.
"Ate! Ate! Ate!"
Naiinis kong pinagbuksan ni butchoy. Naka-poker face ito.
"Bakit? kung makakatok naman"
"Sabi ni nanay ano daw nangyayari sa iyo at para kang sinasaniban sa loob." Aniya at umalis na.
Nakasimangot kong sinirado ang pinto. Basag trip naman , nakanta lang eh. Sinaniban daw.
Pinatay ko ang music pagbalik ko sa kama. Sumandal ako at nag-check ng messages.
'sleep well Carmela may date ka pa bukas'
Iyan ang huling chat ni angela, Nagtitipa na ako ng ire-reply ng may mapansin ako. Nanlaki ang mata ko ng isa-isang nagbabaan ang icon ni Regine at Kezia.
Sa group siya nag chat! Hindi personal.
'Sinong ka date?' si regine
'Ano meroon? May date ka Carmela?' si kezia.
'hala! bakit nandito iyong chat' si Angela
'Wala na na seen na' Reply ko.
Hindi lumipas ang isang minuto lumitaw ang mukha ni kezia sa screen. tumingala ako at saglit na nanalangin.
"Sino ka date mo?" bungad niya.
"Blind date" bulong ko.
"Tindi!"
"Galit ka?"
"hindi, mag share location ka nalang para alam namin buhay ka. Sige go enjoy!"
Kunot noo ako ng ibaba ang phone. That was easy, hindi ako komportable parang may iba.
'sorry carmela!' text ni angela
'okay lang'
'One time lang 'to promise :('
'okay lang naman kung umulit :) '
'what? O.o '
'Wala naman masama single naman ako :D '
'ayie nag move on! okay sige! enjoy bukas! may susundo sa iyo sweet dreams'
Kinabukasan sinukat ko ang yellow dress na binili ni Zander kung kasya ba sa akin never ko itong nasuot kaya hindi ako sure. Wala naman na kami tsaka hindi naman big deal siguro kung ito ang susuotin ko.
Pinarisan ko siya ng sandals na may two inch heels. Medyo kulot ang buhok ko at nag apply ako ng light make up. tinitigan ko ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si tatay na nakaupo sa sofa at nanunuod ng t.v. hindi na masyadong nakakakilos si tatay kaya pinagtaka ko na wala siyang kasama.
"Si nanay po?" sabi ko paglapit.
Nagulat siya paglingon sa akin. tinignan ni tatay ang kabuohan ko at halata sa mukha niya ang tanong.
"Aalis po sana ako 'tay"
"Saan ka pupunta?"
"May.. date po" alinlangan kong sagot.
Tumango ito. "O sige enjoy ipakilala mo sa amin ah"
" Tay date lang di pa ako sure"
"Hindi mo naman siguro ide-date kung hindi ka sure"
Natahimik ako at nag-isip ng isasagot.
"Tsaka gusto ko naman makilala kung sino ang potentially boyfriend or husband mo bago ako mawala"
"Wag nga po kayo magsalita ng ganyan matagal pa kayong mabububay"
Tumabi ako sa kanya sa sofa at chi-neck ang maliit na parang basket sa tagilirin niya. iyon ang sumasalo ng dumi niya. wala pa naman laman kaya hinarap ko siya.
"Alam mo naman na tinaningan na ako ng doctor"
"Doctor lang po siya , hindi Diyos. Hindi ako naniniwala sa ilang taon na sinabi niya"
"Ikaw talagang bata ka bakit ba ayaw mong maniwala sa doctor? E nag explain naman siya ng maayos sa inyo hindi ba?"
"Ah basta hindi ako naniniwala, oo nga at malala na ang kundisyon ninyo pero aabot pa kayo kapag nagka-anak ako. "
"Kailan iyon next year ba agad?"
"Tay naman! Kita niyong nag aaral pa si butchoy tsaka may bata tayong pinapalaki kaya matagal pa. Matagal pa din kayong mabububay"
Ang nang-aasar niyang mukha ay bigla nalang lumungkot. Nahawa tuloy ako at napasimangot bigla.
"Pasensya na anak ah, kung hindi lang matigas ang ulo ko at nagpa check up agad baka nasulusunan pa ito at hindi naubos ang pera natin"
Ngumiti lang ako. Naiinis din naman ako sa part na iyon pero wala na akong magagawa at ayaw ko na rin manisi pa.
"Basta! Matagal ka pa"
"Naku sana magka boyfriend ka ng doctor"
Masamid ako bigla at magkakadunod na umubo.
"P-po?"
"Dahil mukhang hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ng doctor dahil wala kang tiwala sa kanila. Kapag boyfriend mo siguro magtitiwala ka kapag siya ang nag explain sa iyo ng mga bagay-bagay"
Napalunok naman ako.
Tumikhim ako bago nagsalita "ayuko noon 'tay walang oras sa jowa"
"Magagawan naman iyan ng paraan. Tsaka propesyon naman iyon at hindi ibang babae bakit mo pagseselosan"
"Gusto ko iyong kaya akong pansinin. Tsaka baka mawalan din ako ng oras sa kanya kase busy ako sa pamilya, you know." medyo mapait ang pagkakasabi ko.
Hindi naman talaga issue sa akin ang time sadyang bitter lang ako sa isang doctor.
"Naalala mo noon bata ka ayaw kitang payagan na pag sayawin kasi baka maka-apekto sa pagaaral mo, pero sabi mo kaya mo naman at masaya kang mag preform at walang magbabago sa grades mo"
Nilipat niya ang channel dahil tapos na ang pinapanuod niyang movie.
"Binigyan kita ng chance at hanggang nag college ka hindi mo sinayang ang chance na iyon. Pareho lang iyon sa pagmamaahal anak. kapag gusto kayang gawan ng paraan na hindi naghahanap ng dahilan."
Napasimangot nalang ako. "Ah basta!"
Tinawanan niya ako ng nakahawak sa tagiliran, alalay lang baka may ibang lumabas.
"Paano kayo nanalo na best in thesis? Ang pangit mo dumipensa"
"Pseh! si tatay talaga. Aalis na po ako"
"Ingat anak, pabalik naman na siguro ang nanay mo bumili lang ng kutkutin niya."
Humalik ako sa pingi niya bilang paalam. Katulad ng sinabi ni Angela may maghahatid sa akin at hindi na ako nagtaka noong paglabas ko sa bahay ay isang silver na sasakyan ang nakaparada sa labas.
"Hello po" bati ko sa driver ng daddy niya.
Nagkabit ako ng earphone ng umandar na ang sasakyan. sabi ni Angela sa may pasay daw kami magkikita, sa pagmamay-ari na restaurant noong lalaki sa loob ng isang Hotel. Mag text lang daw ako kapag may problema o kaya magpapasundo na.
Paglabas namin ng Cavite bumuhos ang malakas na ulan. Nahimas ko ang braso ko, wala pa naman akong dalang jacket tapos lalamig ng ganito.
Bigla ko tuloy naalala ng mag baguio ako, sobrang lamig din pero napadpad ako doon dahil sa padalos dalos na desisyon na malimutan ang isang tao.
Nilingon ako ni kuyang driver ng bigla ako tumawa.
Parang ganito rin pala iyon. meet someone to forgot someone. pasabi sabi pa ako sa sarili ko na kakayanin ko mag-isa tatakbo rin pala ako sa ibang tao.
I'm going to meet another stranger. And just like before, in a cold weather in a place where I don't know anyone.
"Gusto niyo po ba kunin ang number ko maam o kay maam Angela nalang po kayo magsasabi?" sbai ni kuyang driver pagka parada niya.
"Sasabihan ko nalang po si Angela"
Sobrang lakas ng ulan pagbaba ko. Malakas din ang hangin at medyo nililipad ang palda ko kaya naman maingat akong naglakad papunta sa main entrance ng hotel. May isang lalaki na naka-formla attire ang nakatayo sa gilid ng main entrance.
Huminto ako sa paglalakad dahil nakatitig ito sa akin. Nakamot ko ang leeg ko dahil nakakailangan ang titigan namin. Hindi siya nakatiis at lumapit.
"Ms. Angela?"
"Carmela po pero.. ahmm" hindi ko alam paano ipapaliwanag. "Kaibigan ko po si Angela pero hindi siya darating ako po.. iyong.. may.. date?"
Para itong robot na tumango sa akin at nilahad ang kamay sa direksyon na dapat kong puntahan. Sa second floor niya ako dinala at ginabayan hanggang sa nakaupo na ako sa table.
yakap ko ang sarili dahil sa lamig ng aircon plus lamig ng ulan na parang umaabot dito. tinignan ako ng lalaki at hinawakan ang coat niya akala ko gentleman siya at ipapahiram niya sa akin ang damit dahil halatang nilalamig ako pero hindi, inayos lang pala niya.
"Sir johny will join you soon." aniya at umalis na.
Naiwan akong mag-isa. kinuha ko nalang phone ko para gawin ang share location na sinasabi ni kezia tapos ay nag scroll nalang ako sa Social media para hindi mainip.
Naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. isang lalaki ang preskong nakaupo at parang napilitan lang na pumunta dahil sa pagkakabusangot ng mukha niya.
pero ng magsalubong ang tingin namin alam kong pareho kaming nagulat. bahagyang bumuka ang bibig niya at ganoon din ako.
"Carmela?" hindi makapaniwal niyang sabi.
"hi" ako na halos pabulong.
"oy! nagkita tayo ulit! nice nice!"
iyong lalaki na nakausap ko sa party. iyong lalaki na nakita ko noong lumabas kami ni Poseidon. iyong john na sinasabi ni Andrea. Nandito ngayon sa harap ko.
Hindi ko alam ang dapat i-react.
"Sabi sa akin ni papa Angela ang pangalan ng ka-date ko" malawak na ang pagkakangiti niya at maaliwalas ang mukha.
"she's a friend but I'm the one who's here and siya dapat ang ka-date mo pero ako ang nandito ngayon."
ha? ano Carmela? shit! Nagpapanic ako!
"hindi ko akalain na makikita kita ulit." bawi ko sa hindi ko maintindihan na paliwanag kanina.
"me too! this is exciting! buti tumuloy ako."
Lumapit sa amin ang waiter at nag lagay ng wine. Automatic din na sumunod ang pagkain.
"I'm Johny Baguio"
Natigilan ako.
"Baguio? iyon talaga last name mo?"
Naguluhan ito. "oo bakit?" kinuha niya ang wine at sinalinan ang baso ko bago ang kanya. "may something ka ba sa baguio?"
"hindi naman, sabi ni Angela politician daw sa bacoor ang parents mo. parang wala naman akong naalalang Baguio na apelido"
"Taga bacoor ka din ba?"
"No, Dasma."
sumubo siya ng pagkain tapos ay uminom ng wine. tubig ang inabot ko para mahimasmasan.
"This is an unexpected meeting."
Nginitian ko lang siya.
"Hindi ka nagpakilala sa akin last time kinailangan ko pang ipagtanong ang pangalan mo sa mga tao and then hindi ka pumunta last party."
"ahmm.. Hindi kasi talaga ako ma party gusto ko lang itry"
Napansin nito ang paghimas ko sa braso at marahil ang pagtindig ng balahabi ko kaya hinubad niya ang coat na suot. Alam ko na ang gagawin niya noong tumayo siya.
Nahihiya ko siyang nginitian ng isampay niya sa balikat ko ang coat. Mabilis kong naramdaman ang kaginhawaan dahil sa pagbalot ng katamtamang init sa katawan ko.
bumalik naman siya agad sa upuan niya at umayos ng upo.
"Let's do this in the right way"
Nagiging komportable na ako sa sitwasyon dahil masigla siyang kausap. nilahad niya ang kamay sa akin.
"johny Baguio"
tinanggap ko naman iyon at nakipag shake hands
"Carmela Inessa Abades. Future licensed Enginer dahil ipapasa ko pa ang borad exam"
Nagtawan kami, hindi niya parin binibitawan ang kamay ko at nasa ere parin iyon sa gitna ng mesa.
"well then, Nice to meet you Miss Future Licensed Engineer. I'm johny Baguio Future Lawyer"
"And I'm Doctor Zander Mendez"
Bigla kong nabitawan ang kamay ni Johny at wala sa sariling napatayo ng lingunin ko ang may ari ng tinig sa tabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top